Miyerkules! Ang araw na masarap daanan! Kasi wala kami laging pasok.. Masarap kasi lagi ang gising ko, as usual, tanghali na naman, di naman kasi kelangang gumising ng maaga eh. Pero medyo maaga aga ako nagising, ay nga pala, may bagyo nga pala diba? Kaya pala ang ingay sa labas, puro buhos ng tubig ang naririnig ko. Naisip ko tuloy baka mawalan ng pasok bukas, panu yan? Di pa ata matutuloy ang pinaghahandaan kong Orientation sa mga First Year. Makabangon na nga, gusto kong tumingin sa labas, gusto kong makita ang pagbuhos ng malakas na ulan, habang pinagmamasdan si Mama, Papa at kapatid ko. Isa na namang unos ang dumating sa atin, nang biglang pagtingin ko sa labas, maliwanag, may araw? At ang lupa, malapit nang matuyo. Bumabagyo ba? Eh ano yung naririnig kong buhos ng tubig? Kaya pala, naglalaba lang pala si Mama, kaya ang puro agos ng tubig ang naririnig ko sa labas. Nu ba yan, kala ko naman kung napano na ang Pilipinas dahil sa pananalasa ni Ferria. Teka, diba Signal No. 2 daw sa Laguna? Parang di ko man lang ata namalayan ang pagbuhos ng malakas na ulan ah, ni hindi ko nga naramdaman ang malakas na ihip ng hangin, bumagyo ba? Di ko naramdaman, bakit? Ganun na ba talaga ako ka-busy? Kung anu ano ba ang nasa isip ko kaya pati bagyo di ko napansin? Haay ewan, basta ang alam ko hindi ko namalayang bumagyo ngayong araw na ito, bagyo ba talaga si Ferria? Parang hindi eh.
~¤~
Ok fine, kung hindi ko man maramdaman ang bagyo o kung di ko man namalayang umulan, pero tiyak ko, kahit umaraw man buong araw lahat ng mga nasa City Proper ng Calamba ngayon ay basa! Sabuyan nga pala ng tubig dun ngayon, Pistang Lungsod kasi sa karangalan ni San Juan Bautista. Wafakelz ako, di naman ako taga Calamba eh, at kahit andun man ako ngayon sa basaan, I think di ko 'yun ma-e-enjoy, paliligo nga sa ulan di ko trip eh, yun pa kayang mag-e-effort pa ako para mabasa at mambasa ng tao? Siguro di ko lang talaga gusto, para kasing di masarap sa katawan ang maligo ng may damit, pano pag magbabanlaw ka na? Feeling ko nakadamit pa din ako habang nagbabanlaw na sa banyo.
~¤~
Buong araw akong nanood ng T.V., nagpractice ng
No comments:
Post a Comment