Paggising ko kaninang umaga, ang gulo gulo ng isip ko, Haaay, Lunes na naman pero ang isip ko nasa kahapon pa din. Hindi masaya at maganda ang gising ko, ang lunkot lungkot ko, bakit ganun? Kakagising ko pa lang iba na kaagad nararamdaman ko, parang nararamdaman at nararanasan ko na naman yung kagaya nung dati na hindi ako makakain ng almusal kada umaga sa sobrang kalungkutan, dahil sa mga tao at pangyayaring nasa isipan ko. Haaay, pinilit ko na lang makakain, kelangan kong pumasok. Bakit ba kasi kung sino pa yung taong nagpapalungkot sakin siya pa yung laging nasa isipan ko, napanaginipan ko pa siya. Ang saya sana ng panaginip ko, kasi nakasama ko siya, kaso panaginip lang yun na kelangan kong magising.
~¤~
Nakauniform kami ngayon, medyo inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng sarili ko, kelangan maging maaliwalas ang mukha ko ngayong araw, unang araw ng linggo pamandin ngayon. Inisip ko na lang ang mga bagay na kelangan kong harapin para kahit papano, makalimot ako sa nakaraan. Sa jeep, medyo natuwa naman ako sa mga nakasakay ko, sa School, nawawala talaga ang mga kalunkutan once na nakikita mo na ulit ang iyong mga kaibigan. Masaya naman ang naging klase namin, well nakapagrecite naman ako ng maayos sa Humanities. Katulad ng mga araw ko sa School, masaya, todo kinig sa prof. kahit medyo inaantok, inaabot din minsan ng gutom.
~¤~
Uwian na, uuwi na naman ako ng Mamatid, feeling ko babalik na naman ako sa nakaraan, sa kahapon. Magkakahiwa-hiwalay ulit kami ng mga kaibigan, kaya babalikan ko na naman ang kalungkutan sa isipan. Ang hirap talaga pag nag-iisa ka na, pilit pumapasok sa isipan yung mga bagay na nakakapagpalungkot sa'yo, bakit ba kasi kung sino pa yung taong nagpapasaya sakin siya pa yung nagiging dahilan kung bakit ako nalulungkot. Bakit ganon? Dapat masaya ka pag naiisip mo siya pero minsan siya din ang nagiging dahilan kung bakit nalulungkot ka. Ganyan talaga ang buhay, pilitin nalang nating magpakasaya, sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga bagay at taong nagdudulot satin ng kasiyahan.
~¤~
Parang gusto ko tuloy magsimba, kaso every morning nga pala ang misa pag Lunes. Naisip ko tuloy na buti pa sa loob ng simbahan, wala akong naiisip na kalungkutan, sana Linggo na lang lagi, parang gusto kong maging busy lagi pag nasa loob ako ng simbahan. Pero minsan, di ko din maiwasang maging malungkot pag naiisip ko yung mga pangyayaring nararanasan ko pag nasa simbahan ako, kung pede nga lang na sa simbahan na lang ako lagi, at least magiging busy ako lagi at mawawala lahat ng kalungkutan ko.
No comments:
Post a Comment