Tuesday, June 19, 2012

PARA AKONG NAGLILIHI SA KWEK-KWEK, TOINK

Excited na excited ako’ng umuwi kahapon, dala-dala ko kasi ‘yung laptop na ginagamit ko sa office, kaya nga ba sumakit ang braso ko sa bigat ng bitbit ko, hanggang ngayon nasakit pa din. Wala naman ako’ng magawa sa laptop ko, since company property sya, naka-blocked lahat ng games at applications. Tuwang-tuwa pa man din si Mama, akala nya kasi makakapag-Facebook sya, toink.




Nagmamadali ako’ng gumala ngayon. Gusto ko kasing sumilip sa Baclaran, pupunta kasi doon ang Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga, ang alam ko nag-pe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga doon. Sa van pa lang ka-text ko na sina Joan at Lovelyn, namura ko pa nga si Lovelyn, nasakit daw ang ulo nya at ayaw nya daw gumala. Toink. Nasisira na naman ang kadena ng bike ko, bwiset. Pagdating kina Lovelyn, kinaon na namin si Joan, grabe tuwang-tuwa ang mga mata ko! Pagdating kina Joan, nanghiram na sya ng bike at gumala na kami, kakatuwa, para kaming nag-usap-usap, naka-violet kami lahat. Main Road to Bacalaran kami, pagdating namin ng Baclaran, madami ng tao sa daan, pero usual lang ‘yun, wala masyado’ng nag-aayos pa. Pero may gumagala na Van at nag-a-announce tungkol sa pagdating nga ng Eat Bulaga bukas, nakikiusap din na sana maging maayos ang pakikitungo ng mga taga-Baclaran sa Eat Bulaga, maging maayos sana ang pagpila nila sa mga numero at upang makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan ng Eat Bulaga.



Nakarating din kami ng Gulod, sa paradahan. Kaso ayaw nila doon kumain, so bumalik na na kami ng Mabuhay. Bumili kami ng Kwek-Kwek at kumain kami kina Lovelyn. Ang sarap ng Kwek-Kwek kahit bmedyo nabitin kami. Umuwi na kami kaagad, para hindi kami mapagalitan ng aming mga magulang at makagala ulit kami bukas, ‘di ba? Ababait naming mga bata ano? Toink.



Pag-uwi sa bahay, kaantok! Walang magawa sa laptop. Makatulog na! :))

No comments:

Post a Comment