Sunday, June 17, 2012
"DON'T CRY, THIS IS MY LIFE"
Linggo na nga lang ang tanging araw na gigising ako ng tanghali, kaso ngayon maaga na naman ako gumising kasi 10 AM ang duty ko sa simbahan. Hindi nakakatamad bumangon kasi alam kong sa Tahanan ng Diyos ako pupunta. Maganda din naman ang gising ko kasi napanaginipan ko 'yung matagl ko ng crush nung College, hay, na-miss ko tuloy sya, kasi sa panaginip ko nag-uusap kami, magkatabi kami, miss ko na talaga sya, parang totoo na magksama kami. Hmm. Ang lalong nagpa-excite pa sa akin ay dahil Commentator ako ngayon. Gustung-gusto ko ang mag-commentator sa misa. Pagdating sa Simbahan, nag-panalangin na ako kay San Vicente at Panalangin sa mga Pari, aba’y sh-in-ortcut ko na, kasi nakukutuban ko na nanduon na si Father, kailangan ko na’ng magpa-misa. Tinapos ko kaagad ang Panalangin, forgive me Lord, nagpamisa na kaagad ako. At kagaya nga ng kutob ko, nakapila na si Father sa likod, bago pa lang ako nagpapamisa, andami pang mga kaluluwa ang pinamisa ko. Nag-start na kaagad, natatawa ako, kasi si Ate Onor (Psalmist) nung nag-start sya kantahin ang psalm which is “Lord, it is good, to give thanks to you”, pero ang pag-kanta nya “Lord, it is good, to give thanks to the Lord”. Redundant ‘yung sentence, akala ko nagkamali lang siya sa una, pero hanggang huli nung ni-repeat nya for the alst time ang psalm, ganun pa din “Lord, it is good, to give thanks to the Lord” so, mali nga talaga ang alam nya’ng verse. Napatawa na lang ako, pero hindi naman halata, kagaya ng pagso-shortcut ko kanina sa Panalangin sa mga Pari, hindi halata ang pagso-shortcut ko, kasi hindi naman alam ng tao ‘yun, kami-kami lang ang nakakaalam. Forgive us, O Lord. Tapos si Ate Beth (Lector 3) naman, after ng Second reading bumaba na si Ma’am Flor (Lector 2), sinenyasan ako ni Ate Beth na ako na daw ang bumasa ng verse ng Alleluia, sumenyas din ako na wala ako’ng misallette, pero ang kanta pala ng choir sa Alleluia ay may verse, kaya no need na basahin ang verse, napatawa na lang kaming dalawa. Haha.
While nag-hohomily si Father, napatawa ako du’n sa sinabi nya na, tayo daw mga tao, gusto natin lahat minamadali, instant kumbaga, ang pagtitimpla ng kape, hindi na dati na isa-isa pang lalagyan ng asukal, kape, creamer, ngayon, may 3-in-1 na, isang timplahan na lang. Haha. Napatingin ako sa may luhuran ko, may palakang maliit pala na nakakubli dun, natakot tuloy ako, baka biglang tumalon ay magulat ako baka kung ano pa masabi ko sa mic, nangangamba tuloy ako. Hindi ko alam kung patay o natutulog lang. Buti maayos naman ang lahat, Father’s Day nga pala, kaya binasbasan lahat ni Father ang mga tatay, pina-tayo ang mga ama, tapos sabi ni Father ‘yung mga anak daw at asawa ay halikan ang kanilang ama at asawa. Huwag lang daw hahalik sa asawa ng may asawa, haha. Si Father nag-joke na naman. Nakita ko si Jerome (Officemate ko sa MCDC-Cabuyao) nagsimba ata sya, o mag-aanak sa binyag.
Pag-uwi namin, nag-lunch na kami, kasi may program na naman ang mga bata sa Algon, Father’s Day Celebration, invited ang mga bata kasi sasayaw sila. Tinawagan namin si Tita Roxan kasi wala pa sila, ‘yun pala ang alam nila 12 PM pa ang program, pinakausap sa akin si Nanay Ely, ang tanong ko “’Nay punta na kayo dito” ang sagot ba naman ay “Aba papaano ako makakapunta dyan?” ‘yun pala si Lolo ang kausap ko! Tawa kami ng tawa. Nagpunta na kami ng Algon kasama ang mga bata, nagpunta na naman kami dun, para asikasuhin at panuorin ang mga bata, sila lang naman ang may pagkain, toink, kasama namin si Nanay Ely, sya ang nag-bantay kay Elaiza. LSS ako sa “Don’t cry, this is my life” napakinggan ko kanina sa Radio. Madali lang natapos, buti naman, 1:30 PM umuwi na kami. Dumeretso na pati ako sa simbahan, may meeting daw kami with Kuya Alson para sa Souvenir Program, binayaran ko na din si AteTelay. Bale ang napa-toka sa akin ay ang History ng Mamatid at ang Talambuhay ni San Vicente. Medyo madali lang naman, after, nag-miryenda kami, turon na may langka at PJ, ang sarap, toink. Tapos 3PM nagpunta ako kina Feyang para mag-internet, andami kong nakuha (haha), nagFB din ako, nag-upload ng mga pictures last EK adventure. 6PM na ako nakauwi, pagkauwi ko, ang bango ng ulam, fried chicken ni Mama, tapos tumawag si Anthony, nag-usap kami, close na close na talaga kami, at nag-unli pa ako dahil sa kanya. Medyo nagtampo nga lang ako. Nag-text lang ako ng nag-text habang nanonood ng Final Destination 3 in TV5, at nanood din ng bago ko, toink. Kaantok! –Nyt :))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment