8 AM ako nagising, sakto para sa 9:30 mass wedding. Kaso, parang inaantok pa'ko, sa 10:30 mass nalang kaya ako mag-serve? Kaso, edi last couple na ang ikakasal, sayang din yung 2nd couple, tsaka walang kasama si Lawrence. Sige na nga, lulubusin ko na, bumangon na ako at kumain, kaso 8:30 na ako nakaligo, si Mama kasi! 9:15 na tuloy ako nakaalis samin. Naisip ko, naku late na ako. Tama na ang hinala ko, nag-ho-Homily na si Father Christian nung dumating ako. Dun muna ako sa Sacristy, nandun ang ibang Sacristan at si Ate Arlyn, yung MBG, namamalantsa. Kagaya ng dati, wala na naman siya, hays. Nagtanungan kami, bakit ako na-late, ganun, ganire. Sabi ko nalang ok lang yun, may ikakasal pa naman, makakapagserve pa'ko. Nung umalis si Ate Arlyn, naisip kong mamalantsa, mga bimpo at linen lang naman ang pinaplantsa niya kaya madali lang yun. Ang sarap pala mamalantsa, naalala ko tuloy yung kahapon eh. Hehe. Tapos na ang misa sa kasal, ewan ko ba kung bakit napasama ako sa Resessional rite samantalang di naman ako nagserve, nakakahiya tuloy kay brother, andun ulit siya. Dumating na yung mga abay at ikakasal na susunod, pinraktis ko na din yung babasahin ko. Infairview, may mga ano, hehe. Lalo na yung basta. Hehe. After ng misa, pagkaalis ng mga tao sa simbahan, tumulong kami ni Lawrence sa mga MBG na mag-ayos sa simbahan, kasama si Ryan. Kaya di pa kami umuuwi kasi sabi ni Brother may blessing daw mamaya ng patay, 2 PM, samahan daw namin siya. So, kelangan naming magstay. Pagkatapos maglinis, inakyat kong mag-isa ang kampanaryo ng simbahan, sa totoo lang, sa tagal ko nang taong-simbahan, ngayon ko lang naakyat yun. Ang hangin at ang ganda pala ng view sa taas. Pagbaba ko ng hagdan, kumirot bigla yung binti ko, gawa kasi nung pasa ko, pag-isod ko kasi ng upuan kanina bumagsak ba naman sa binti ko yung luhuran, ouch! Paos na si Ate Arlyn kakatawag samin ni Lawrence, kakain daw kami sa MBG Office, kakain na naman? Nakakain na kami kanina dun ah, kasama ang mga sakristan.
~¤~
Meryenda lang daw pala yung kanina, ngayon tanghalian na ang kakainin namin, madami daw kasing sinaing si Ate Arlyn, kumain na kaming lahat, mga MBG with Kuya Pepe. Cowboy nga daw eh, kelangan masanay na daw ako, sabi nung isang MBG, Ate Mary/Merry ata ang name. Nandun din yung lola ni Honey Grace, Ate Josie, iba pang MBG at syempre ang pinakamatanda, I mean yung President nila, si Nanay Hermie. Pagkakain namin, kwentuhan kami lahat habang naghihintay sa patay. About sa mga school, college life ng mga anak/apo, tawa kami ng tawa dun sa kwento ng lola ni Honey Grace eh, mga buhay ng pari. Ang nangunguna sa pagbabahagi ng mga buhay ng pari ay si Nanay Hermie, may anak pala siya na dapat ay matagal nang pari ngayon, kaso, ayon sa kwento sakin, namatay daw yung anak niya a few days before his ordination. Nakakalungkot nga eh, sayang kasi yun. Dapat pala may anak na siyang pari at mas maalwan sana buhay nila ngayon. Naikwento din niya yung mga panahon na nasa seminaryo pa ang anak niya, lalo na nung interview, na isang tanong lang daw, pumasa na anak niya. This was the question: "Ano para sa'yo ang mga Babae?" at ang sagot daw nung magpapari na kaagad-agad pumasa sa interview ay "Para sa akin, ang Babae ay kagaya ng isang bulaklak na karaniwan ko lamang nakikita". Yun lang daw ang sagot, ipinasa na kaagad sa interview. Talaga palang ang mga Babae, para sa mga seminarista o mga pari, ay parang ordinaryong tao lang na karaniwang nakakasalamuha sa araw araw na buhay. Pang karaniwan, hindi espesyal, hindi mahalaga, basta ordinaryo lang para sa kanila. Ordinaryong bagay na inihahantulad sa isang bulaklak, na karaniwan lang nating nakikita. Iyon ang kwento samin ni Nanay Hermie. Biglang may Wang Wang (tunog ng sirena na pulis). Ah baka nandyan na ang patay, nagpunta na kami ni Lawrence sa Sacristy.
~¤~
Nandun nadin si Brother, ready nadin siya. Tinanong namin kung anong pagbasa ba ang babasahin, inasiste nadin kami ni Rex para ayusin ang mic. Nagsimula na ang pagbabasbas. Simpleng misa lang pala ang ginanap, sa pangunguna ni brother, maikling misa lang ang ginanap kasi kaunti lang ang taong nakilibing. Nagbahagi din si Brother ng kaunting homily. Habang pinagmamasdan at pinapakinggan ko si brother habang nagmimisa siya, may mga kaunting bagay akong napuna at nalaman sa kanya, i've learned and knew a few information about his personality, the way he acts, speaks, and others through a plain and mere observation. Ang galing talaga ng Psychology. Hehe. Pagkatapos, nagpasalamat si brother samin, kami rin sa kanya. Uuwi na kami ni Lawrence, kanina pa kaming umaga, si Ryan kaya pala hindi pa sinasara ang pinto ng simbahan kasi may misa nga pala ang Liceo, andun na nga yung iba eh, pati yung kaibigan ni Jerick, tinanong nga siya sakin eh. Eh tamang tama naman na tinext ko para sunduin na ako. Habang naghi2ntay ako, nagkukwentuhan kaming tatlo nina Ryan. At itong si Lawrence gusto pa atang maglaro kaming tatlo, eh andyan na ang sundo ko, kasama si Mama at dalwang bata. Pinakausap ko muna yung kaibigan ni Jerick sa kanya, guitarist pala yun ng choir sa Liceo, infairview! hehe, habang nag-uusap sila, nagpunta kami ni Lawrence kay Nanay Hermie, kukunin niya kasing Sponsor. Tapos nun, umuwi na kami. Dumaan pa ng bakery para bumili ng tinapay pang meryenda. Nagkainan kami lahat.
No comments:
Post a Comment