Thursday, June 18, 2009

COLOR OF THE DAY: GREEN!

Saktong sakto lang ang gising ko ah, hipon ang inalmusal ko kaya medyo nangati ako. Asar, di ko alam kung maganda ba ang suot ko, napag-usapan kasi ng tropa na ung EkstraShirt ang isusuot, kaya kahit medyo kupas at malabo na yung tatak na "ekstra" sa damit ko, sige suot pa din ako. Tignan mo nga naman, kakulay pa ng notebook ko ang damit ko, buti na lang wala akong panyo na ganun din ang kulay. Mukhang ang aliwalas ng mukha ko pagtingin ko sa salamin ng tricycle ah, ayos lang ang pagkaputi ko. Nakasakay ko pa nga si Kim eh, yung sakristan. Nakita ko din yung Nanay ni Ate Chelle na member ng MBG, tapos pagtapat ko pa ng simbahan may nakita din akong isang sakristan na nakasakay sa tricycle, nag-ngitian nga kami eh. Puro mga taong-simbahan ang nakita ko kaninang umaga ah. Pagdating sa may kanto, interview-hin ba naman ako nung driver, basta! Pagsakay ko ng jeep, ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at sa unahan ako ng jeep sumakay, may tumabi nga sakin eh, medyo minalas pa, yun lang ang masasabi ko dun sa lalaking tumabi sakin. Pagdating malapit sa terminal, gusto ko nang bumaba, grabe nahihilo ako parang sumakit ang ulo ko at gusto kong mapasuka! Di kasi ako nahahanginan sa unahan eh, kung deretso hanggang Sto. Tomas pala yung jeep, di ko kakayanin! As usual, ako na naman ang nauna saming apat, at si Kristel sa grupo nina Gretchen. Pagdating ni Sahara, tatawa-tawa at hindi niya kasi suot ang EkstraShirt niya, andaya! Si Gladz din, nauna na kaming lahat di na namin hinintay si Meann, antagal kasi. As usual, agawan na naman sa jeep, ang sikip nga ng pwesto ko eh gawa kasi ni Sheryl.
~¤~
Pagdating ng PUP, medyo nag-nining-ning daw ang damit ko at nakakasilaw ang kulay. Ganun? Samantalang napapangitan pa nga ako sa suot ko. Pagdating sa taas, wow! puro mga naka-EkstraShirt kami! Pero ako lang ang naiiba, syempre! Yellow ang damit nila, ako naman Green! Nung umagang yun, tatlo ang nagpaload sakin, kahit wala akong karga, dali dali akong nanakbo pababa at papunta sa tindahan, para i-load sila. Nagsimula na ang klase, natapos. Kakain na kami kina Mang Johnny, pagbaba namin ang sarap ng feeling na pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa mga suot namin, lalo na ako, ang sarap kayang maging kakaiba! Hehe. Kain, kain. Pagbalik namin ng school, nakita ko yung IE na pinahihigantihan ko, basta humanda siya. Buti pa yung EE di ko nakita, asan kaya yun? Pag-akyat namin, nadaanan ko si Owwa, yung kakilala kong born-again na taga Gulod, first year siya ngayon sa PUP, may kasama siyang taga Liceo naman at narinig kong ako ang pinaguusapan, ang sabi eh baka daw hindi ko na siya kilala, hay ewan. Pero di sila mawala sa isip ko. Hehe. Before mag-Humanities, nagplano kami ni Monica para sa Orientation ng mga First Year next week, ako na nag-ayos. Tarayan ba naman ako ni Ilonah? Ok fine! Whatever!
~¤~
Si Othan! Sigaw agad ni Ilonah nung pipili na samin ng magiging Leader sa groupings namin sa Humanities. Tignan mo nga naman at nagka-group pa kami. Pagkatapos ng klase, kay Sir Cueto ulit, nu ba yan, lagi na lang ako tinatawag ni Sir! Nae-expose na mga english ko! Hehe. Eto yung sagot ko "That's abnormal Sir, because it's against the Law of God" (with second the motion of Joven pa!) Basta, hulaan niyo nalan kung anong intriguing question ang tinanong sakin ni Sir para yun ang isagot ko. Kaantok, katamad, gumawa nalang ako ng mapa, mga Brgy. Hall, Mutya, basta. Ansaya nung natapos na ang klase, uwian na. Sabay sabay na ulit kami, except Gladz, si Meann magpapa-Cabuyao at sasahod daw sa Munisipyo, sosyal! Kaya nagpalibre kami ni Sahara sa 7 eleven ng Slurpee. Nagkita pa nga kami ni KB eh. At talagang color of the day ko ang Green! Pati baso ng Slurpee, green din. Yung kahon nung sabon na binili ko sa Mercury kulay green din. Hehe, hulaan niyo nalang kung ano gamit naming sabon ni Jerick. May nakasakay pa kaming Mama/Tatay este! dating kaklase pala ni Meann.
~¤~
Pagkakain namin ni Mama, nanood ako ng Ngayon at Kailanman, tapos pahapyaw lang ng Dapat ka bang mahalin kasi habang gumagawa ako ng assignment inantok ako, kaya nakatulog ako. Ang haba nga ng tulog ko eh. Habang nagsusulat ako, yehey! Andyan na yung bag ko, sabi na nga ba at malaki! Pagkakain ng dinner, tinulungan si Nene na mag-ayos ng Nokbuk, naglaro kasama si Eros, nag-ayos ng gamit para sa isang subject lang bukas at naglinis ng katawan! Ang sarap ng feeling, ang ginhawang matulog ngayon. Pagkatapos kong manood ng nakakaiyak na One Litre of Tears (grabe talaga, isang litro nadin ang nailuluha ko. malapit na matapos. huhu) nahiga na ako, at nag-uzzap saglit, la kwenta!
~¤~
Teka, akala niyo porket di ko siya binabanggit dito di ko siya naaalala? Hindi noh! Diyos ko po, alam niya yun pati ng mga kaibigan ko, almost all of the time naiisip ko siya. Talagang mahal na kita, kahit anong mangyari. Napanaginipan pa kita kahapon! Siguro kasi di tayo nagkita nung isang Linggo kaya nagpakita ka sa panaginip ko. Grabe, miss na miss ko na siya. Sana naman sa darating na Linggo nandun ka ha? Espesyal na araw sakin yun kasi renewal ko as LCM member, mas magiging espesyal yun pag nandun ka, promise! Excited na tuloy ako eh... Sana Linggo na bukas.. Hehe

No comments:

Post a Comment