"Looks like we made it, look how far we've come my Baby. We mightta took a wrong way.." ang ganda nang alarm tone ng cellphone ko noh? Hehe, hala in-Off ko na, makatulog ulit, hintayin ko nang si Mama ang gumising sakin. After 1 hour, hala! 5 AM na? Yun pala na-late si Mama ng gising kaya late niya din ako ginising, nu ba yan, dapat pala bumangon na ako kaninang 4 AM, pero 5 AM na, supposed to be kelangan naliligo na ako pero ngayon pa lang ako kakain. Hala! Instead na 6 ako umalis ng bahay 6:45 na bago ako nakaalis, late na ako, super! Gosh, si Ma'am Sanchez pamandin ang first class namin, unang araw pamandin male-late ako kaagad. Lakad-takbo na ko sa kanto, naalala ko tuloy nung maghihintayan kami ni Jelly. Nagtext si Sahara, asan na daw ako? Hala, wala akong load, sayang sasabihin ko sana na papunta na ko para mahintay niya na ko at sabay na kami. 7 na? Nu ba yan, super late na talaga ko, pagdating ko ng terminal kaaalis lang daw nung tatlo, di pa ko nakasabay sa kanila eh! Tsk.
~¤~
Patakbo ako habang pumapasok ng PUP, partida nagpopolbo pa ko nun. Pagsilip ko sa 4th floor nakita ko si Bernadette kararating lang din, sinenyasan ko na sabay na kami pagpasok ng room. Nahihiya kasi ako, pag-akyat ko aba! May mga tao pa pala sa labas? Wala pa pala si Ma'am! Hay salamat, laking tuwa ko at pinag-adya pa rin talaga ako ni Lord. Bumaba kami at sa 302 daw, syempre silip ulit sa mga 1st year, hehe, pampam. Ayun, as usual, ganun pa din ang klase kay Ma'am Sanchez, basta kagaya ng dati. May groupings daw, 7 groups 9 members each. Wow! Sakto sa ekstra ah, kaso puro kami ubas. Hehe! Nagpalabas si Ma'am ng mga pwedeng Leader, aba at unang-una pa akong napili. Pagsilip ko sa kabilang room, nag-e-election ang mga first year, at nasa escort na sila, tamang-tama ah. Infairview, cute ang naging escort nila! Hehe. Kumpleto na kami, ako, si Joven, Grace, Ilonah, Monica, Jennilyn at Ate Leonilyn. Kelangan nang pumili ng mga members, yung mga taga Laguna lahat ng pinili ko, at least magkakalapit lang kami, sina Meann, Sahara, Gladz, Gretchen, Kristel, Sheryl at Steph. Hay salamat time na! Nag-iwan lang si Ma'am ng assignment. Next, Chemistry na! Habang wala pa si Ma'am Villanueva, nag-election muna kami sa pangunguna ni Monica, incumbent president namin at ako, secretary kunwari. Si Zandra na ang President*New namin, aba si Carlene ang pumalit sa pagsusulat ko, siya na ang bagong secretary. Pagkatapos, ang sabi wala daw si Ma'am, yun pala nandyan, nagpabago lang siya ng schedule through our new president. Hindi muna siya nagklase, sayang naman, kaya uwian na! Ay, manlilibre nga pala si Anna Mae, at 150 daw ang budget. Napagkasunduang sa McDo Tanauan kakain, edi okay! Hala una-unahan kami pagpasok ng McDo, para kaming mga bata. Ang hirap um-order parang ang gulo ng mga pagpipiliang pagkain sa McDo. Pero andami kong nakain ha! 150 kasi ang budget eh. Uuwi ko na lang ung burger. At ang cute pa ng Crew of the Month nila ha, di ko na mention yung name niya. Ewan ko ba kung bakit pumasok sa usapan yung story about dun sa Gay with his boyfriend, basta ang ganda ng story niya, Bf Bf yung title, matatagpuan sa aklat na pinamimigay ng mga taga School paper sa school namin. Ako pa nga nagkwento eh, lalo na dun sa part na "Joseph, paglaki mo boyfriend kita ha?" wala lang, nakakatuwa kasi yung story eh, mejo naka-relate ako. Waha. Ang aga naming nakauwi ah, 12 pa lang nung nasa jeep kami, mag-1:30 na nung nakarating ako ng house, naalala ko tuloy bigla yung burger ko na nasa bag ni Meann! Di ko nakuha kanina, sayang din yun.
~¤~
Nakapanood pa ako ng Eat Bulaga! Ansaya, pati Dapat ka bang Mahalin? Pagkatapos ko manuod grabe inantok ako, natulog muna ako. Ang haba ng naitulog ko, narinig ko na lang na nag-uusap si Mama at si Lola Neneth. Kumain na kami, super sarap nung niluto ni Mama na ulam, Ginisang Mais! Sarap. Pagkakain, tutal wala naman pasok bukas, nagpunta ako kina Fey, kaso dami tao sa tindahan nila kaya kina Ate Ellen ako dumeretso. Nagkwentuhan kami, andun pala si Ate Cristy. Dun na'ko nakapanood ng Adik Sa'yo at One Litre of Tears, grabe nakakaiyak yung palabas na yun. Pagkatapos ko manood, nagpunta na ako ng tindahan, nagkwentuhan kami ni Fey, konting benta, nagsara na siya, umuwi na'ko. Ka-excite tomorrow, wala kasi pasok. Late na din ako nakatulog..
No comments:
Post a Comment