Sunday, June 21, 2009

"ANG MGA TAGA MAMATID AY MAHIRAP LIMUTIN, SAPAGKAT MADALI KAYONG MAHALIN" -Fr. Christian

...continuation
~¤~
Pagkauwi sa bahay, parang wala lang, ordinaryong araw ng Linggo, naghihintay ng oras habang nakikinig ng radyo. Di mawala sa isip ko ang mga naganap kanina, halo-halo ang emosyon ko, masaya kasi nakapag-renew na ulit kami, malungkot naman kasi... ewan ko ba? siguro, masyado lang akong umasa sa kanya, ganun pala kahirap pag masyado kang nasabik na makita ang isang tao, tapos masyado ka pang aasa na sa araw na muling magkikita kayo, matutuwa ka kasi magkakasama at magkakausap ulit kayo. Mali pala ako, kabaligtaran kasi ang nangyari, binalewala niya lang ako kanina na parang wala lang, kunsabagay, sino ba nga naman ako? Wala nga pala ako para sakanya, oo nga pala, isa lang naman akong ordinaryong tao na nakakasalamuha niya lang madalas man o minsan lang tuwing Linggo. Antanga ko kasi, masyado akong umasa. Pero kahit ganun ang nangyari, kahit parang mahimatay ako sa sakit na naramdaman ko kanina, eto ako nagpapatuloy pa rin. Ganun naman talaga ang buhay eh, hindi ko talaga mapigilang umasa, na baka mamaya magkita ulit tayo.
~¤~
Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng radio, paggawa ng assignment at pag-iinternet, kahit papano medyo naiibsan ang nararamdaman ko at lumalayo ang isipan ko sa mga bagay at tao na nagpapalungkot sakin. Umalis si Mama, nagpuntang birthday-an sa Gulod, hindi ako nakasama kasi may serve pa ako sa simbahan mamayang 6 PM. 4:30 na pala, hindi ko na namalayan ang oras, kelangan ko nang maligo ulit para presko pakiramdan ko mamaya. Eksaktong 5:30 umalis na'ko samin. Si Ate Nida kaagad ang nakita ko, pati si Lawrence kausap si Ryan, medyo natuwa ako kasi kahit papano napansin ko na may mga tao palang nandyan din para sumaya ako. Sa Sacristy, andun si Brother Jason, inaayos na niya ang mga gagamiting aklat para mamaya sa misa, ang sipag talaga niya. Pinraktis ko na mga babasahin ko, ayos na handa na ako para sa misa. Dalwa lang kami ni Ate Nida na Lector, ako ang Lector 1 kaya ako ang magbubuhat ng Lectionary sa Processional rite. Lumapit sakin si Brother, tinanong niya kung bakit tagalog yung Gospel Book na bibitbitin ko, sabi ko naman talagang tagalog talaga, si Father nalang ang bahalang magbaba mamaya para dun sa Lectionary magbasa ng Gospel, minuwestra ko pa nga eh, sabi niya, ah bale display lang pala.. ok brother. Natuwa naman ako sakanya kasi kinakausap niya kami. Haaay, alam ko na, wala na naman siya, siguro pang-umaga siya kaya wala siya ngayon, akala ko babalik pa siya ngayong hapon. Hayaan ko na talaga, sa iba ko nalang itutuon ang sarili ko't isipan. Pumila na kami at nagsimula na ang misa, ayos naman ang naging basa ko kahit papano. Grabe, kapagod tong araw na toh, nasa kalagitnaan pa lang ng misa, nararamdaman kong nasakit ang ulo ko, inaantok na pati ako. Pero ang ganda ng Homily ni Father Christian, andami ko talagang natututunan sakanya.
~¤~
Kung titingin tayo ng mga aklat sa bookstore, at kung gagawi tayo sa section ng mga religious books, mapapansin natin na kakaunti lang ang mga aklat na nandoon. Anong maraming aklat ang binebenta? Mga magazine, song hits, novel books.. Na kung saan wala namang mapupulot ang iba sa mga yon, kung papano pumorma, mga sikat na damit, mamahaling alahas.. mga novel books na nagdudulot sa mga kabataang magkaroon ng mga ibang pananaw sa pag-ibig. Oo nga noh? Tama si Father, sinabi pa niya na, kung puro Bible, Religious books, reflection guides ang mga naandon hindi sana ganito ang mga kabataan ngayon, iba sana ang takbo ng isipan at pananaw ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ang ganda ng homily ni Father, nakarelate ako. After ng communion medyo napangiti na ako, matatapos na ang misa, kaso nalungkot ako sa announcement ni Father before mag-concluding prayer, malapit na pala niyang lisanin ang parokya, binigyan na daw siya ng Obispo ng ibang assignment sa ibang parokya at sa July 1 aalis na siya ng Mamatid. Nalungkot ako bigla, grabe, aalis na si Father Christian? Pano yan, madami pamandin siyang nagawa, nabago at naitulong sa aming parokya bilang Assistant Priest ng Kura Paroko. Siya ang nagbago at nag-ayos ng mga gawain ng mga sakristan sa loob ng misa, nagdekorasyon ng altar sa tuwing may mga pagdiriwang at kapistahan, nagturo ng maraming mga bagay kagaya ng mga dasal at kanta, tumulong kay Father Seldon sa mga pagawaing pangsimbahan, nanguna sa kaayusan ng mga prusisyon nung Fiesta, Mahal na Araw lalo na ng Santacruzan, nagbigay ng mga jokes, aral at inspirasyon sa kanyang mga homily every Sunday. Nakakalungkot talagang isipin, lilisanin na niya ang simbahan namin. Kahit papano napalapit at napamahal na din kami sa kanya, nakasama ko siya ng ilang buwan sa bawat pagseserve ko sa misa, noong santacruzan nasa unahan namin siya, sa mga seminars na binigay niya, sa bawat misa ng patay, kasal, lalo na sa binyag, hinding hindi ko makakalimutan ang ilang magkakasunod na Linggong nagserve ako ng binyag kasama siya, may time na nagbasa ako ng di praktisado kahit nabubulol ako sa binyag ng matatanda, may time na walang sakristan kaya pati gawain ng sakristan sa binyag yung pagpupunas ng ulo nagawa ko na, grabe andami pa. Hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring yon kasama siya kahit na sa ilan at konting panahon lang. Inisip ko na lang na talagang ganon, every once in a while nagpapalit talaga ng mga Assistant Priest, kailangan maging handa na lang kami sa magiging bago naming makakasama na papalit sa kanya. Bago niya tinapos ang misa, sinabi niya ang mga kataga ng kanyang pamamaalam: "Ang mga taga Mamatid ay mahirap limutin, sapagkat madali kayong mahalin". Pinalakpakan namin siya, lahat ng mga taong nagsimba noong gabing iyon ay pumalakpak sa kanya, bilang tanda na pinahalagahan namin siya sa ilang panahong pananatili niya sa aming parokya. Palakpak na hindi ibig sabihin ay kasiyahan dahil aalis na siya bagkus palakpak ng pagtanggap sa kanyang pamamaalam sa amin, tunay nga ang kanyang sinabi, mahirap limutin ang mga taga Mamatid ang mga taong napamahal na sakanya. Hinding hindi namin siya malilimutan. Hihintayin na lang namin ang pagbalik mo sa aming parokya, bilang aming susunod na Kura Paroko.
~¤~
Nakakalungkot eh, pero ganun talaga, magkikita pa naman kami pag dumalaw siya sa aming parokya, baka nga dambana na ang parokya pagbalik niya. Papunta kami ni Lawrence sa Sacristy non, nasa unahan pala namin si Brother, may mga nagmano pa nga sakanya eh sabi namin pa-mano din kami, nagtawanan na lang kami. Umuwi na'ko, mag-isa naglakad lang ako. Ewan ko ba kung bakit ako malungkot, di ko alam kung dahil pagod lang ako o basta, madaming dahilan, super dami talaga, promise! Haay, bukas pasok na naman, nakaka-miss naman ang mga pangyayari ngayong nagdaan.

No comments:

Post a Comment