Akala ko July 1 na, may 30 pala ang buwan ng June, at ngayon 'yon. Ang bilis talaga ng araw, nakakakalahati na kaagad ng taon. Medyo na-excite akong pumasok, ipapamasok ko kasi yung damit ni Jerick dati sa Liceo, yung may "Hinagpis" no. 11 sa likod, kaso anlaki, wala lang trip ko lang isuot. Grabe, parang tanghali na akong umalis ng bahay, sobrang init kasi tirik na tirik araw pero maaga pa naman. Feel na feel ko ang suot ko, pagdaan ko ng first floor, sabi nila andun daw sa may pinto si Rj, malay ko ba, di ko siya alintana. Supposed to be, reporting ng 1st group sa Learning and Cognitive Psych kaso na-bengga na kagad sila ni Ma'am Sanchez, so, discussion tuloy kami ng buong klase, madami naman kaming nalaman at natutunan sa loob ng 2 hours, 1 and a half hour nga lang eh, si Ma'am kasi napahaba ang kwento at discussion, pag-akyat tuloy namin ng 4th floor wala nang vacant time, nandun na kagad si Ma'am Villanueva para sa Chemistry, brief discussion lang naman daw, pero para sa akin kahit 4 hours siya mag-discuss samin kahit um-extend pa ay okay lang, bukod sa favorite subject ko ang Chemistry, magaling kasi magturo si Ma'am, may halong kwela para daw maging maganda, interesting at exciting ang klase, as well as maging energetic ang lahat. Naalala ko tuloy nung 1st time naming naging Prof. si Ma'am, first year pa lang kami nun, napakagaling niya talaga magturo, ang ganda pa ng tactic niya sa pagtuturo at pag-ge-grade, kaya kahit after ng discussion ay may quiz, okay lang, pag hindi perfect one to two mistakes lang ang quiz ko sa kanya, ganun pala talaga pag fresh-from-the-oven. Ngayong nagdaang quiz, medyo naasar ako, kung kelang computation pamandin dun pa ako na-minus-an, bumaba tuloy score ko. Dapat nga mataas ako pagdating sa mga computation, conversion at derivation eh, madami kasi ako natutunan dati nung highschool ako, kaso di ko lang nakumpleto yung sagot ko kanina kaya may minus yung score ko kahit tama naman yung sagot ko.
~¤~
Nag-walter muna kami bago umuwi, wala lang, magpapalamig lang grabe kasi ang init. Gustong-gusto ko na tuloy makauwi samin at uminom ng softdrinks, malamig na juice o tubig man lang, at isa pa, nagtxt si Lawrence, pinagse-serve niya ako para sa misa mamaya. Actually huling misa na yun ni Fr. Christian, kasi paalis na siya bukas. Mamaya nga ang Despedida niya eh. Buti na lang may payong si Meann, grabe talaga, ang init init, bakit kaya ganito ang panahon ngayon? Pagdating sa kanto, andami kong nakasalubong, si Ate Claire, Liezel. Nakakahiya nga dun sa katabi ko sa tricycle, basa kasi ng pawis ang likod ko, di bale na. Pagbaba ko ng bahay, laking pasalamat ko, nakauwi din. Tamang-tama, may juice pa sa coleman, ang sarap ng inom ko. Pagkakain, di ako makapagdesisyon kung magseserve ako mamaya, hanggang sa nakatulog na naman ako ng busog. Grabe ang haba ng itinulog ko, dami ko ding napanaginipan. 5 PM na, di na ako makakapagserve, aattend nalang ako ng Farewell party, kaso urong-sulong ako, di ko alam kung aattend ako. Ang daming bagay ang pumasok sa isip ko, bago ako nakapagdesisyon na tutuloy na ako.
No comments:
Post a Comment