Sunday, June 14, 2009

BAKIT PARANG DI YATA MASARAP NGAYON?

Ang gaganda ng mga panaginip ko kaninang umaga eh, akalain mo, umaga na nananaginip pa ako! Kaso limot ko na lahat. Di ko nga napakinggan ang "Help me make it through the Night" eh, pero yung "Ikaw lang ang paglilingkuran" napakinggan ko, dun nga ako nagising eh, gigisingin na sana ako ni Mama pero naunahan ko siya, nagulat kasi ako sa kanya eh! Makabangon na nga, kakain na kasi, huling bangon ko na yun ng tanghali, bukas kasi pasukan na! Simula na naman ng paggising ng maaga. Ang dami ata naming ulam ah, at may pinya pa favorite ko pamandin yun, kaso medyo maasim.
~¤~
Di ko alam kung aattend ako ng last seminar ng mga bagong recruit sa LCM, 1:00 PM daw yun nagtext si Kuya Ronald. Naisip ko, makapagpahinga na lang muna, parang may laman pang alak ang tiyan ko medyo nahihilo pa nga ako eh. Soundtrip lang ng mga oldies habang nagpapractice ng babasahin ko mamayang 6 PM sa misa, medyo nahihirapan nga ako pagdating sa intonation ng pagbasang yun mula sa sulat sa mga Hebrews. Bahala na mamaya, babagalan ko na lang ang pagbabasa, hmmmm.. Nangangamoy pansit ah! Kasunod nga pala ng birthday ni Mama ang birthday ni Ate Flor, kahit nasa ibang bansa siya taon taon siyang pinaghahanda dito ng kanyang asawa. Pansit ang expertise na iluto ni Kuya Nick, tiyak makakatikhim na naman kami ng masarap na pansit! Magtu-two PM pa lang, nakakabagot wala akong maisip na gawin. Gusto ko sanang mag-ayos ng gamit para sa pasukan bukas kaso hanggang ngayon wala pa din yung order kong bag kay Lola Neneth. Hala, di na'ko magdadala ng gamit bukas! Si Nene ang kulit, sasama daw samin sa pagsisimba, ewan kung bakit nakaisip ulit magsimba ang batang ito. Si Papa may tawag sa kanyang sideline as private driver, yehey! May pambaon na ako bukas! Aba, malapit nang magthree PM, medyo busog pa ko sa kinain ko kaninang tanghali. Si Lola Osay tumawag sakin at nanghihingi ng Plato, tiyak ayan na ang Pansit!
~¤~
Parang di yata masarap ngayon ang luto ng Pansit? Parang nasobrahan sa sabaw, pero andaming rekado, fishball, gulay at manok. Konti lang nakain ko, si Mama ang nakaubos nagtira na lang para kay Papa. Biglang bumilis ang oras, 4:30 na pero parang ayaw ko pang maligo! Nakapagbihis na ang lahat, aalis na. Buti andyan na si Papa para ihatid kami sa simbahan, parang uulan pa ata.
~¤~
Kumpleto na pala sila, bakit lagi na lang ako ang nahuhuling dumating? Napractice ko na sa Lectionary ang babasahin ko at natandaan ko na ang page! Good luck na lang sakin mamaya. Hmmm.. Teka, bakit parang wala ang excitement sakin ngayong araw na ito? Di ba Linggo ngayon? Mmmm.. Andyan na si Father Christian! Pila na kami, bakit parang may kulang? Naisa-isa ko na lahat ng sakristan ah, bakit parang may kulang? Haiy.. Wala siya, bakit kaya? Busy? Baka nagserve na kanina? Ewan! Halos lahat ata ng sakristan nagserve ah, siya lang talaga ang wala. The word... of the Lord, haay salamat sa Diyos, akalain mo, nakaraos ako don. Bakit parang ang init init sa loob ng simbahan? Lahat kami naramdaman yun, wala ba talagang silbi yung electric fan sa taas na para samin? Hmmf. May prusisyon pala after ng mass, bakit di ko ata alam yun ah. Anyway, sasama na nga ako kahit may pasok na ako bukas. Ayan na Recession na! Deretso prusisyon na, hala susunod na lang ako sa mga sakristan, sumunod na ang taongbayan, si Lawrence kukuha ng payong, si Mama at si Lei na'san? si Ate Claire sasama ba? Si Ma'am Polly kaya?
~¤~
Ayos din ang prusisyon ah, parang karaniwang prusisyon din lang, si Lawrence din kasama ko, pati ang mga LCM magkakasama kami, sumunod pala sila lahat. Sa Mabuhay pala ang daan, buti nabigyan ako ni Mama ng pamasahe bago lumakad ang prusisyon kanina, uuwi na sila at wala pang ulam, ako na lang talaga ang sasama sa prusisyon. Malayo pa ang Phase 1, ang last destination, palinga linga ako sa mga bahay baka sakaling nandon siya, syempre alam naman din siguro non ang tungkol sa prusisyon noh? Sakristan siya, dapat nga kasama siya ngayon eh. Tanaw ko na ang Club House, wala na talaga, di ko man lang siya nakita, buti pa si Jomar nakita ko, sakristan pa yun ng Palao ha. Haay, natapos na, uwian nadin, sabay sabay na kaming lahat. Pa-Baclaran na kami, bahala na ang iba kung papano sila uuwi, ang iniintindi ni Lawrence eh kung sasabay ba siya sa mga sakristan pabalik ng Simbahan. Lakad kami hanggang kina Ate Tes, nauna na sina Kuya Joel, Ate Telay at Ma'am Flor. Sa loob kami ng tricycle nina Kuya Alson at Ate Onor, sa labas sina Lawrence at Ate Marie na nanghihinayang sa pagsasakay dahil malapit na naman ang bahay niya. Mag-aabot pa ako ng pamasahe sa driver, bayad na pala ako. Sige, salamat po. Sa Miyerkules ulit kami magkikita ni Lawrence.
~¤~
Kaya pala 42 kami lahat, tig 8.50 ang isa, pagkukwento ko kay Mama tungkol sa pagbalik ko sakanya ng 20 pesos na binigay niya sa'kin kanina. Kumain na ako, sarap naman ng tinira nilang ulam sakin, Cornedbeef! Dami ko nakain, pero may natira pang kanin. Kasalo ko sa pagkain ang panonood ng K! Ang galing nga eh. Dami ko ata nakain, parang gusto ko sana mag-internet pa kaso gabi na masyado at may pasok na pati bukas, saka na nga lang. Nanood na lang ako ng Rewind Special ng Adik Sa'Yo! Natatawa ako eh, gawa kasi ng Batangueno dialect! Hmm.. Whoa! 12:30 na natapos! Ilang oras na lang ang itutulog ko? 4 AM pa ako gigising bukas.. Pasukan na! Naeexcite ba ako? Hmmm..
~¤~
Ayan, Monday, June 15, 2009 na tuloy ang nagregister dito na date! Eh June 14 pa 'to eh..

No comments:

Post a Comment