Saturday, June 13, 2009

ANG MANTSA NG CAKE SA PANTALON

As usual, katanghaliang tapat na naman ako nagising, naisip ko tuloy na huling mga araw ko na nang paggising ng tanghali kasi magpapasukan na naman, puro pang-umaga schedule ko sa school. Anyway, si Mama kaagad ang hinanap ko, birthday niya kasi ngayon! Kaso nasa Gulod nga pala siya tuwing Sabado. Naupo na lang muna ako sa sofa, sa tabi ng kapatid kong natutulog pa, habang tinitignan ang kaldero ng sinaing na hanggang ngayon ay nagtututong pa at hindi pa pala nakakasaing! Nu ba 'yun, tanghali na wala pang sinaing, tapos wala pa ding ulam, wala pa kasi si Papa at nasa shop pa. Buti na lang at naandyan ang Eat Bulaga! Nanood muna ako ng T.V..
~¤~
Dighay.. Ewan ko ba kung bakit ako nabusog. Katatapos ko lang pala kumain. Bigla na lang nabuo ang pamilya, dumating na kasi si Mama galing Gulod at si Papa galing sa shop sa Mabuhay. Nakita ko na lang ang sarili ko na sinesermunan ni Mama- kesyo tanghali na daw ako nagising, di ako nakapagsaing at di nakabili ng ulam! Nu ba yun? Birthday na birthday ni Mama nanenermon! Inisip ko na lang ang mga bagay na kailangan ko palang gawin buong araw. Nga pala! Fiesta ngayon ng Niugan at San Antonio! Hmm.. Di ko naman alam kung matutuloy ang pamimiesta wala kasing nagtetxt sakin tungkol dun. May serve nga pala ako mamaya sa Baclaran! Kaso di ko alam kung makakapagserve ako, may kailangan kasi akong puntahan! Mmmm.. Birthday din kasi ng kasi ng kaibigan ko, debut yon! Syempre may handaan at imbitado ako. Andami ko namang dapat gawin at dapat puntahan, di ko alam kung ano ang uunahin ko.
~¤~
Log-in sa Friendster, update si Multiply, visit my blogspot, alaga ang mga isda, text si Lawrence na hindi ako makakaattend mamaya sa baclaran at nood ng Eat Bulaga ang mga ginawa ko habang naghihintay ng oras. My decision is final! Aattend na lang ako ng debut ng friend ko. 5:00 PM na pala, it's time to take a bath! Di na ako kumain sa bahay, ang sarap pamandin ng niluto ni Mama ngayong birthday niya, Pritong Manok! Kainan din naman yung pupuntahan ko. Happy Birthday Mama! Pamamaalam ko. Bad trip, wala pang masakyan baka iwan na ako ni Jelly na naghihintay sa kanto, ang hirap ng walang kasabay. Takbo, lakad, takbo, lakad.. Andami nang text ni Jelly, heto na'ko! Pagdating ko naman sa tapat ng Jollibee wala naman ang bruha. Kalahating oras ako naghintay sa kanya, hala! Umalis na ako at sumakay ng tricycle mag-isa. Sa tricycle ko na nabasa ang text niya, nauna na pala siya! Mmmm.. Ang bango naman nung nakatabi ko sa labas ng tricycle, teka! anu nga palang block ng bahay nang pupuntahan ko? Patay! Hindi ko alam, sinabi ko na lang sa manong na Block 54, kaso di ako sure. Pagdating ng block 54 hindi pala doon! Ay siya! Sa may simbahan na nga lang. Pagbaba ko nang simbahan naalala ko bigla ang daan patungo sa kanila.
~¤~
Happy Birthday Riza! Andami na pala nila, kararating ko lang, sila kanina pa. Sina KB, Lhen, Joan, Bestfriend Fey, Roselyn, Mhaine, Jeniffer, August, Wilza with her Boyfiend Carl and Anna with her boyfriend too. Andami na nila! Teka, si Jelly? Wala pa, hinahanap nila sakin. Baka nagpunta pa kina Insan, yun kasi ang plano dapat namin. Nagvideoke muna ang mga singers pati na songers ng tropa, nang biglang may bumaba sa tricycle, si Vhezz Sharvie! Wow, may gift pa siya para kay Riza. At siya lang pala ang hinintay, nag-Opening Prayer muna, pagkahaba-habang dasal. Nakapagpolbo na'ko di pa din pala tapos, panay na ang tawanan namin (habang nagdadasal yun ha, pero palihim na tawanan lang). Pagkatapos ng dasal, pumila na kami, sa wakas kainan na! Andaming handa! Di kasya sa pinggan kung kukunin mo lahat ng putahe. Pagkaupo ko sa tabi ni Vhezz, charaan! Ayan na ang dalawa, si Jelly at Insan Jacky. At nagsisihan pa kaming dalawa habang kumakain na. Andami naming nakain, nabusog kami lahat.
~¤~
Naglalakad kaming tatlo nina Jelly at Insan, naghahanap ng tindahan, wala naman kaming nakita. Pagbalik kina Riza, oh ano 'to? Matador? Pitsel ng Juice na wala pang yelo at pulutang inihaw na bangus. Mag-iinom pala kami. Bumilog na ang lahat, umuwi na pala ang iba, nabawasan na kami, buti yung mga nainom ang natira. Dumating na ang yelo, at ang boyfriend pa ni Riza ang katulong ko pagtimpla ng chaser, Riza oh, may boyfriend na pala! Sinimulan na ang tagay, napuno na ng pagkain ang lamesa, Spaghetti! ang sarap ng pulutan, may shanghai pa. Pati ang pusa nakikisalo sa inihaw na isda. Ako ang unang tumagay, sunod si Annang tanggera, ang syota ni Anna, si Jelly, pagdating kay Insan kailangan pang i-pause ang videoke upang makatagay (adik talaga sa videoke), si Joan, si KB ang daya! lumalampas lang sa kanya ang tagayan, si Lhen, si Vhezz pass! (di pede mag-inom yon, oy!), si Fey hanggang two rounds lang ata, si Wilza, sunod ang syota nya na kailangan ako pa talaga ang mag-aabot ng baso! (ano bang meron kay Carl? Hmmm), sunod ang birthday celebrant at last ang boyfriend niya. Simula na ulit sa'kin, si KB talaga oh! habang tumatagal pataas ng pataas ang pinapainom saking Matador. Ang saya ng lahat, inom dito, kanta siya doon, picture dito, kain doon, tawanan, garusan, picturan, asaran.. Haay, ngayon nalang ulit naging ganito kami kasaya!
~¤~
Pag dumating na ang driver naming si Manong, saka kami uuwi. Nyaa! Ayan na pala siya, at may kasama pa. Dalwang tricycle pala kaming sabay sabay uuwi. Parang ayaw pa naming umuwi, gusto ko pang magpakasaya! Hinatid na namin si Insan, pagbalik namin, aba! May pahabol pa pala! Ang cake ni Riza! Nagkanya-kanya kami ng kuha, yung iba di na nagplatito deretso kain na, agaw agawan pa!
~¤~
Ang sarap ng icing, nagpahiran pa sila, itong si Riza dumakot ng icing gamit ang kutsilyo at ayun! Nahulog at shoot na shoot sa pantalon ko! Nu ba yan, may give away pa, hala! Di ko na hinugasan pauwi na naman, pinunasan ko nalang. Nagka-mantsa tuloy ng cake ang pantalon ko, halatang galing sa birthday-an. Haay, napakasaya, nagpaalam na kaming lahat kay Riza at sa buong pamilya niya. Sa susunod ulit, next year!
~¤~
Nagmamadali ang lahat papuntang tricycle, at nag-agawan pa ng pwesto. Sobra kami sa isang tricycle kaya sina Wilza at Jelly ay nasa bubong, si Vhezz at KB sa labas, si Carl lang sa loob. Papano ako? Nu ba yun, nagplano plano pa ang mga 'to, pagtabihin ba kaming dalawa ni Carl sa loob? Eh ano pa bang magagawa ko? Edi sakay na! Go! Go! Go! Nauna na yung iba sa isang tricycle. Sa Mabuhay na dumaan para maihatid na si Vhezz sa kanila, sumakay na din sina Lhen at Joan. Kami lang dalawa ni Carl sa loob, pinaguusapan pa kami ng mga 'to pati si Manong! Eh ano bang meron saming dalwa? Hmmm.. Buti di ako nainip katabi siya, kinakausap ko naman siya eh. Hehe.. Pagbaba ni Vhezz, tatlo na kami nina Jelly sa loob, buti nalang talaga at napahiram ako ni Jelly! Ang bait talaga niya, kaibigan ka talaga! Pagbaba niya sa Villa Estela, kami na naman dalwa sa loob, si Wilza kasi eh! Ayaw samahan ang boyfriend niya. Hanggang sa pagbaba nila, ako na lang ang naiwan. Salamat Manong! Pagbaba ko sa'min, haay, kapagod! Pero ang saya saya, Super! Ang sarap talaga pag kasama ang mga barkada. Sa uulitin ulit! Kaso pasukan na...
~¤~
.,el0w guyz.. tnx p0h ng mdmi s mga ngpunta knina, cla mhaine, jhen, sharvie, r0selyn, august, ana, fey, j0an, len2, jelly, jack, othan, caybee, at wilza.. pti nga p0h pla s mga kb0yprenan nio..jeje, pti kla f0under, co f0under pti p0h c kuya jao..kht n l8 q n nmn clng nkta..churi p0h..ü tnx2 p0h jeje, ingat kau prti..sna e nbus0g nmn mga bulate ni0..hahai.. gudnyt..ü
-txt yan ni Riza, bago matulog..

No comments:

Post a Comment