Lunes na naman, ine-expect ko magiging masarap ang gising ko, kasi medyo tatanghaliin kami ng pasok ngayon. Kaso, eksaktong 7 AM na naman ako nagising, na naman? anu bang meron every 7 o'clock ng umaga? kahit di na'ko mag-alarm kusa na'kong nagigising. T-in-ext ko muna sila kung ano bang isusuot bago ako naligo, feeling ko male-late ako ng dating sa terminal, pero pagkaligo, pagkabihis at pagkaayos ko sakto lang pala, 9:15 na ako nakaalis ng bahay. Pagdating sa school, parang nagsisi ako kasi dapat nag-school uniform na lang pala ako. After ng class ng Humanities kumain na kami, kanin na lang ang in-order namin si Carlene kasi ang sagot sa ulam, Fiesta nga pala ng San Pedro II ngayon may dala siyang ulam at desserts. Grabe nabusog ako, parang nabigla ang tiyan ko, dami ko nakain. Haay na ko, tinadhana na ba tayo? bakit lagi kitang nakikita at nakakasalubong? Ewan. Antagal ng susunod naming prof. kaya nag-interview muna kami ng mga first year sa labas, pagdating ni Ma'am sakto nag-y-YM pa kami ni Monica, muntik na kaming mahuli. Di pa din ako kuntento sa score na nakuha ko sa Chemistry quiz namin after ng lecture at discussion, gusto ko kasi perfect score.
~¤~
Medyo maaga pa naman, napagplanuhan ng lahat na mamiyesta kina Carlene, edi go! Aba isang jeep kami, dalawang grupo, grupo nina Melanie yung isa. Kasama pa namin si David. Tawanan kami ng tawanan sa jeep. Pagdating, ako kagad ang bumaba ng jeep, for the second time narating ko ulit ang Brgy. San Pedro II, Malvar, Batangas. Dami ulit pagkain, dami ko na naman nakain, sarap. Nakita ko na kuya ni Carlene, ayun ayos lang naman. Tapos deretso kina Melanie, kumain kami ng desserts, infairview dami niyang tinuturo at nirereto saking mga pinsan niya. May mga itsura naman, dami ding taga-PUP na namiesta, kakatuwa. Pagkadaan ng prusisyon, umuwi na din kami magdidilim na kasi. Ngayon lang ulit ako umuwi ng gabi ah. Kapagod, pero busog na busog ako.
~¤~
Bakit nga ba may Chapter na ng ATBO AY sa San Pedro II? Secret, ako na nakakaalam nun. Medyo late na kami kumain ng dinner, pag-uwi ko galing kainan, kain na naman? Pampawala ng busog, nagpunta ko kina Fey, kuwentuhan, pasahan ng MP3, nood T.V., nanghiram pati ako ng Libro sa kanya. Hay na'ko Ate Ellen, pati ako napapaisip ng dahil sa'yo, bakit ba kasi pinakita mo pa siya sakin? Naguguluhan pati ako, basta tutulungan kita sa problema mo. Sundan nalang natin ang susunod na kabanata ng buhay pag-ibig ni Ate Ellen. Yun ang topic namin kanina ni Fey bago ako umuwi. Grabe kapagod ang buong araw, antok na'ko..
No comments:
Post a Comment