Excited ako na talagang kinakabahan. Syempre unang beses ko pa lang sasakay ng eroplano. Mahilig akong sumakay ng Space Shuttle ng Enchanted Kingdom pero syempre mababa lang ‘yun, ang eroplano sa ere talaga, iniisip ko pa lang nangangatog na ako. Maaga ako’ng hinatid nina Mama at Papa, ngayon lang ako aalis ng naka-shorts lang, take note. Dala ko ay dalawang bag, isang body bag na puro damit at isang bag na hand carry, laptop at mga papel ang laman. Excited talaga ako, syempre after 21 years ngayon lang ako makakasakay ng eroplano, kinakabahan ako kasi mahilig ako’ng manood ng Final Destination medyo napaparanoid ako. Pero alam kong walang masamang mangyayari, God will protect us.
Ayan na! Pagdating sa NAIA Terminal 3, pumila na kami, kaming tatlo nina Sir Jojo (Engineer) at Sir Robert (Architect). Syempre picture-picture sa bawat sulok ng Airport. Nag-Arrozcaldo muna kami, hanggang sa mandating na namin talaga ang pinaka-gate papuntang eroplano, syempre dumaan ako sa napaka-daming inspeksyon. Hawak ang ticket, pinagmamasdan ang oras ng pag-alis. Nag-bus kami sa loob ng airport papunta dun sa kinaroroonan ng Eroplano, hanggang sa Makita ko na sa harapan ko ang eroplano na sasakyan namin. Umakyat na kami, 2nd time ko maka-akyat at makasakay ng eroplano, pero ngayon lang talaga ako bibiyahe sakay ng isang umaandar na eroplano. Pagka-upo ko, feel na feel ko ang atmosphere sa loob. Sinulit ko ang upo ko, mga kung anu mang mga bagay na pwede kong gawin sa loob ng eroplano. Ilang minute na lang lilipad na kami. Nangangatog na ako, sinusunod ko lang ang mga tip sakin na mag-bubble gum, I know lahat ay magiging ok. Hanggang sa umandar na ang eroplano, feel na feel ko ang pag-angat ng eroplano at paglipad nya sa himpapawid, haha, nakakakaba talaga sa una, pero once na marating na ng eroplano ‘yung level nya sa sky, ayos na nag lahat. Pagbaba naman, nakakatakot din, parang bubulusok pababa ang eroplano. At once na lumapag na ang gulong ng eroplano sa lupa, mawawala na lahat ng kaba kasi nakababa ka ng maayos.
Paglapag sa lupa, Welcome to Davao! At last, nakarating din ako sa Davao, napakasarap sa pakiramdam, masaya.syempre picture picture kahit saang sulok. Nag-breakfast kami sa isang kainan sa tapat ng Davao International Airport (Francisco Bangoy International Airport). Grabe, best btreakfast sa Sky Go Café and Resto, Clubhouse ang ion-order namin, the best talaga ang breakfast na ‘yun, double sandwich sya na ang dressing ay lettuce, ham, egg, tomato na may mayonnaise, with Iced Milk pa. Sarap. Nag-taxi na kami papuntang hotel, D’Leonor Hotel sa Downtown Davao kami nagh-check in, maganda sya, condo-style ang mga riooms. May kitchen, dining area, bedroom, mini-bar, balcony living room with TV. Nag-ayos muna kami ng mga gamit, tapos may m-in-eet na kaming client na friend ni boss. Sya lahat ang nag-ayos ng hotel reservation at booking, dinala nya kami sa isa sa mga projects nya sa SM City Davao, developer kasi sya ng mga restaurants sa city, madami na syang project sa Davao. Sa Peri-peri kami nag-lunch, the best ang charcoal chicken dun, at for additional P49, mayroon ka nang unlimited soup at bottomless drink. Mild and Spicy Chicken with Java rice ang kinain namin, with refreshing Mango Juice. Kwentuhan, after nun nagpunta kami sa planta nya. P-in-repare namin lahat ng mga gagamitin para sa Demo tomorrow. Doon na kami inabot ng dilim. Nakakatuwa sa Davao, TV at Radio Stations ay lahat bisaya ang language, syempre lalo na ang mga tao dun, ‘di ko sila maintindihan lahat, pero na-ge-gets ko naman ‘yung ibang mga sinasabi nila. Bumalik na kami ng hotel, ang after an hour, sinundo ulit kami nung friend ni boss at igagala nya daw kami sa Davao, ipapakita nya daw sa amin ang Nightlife sa city. Pops ang pinuntahan namin, Resto bar sya. Tuna Steak ang dinner namin, super sarap, fresh na fresh ‘yung fish. Tapos nag-inom din nkami ng San Mig light, with soft music at kwentuhan, masaya at masarap. Pulutan name ay ‘yung specialty nila na bacon rolls na may shrimp sa gitna, pineapple sauce ang sawsawan, we also ordered sashimi, first time kong makatikim nun. After, dinala naman kami sa mga beerhouse doon, dikit-dikit lang halos ang mga bar, beerhouse at resto sa davao, Masaya, parang Metro Manila pero walang traffic, ang saya sa davao, buhay na buhay ang Nightlife. Malawak ang mga daan, maging ang pamamahala at services ay world class ang internationally recognized. 10 years na pala ang campaign ng mayor nila, si Sara Z. Duterte, kaya bawal talaga ang sigarilyo sa buong Davao. Hindi kami nagtagal sa beerhouse na pinuntahan namin. Sunod naman ay dinala kami sa isang Garden Spa at Massage, nagpa-massage kami, super sarap sa pakiramdam, first time kong magpa-massage, sarap sa pakiramdam, feeling. Maganda naman ang service nila, masasabi ko din na sulit na sulit ang service sa Amaranthus Garden and Spa sa may Buhangin branch. First time ko ‘yun and I will always remember that! :p
2 AM na kami naka-balik ng hotel. Ang saya ng gabi ko, madami akong nakita sa Davao, napuntahan, napaka-ganda ta napaka-saya sa Davao lalo na pag-gabi. Ang dami kong first time. Haha. I Love Davao!
No comments:
Post a Comment