Monday, June 4, 2012
KA-EXCITE! :DD
First Monday ng June, first day of School ng mga studyante, at syempre sa isang tulad ko, unang araw na naman ng linggo ko para pumasok sa opisina. Oo nga pala, Office boy na ako, toink. Dito pa din ako sa Cabuyao Office ng MCDC, wala pa kasing memo para mag-office na ako sa head office doon sa Alabang.
Anyway, medyo nagiging exciting na ang trabaho, nagiging mas enjoy na ako sa work. May ATM na ako, haha, hindi na made-delay ang sweldo ko, ansaya. Na-e-excite din ako kasi may field project na naman kami, presentation na naman sa ibang lugar, kahit walang assurance kung makakasama ba ako, na-e-excite pa din ako. Sundan na lang natin ang mga susunod na kabanata. Toink.
May bagong e-mail address na ulit ako, othanhinagpis@yahoo.com, ang magiging official na electonic mailing ko sa ngayon, or in the mean time. Basta ang office a-mail ko ay hindi pa activated, ang jmhinagpis@mcdc.ph.
Na-e-excite ako, kasi ako na ang Scheduling Manager ng Church Organization ko, ang LCM. After 5 years kong member ng LCM, ngayon lang ako naging officer, at Scheduler pa ako. Alam ko challenge sa akin 'yun. Magpa-pray na lang ako kay God na tulungan nya ako sa paggagawa ng Schedule ng mga kasamahan ko.
Katatapos lang ng Renewal namin kahapon, thankful ako kasi another year of service na naman ang binigay sa akin ni God para mapaglingkuran ko sya.
Hanggang dito na lang muna, madami pa ako ikukuwento! Bukas na lang ulit, ha? Toink
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment