Monday, June 18, 2012
"NASA GITNA KAMI NG P. IN*"
May bago na akong hobby sa umaga pagkagising, iyon ay ang mag-exercise, toink. Bakit ngayon ko lang ginagawa ‘yon sa umaga? Dapat every morning ako nag-e-exercise kasi tumataba na naman ako. Andaming class suspensions ngayon, maulan na naman kasi, puro baha, kaso sa Metro Manila lang, ano bang care ko dun? Kelan ba ma-sususpend ang work ko sa office? Toink.
Pusong bato kaagad ang napakinggan ko, tugtog sa tricycle. Talaga palang uso ang kantang ‘yon? Late ko na naman na-discover. Traffic, Lunes kasi ngayon. ‘Yung ibang college schools ngayon lang nag-start ang classes nila. Pagdating sa may riles, dahil traffic, sa gitna ba naman ng riles kami tumigil, ‘di kasi maka-adjust ang tricycle, buti at walang padaan na train, dahil kahit isang hugong lang ng tunog ng tren ang marinig ko, tatalon talaga ako sa tricycle! Napapatawa nga ako, kasi napa-mura tuloy ako, “Nasa gitna kami ng P***ng Ina” Haha!
Himala, ako ata ang nauna sa kanto ngayon, naunahan ko si Ghez (HS Classmate, Friend, Now Officemate). Sumakay kaagad kami ng Van, buti hindi ako masyadong nainip sa byahe, dahil may kakuwentuhan ako habang binabagtas ang Expressway papuntang Alabang. At kagaya nga ng sinabi ko, may nasisilayan ang mga mata ko na nakasakay din sa Van, haha, kahit nasa likod sya at hindi ko sya katabi, ayos lang. Masaya pa din.
Pagdating sa office, may pinagawa sa akin si Ms. Weng na mga forms para sa Company namin, ang Ecostong, buti may ginawa ako, wala kasi’ng naiwang trabaho sa akin ang boss ko ngayon. Nakita ko ang mga computer ng mga ka-officemates ko dito, nag-kakanyahan ng Screensaver, puro Text lahat, kaya pinalitan ko din ang akin, nilagay ko “don’t cry, La Vita”, kasi LSS pa din ako sa kantang “Don’t Cry” ni Ken Laszlo eto ang lyrics…
Open your eyes,that's all he's ever wanted
Maybe it's just your love thats gone
I can be right when you get the feelings through your heart
(into your heart) x 3
What do you think about it?
Do you think that is to hide your pride?
What do you dream about yourself?
Now baby you can tell me,don't be so afraid
And
Chorus
Don't cry,don't cry this is my life
Don't cry ,you've not better never lose your mind
Now maybe you can feel me,maybe you can see me
Don't cry,it's me forever don't forget my eyes
Don't cry you have not better never lose your time
Now maybe you can feel me maybe you can see me
Don't cry
Now in your eyes,to the world you've been a strong girl
maybe you'll reach for your goal
I must belive that you kind of saw to get this far
What do you think about it?
Do you think that is to hide your pride
What do you dream about yourself?
Now baby you can tell me,don't be so afraid
And
Chorus
Oh ‘di ba, hehe. Dumating na si Boss, tapos na din ako sa pinagawa ni Ms. Weng na form, pina-check-an ko na sa boss ko, hmm, I expect na matutuwa sya, kasi actually hindi nya naman pinagawa sa akin ‘yun, I voluntarily did that ‘coz I know in the future magagamit namin ‘yun. Tinanggap nya naman, kaso not that too appreciative, ‘yun lang ‘yung na-feel ko, but that’s ok. Medyo tumaas lang siguro ang expectation ko sa level ng appreciation na mare-receive ko. Naisip ko tuloy ‘yung kinuwento sa akin ni jelly, na mag-reresign daw dahil hindi masyadong na-a-appreciate ng boss nya ang mga works nya. Nababalewala ang effort. Na-feel ko din ‘yun ngayon. Hmm. Kesa malungkot ako, inisip ko na lang ‘yung quote na nakadikit sa table ni Ms. Weng about Happiness, “give more.. expect less..” Tama! Toink
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment