Grabe, laptop pa lang ang nailalagay ko sa bag ko, wala na kaagad space! Siksikin tuloy ang mga gamit ko sa bag ko. Hindi ko alam ang isusuot ko, sa MCDC-Cabuyao kasi ako mag-rereport ngayon. Tiyak na magugulat si Jelly, hindi nya alam na doon ako mag-i-in this morning. Sarado na daw ang kalsada, dahil nagpe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga sa Baclaran, nako napakasaya tiyak sa Baclaran ngayon, nandoon kasi ang Eat Bulaga para sa segment nila na “Juan For All, All For Juan”. Parang gusto ko nga doon dumaan papunta ng office eh, makasilip lang ako. Sikat na naman ang Cabuyao, sana naman ma-endorse sa TV ang Cityhood ng Cabuyao, toink. Pagdating sa Orchard (MCDC-Cabuyao Office), halos lahat sila nagulat, nagtataka bakit doon daw ako nag-in ngayon, ang tanong pa nga ng iba eh, “Dito ka na ulit?” Sabi ko may imi-meet lang na clients si boss kaya doon ako pinag-in. Si Jelly, wala pa. Naunahan ko pa pumasok eh, kaso nung nagkita na kami, hindi na sya masyadong nagulat kasi nalaman na nya na naanduon ako kasi nakasalubong nya daw si Papa nung hinatid ako kanina.
Tuwang-tuwa na naman daw si Jelly, at Masaya sya ngayon sa office kasi nandito ako. Niyayaya nya nga ako mag-lunch out, kasi pupunta daw kami sa kanila sa Villa Estela para masilip namin ang Eat Bulaga, naku nakaka-excite. Ang Baclaran ang pangatlong barangay sa Cabuyao na sinugod ng “Juan for All, All for Juan” ng Eat Bulaga, una ay ang Brgy. Butong, sunod ay Brgy. Pittland. Bida na naman ang Puregold Mamatid. Nakaksabik, kasi makikita ang Baclaran sa TV. Sana maging maayos ang lahat, at makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan, malaki ang tiyansa nilang manalo. Ayusin lang nila! Toink.
No comments:
Post a Comment