Ang ganda ng panaginip ko, pero parang magulo di ko masyadong naintindihan, nasa school daw ako no'n eh, pero maganda. Napamulat na ang mata ko, napabalikwas ako bigla at gusto nang itapon ang cellphone ko sa pag-aakalang di ito nag-alarm, akala ko kasi tanghali na pagtingin ko sa orasan 7:12 AM pa lang pala 3 minutes pa bago mag-alarm ang cp ko. Haay, buti naman at maaga pa, akala ko di na ako makakapagserve ng kasal sa simbahan, saktong sakto lang pala ang gising ko. Kumain na'ko kagad at saktong 8:30 ako umalis para naman di ako ma-late sa 9 AM mass wedding. Pagdating ko sa simbahan, nadatnan ko na ang dalawa sa altar, si Ate Beth at Lawrence, nandun na din ang mga abay at ang mga ikakasal nagmamartsa na nga eh. Nag-commentator naman ako, para maiba naman, parang mas masarap pa nga ang magcommentator pag kasal eh. Si Father Seldon ang nagserve, nandun din si Kuya Pepe, mga sakristan at Brother Jason. Ngiti naman ng ngiti ang mga ikinakasal, ewan ko ba, pati ata yung best man, katapat kasi ng pwesto ko yung pwesto ng best man eh. Pagkatapos ng kasal, nagready na din kagad kami para sa susunod na misa ng kasal. Aba, espesyal ata ang susunod na kasal, kapatid kasi ng President namin sa LCM ang ikakasal, si Kuya Alson, siya lahat ang nagplano ng kasalan.
~¤~
Sa pinto ng Sacristy, pinagmamasdan namin habang nagmamartsa na ang mga abay, kami kami nina Lawrence, Ate Beth, Kuya Pepe, Bro. Jason at mga sakristan, pinaguusapan namin ang kagandahan at kaayusan ng kasalang nagaganap. Syempre si Kuya Alson kaya ang nagplano lahat lahat para sa kasal ng ate niya. Pati nga paunang salita gumawa siya, at ako pa ang magbabasa, commentator tuloy ako, si Kuya Alson ang Lector 1, at kinanta ni Lawrence ang salmo. Espesyal din ang sermon ni Father Seldon, ang galing nga ng sermon niya kanina eh. Napahaba tuloy ang buong misa, pero feel na feel ko ang pag-ko-commentator talaga. Nu'ng natapos na, sinabihan kami na sa sasakyan daw kami ni Kapitan (na Ninong din sa kasal) sasakay, wow sosyal, papuntang Reception sa Cabuyao Central. Pagpuntang sasakyan, sumakay na kaming apat nina Kuya Ronald, Ako, Lawrence pati si Brother Jason isinama namin, katabi ko pa nga lagi sa Van eh. Sumakay na si Kap pati si Kuya Alson dun na din namin pinasakay. Kuwentuhan kami sa van, tanong kay brother ng mga ilang bagay, tanong din siya samin, we're really getting closer to him. Pagdating sa Cabuyao Central (Brgy. Pulo) ayos din naman ang lugar, ang lalaki ng mga bahay, first kong nakarating dun actually. Dun kami sa clubhouse o pavillion gaya nga ng sabi ni brother. Akala namin ang ganda na ng pwesto namin, inagawan ba naman kami habang nag oopening prayer si brother? tawa tuloy kami, bakit nagpakatayo tayo pa naagawan tuloy kami ng pwesto ng iba. Pagpila namin, medyo natagalan sa pagkuha ng pagkain pero ayos lang, may nag-cater sarap nga ng pagkain eh may buko salad pa, pagkakuha naming apat ng pagkain nakakuha din kami ng magandang pwesto, sa may labas ng clubhouse sa ilalim ng puno, may mesa dun at sakto saming apat, mahangin pa, naging maginhawa ang pagkain namin habang nagtatawanan at nagkukwentuhan. Umalis nadin kami kagad pagkakain namin, nakakahiya kasi dun sa driver ng sasakyan ni Kap, kaya nagpaalam na kami kay Kuya Alson. Pag-uwi, tabi tabi kaming tatlo sa van, sa unahan kasi si Kuya Ronald, feeling nga namin mga espesyal na tao kami noong mga oras na yun eh, de-aircon kasi ang sasakyan namin tapos solong-solo pa namin. Pagbaba namin ng simbahan, wala pa yung patay? Mag-two-2 PM na ah? Naabutan pa namin, sayang! Dapat pala sumama na si Ate Beth, nagpaiwan kasi siya kasi walang magse-serve ng alas dos sa patay. Di naman namin alam na maaabutan pa namin na wala pa ang patay, sana talaga sumama muna samin si Ate Beth, nakasama sana siya, gutom na daw pamandin siya. Nung dumating na ang patay, tinignan ko muna sa kabaong, meron kasi akong kailangang siguraduhin. Pagtingin ko, si Ma'am Lejarde nga ang patay, tama nga ang balita. Teacher siya ng Mamatid Elementary School, di ko siya naging teacher pero kilala namin siya. Dahil nandun na naman kami, nagserve na naman tuloy kami, ako naman sa Panalangin ng Bayan. Buti naman kahit papano nakapagserve ako kasi naging parte din naman ng buhay elementarya ko yung namatay. Ibang pari ang nagserve, Indian nga eh. Kaya medyo na-alarma kaming lahat. Nung natapos ang misa, nagpasalamat sa unahan si Ma'am Cornejo, kapatid as well as co-teacher din ng namatay. Nahimatay nga siya eh, nataranta ang lahat, kaya nagpakuha ako ng tubig sa kusina ng kumbento para iabot at ipainom kay Ma'am. Paglabas ng patay, sunod namang pumasok ang mga Liceans, ang aga naman nila, 4 PM pa ang misa ng Liceo ah. Sunod-sunod ang naging misa noong araw na iyon, buong araw bukas ang simbahan.
~¤~
Nasa kusina kaming lahat, nakain kasi si Ate Beth eh. Kami kami nina Lawrence, Ate Wena (namamahala sa kumbento), si Jhed (pamangkin ni Father), si Ryan at ako. Tinitignan namin yung mga pictures noong nakaraang "Mga Pinagpalang Lola ni Lolo Enteng", tyaka yung Yearbook ng Parokya noong nakaraang 60th Foundation ng simbahan noong 2006. Nalaman ko na ang kasaysayan ng Barangay Mamatid at kung kelan naitatag ang Parokya ng San Vicente Ferrer, ganun pala, ang galing pala ng kasaysayan ng Mamatid at ng Parokya. Paglabas namin, nagsisimula na pala ang misa ng Liceo. Balak na naming umuwi no'n ng bigla naming nakita si Kuya Alson, may dalang pagkain sa simbahan para kay Father. Nung makausap namin siya, pinapapunta niya si Ate Beth sa kanila para makakain.
No comments:
Post a Comment