Yehey, last day of school for the week na! Katamad nga eh, isa lang kasi ang klase namin ngayon. Buti na lang napaaga ako ng gising, sabay-sabay lahat kami pagpasok, gamit ko na nga pala bag ko! Hehe. Ansaya. Kasabay din namin si Michelle. Nga pala! Birthday ngayon ni Rizal ah, kaya pala mukhang konti lang ang mga pasahero, wala kasing mga estudyante at walang pasok kasi sa buong Laguna. Kelangan maaga akong makauwi mamaya, may praktis pa kami sa simbahan para sa renewal namin sa Linggo, excited na'ko!
~¤~
Nagklase na kami sa Learning & Cognitive, andami din naman naming natutunan about coping mechanism, stress and frustration tolerance at ang "Life is a series of continuous adjustment".. Totoo nga naman, every moment in our life we need to adjust, every thing changes, we do not know when, but we need to ready ourselves for it. We need to adjust for a change, for a new thing. In our life, we always need to learn how to accept and love what God and our destiny give us, coz it always has a reason. Anu daw? Hehe. After ng klase, kinausap ko mga groupmates ko sa Humanities about dun sa proverbs namin. Nung uwian, nagbabalak pa sina Monica na mag-Robinson, basta kami gusto na naming umuwi. Kelangan ko nang magmadali, 1 PM pala yung practice namin sa simbahan. Bumili ako ng lotion sa Mercury Drugs, haay naalala ko tuloy yung Crush kong Cashier dun sa El Rey. Hehe.
~¤~
Kumain na kami, nagmamadali na'ko kasi mag-1 PM na, pagkakain nagbihis na'ko at nagpahatid kay Jerick, kaso wala pang tao sa simbahan. Nu ba yun, ang sabi ng magkapatid na Rex at Ryan, nandun na daw kanina si Ate Beth, nagpunta lang daw ng tahian. So, nagpahatid ulit ako papuntang tahian, nandun nga si Ate Beth. Nagkwentuhan muna, tapos nagpunta na kaming simbahan, nakasalubong na namin si Lawrence. Nagpaload si Ate Beth, pati ako dinamay, nagka-GaanTxt10 tuloy ako ng wala sa oras. Pagpuntang simbahan, pinagseserve pala ako para sa misa ng 5:30, kapistahan na pala ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, dalawa ang pagbasa kaya ako ang sa second reading, so pinraktis na namin sa Sacristy. Paglabas namin ng Sacristy, marami-rami na sila sa labas, 2 PM pala ang sabi sa kanila. So 2 PM nagstart ng praktis, ganun pa rin kagaya ng dati, pero iba samin ngayon kasi renewal na kami. Pagkatapos, umuwi na'ko kagad para maligo. 4 PM na, kelangan makabalik ako kagad ng 5 PM sa simbahan. Oo nga pala, katapusan na ng Dapat ka bang Mahalin? nanood muna ako, ang ganda kasi eh. Hanggang natapos na'ko paliligo, tinapos ko talaga. Kakaiyak, grabe ang ganda ng katapusan, the best! Bumalik na kagad ako ng simbahan, nandun din pala sina Kuya Alson, Ate Telay, Cora, Lina, Cynthia, Ma'am Flor at ibang LCM, medyo kinabahan ako sa pagbabasa. Renewal pala ngayon ng mga miyembro ng Apostolado ng Panalangin.
~¤~
Sa Sacristy kanina, kumpleto na kami nakapila, si Father nalang ang hinihintay yung isang Sakristan ba naman lukot ang sotana! Edi pina-plantsa pa habang suot suot, nanood kami lahat. Itong si Ate Tes, sinabi ba naman "Ah baka di yan magbuntes.. Ehh! magbuntes..." siguro ang ibig niyang sabihin baka hindi makabuntis yung sakristan, kasi habang pinaplantsa yung sotana nakalapat sa tiyan niya pababa hanggang laylayan, so natatamaan yung parteng ibaba niya. Tawa ako ng tawa eh. Haha. Nung dumating si Father, sinabi ba naman ni Ate Tes "Teka lang Father, namamalantsa pa".. Isumbong ba? Si Ate Tes talaga oh.
~¤~
Buti tapos na misa, grabe antok na antok ako, ang sakit sa ulo. Uminom kami ni Lawrence sa kusina, nagugutom kasi ako. Tamang-tama, may pakain pala ang mga Apostolada, sina Ate Beth at Onor tawag ng tawag samin ni Lawrence, si Ate Beth dalwang sandwich ang binigay sakin, naubos ko lahat. Kain kami ng kain lahat, bago lumakad ang prusisyon. Hanggang St. Joseph lang ang prusisyon sa Purok Uno at hanggang Algon naman ang sa Purok Dos, pagtapat samin nagpalit ako ng damit, hinubad ko na ang uniform ko at ipinalit ko ang LCM Shirt, nagtsinelas na lang din ako. Pagdating sa simbahan si Brother Joseph ang nagbasbas, si Bro pala ay seminarista na pinalabas muna ng Obispo para makapagsanay sa mga parokya. At sa parokya muna namin siya ng mga ilang buwan. Nagpa-Mabuhay na kaming apat nina Lawrence, ako, Kuya Alson at Ronald, tutubusin na namin ang uniform namin. Pagdating sa tahian, napasakamay ko na din ang uniform ko, ayos na pare-pareho na kami. Ready na ako para sa Renewal sa Linggo! Pag-uwi namin dumaan kami kina Kuya Joel, ibinayad na naman ako ni Kuya Alson sa trike. Pagkakain ko ng hapunan, grabe nakakapagod, ang sakit ng katawan ko buong araw, pagkagaling sa School, nag-practice sa simbahan ng 1 PM, nagserve nung misa ng 5:30, sumama sa prusisyon at tumubos ng uniform sa Mabuhay. Grabe andami kong ginawa buong araw, pero eto ako ngayon nakina Fey, hehe. Nagawa ko pang magpunta kina Fey? Talagang wala akong kapapaguran. Dun kasi ako sa kanila nanood ng katapusan ng One Liter of Tears, haay, tapos na, kakaiyak eh. Mami-Miss ko din ang mga cast nun. Antok na'ko, napapapikit na nga ako sa upuan habang nanood ng TV sa tindahan nina Fey, partida nagbebenta pa'ko nun. Biglang nagtext si Ate Beth, magserve daw ako bukas sa kasal, edi Ok, reply ko. Kelangan ko na pa lang umuwi, para makapagpahinga na. Magse-serve ba ako bukas para sa kasal? Aba, nakasagot na'ko ng Oo eh. Pero try ko, kasi parang di ko kayang gumising ng maaga bukas eh. Inisip ko nalang na baka may plano ang Diyos kaya niya ako pinagse-serve bukas. Malay ko ba kung mag-serve din siya?Edi magkikita at magkakasama ulit kami.
No comments:
Post a Comment