Monday, June 15, 2009

MALAY KO BANG IKAW ANG MAKIKITA KO SA TAPAT NG PINTO? (Tuloy ang Paghihiganti)

Nagmulat na ang aking mga mata, 4:00 AM na pala, parang kahihiga-higa ko lang kanina ah? Haist, 4 hours lang ata naging tulog ko ang sakit sa ulo, nakakaantok pa! 15 minutes pa, tutulog ulit ako. 4:15 AM, hala makabangon na, hotdog at sunny-side-up egg ang first breakfast ko this school year, sarap naman. Paikot-ikot ako, di ko alam kung maliligo na ba ako, medyo maaga pa naman, maya-maya ng konti. Kailangan kasi bago mag-6 AM makaalis na'ko samin para naman maaga ako ngayong unang araw ng klase. 5:50 AM, buti naman nakaayos na ang lahat sakin, may baon na din ako, nakamenos pa ng pamasahe pa-kanto! Kay Papa kasi ako sumakay palabas, kasabay ko pa si Tita Ellen, naki-spray na din ako ng pabango. Pagdating sa terminal, nu ba yan, ako pa lang andun? Todo text na nga ako sa mga kasabay ko, si Sahara hindi nagrereply, buti pa si Meann ang sabi papunta na daw siya. After 15 minutes, dumating si Kristel, sunod si Gretchen, buti pa sila isa na lang ang hihintayin, samantalang ako ni isa wala pang makakasabay. Buti dumating ang di ko inaasahan! si Gladz. Hala, dumating na si Sheryl, nauna na tuloy sila. 7:00 na ata dumating sina Meann at Sahara, may 30 minutes pa kami para bumiyahe. Ang hirap ng bagong sistema sa terminal, una-unahan na ngayon, wala ng pila? Nu ba yan. Haist, nakasakay din kami.
~¤~
Yepee, malapit na mag-PUP, retouch muna. Haaay, pagbaba, it's good to be back to school. Lalo ako naexcite, aha, kita kitz na ulit kami. Habang tinatahak ko ang daan patungong New Building, "Tuloy ang paghihiganti" sabi ng isipan ko, ok, tingin sa paligid, hanap ang dalwang paghihigantihan. Pagdating ng 3rd Floor, syempre sumilip ako sa room ng mga first year, hmmm.. madami dami din naman sila, teka, parang iba ang hinahanap ko ah. Hehe. Haay, kapagod pag-akyat, 4th floor nga pala kami lagi. Nakita ko na ulit ang buong klase, mmmm, mukhang wala namang pinagbago, ganun pa rin ang lahat. Punas si armchair, distribute ang mga self-deviced tests ang una kong ginawa, maya-maya nagpasukan na ang lahat, andyan na pala si Sir Cueto, our professor for our first class, Sir Salazar our professor in Humanities, bagong mukha na naman, bagong pakikitunguhan. Isa lang ang vacant namin, 9:00-10:30, naginternet muna ang iba tapos kaming apat nina Jenny, Monica at Anna Mae ay kumain muna. Habang naglalakad, Aha! Nakita muli kita. Muli na naman tayong pinagtagpo, saluhin mo nalang ang mga pang-iirap at pagkukunwari ko sa'yo. Akala mo di ako makakaganti sa'yo, humanda ka sa'kin! Ewan ko ba kung bakit ako naghihiganti sa kanya? Nakatext ko lang naman siya, basta! Kailangan ako maghiganti sa kanya, actually madami sila! Lahat sila na mga nakachat at nakatext ko nitong nagdaang bakasyon, lahat sila inaway nila ako, kaya kelangan makaganti ako! Dalawang second year sa EE at IE, fifth year na ECE at kabatch ko na EM. Eh papano ako makakaganti dun sa huling dalawa eh di ko pa nga sila nakikita? Edi ipagtatanong ko, alam ko naman mga pangalan nila. Humanda sila!
~¤~
Ayan na ulit si Sir Cueto, dalawang subject namin sa kanya sa isang araw, dalawang araw sa isang linggo, nu ba yun! At iba daw ang sistema ng klase niya ngayon, more on recitation, tayna. What is an Organization? Gosh, nagtatawag si Sir, baka tawagin ako. Organization? Group of People/Community, inihanda kong sagot pag tinawag ako. Ang galing ng sagot ni Wendell ah, hala, nasabi na yung isasagot ko, hayae na nga hindi naman siguro ako matatawag ni Sir. Another answer coming from.. sabi ni Sir, tumungo ako. Jonathan! Hala, pagtayo ko, bunot ng malalim na hininga "An Organization, for me, is a community of professional individuals abide each other for a specific purpose.." Anu daw? Anung klaseng sagot yan, hala, nilakasan ko na lang para kahit papano ayos ang pagsagot ko. Every class kelangan ba ganon? Naku, kelangan namin mag-enhance ng aming english. Antagal naman matapos ng klase ni Sir, excited na kaming mag-Chowking! Inaantok na ko, kalahating oras pa ang hihintayin namin, nakatungo na ko, pikit na mga mata ko, nasa unahan ko pamandin si Sir, nakakahiya tuloy. Ayan na! Tapos na ang klase, konting polbo at brush, bababa na kami at deretso Chowking na. Habang pababa kami, hinanda ko na ang sarili ko, at alam kong makikita ko siya. Pagtapat ng first floor, biglang bumukas ang pinto ng isang room, at bumulaga sakin ang isang taong nakaupo at nagkatinginan kami. Hmf! Malay ko bang ikaw ang taong makikita ko sa tapat ng pinto? Talagang sinadya yun ng tadhana, sabi ng isipan ko. Tuloy ang paghihiganti. Haha
~¤~
First time kong papasukin ang Chowking-Sto.Tomas ah, buti pa ang mga kasama ko patatlo na daw nila. Nag-CR muna ako, kanina pa ako ihing-ihi, ang sikip naman ng CR. Ang ganda ng pwesto namin ah, tamang-tama samin. Order-an na! Basta gusto ko may Halo-Halo. Hindi Lauriat ang in-order ko, nakakain na kasi ako nun eh, Noodle soup ang in-order ko syempre humingi kami ng Chopsticks para masarap ang kain. Si Meann ang sagot, birthday niya kasi ngayon eh. Grabe antagal ng serbisyo ng pagkain, bago kami nakakain inabot ata ng kalahating oras bago makumpleto ang mga order namin, nabawasan ko na Halo-Halo ko, at si Anna Mae ubos na ang coke! Ang saya namin, ansarap ng kain namin, kami nina Monica, Jenny, Carlene, Lourdes, Sahara, Gladz, Anna Mae at syempre ang birthday celebrant na muling bumalik ang pag-ibig. Hehe. Grabe nabusog kami, lalo na ako, andami kong nakaing Halo-Halo. Nagpicturan din kami, yung waiter ang photographer. At sa wakas, nilisan na namin ang Chowking, sina Monica umuwi na.

No comments:

Post a Comment