Parang antok na antok pa'ko, but I'm supposed to be excited, ngayon na ang araw ng Renewal namin! So, bumangon na'ko at kagad kumain. Pagkaligo ko, syempre excited kong sinuot ang bago naming patahi na uniform, saktong sakto lang. Nagpunta na kami ng simbahan, sa pinto pa lang nakita ko na sina Ate Beth, Onor, Cora at Tes, pati sina Kuya Alson at Ronald. Binigay na sakin yung pin, wow ang ganda, humingi na din ako ng kandila. Excited kong pinasuot kay Christine yung pin, salamat nagkakolorete na din kami. So pumila na kami, dumating na si Father at ang mga sakristan. Asar! Bakit parang hindi ang mga inaasahan ko ang nangyayari? Hindi ito ang in-e-expect ko, bakit wala siya? Pagkaupo namin, nagsimula na ang misa. Habang nagsesermon si Father, hindi ko maiwasang mapag-isip, hindi ko alam, parang naiiyak ako, antagal ko na siyang di nakikita. Miss na miss na kita, asan ka ba? Hindi ko mapigilang mapag-isip kung babalik ka pa ba, kung makikita pa ba kita ulit, kung ayos ka lang ba, baka may nangyari sa'yong masama? Naiiyak na'ko, bakit kaya ako nagkakaganito? Parang ordinaryong araw ng Linggo lang ang nangyayari, wala sa konsentrasyon ko ang nagaganap na Renewal namin. Ang init grabe, kung ano ano pa ang naiisip ko, napabuntong-hininga na lang ako at itinuon ko na lang ang sarili ko sa mga nagaganap. Natapos ang homily ni Father, sinimulan na ang Installation at Renewal, success! Natapos na, parang ang bilis, naisip ko tuloy na wala na, tapos na ang araw na pinakahihintay ko. Pero parang wala lang sakin, magkahalong tuwa at lungkot, wala kasi siya sa mismong araw na mahalaga sakin.
Nung communion, kay brother kami nakapila, dun sa seminarista, naisip ko siya buti pa siya nandun siya ngayong araw na toh, kahit papano magaan ang loob ko sa kanya.
~¤~
Tapos na ang misa, tapos na din ang Renewal namin. Palinga-linga ako sa paligid, may hinahanap kasi ako, si Mama, asan na ba yun? Baka umuwi na yung Sponsor ko, hindi ko man lang mabibigyan ng konting pagkaing pa-meryenda. Asan na ba si Mama? Medyo naiinis na'ko, lahat na ng sulok ng simbahan nadaan ng mata ko, pero di ko makita ang hinahanap ko. Nang biglang paglingon ko, bigla akong nagulat sa taong nakita ko na paparating. Andyan na siya! Nataranta ako, di ko alam kung san ako pupunta, pati paghahanap ko kay Mama isinantabi ko muna. Bigla kong naisip na magpunta sa lugar na alam kong pupuwestuhan at pupuntahan niya, sa Sacristy! Kunwari hinahanap ko si Lawrence, pagtapat ko sa pinto, alam ko papasok na siya. Paglabas ko, pumasok na siya. Bumilis tibok ng puso ko, nagulat ako sa mga pangyayari, nagkatinginan lang kami. Pagtama ng mata ko sa mata niya, di ko alam kung anong sunod kong gagawin, babatiin ko ba siya? Kaso, hayaan ko na lang na siya ang mauna. Pagkatapos naming magtinginan, sabay naming nilampasan ang isa't isa, na parang wala lang, parang ordinaryong taong hindi magkakilala na nagkasalubong lang. Nalungkot ako bigla na parang medyo nainis, bakit ganun? Ganun na lang pala yun, matapos ko siyang ma-miss ng kay tagal tagal. Ganun lang? Medyo nainis din ako sa sarili ko, ang hina kasi ng loob ko, pede ko naman siyang batiin, parang wala kaming pinagsamahan. Kahit papano, nagkakasama din naman kaming dalawa, nag-uusap, nagtatawanan. Pero bakit kanina? Inisip ko na lang na, hayaan ko na nga siya. Baka naman nahiya lang siyang batiin ako, basta, nahihirapan na akong mag-isip, hayaan ko na siya, hayaan ko na rin ang sarili ko.
~¤~
to be continued...
No comments:
Post a Comment