Sunday, June 28, 2009
KAHIT KOLEKSYON KO 'YAN, BINIGAY KO SA'YO.. ITAGO MO AH..
Ang ganda lagi ng panaginip ko, kaso lagi akong nagigising.. gusto ko pa sanang ipagpatuloy kaso kelangan ko nang bumangon, oy, Linggo ngayon! Nagtataka ako, bakit parang kaya ko nang gumising mag-isa, kahit walang alarm nagigising na akong kusa at saktong 7 AM pa, kaso ansakit ng tiyan ko grabe, kagabi pa nga eh.. Gawa kasi nung lintik na chocolate na yun, matapos kong maubos saka ko lang nalaman na 3 months na pala yung expired! Cadburry pamandin, san ba galing yun? Anyway, ibinuhos ko nalang lahat ng sakit ng tyan ko sa CR. 7:30 kumain na kami, pinagtimpla ako ni Mama ng tsaa. Saktong 9:00 umalis na kami ni Mama, nagpahatid kami kay Papa. Pumuwesto na ko sa pwesto ng Commentator, nagpaturo pa nga sina Ate Beth at Elsa sakin ng mga pronunciation eh. Nung kinuha ko ang pamisa sa office nakita ko siya, pero deadma lang. Ewan ko ba kung bakit parang nitong mga huling araw eh di ko siya masyadong naiisip? Mabuti na din yun, sabi ko na lang sa isip ko. Kung wala na, edi wala, basta andyan lang siya may sarili siyang mundong ginagalawan, at andito lang din ako at meron ding mundong kinikilusan. Nagpamisa na'ko, ang haba ng pamisa. Tapos nagsimula na ang misa, every time na commentator ako ng english feeling ko ang pangit ng basa ko. Habang nagmamartsa na, wala siya, bakit di yun magseserve? Ok lang. Natapos na ang misa, pati pagbabasa ko ng announcement di ako satisfied. Feeling ko di nakikinig ang tao, todo practice pamandin ako. Parang malungkot ako ngayong buong misa, kunsabagay last commentator ko na yun na si Father Christian ang nagmimisa, kasi malapit na siyang umalis huling linggo niya na to. Di pa ko nakapagmano sakanya, andami kasing tao na nagmamano sakanya. Ok lang, mamaya na lang 6 PM babalik ako, magseserve ako ulit. Sana magserve na siya, kung hindi man, ok lang un. Kinausap ako ni Ate Beth, siya na lang daw mag-isa ang magseserve sa binyag para daw makapagpahinga ako, sabi ko nalang Ok po. Kung dun naman siya magseserve at kung kelan wala ako, ok lang din. Makauwi na, dun ako sa may opisina dumaan, nandun siya nakatambay, basta ako dadaan at lalampas lang ako sakanya, pero pagdaan ko tinawag niya ako, hinihingi nya yung missalette na hawak ko assignment niya daw kasi yun sa religion ata, una tinanong niya muna kung gagamitin ko pa daw, sabi ko oo mamayang 6, sabi ba naman wag na daw ako magserve mamayang 6, ganun? Pero binigay ko na, ok lang naman yun, nasa Lectionary naman ang babasahin ko mamaya. Nakakatuwa siya, sabi ba naman yehey may assignment na'ko. Ayan may remembrance na'ko sa'yo, tago mo yan ah. Kahit koleksyon ko yan binigay ko pa din sa'yo. Pagtapos nun umuwi na kami ni Mama, naglakad lang kami, ayos lang yun masaya naman ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment