Monday, December 12, 2011

SAYINGS :S

Mag-assign din kau ng ndi sasama Parang Mini-bus eh. Two years, bago mapuno. Anlayo ng tatanawin naten, Nena. Haha FROM JAYSON. TOINK

Saturday, December 10, 2011

LAST FRIDAY NIGHT

REMEMBERING OUR PARTY LAST FRIDAY NIGHT AT Bamboo Asia Grill AND COCO SUPERCLUB, WALANG KATULAD!

OTHAN TO NETTE

kahit na.. pede nman mag-iced tea ka nalang dun.. kahit nakaupo ka lang pede nman eh.. basta ienjoy mu lang ung iniinom mo, ung mga kasama mo at xempre ung loud music na nagpapasaya sa lahat.. hehe

LAST FRIDAY NIGHT

REMEMBERING OUR PARTY LAST FRIDAY NIGHT AT Bamboo Asia Grill AND COCO SUPERCLUB, WALANG KATULAD!

OTHAN TO NETTE

kahit na.. pede nman mag-iced tea ka nalang dun.. kahit nakaupo ka lang pede nman eh.. basta ienjoy mu lang ung iniinom mo, ung mga kasama mo at xempre ung loud music na nagpapasaya sa lahat.. hehe

Friday, November 25, 2011

SAYINGS :P

May toyo yata ang put*.. Haha

Parang funeraria 'yang paglakad

Monday, November 21, 2011

SAYINGS :P

Doon ako sa pa-Kanluran sa unahan

Sa gisa mo'y magpamali mali pa sya ng ayos doon.

Hindi mo man lang ako pinansin

Tuesday, November 1, 2011

'ANG BANGKÓ'

Ang ganda sana ng panaginip ko, kaso nagising na kaagad ako. Nanalo daw kami sa isang promo sa powdered detergent soap ng worth P750,000.00. Biruin mo 'yun. Halos malapit nang mag-1 million. Pero nagising na 'ko eh, kung totoo sana 'yun, 'di sana maghahanda ako ng bonggang bongga sa debut ko.

November 01 ngayon, 'All Saints' Day', pero ngayon lahat nagpupuntahan ang mga tao sa sementeryo. Excited ako d-um-uty sa McDo ngayon, t'yak na madaming tao ngayon. 'Di na 'ko makakapunta ng sementeryo ngayon, may work kasi ako eh, pero nakapunta na naman ako kagabi, sa Cabuyao Municipal Cemetery nga lang, hindi sa Mamatid. Pero okay na 'yun, at least nakapunta ako ng sementeryo. Sumama kasi ako kay Char sa puntod ng kuya niya, bata pa lang daw nung namatay 'yung kuya nya because of colon cancer, nagtataka nga ako eh? Anyway, 22 years old na sana 'yung kuya nya kung buhay pa 'yun ngayon. Nakakatuwa sa sementeryo ng Cabuyao, ang liwanag kahit gabi na, may mga ilaw kasi ang mga puntod, kahit (Oct.) 31 pa lang kagabi, andami nang tao sa sementeryo.

Anyway, habang naliligo ako, parang may nakapuwing sa mata ko, ang kati kati, pagtingin ko sa salamin, sh*t! pulang-pula, parang sore eyes. Naisip ko na baka hindi ako makapasok ngayon, kasi pulang-pula talaga mata ko. Pero mawawala din 'to kaagad, sana nga. Habang papunta sa Cabuyao, feeling ko lahat ng mga nakakatinginan ko umiiwas kaagad ang tingin sa'kin, kaasar kasi 'tong mata ko, ngayon pa namula, baka isipin nila may sore eyes ako. Kung anu-ano talaga ang naiisip ko sa jeep, naaasar na'ko, parang 'di pa maganda ang pakiramdam ko, sumakit ang sikmura ko na para akong kinakabahan. Bago ako bumaba ng jeep tumingin muna ako sa salamin, wow! 'di na namumula ang isang mata ko, buti naman. Sumilip kagad ako sa store, bakit parang konti lang ang tao?

'Hi Nathan! You look so... sick..' bati sa'kin ni Ma'am Lau, bagong MT (Manager Trainee), habang kumukuha ako ng hot water. Natatawa nga ako eh, nagpakuha ako kay Rachel ng hot water, hindi nya pala alam na may hot water dispenser ang coffee maker dun sa front counter, edi ako na din ang kumuha. Kaya nga ako nag-utos kasi hindi pa ako naka-uniform, bawal kasi sa counter ang hindi naka-uniform, edi ako din ang kumuha. Lalo lang sumakit ang sikmura ko, bakit parang napapadalas ata ang pagsakit ng sikmura ko? Feeling ko tuloy 'di ako makakapag-duty. Hot water, kanino ko ba natutunan ang pag-inom ng hot water kapag sumasakit ang tiyan o sikmura?

Habang nag-bibihis ako, nawalan ba naman ng kuryente, sabi nga nila baka nagparamdam lang ang mga kaluluwa. Nyay! Sa LSM room ako nagbihis, 'di maganda para sa'kin ang Nov. 01 ngayon, wala kasing drama, 'di kagaya last year, naka-black t-shirt kami lahat at naka-rubber shoes. Ngayon walang drama, 'di naman daw kasi nagpa-participate ang iba. Nung una, medyo kaunti lang ang tao, pabugso-bugso. Pero nung pagabi na, dumami na ang tao. Sa gitna na naman ako, as usual, pero hindi ako Counter, Back-up lang ako ni Kapatid, masaya din naman kasi madami talagang tao. 'Yun kasi ang gusto ko 'yung madaming tao, para mabilis ang kilos ko, ayos lang din kahit walang ice, basta masaya. Dami ko din nakitang mga ano, alam mo na! Mga kras ko. Tnt. 'Yung iba samin nakapila, ako nag-ordertake, meron nga nagpapalit pa sakin ng float eh, nag-pasensya pa nga sakin, pero sabi ko 'ok lang. smiley'. Basta. Haha. Hindi ko nga namalayan na mag-te-ten o'clock na pala, out na 'ko. May bahagi ng puso ko na ayaw pa mag-out, kasi madami pang tao, madami pa ding opportunities, pinili ko na lang sumama kay Nica sa Booth ng McDo sa sementeryo, alam ko mas madaming opportunities dun! Tnt. Nag-alis na ako ng bullcap, dinala ko lang ang suklay ko at tissue, gora na kami. Nilibot pa nga namin ang buong sementeryo eh, ang saya, todo awra. Tnt. Andami din palang magagandang mosoleo sa sementeryo ng Cabuyao, syempre pag-mamay-ari ng mga mayayaman ng Cabuyao. Andami ko ding nakita, mga kras ko din, sinasalubong ko sabay sabing 'aray ko'. Tnt. May mga bumabati din samin, mga pumapansin, feeling ko nga mga celebrity kami. Tnt. Hanggang sa nag-alsa balutan na din kami at nagsara na ang booth. Kapagod na araw, pero masaya talaga. Nagbihis na'ko, medyo konti na lang din ang customers, kami na lang nina Jasmin at Missy (mga trainees ko) ang magkakasama, buti may kasabay ako pag-uwi. Mag-12 na pala, 'di ko talaga namamalayan ang oras. Parang ayaw pa nga naming umuwi eh, so umikot na naman kami ng Sementeryo, ang saya 'di ba? Inikot ulit namin ang Panchong, at dun ko nalaman na wala na palang Nanay si Jasmin, 1st year highschool pa lang sya nung namatay ang Nanay nya. Una pala talaga ay 'yung kuya nya, grabe nga ang kuwento nya eh, namatay daw ang kuya nya kasi may nagambala itong nuno sa punso habang nangunguha ng gagamba sa puno isang gabi. Na-gambala daw ng husto ang duwende (nabulag at nalumpo) at isinumpang ganun din ang mangyayari dito hanggang sa mamatay. Iyon ay ayon sa albularyo at ayon mismo sa duwende na sumapi mismo sa Tita nila. Ganun nga ang nangyari sa kuya ni Jasmin, na-paralisado at nabulag, hanggang sa namatay. 'Di ako masyadong naniniwala sa mga duwende, sapi, kulam o sumpa, kaya tinanong ko sya kung anu talaga ang ikinamatay ng kuya nya medically, or thru findings ng doctor, pero 'di nya nasagot. Totoo kaya na dahil sa nuno sa punso kaya namatay ang kuya nya? 6 months lang daw after mamatay ang kuya nya ay namatay na din daw ang Nanay nya because of too much depression. Grabe pala, parang ang saklap ng mga pangyayaring 'yun sa buhay ni Jasmin 6 years ago, pero hanga din ako sakanya kasi napagdaanan nya na lahat 'yun. Hmm. 'Di mawala sa isip ko 'yung kinuwento nya..

Naglalakad na kami pasakay ng jeep, 'yung iba pauwi na din. Kasi mag-1 AM na ata, habang naglalakad, may biglang bumunggo sa may bewang ko, pagtingin ko, bangkó pala, bitbit ng isang lalaki, sabi ko 'ay..' sabi nya, 'sorry..'. Sumakay na kami ng jeep, sumakay din ang lalaki bitbit ang bangkó, nagpaalam sya sa mga kasama nyang lalaki, malamang ay 'yun ang mga kasama nya maghapon sa sementeryo at 'yung bangkóng dala nya ang ginamit nilang upuan. Natawa naman ako. Pagbaba ni Jasmin sa Niugan, nakinig ako ng music, 'Someone Like You' ni Adele, favorite ko na talaga 'yun. Sa Banlic bumaba 'yung lalaki, bitbit ang bangko, natawa na naman ako, habang iniisip ang araw na nagdaan. Ang saya, ang saya, 'di ko na naman 'to makakalimutan..

Pag-uwi sa bahay, may sinukmani, sarap. Busog na busog ako.. Nagbasa ng diyaryo, pinanood ulit ang 'Another Cinderella Story', umulan, at natulog.. Mornyt! Haaaiy..

Wednesday, July 6, 2011

ANG DIARY NI NENA

I remember the day..
When you're here with me..

Day? Bakit 'day'? 'Di ba gabi na? Tnt

'Sir, game!'. Syempre kailangang itaboy ang customers para makapag-out. Haha joke! Nagmamadali lang ako para maka-'gora ever' na!

Ma'am Ba-bye! Counters, 'di na'ko magte-turn over, MDS ako ngayon! 'Di na'ko nakasulat sa Log Book. Pagod na pagod na ako, antagal ko kayang naghintay sa PnC, nag-deliver na naman kami ng daan-daang Chicken Fillet with rice. Ako lang mag-isa, iniwanan ako ng mga kasama ko, kung saan-saan ako tumambay duon, hanggang sa sumipa na ang kung anung bagay man meron ang tyan ko. Tnt. 'Nena, ang kamay!' --naalala ko tuloy si Jayson. Naramdaman ko ang naramdaman nya before.

Ang daming BY. Super. Syempre, sawa na naman ang mata ko. Lahat ata ng mga BY na customers na nakikita ko sa McDo ay nakita ko lahat sa PnC. 'Todo awra' syempre..

PnC-- Pamantasan ng Cabuyao, syempre pag naging city ang Cabuyao gagawing Pamantasan ng Lungsod ng Cabuyao (PnLC) o University of Cabuyao, Laguna (UCLa). Kelan kaya 'yan matutuloy? Pero mas trip ko ang University of Cabuyao (Laguna) Association or 'UCLA' (can be pronounced as 'uk-la' or 'yu-si-el-ey'), oh 'di ba?

^^^P-A-G-O-D, 'yan lahat 'yun. Pero ngayon na nakapag-out na ako, sama-sama na kaming magkakaibigan at ready na kaming gumala, nawawala na ang pagod ko! Syempre isama na din ang pagsilay sa mga crushes! Tnt.

'Katukan natin pagdaan!'. Tok. Tok. Tok. With matching sunod ng tingin, maya-maya.. Tok. Tok. Oh hayup. Kumatok din sya sa glass wall! 'Sundan natin. Go!'

'Grab the Opportunities!'
--Jayson

'San kaya pupunta ang tatlong bata?'

'Basta sa'kin 'yung naka-blue ah!'

''Wag na natin sundan, baka matakot sa'tin ang mga 'yun.'

Nag-Mercury Drug na lang kame. Alam na, bagong sweldo, ginagawang SM ang Mercury Drug kapag bagong sweldo. Bibili ng mga beauty products, ang iced tea 'wag kakalimutan.

'Ang muriatic acid 'wag kakalimutan, 'di ba ginagawa mo 'yung facial wash?'

'Ang PH Care ubos na, bibili na ng bago.'

'Hello! Good Morning!' --Jojo

Nakita ko napatawa ang kahera. Napatingin din ako sa mag-jowang ginawang Luneta ang loob ng Mercury Drug. May naalala tuloy ako, si Darryl! syempre 'yung crush ko.

Ang dalawang Nena, bumili ng pagkain, kakainin mamaya sa plaza. 'Cobra, pampalakas!'

Pagkabayad ko, bumalik ulit ako para bumili ng pagkain ko. Gusto ko ng Nova, pampa-sexy, parang gusto ko din ng Nagaraya, kaso parang ang cheap. Teka, bebente pala ang hawak kong pera!

'Nena, bebente pala....' napatigil ako, leche, si Darryl nakasalubong ko. Papuntang Mercury Drug. 'Mga Nena si Darryl! Papasok ng Mercury!' Leche. Nakakahiya. Todo tawag pa ang dalawa. 'Di ako natingin, ayoko nang pumasok ulit, nakakahiya.

Pero nagpumilit ang Nena, at sinamahan pa ako sa loob. Dali-dali ako'ng kumuha ng Malaking Piatos at Nagaraya, kaso 'di ako makakuha ng drinks. Kasi andun si Darryl sa section na 'yun! Antagal nya umalis, leche, ayoko naman sabayan sya sa pagkuha ng drink kasi baka isipin nya sinasadya kong lumapit sa kanya.

Lumapit si Jojo at sya ang kumuha ng Minute Maid ko. 'Nena ang arte mo, porke't andyan lang si Darryl ih!'

'Darryl oh! Si Nathan'. Leche 'tong si Nena ang ingay. Kakahiya talaga, 'di ako makalingon sa kanya.

sa loob loob ko.

Ang perang nadala ko lang ay:

Isang beinteng buo.

Apat na limampiso..

At dalawang piso..

'P22.00'
--Kahera, Mercury Drug Cabuyao

P22.00? As in point Ow Ow? Twenny two? Sakto?

Yes, may natira pang beinte. Haha. Ang Darryl ay nasa likod ko pala, 'di ko pinapansin. Ano namang sasabihin ko?

'Ay! Nena, nasa likod mo. Go!'

'Grab the Opportunities!'
--Jayson

After ko magbayad, dali-dali na kaming lumabas.

Antaray ng mga Nena, nagbigay ng limos sa mag-inang pulubi. Hinintay muna namin lumabas si Darryl bago kami umalis. Paglabas ng pinto syempre tumalikod ako, pakipot kunwari. Tawag ng tawag ang dalawa. 'Di talaga ako natingin. Ngumingiti naman daw si Darryl, kasi kapag nainis sya sa mga pinaggagagawa namin, majojogsak ako ng wala sa oras. Oh haup!

Papunta ng terminal si Darryl. Sayang, kung pauwi na sana kami ni Jayson, aawrahan ko 'yun ng bonggang-bongga sa jeep.

'Asan na kaya ang tatlong bata?'
--Nathan

'Di pa din mawala sa isip ko ang tatlong bata. Syempre naman, kagaya nga ng sinabi ni Jojo, katok palang nilubxan na sya. Haha

Gorabelz na kami sa Town Plaza. Masaya sana kung may kasama kaming mga Ombre.

'Ahh.. Ahh.. Ahhhh.. Ahh..'
--Jojo's CP, may nagtext.

Todo sayaw ang dalawa sa ungol ng babae sa MyPhone ni Nena.

'Oy ano, musta?'
--Kukuk

Siney itis? Oh my Gas! Si Kukuk! Gagong gupit ang ombre. Lalo atang tumibok ang puso ko sakanya. Syempre todo awra ako sa kanya, kinakausap ko ng bonggang-bongga. Habang sya'y nakaupo pabukaka sa'ken ako nama'y nakatingkayad habang kausap ko sya, ang hayop na si bakla tinukso ako at tinulak, napahawak tuloy ako sa tuhod ni Kukuk, lalo tuloy ako'ng tinukso ng dalawa. Tuhod pa lang 'yan. Haha Nagyayaya syang mag-inom, tatlo kami, nag-iisa sya. Edi hahanap ng makakasama. 'Di ba? Madami syang pinuntahan, kaso mga hindi naman nagsisamahan.

Panu 'yan, walang partner ang iba? 'Di na tayo matutuloy.

''Nde, matutuloy 'yan. Ako bahala. Teka nga kaunin ko 'yung mga 'yon para matapos na kayong tatlo.'
--Kukuk

Wow naman! Natuwa naman ako sa sinabi nya! :))

Lahat ata ginawa na nya matuloy lang ang inuman, pero wala talaga.

Hanggang sa pinagtyagaan na lang namin ang mga pagkaing binili namin kanina sa Mercury Drug, habang nakikinig sa mga hinayupak na mga pulubing kanta ng kanta at usap ng usap ng kung anu-ano. 'Di na nahiya ang mga bata kay Rizal, nasa ibaba pamandin kami ng rebulto nya dito sa Plaza.

Haist. Napag-isipan na lang namin na umuwi na, next week na lang ulit, 'pag free na ang iba. Siguro mga friday 'yun, you know naman, walang pasok ang kinabukasan, pwede na!

'Oh tayo'y mag-CAYGO ditey, at baka tayo'y ma-'Julie Vega' ng mga tanod. Baka tayo ih pag-pushbrush-in ng buong Plaza, keri mo?!!'
--Jojo

Hagalpak ako ng tawa. :DD

Naglalakad na kami papunta sa kalsada, kunwari babalik na lang kami. Si Jojo tinutukso sa'kin si Kukuk, kausapin ko daw.

'Go! Grab the Opportunities!'
--Jayson

Nahihiya ako e, gusto ko sya, kaso mukhang ayaw nya din akong kausapin. Gusto ko sana syang kausapin para sa future namin, kaso mukang ayaw nya sa'kin. 'Di nya ata ako bet, pero keri lang.

Naisip ko na naman si Darryl. Na-miss ko talaga sya.

Sunday, July 3, 2011

'ABA, AY ALANGANEEN..'

Wala akong ginawa sa jeep kundi tumawa ng tumawa mag-isa. Tntntnt. Bukod sa naiisip ko 'yung mga patawa ni Jojo, natawa pa lalo ako dun sa matanda na kasakay ko sa jeep, gusto na kasi nyang bumaba sa kanto ng Katapatan, e nasa gitna ang jeep, buti tumigil kasi naka-'stop', sabi ng driver 'Sige ho, baba na ho at naka-'stop'', kaso sabi ng matanda 'Aba, ay alanganen'. Natawa ako sa reaksyon ng matanda, kasi parang natatakot syang bumaba kasi nasa gitna kami ng kalsada at may mga paparating na jeep pa. Sabi tuloy ng driver, 'Sige ho dito tayo sa tabe'. Natawa talaga ako mag-isa. Tnt. Kaasar, ngayon lang ulit ako nakapag-post, so busy e. Lunes na naman ngayon, papunta ako sa work, sa McDo pa din. Aabutin pa ata ako ng dalawang taon dun. Tnt. Masaya pa naman ako at patuloy pa ding nag-eenjoy bilang service crew, lalo na kapag kasama o kasabay ko lagi ka-duty sina Jayson, Jojo at iba, tawa lang kami ng tawa sa store. Kahit papano nakakawala ng pagod, at kahit nakakasawa na din, nakaka-excite pa din magtrabaho lalo na kapag alam mong maagkakasama kami sa duty. Sa counter, sa lobby o kahit hindi na nakaduty, wala kaming ibang hanap kundi BY, syempre, Ombre. Tnt, andami ko na din nalamang ibang mga salita. Sa ngayon nag-e-enjoy ako kasama sila, si Jayson, sabay kami lagi ng out, lagi kami magkasama kung saan saan, bibili ng kung anu-ano, lalo na ngayon bagong suweldo kami, todo shopping sa Mercury Drug ng mga beauty products. Tnt. Tawa kami ng tawa gawa ni Jojo! Pati sa Jollibee nagpunta din kami, oh hayup! Tnt. Sabay din kami pag-uwi, sa Gulod ako nadaan pauwi, bukod sa masaya na madami pang ombre dun, tnt, sarap din dumaan dun 'pag pauwi na, ibang atmosphere naman. At pagkakauwi sa bahay, instead na matulog, na-adik na naman ako sa Uzzap, kung saan saang room, C8, C9, CN8, kung sino sino nakikilala ko, sa Uzzap may ibang mundo din akong ginagalawan dun. Kahit puro bitterness lang naman nakukuha ko, I'll just move out after! Ano daw? Basta, ang tulog ko lagi, kapag bibiyahe na si Papa, si Mama nalang sa Salas, at ang mga manok ay nagsisitilaukan na sa labas! Tnt

Saturday, July 2, 2011

'ABA SIR, BAKIT HINDI IKAW ANG MAGKALKAL DUON?'

Hagalpak ang tawa ko sa Crew Room, pinagkukuwentuhan kasi namin 'yung Customer na nag-complain kanina about dun sa Coke Glass nya, hindi nya kasi ma-claim 'yung in-avail nyang Coke Glass kasi nawala nya 'yung receipt nya, kay Nica sya lumapit para kunin ang Coke Glass nung tinanong ni Nica kung nasaan ang resibo, walang maipakita ang customer, hindi maibigay ni Nica ang Coke Glass. Ang sabi ba naman ng customer, 'Aba ay naiwan ko sa table ko eh, baka naitapon na 'yun. Lakad kalkalin mo dun sa basurahan!' ang kawawang Nica walang maisagot. Tinawag nya nalang ang Manager in charge that time. At wala talagang nagawa 'yung customer. Anyway, sa'kin um-order 'yung customer, sinabi ko naman sakanya na i-present nya nalang 'yung resibo nya mamaya para makuha nya 'yung Coke Glass nya, 'di nya ata naintindihan. Nung kinuwento namin ang buong istorya kay Jayson, ang sabi nya, kung sya daw ang sinabihan ng customer na magkalkal sa basurahan, ang isasagot nya daw ay 'Aba Sir, bakit hindi ikaw ang magkalkal duon?'. At hagalpak talaga ako ng tawa. Promise talaga..

Sunday, April 24, 2011

MAMI-MISS KITA :((

Happy Easter! Medyo malungkot ako'ng bumangon, kasi parang madami akong mami-miss, ito na ang huling araw ng Mahal na Araw, actually 'di na ito iko-consider as Mahal na Araw kasi Pasko na ng Pagkabuhay, magsasaya at magdidiwang na ang lahat. 10AM ang serve ko, medyo inaantok pa ako, pansin ko every Easter Sunday laging 10AM ang duty ko? Tnt. Pagdating namin ni Mama sa Simbahan, naglalabasan pa lang ang mga tao ng sinundang misa. Nagpunta na ako sa gawing Commentator, lumapit sa akin si Ate Rotchelle, Salmist, may hawak na bata, nawawala daw 'yung bata, so kinausap ko muna, sabi niya Mama nya daw ang kasama nya, medyo naawa nga ako sa bata, mahabagin kasi ako sa mga bata eh, Vincent daw ang name nya. Iginala sya ni Ate Elsa, buti na lang at nahanap namin kaagad ang Nanay ng bata, naalala ko tuloy last year, may nawala ding bata, kaso Palm Sunday naman that time. Pagpunta ko sa Office, nakita ko 'yung lalaking lagi ko ring nakikita na nagsisimba every Sunday at 10AM kasama ang GF nya, ano kayang ginagawa nya sa may Parish Office? Baka magpapakasal na? Tnt. Nagpamisa na ako, ang dami ngang nagpamisa eh, thanksgiving, special intentions at mga kaluluwa, 'di ko nga maintindihan ang sulat nung iba, understood na 'yun. Tnt. Ngayon lang ulit ako nag-Commentator, buti naman at maalwan ang pagbabasa ko. Nagsimula na ang misa, sayang 'di ako ang nagbuhat ng Gospel Book, nag-serve pamandin ang Favorite kong Sakristan. Tnt. Lagi yata kami nagkakasabay mag-serve kapag Easter? Hmm. Maayos naman ang misa, pero malungkot talaga ako, siguro sa sobrang dami ng mga activities namin, mga gawain, pagsisimba, pagseserve, pagpa-practice, lahat lahat, mami-miss ko ang mga ganung gawain, kasi back to normal na ang lahat, natapos na naman ang mga Mahal na Araw, pa-apat na taon ko na bale bilang LCM Member, sana 'di ako maging busy next year, at makapag-serve pa muli ako sa Holy Week next year, ayokong makita ang sarili ko na simpleng uma-attend lang ng misa, naisip ko tuloy ang lahat ng mga tao, mga ordinaryong tao, mahalaga sila sapagkat bukod sa Panginoon, pinaglilingkuran din namin sila. Masaya ako at maligaya sa kung ano mang organisasyon meron ako, sabi nga sa akin ni Ate Esther, ka-LCM ko din, 'Good choice' daw ang pagsali ko sa Lectors and Commentators Ministry. Malungkot talaga ako, basta ang alam ko, marami pa kaming mga activities at misa na pagsasaluhan. Pagkatapos ng misa, tingin ako ng tingin sa kanya, kasi alam ko, hindi ko na ulit sya madalas makikita, basta sya, 'yung binanggit ko kanina. Tnt. Naalala ko tuloy last year ata, parehong pareho ang scenario, ngayon, wala lang si Lawrence, ganun pa din ang mga nagaganap ngayon, bitter pa din ako sakanya, akala ko tuloy nakapag-move on na ako sa kanya. Mami-miss din kita, huwag ka sanang malayo sa akin, sana makita at makasabay pa ulit kita sa pagse-serve. After lunch, nag-prepare na ako sa pagpasok sa McDo, sa Gulod ulit ako dumaan, 'di pa naman siguro aandar ang jeep, kaya sa mga amin na ako bumaba, si Ninang, Lolo at Tita Len-Len lang ang nandoon, nag-usap-usap muna habang naghihintay dumaan ang jeep, nung may dadaan nang jeep, tinawag ako ni Ron-Ron, pinsan ko, buti hindi ko na hinabol pa ang jeep, ipinara na nya ako. Pagdating ko ng McDo, buti 'di pa ako late. May mga nag-o-OJE (On-the-Job Evaluation), apat sila, two boys and two girls. Pagdaan ko ba naman sa kanila, pinakilala ako ni Sir Carl sa kanila as 'Junior Manager', sabi ko, 'Huwag kayo maniniwala dyan kay Sir'. Tnt. Nagbihis na ako, MDS ako ngayon, madami akong customer pero tigkokonti lang ang order nila. Nag-McDo pa nga si 'DL' e, kay Meann sya pumila, pero no deal na sakin 'yun. Tnt. Wala lang, pake ko kung nandun sya? (bitter?). May isa nga akong customer 12 years old lang eh, kakatuwa. After ng duty ko, maaga na akong umuwi. Ewan ko ba kung bakit parang ang sarap umuwi sa gabi na mag-isa, ka-excite kasi umuwi ng bahay, kumain, matulog na at magmura. Tnt. Nyt!

Saturday, April 23, 2011

SI KRISTONG MULING NABUHAY

As usual, tanghali na ulit ang gising ko. Pero wala pang ulam, bago pa lang mamimili si Mama ng iluluto niya for Lunch. Text-text lang ako, medyo nagloloko na naman ang cellphone ko, kaasar, 'di tuloy ako makapag-GM ng maayos. Nag-lunch na kami, medyo nagtataka nga lang ako sa ulam namin kasi Nilagang Manok, parang ngayon lang ako nakapag-ulam nun? Tnt. Nag-orange juice pa kami, so refreshing. After lunch, nanood lang ako ng TV, at nakatulog. Paggising ko, nag-aayos na daw ang mga kasamahan ko sa LCM ng karo ni Risen Christ kina Lola Mameng sa may tapat namin, kanina ko pa nga sila hinihintay eh, sabi 3PM daw gagayakan ang karo, pero 5PM na, pagdating ko dun katatapos lang nina mag-miryenda, nagsisimula pa lang din sila sa paglalagay ng bulaklak, tumulong na ako at nagmiryenda na din. Tnt. Pagkatapos namin gayakan, pati inayos na ang pailaw at ang generator, umuwi na kami para mag-ready mamaya sa Easter Vigil. Excited ako sobra, sa mga activities namin. After dinner, may tumawag sa'kin, coursemate ko, textmate ko din sya, wala lang, nangungumusta lang, nagkuwentuhan kami, medyo kinilig naman ako. Tnt. Ang ganda din ng palabas, 'MAESTRA', natapos ko din bago ako nagpunta sa simbahan. Pagdating ko sa Simbahan nandoon na din ang lahat, nag-aayos, nagpa-practice at naghahanda. Pinatay na ang lahat ng ilaw at nagsimula na ang misa sa labas, hanggang sa unti-unting nagliwanag ang mga kandila habang pumapasok sa loob. Nagsimula na din ang mga pagbasa at salmo, inaabangan naming lahat ang gabing ito, dahil pito ang pagbasa, pito din ang salmo, patay ang ilaw, kaya namin inaabangan gawa ng mga pag-awit namin ng 'Ang Salita ng Diyos' tsala ng mga aawit na Salmista. Nagmimistulang 'Battle of the Voices' ang Black Saturday Night para sa amin, dahil lahat kami ay kakanta isa-isa. Pagkatapos lahat ng pagbasa at salmo, binuksan na ang mga ilaw at nag-awitan na ng Papuri sa Diyos, sumisimbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus. Napakasaya ng lahat, ngayon ay pasko, Pasko ng Pagkabuhay. After ng mass, dumeretso na kami sa kinalalagyan ng Risen Christ, naki-hitch pa nga kami sa Patrol Car eh, kaya nauna kaming apat na lalaki na LCM, ang mga babaeng LCM ay kay Maria sasabay. Umuwi muna ako sa amin, ginising ko na din sina Mama. Maya ng konti, lumakad na ang prusisyon, ang daming sumama, grabe, ang daming sumama sa prusisyon, syempre karamihan ay lalaki. Pagdating sa may simbahan, tanaw na namin ang Maria, pagpasok sa loob ng patio ng simbahan, nagsalubong na ang dalawa, ang Kristong muling nabuhay, at ang kanyang Inang si Maria, napakaganda ng tagpong iyon, lalo na nung may bumabang anghel para kunin ang Itim na Belo ni Maria at napalitan ng Puti sapagkat ang kanyang anak na si Hesus ay muli nang nabuhay. Napakagandang tagpo. After nun, nagpunta na kami ni Mama sa nagpapakain ng lugaw, actually, LCM ang nakatoka sa pamimigay ng lugaw para magpakain ng mga taongbayan na dumalo at nakisama sa Salubong. Ako ang tagabigay ng kutsara, ang dami ngang tao eh, nakakatuwa, ang sarap magpakain ng taongbayan, syempre after makakain ng lahat saka naman kami kumain. Ang dami pa ngang natira na lugaw eh, bigay 'yun ng Munisipyo kami lang ang nag-distribute sa mga tao. After makakain ng lahat, after din namin makakain, nagsiuwian na kami isa-isa, naglakad na lang kami ni Mama. Tapos na ang Mahal na Araw, Linggo na ng Muling Pagkabuhay, Happy Easter sa lahat. Tnt

Thursday, April 21, 2011

2ND TIME MISA NG KRISMA WITH LCM (SAN PABLO CITY)

1AM na ako nakauwi from work. So, two hours lang bale ang tulog ko, 4AM kasi bumangon na ako, syempre I'm so excited, after 2 years, ngayon lang ulit ako makakapunta sa San Pablo City, last na punta ko was Maundy Thursday of 2009, with my Co-Lectors, same celebration--Chrism Mass. Magulo ang isip ko, siguro gawa ng mga nakaraan kong naranasan? Tnt, pero hindi iyon, 'di ko kasi alam kung maliligo ako, kasi dalawang oras lang ang tulog ko, tapos baka kung ano pa ang mangyari mamaya, baka sumakit ulo ko, antukin ako, masuka, mahirapan sa pag-ihi? I was so paranoid. Inisip ko na lang na Banal na Misa ang dadaluhan ko, Misa ng Krisma in particular, at sa Cathedral pa ito take note, kaya hindi dapat ako mag-worry. 5AM we're leaving Cabuyao, pasikat pa lang ang araw, bago pa lang nagsisimula ang panibagong buhay para sa mga ordinaryong tao. Tnt. Super bilis ng byahe from Cabuyao-Calamba-Los Baños-Bay-Calauan-San Pablo, while praying the Holy Rosary, grabe palamig ng palamig, I didn't bring jacket 'coz it's summer, sobrang init ng panahon, but during that time napakalamig, paakyat din kasi ang San Pablo. Kagaya ng reaction ko kapag nagagawi ako sa bandang central and eastern parts of Laguna, or wherever part, manghang-mangha pa din ako sa ganda ng aking lalawigan, its green sceneries, clean environment, fresh air, peaceful community, 'Enchanting wonders, Refreshing waters' (Kay Gov. ER pala 'yan. Tnt), nature-friendly society, progressive land, etc. I Heart Laguna! Boundary pa lang 'yan ng Second at Third Districts, papano pa kaya kapag nakarating pa ako ng Fourth District? Pagdating namin sa Cathedral, sobrang dami ng tao, kaya 'di na kami nakaupo, nasa labas lang kami habang nagmimisa. Madami akong nakita, mga iba't ibang organisasyong pangsimbahan mula din sa iba't ibang mga parokya sa Laguna, umattend din sila ng Chrism Mass, marami ding mga taga-San Pablo talaga. Mga seminarista, lahat ng pari sa Laguna at madami pang iba. After ng mass, nagsimula na kami mag-Station of the Cross, every Maundy Thursday talaga ginagawa ang pagbi-Visita Iglesia, and it is one of our organization's activities. 14 Stations, every Church tig-2 Stations each, so bale 7 churches ang pupuntahan namin, and our first 2 stations were done at the Cathedral, as we always do. Our next destination was at the nearby seminary, the St. Peter's Seminary of San Pablo. So, naka-4 stations na kami bago kami nag-lunch. 3rd Church na pinuntahan namin ay ang San Isidro Labrador Parish at Calauan, syempre iiwan ba namin ang Calauan na wala kaming bitbit na Pinya? Lahat kami bumili ng pinya, ang napakasikat na 'Pinya Calauan', ang pinakamatamis na pinya sa buong Pilipinas. Tnt. Para sa aming ika-pito at ika-walong istasyon, tumungo kami sa Simbahan ng Bay (Bay, Baì/Baé, 'Maalamat na Bayan ng Bay'), San Agustin Parish, may patay pa ngang inililibing eh. Pagkatapos, pumasok kami sa UP Los Baños, sa St. Therese Parish, 'yung Parish Priest kasi dun ay taga-Cabuyao, si Fr. Ariel, so nagkwentuhan muna kami sa Lobby ng Parish Convent, madami din palang kakilala si Fr. Ariel sa mga Co-Lectors ko, kalimitan kasi sa mga LCM Members ay mga Teachers, Oratorians, former Choir/Knights of the Altar and others, mga nagmula talaga sa Religious family. Tnt. Medyo tumagal kami dun, sunod naman ay sa Los Baños pa din, sa Immaculate Conception Parish, duon galing ang aming present Parochial Vicar, and ayon sa mga taong simbahan doon, their Parish is also applying for Shrinehood dedicated to their patronness. Last four stations tinapos na namin dun, kasi lampas 12PM na. Sa City Proper na ng Calamba kami dumaan, nag-stop pa nga kami sa isang tindahan ng Halo-Halo eh, nagkainan kami bago umuwi. Ang saya ng lahat, so meaningful ng aking Maundy Thursday with my Co-LCM Members.

Friday, April 15, 2011

OH.. GRADUATION! NAKAKA-IYAK!

Ang panaginip ko puro tungkol lahat sa Graduation, pero nung ginigising ako ni Mama, napaisip ako sa sarili ko 'Anung meron ba ngayon?'. Tnt. Ngayon na nga pala ang Graduation namin, grabe, pinakahihintay ko ba ang araw na 'to? Nalungkot ako bigla, feeling ko maiiyak ako, bumalik kasi lahat sa aking alaala ang mga nangyari sa'kin sa loob ng apat na taon na pamamalagi ko sa PUP bilang college student. Nagpapatugtog pa si Jerick ng mga favorite songs nya, naiyak na talaga ako nang tuluyan, habang kumakain ako mangiyak-ngiyak ako, 'di din ako masyadong makakain. Nag-GM ako sa mga kaklase ko, sabi ko walang iiyak mamaya, baka kasi maiyak din ako. Nawalan na talaga ako ng gana sa pagkain, ganun kasi ako kapag malungkot, 'di talaga ako makakain. Habang nasa CR ako, gusto kong i-text ang mga taong nakasamaan ko ng loob, mga taong galit sa'kin kung meron man, ayoko kasing umalis ng PUP o ayokong magkahiwa-hiwalay kami na may taong galit sa'kin, gusto ko maging maayos na ang lahat. Simula nung mahulog ako kay 'HB', hindi na sya nawawala sa isip ko. Lagi ko na lang sya naiisip, mahal ko na talaga sya. Lalo lang tuloy akong nalulungkot. Lagi na lang ako ganito, sa tuwing patapos na ang lahat saka ako nagmamahal at nahuhulog sa isang tao, papano ko na sya makikita? Pinangako ko sa sarili ko, na magpapa-picture kaming dalawa mamaya. Feeling ko male-late na ako, magse-7 AM na kasi nasa bahay pa din kami, ang alam ko kasi 7:30 AM ang martsa, gusto ko makapag-martsa. Pagdating ng sasakyan namin, naka-alis na kaagad kami, madami nga kami eh, ako, si Mama at Papa, Tita Raquel at si Pau, Eros at Lei pati si Tito Poly sya ang driver. GM ako ng GM, ganun din ang mga kaklase ko, 'di ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, feeling ko sasabog na ang mata ko, konti na lang iiyak na ako. Nag-expressway na kami, nakadaan na din ako sa extension lane ng SLEx from Calamba Exit (Turbina) to Sto. Tomas Exit, kadugsong na din ng STAR Tollway. Kaya napadali ang byahe namin, nakarating kaagad kami ng School. Pinapasok ko na si Mama sa Gym, nag-ayos na kaagad ako, at umakyat na sa taas, ready na din sila, picture-picture, nagpa-picture ako sa mga kaklase ko, lalo na sa mga taga-malalayo alam ko 'di ko na ulit sila makikita, mami-miss ko sila. Busy ang lahat, puro pag-aayos ng sarili at picture-taking, palinga-linga din ako, hinahanap ko sya, gusto ko nang magpapicture kay 'HB', pero 'di ko sya makita, baka wala pa sya. Nagmartsa na kami, hanggang sa makapasok sa Gym, as usual, magulo kami, 'yung iba late sa amin, ganun talaga kami at masaya kami, 'yan ang section namin. Pagkamartsa namin, nakita ko kaagad si Mama sa likod, si Feyang wala pa, grabe ang gulo talaga namin, picture-an kami ng picture-an, kami lang talaga mga IOP ang magugulo. Nagsimula na ang program, naging mabilis para sa akin ang lahat, na-i-declare na kaagad kami na 'Graduates', 'di nga kaagad nag-sink in sa akin na Graduate na ako, College or Bachelor's Degree na ako. May nagkagulo pa nga eh, pero naging maayos na din, na-distribute na din ang Diploma, ang bilis talaga, 600+ kami lahat g-um-raduate. Pagka-speech ng Magna Cum Laude, grabe, palungkot na ako ng palungkot, sabi ng mga kaklase ko wala daw iiyak, naglolokohan kami. Habang inaawit na namin sa huling pagkakataon ang PUP Hymn, 'di ko talaga mapigilang umiyak, naiiyak na ako, damang-dama ko ang pagkanta ko, siguro talagang naging dedicated lang ako sa PUP, my Alma Mater. Hanggang sa matapos na ang program, naghagisan na kami ng Cap, tapos na ang graduation, graduate na kami! Grabe, 'di ko na talaga napigilan, bumuhos na ang luha ko, lahat sila nagyayapusan na, ako 'di ako makalapit isa-isa sa kanila kasi habag na habag ako, hanggang sa naglapitan na sila lahat sa akin, isa isa silang lumapit sa akin, nakita ko sila nag-iiyakan na din. Grabe mami-miss ko lahat sila, nagpicture-an ulit kami lahat sa huling pagkakataon. Pati mga kasamaan ko ng loob nilapitan ko, binati ko sila, nag-sorry na din ako kung meron man akong nagawa sa kanila. Si Feyang pinuntahan ko din, ang bestfriend ko, grabe sabay na naman kami nakapag-tapos. We're proud with each other. Niyakag ko na si Carlene, pumunta kami sa Course kung nasaan si 'HB', bakit hindi namin sya mahanap? Nawalan na tuloy ako ng pag-asa na magkaka-picture kaming dalawa. Nung makita namin sya, medyo busy sya, buti na lang malakas ang loob ni Carlene, kinausap na nya kaagad kung pwede magpakuha ng picture, tapos lumapit na ako at tumabi sa kanya, ang bilis nga eh, naka-dalawa kaming picture, pagkatapos, 'di ako natingin sa kanya nahihiya kasi ako eh, sabi ko na lang 'Thank you ah'. Mami-miss ko din sya. Natutuwa ako, kasi natupad ang gusto ko, kahit papaano may remembrance na ako sa kanya. Grabe, ngayon lang ulit ako umibig ng ganito. 'Di ko alam kung matutuwa ang puso ko kasi umiibig akong muli, o malulungkot kasi umiibig ako sa maling tao. Magkakahiwalay na kami, papano pa lalago ang pag-ibig ko sakanya? 'Di ko nga alam kung bakit sya ang tinitibok ng puso ko. Bakit kaya ako na-inlove sa kanya? Sa kulay nya? Mga ngiti? Pero alam ko mawawala din 'to, ayoko din naman na mag-isip sya na gusto ko sya kasi hanggang friends lang ang mai-o-offer nya sa akin, friends sa Facebook, 'yun lang, pero masaya na ako dun kahit papano. Ang gusto ko na lang talaga ngayon, ay lumago pa ang friendship namin kahit sa Facebook lang, maa-appreciate ko din 'yun. After ng picture-an pati Class Picture, nag-proceed na kami sa pagsasauli ng toga, hanggang doon 'di pa din kami natigil sa pagpi-picture-an, lumakas din ang loob ko, nagpa-picture din ako kay 'FG', one of my Crushes. Tnt. Kaso ang pangit ng kuha namin. Lc. Nakita ko din sya dun (HB). Alam ko super happy din sya ngayon, kasama mga kaklase at kaibigan nya, alam ko wala lang ako sa kanya, pero ite-treasure ko ang napakaigsing panahon na minahal ko sya. Umuwi na din kami. Masaya akong nagpaalam sa mga kaklase ko, at sa PUP. Alam ko babalik pa ako, at magkikita-kita pa ulit kami..

Friday, April 8, 2011

MEET MEET MEET

Ang aga kong gumising, tama nga ang sabi ni Gladz, nakakasakit ng ulo ang pag-inom ng Tanduay Ice, medyo sumakit ang ulo ko. Tnt. 9AM daw ang pagpunta sa school pero 9AM na ako umalis sa bahay, nag-University Shirt na lang ako basta kung makipag-meet man sa'kin si '0' (Ka-Uzzap ko, Txtfriend, Crew ng McDo Bel-air) bahala na maging itsura ko. Habang nasa jeep ako, medyo mahilo-hilo ako, tama ba 'yun ng Tanduay Ice? Lc! Text-text ako sa jeep, walang magawa eh. Papunta sa PUP talagang sawang-sawa na ako sa byahe, inisip ko na lang na malapit na din magtapos ang pagbibyahe ko ng napakahabang oras. May nakatabi pa nga akong cute na girl eh. Tnt. Pagdating sa school nagsisimula na silang maglinis, naglinis din naman ako kahit kaunti, tnt, picture-an na din, chismisan at tawanan. Isa kasi sa mga requirements naming mga graduating ay ang linisin ang mga rooms bago pirmahan ni Sir Cueto ang clearance, ang mga officers lalo ayaw pang pakawalan ni Sir hangga't 'di pa kami nakakagawa ng Financial Statement, so bilang Society Auditor, ako ang may karapatang gumawa ng FS, so gora kaming dalawa ni Jenny (Treasurer) sa Computer Shop para gumawa ng FS, naku po, napakadaming pinagkagastusan, kahit 'di ko masyadong nahawakan ang mga perang 'yun bilang Auditor ng Society, syempre ako ang nakaaalam kung anu-ano ang mga pinaggamitan ng pera ng society namin. Natapos din namin after 1 hour, syempre basta ako ang naggawa bonggang bongga 'yun panigurado. Tnt. Inayos ko na din ang mga dapat ayusin, bayaran at asikasuhin. Habang nagpipicture-an gamit ang napakagandang phone na gamit ni Dhez. Tnt. Medyo excited ako na kinakabahan, kasi nagtext si '0', sa SM Sta. Rosa daw kami magkikita mamaya, sa wakas magkikita na kami, siguro 1 week after naming magkakilala sa Uzzap. Umuwi na kami kaagad, pag-uwi ko sa bahay naligo na ulit ako at pumorma ng bongga (Syempre! Tnt). Ang paalam ko kay Mama may meeting kami sa McDo, hehe. Bahala na kung anong oras ako makakauwi, basta sabi ko baka 12MN na. 5PM na ako nakaalis sa amin, anong oras kaya ako makakarating sa SM? Kanina pa nandoon ang ka-meet ko. Tnt. Pagdating sa kanto nagkita pa kami ni Vhezz kasama nya Mom nya. Na-miss ko ng sobra si Vhezz, ngayon lang ulit kasi kami nagkita. Papuntang SM medyo na-traffic pa ako, tine-text ko sya (si '0') baka kasi mainip na sya doon. Habang papalapit na ako ng papalapit, kinakabahan ako lalo, wala lang, siguro na-e-excite na din ako. Pagdating ko sa SM Sta. Rosa tinawagan ko sya, nasa Tom's World daw sya, sabi ko papunta na ko dun, nag-ayus ayos muna ako sa CR syempre. Tnt. Habang naglalakad ako papuntang Tom's World, aba tignan mo nga naman, nasa unahan ko lang naman si 'DL' kasama ang 'jowawi' nya. Tnt. Alam kong nakita nya (DL) ako, pero nagdere-deretso lang ako sa paglalakad, kunwari 'di ko sila nakita. Pagpasok ko sa Tom's World nakita ko na kaagad sya, naglalaro ng Guitar, ewan ko ba kung anong laro 'yun. 'Di ko muna sya nilapitan. Pinanood ko muna sya habang nag-e-enjoy sa paglalaro. Mas maputi pala sya sa personal, mas malinis syang tignan, mas maliit pala sya sa'kin, akala ko kasi magkasing-katawan lang kami. Pero kung anong itsura nya sa mga pictures nya sa Facebook, ganun din sa personal, mas cute pa. Tnt. Kahit nasa malayo ako, nakita na nya ako, kinawayan pa nga ako eh, sabi ko sige maglaro ka lang dyan, sa labas lang ako.

Tuesday, April 5, 2011

VIVA SAN VICENTE! (MAMATID BARRIO FIESTA)

Happy Fiesta Barangay Mamatid! Viva! San Vicente Ferrer Mamatid! Maaga akong gumising, puyat eh, pero 'di kagaya ng mga nakaraang taon na kaya ako napupuyat dahil sa panonood ng mga palabas sa court, ngayon, napupuyat ako sa pakikipagchat , pakikipagtxt at pakikipag-usap sa phone. Na-adik na ulit ako sa mga ganung bagay ngayon, medyo maaga pa nga ang tulog ko kahapon eh, syempre kelangan kong gumising ng maaga ngayon, fiestang-fiesta alangan namang tanghali na ako gumising, bukod doon maaga ang serve ko ngayon sa simbahan, nagpa-schedule talaga ako ng maaga may darating kasi akong bisita sa hapon, tsaka gusto kong mag-serve sa umaga kasi mga Obispo ang magmi-misa. Quarter to 9AM umalis na kami ng bahay ni Mama, 'di ko muna sinuot ang barong (Barong Tagalog at Baro't Saya ang suot ng mga naglilingkod sa Simbahan kapag mahalaga ang selebrasyon at okasyon). Pagdating sa simbahan, 'di pa tapos ang sinundang misa, nagpunta muna kami ni Mama sa may Office nandoon din ang mga susunod na magse-serve mga makakasama ko na sina Kuya Alson (Former President namin), Ate Onor at Ma'am Polly) nagkukuwentuhan sila habang naghihintay matapos ang misa. Maya maya, dumating doon sa puwesto namin ang Obispong magdidiwang ng misa mamaya, si Bishop Francisco C. San Diego (Former Bishop of the Diocese of San Pablo at Bishop ngayon ng Diocese of Pasig) Syempre nagmano kaming lahat, masarap sa feeling na mabendisyunan ng isang Obispo. Pagkatapos ng misa, nagpractice lang kami saglit, nagsimula na din kaagad, maganda ang misa, dahil ngayon ay kapistahan ng mahal naming patron. Solemn, faithful at nakapapanindig-balahibo ang misa, ganoon pala talaga kapag Obispo ang nagmimisa. Syempre nakakakaba din, kailangan maganda ang pagbasa namin. Buti nakaraos kaming lahat, natapos ang misa nang maluwalhati. Umuwi na kaagad kami ni Mama, baka may magdatingan nang mga bisita samin, pero wala naman talaga kaming inaasahang bisita, 'di na din kami masyadong naghahanda. Pagdating sa bahay, wala lang din ako magawa, kakain lang, uupo, lalabas, magte-text, mag-g-GM, kapag may dumating aasikasuhin, syempre mga taga-Gulod lang din ang mga bisita namin, sina Nanay Ely at Tita Roxan 'di mawawala, ang mga bata pati. Si Papa may nararamdaman kaya nagpapahinga lang sya maghapon, fiesta pamandin. Mga around 2PM ata, nag-text na sina Carlene at Sahara, malapit na daw sila, habang ka-text ko sila, papampam lang naman ako ng papampam dahil sa mga 'Apple Pies' na bisita sa kabilang bahay! Tnt. Ang cu-cute eh, grabe, ang gaganda pa ng katawan, naglaway ako! Haha. Parang customer ko pa nga sa McDo 'yung isa eh. Hanggang sa umalis sila wala akong ginawa kundi titigan sila ng titigan. Tnt. Maya maya ng konti dumating na sina Carlene pati si Sahara, talagang inayos ko muna ang bahay, may dala pa ngang pakwan ang dalawa, tinawagan ko na si Meann, pasunod na din ang dalawa ni JM. Hanggang sa makumpleto na ang mga bisita ko, apat lang sila. Tnt. Pinakain ko sila ng todo, pati nga 'yung salad mauubos na nila. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang kumakain sila, tagal na din kasi naming hindi nagkikita, kaya naipon ang mga kwento, tungkol sa pakikipag-meet ni Sahara sa EK, pagsisimula ng career ni Carlene bilang office girl, mga kwento sa school, pati mga kwento ng buhay ko, madami pa. Inabot na sila ng hapon.

Sunday, April 3, 2011

BITTERNESS FROM UZZAP

Bakit kaya binabalot na naman ng kalungkutan ang buo kong katawan? Palagi na lang ako malungkot ngayon, lagi na lang ako bitter? Gawa na naman siguro ng Uzzap. Kapag lagi ako nag-u-Uzzap madalas ako nagiging malungkot. Madami nga ako nakikilala kaso mga wala naman silang kwenta. Tnt. Makikipagfriends sa una, pero 'di din nagtatagal, may mga tumatagal din pero malalayo naman sila sa'kin. May mga nakaka-chat din ako na malalapit lang, kaso mga maiilap naman, 'di ko na talaga maintindihan. Matagal ko nang nararamdaman na may malaking kulang sa buhay ko, marami akong kaibigan, old and new, mga classmates at schoolmates ko dati, mga classmates at schoolmates ko ngayon, mga tropa ko nung highschool, tropa ko ngayong college, co-crews ko sa McDo, txtfriends, chatfriends, kasamahan sa simbahan at mga iba ko pang kaibigan, madami akong kaibigan, pero isang tao lang ang wala sa akin, bakit feeling ko napakalaking pagkukulang nun sa buhay ko? Iba kasi ang pagmamahal ng mga kaibigan kesa sa pagmamahal ng isang taong tunay na nagbibigay ng pagmamahal. Mas matimbang ba talaga ang pagmamahal ng isang syota kesa sa pagmamahal ng hundreds of friends ko? 'Yun kasi ang nararamdaman ko. Bitter ako, bitter! Lagi na lang ako bitter. Kahit sa mga rooms sa Uzzap, may makilala lang ako na iba, nahuhulog na kaagad ang loob ko, gusto ko bigyan nya lagi ako ng pansin, gusto ko kausapin nya ako lagi, ayokong nakikipaglandian sya sa iba, ayokong ini-snob nya ako, bakit ba ako ganun? Nasasaktan ako kapag nalaman kong may ka-on pala sya sa room, kung tutuusin 'di ko pa nga sya nakikita. Haist. Ayoko ng ganitong pag-iisip. 'Di ako maka-get over kaagad. Nagseselos ako ng wala sa lugar, nagseselos ng walang dahilan. Ayoko na, ayoko nang bumalik dun. Gusto ko na maging busy sa iba. Kung may tutulong lang sana sa akin. Ipakita ko mang malungkot ako, at tutulungan nya daw ako kung may problema ako, leche! E ikaw nga ang dahilan ng kalungkutan ko, pano mo naman ako matutulungan?

Wednesday, March 30, 2011

GET OVER! AYOKO NA!

Tanghali na akong nagising, syempre, ganun talaga 'pag bakasyon, actually 'di pa naman talaga bakasyon, wala lang, trip ko lang sabihin ang word na 'bakasyon'. Tnt. Paggising ko, as usual, Face-to-Face ang palabas, kung saan pati 'yung mga nag-aaway sa palabas eh pumapasok na rin sa panaginip ko kasi sa lakas ng sounds ng T.V.. Tnt. Bukod doon, may masamang balita, agang-aga may masamang balita na (tanghali na pala), tuluyan na daw kinitilan ng buhay ang tatlong Pilipino na nasa death row sa China, tsk, nakakalungkot ang balita, kahit pa sabihin nating may kasalanan ang tao, hindi pa din sapat na buhay nya ang ipalit sa kasalanang nagawa nya. Madami pa akong hinananakit sa puso ko (Wow! Sobrang affected?), pati din naman ako naghihinagpis kahit papano, mangiyak-ngiyak nga ako habang nanonood ng balita, masakit din para sa akin ang sinapit ng tatlo nating mga kababayan, mga wala silang awa, grabe. Haist, samantalang kung tutuusin, ang mga nangungunang druglord dito sa ating bansa ay ang mga intsik na 'yan, pero nahahatulan ba sila ng kamatayan? 'Ni nakukulong nga hindi yata eh, bitay pa kaya? Grabe talaga ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Tsk. Napahinagpis tuloy ako ng todo. Nag-prepare na ako para pumasok sa work, desidido pa rin akong sa Gulod dumaan papuntang Cabuyao, ang reason ko kina Mama at Papa, ayoko na ng masyadong matao at madaming sasakyan, gusto ko ng hassle-free at walang traffic, kaya sa Gulod to Bayan na ako nasakay ng jeep, para maiba din naman ang view sa jeep, tnt, pero ang reason ko talaga, para masabayan ko si 'DL'! Haha. Alam mo naman ako, lahat gagawin para makapagpapansin lang sa taong gusto ko, alam kong doon din sya sumasakay, dahil 'yun lang naman talaga ang mean of transportation pa-bayan, ang kailangan ko na lang malaman ay ang oras kung kailan sya sumasakay. Mukhang mahirap 'yun, dapat may tamang tyempuhan, pero para sa akin, kung talagang pagsasabayin kami ng tadhana, edi pagsasabayin kami. Tnt. Naalala ko tuloy last Wednesday noong magkita kami, ang alam ko 2PM ang pasok nya ngayon, so baka umalis sya ng bahay nila ng prior to 2PM so inagahan ko ang alis sa amin, 3PM pa ang duty ko pero umalis na ako ng 1:30PM, para hindi na din ako ma-late. Pagsakay ko ng jeep, as usual, ako lagi ang unang pasahero. Malayo pa lang tanaw ko na sina Tita Roxan, Elaiza at Nanay Ely, talagang inaabangan nila akong dumaan, pagtapat ko sa kanila sabi ni Nanay dapat daw duon na ako sumakay para nakapag-Halo Halo muna ako, nakaka-miss nga ang Halo-Halo. Tnt. Nagbye-bye na ako sa kanila. Nagsisimula na ang byahe ko, lampas na ako ng Purok 7, kahit hindi ko alam kung saan particularly ang Purok 3 (Purok ni 'DL') lilinga-linga ang mga mata ko, iisa lang ang hinahanap ko, ang isang estudyanteng naka-white t-shirt na papasok ng school at sasakay sa jeep na sinasakyan ko, sino pa ba? Mapupuno na ang jeep, wala pa din sya. Nananalangin talaga ako na makakasabay ko sya, ilang araw na din akong sa Gulod dumadaan, pero 'di ko pa din sya nakakasakay. Paglampas sa school, malayo na ang tanaw ko, nawawalan na ako ng pag-asa, kasi wala talagang nag-aabang sa malayo na naka-white shirt eh. Pero biglang tumigil ang jeep, gosh! May pasakay, at hindi ako makapaniwala! 'I can't believe my eyes, I see you here, looking just the way you should' kanta 'yun ah? Tnt. Si 'DL' pasakay na sa jeep na sinasakyan ko! Talaga? Totoo ba 'to? Parang pinapanalangin ko lang kanina ah, nagkatotoo kaagad? Bumilis bigla tibok ng puso ko, pagsakay nya kunwari 'di ko sya nakikita, nakatingin lang ako forwardly, pag-upo nya, sa tapat ko pa ha, kunwari napatingin ako at nagulat sya, as in nagulat sya, sabi nya 'oh!', edi binati ko na lang sya kesa naman 'di kami magpansinan 'di ba? Nung una tahimik kami pareho, pero 'di ako nakatiis, kinausap ko sya, pero ang topic namin ay ang kapatid nya, wala lang, may matanong lang. Tnt. Saglit lang 'yun, saglit na saglit lang, tahimik na ulit kaming dalawa. Super conscious ako, lahat ng galaw at kilos ko ay pino, nangalay nga ang leeg ko eh, tuwid na tuwid ako, 'di ako natingin sa kanya, ayokong mag-isip sya na may pakealam pa ako sa kanya at gusto ko pa sya, kahit totoo naman, pero konti na lang, gusto ko na din naman syang layuan, para sa akin din naman 'yun. Hanggang sa makababa kami 'di na nya ako pinansin kahit bye-bye man lang wala, pero okay lang 'yun, at least 'di din ako nag-bye sa kanya, 'di naman ako napahiya, ayos na 'yun, basta naghiwalay kami ng wala lang. Pero sa totoo lang nasaktan ako, kasi nag-expect din naman ako na friends na kami, na itatrato nya ako na kaibigan nya, pero hindi pala, parang wala lang pa din pala ako sa kanya, edi okay fine! Madali naman ako kausap. Move on! Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko, hindi na sya tumingin pa sa akin, para saan naman kung titingin pa 'di ba? Get over! Ayoko na ayoko na. Kakalimutan ko na sya! Talagang talaga na!

Monday, March 28, 2011

HABANG NALILIGO AKO SA BAGONG RENOVATE NA BANYO..

Supposedly, may pasok ngayon. Pero tinamad ako pumasok eh, tsaka wala naman gagawin sa school. Kaya buong araw ako sa bahay, tanghali na akong gumising, kakain na lang, manonood ng T.V., at syempre magtetete-text buong maghapon magdamag. Tnt. Ganun talaga, kesa walang gawin? Ang lakas ko nga sa load ngayon, simula nung makilala ko ang All-in-30 promo ng Smart, naku, 'yun na lagi ang load ko, kung tutuusin wala naman ako pera ngayon kasi walang allowance, eh panu ba naman ako 'di lalakas magload eh sa dami ba naman ng txtmates ko ngayon from Uzzap, super dumami sila, kasi napapadalas ang pag-u-Uzzap ko ngayon eh ang dami dami kong nakikilala kaya nakikipag-txt ako sila, 'diba. Tnt. At hindi lang 'yun, may call pa, syempre kung sino'ng trip kong kausapin edi tatawagan ko, oh 'diba ang sosyal? Tnt. At ayun lang ang ginawa ko maghapon, promise, umupo, humiga, kumain, magtext, magchat at magmura! Tnt. Habang naliligo ako sa bagong renovate na banyo, tnt, tumawag si Gladz, pinapapunta ako sa kanila, so gora naman ako! Habang nagbibihis ako, may bigla akong naramdaman, parang 'di ako mapakali, 'di ko kasi alam kung ano uunahin kong gawin, kung sino ang una kong rereply-an (sa dami ng textmates), 'di talaga ako magkandaugaga, ngayon ko lang ulit naramdaman 'to, promise! Pagdating kina Gladz, kuwentuhan muna kami ng super, tungkol sa kung sinu-sino, syempre tao 'yun, may mutual friend kasi kami sa Facebook, ahm 'KG' na lang ang itatawag ko, cute sya, maganda ang katawan, syempre type ko, 'di ko lang type, trip ko pa! Tnt. Nagkachat daw sila, at ako ang naging topic! Wala lang, nagtanungan lang, since mutual friend nila ako. Nakakatuwa lang, hehe. Nagkayayaan mag-inuman sina Gladz at ang mga kapitbahay nila, wala ako sa mood uminom ngayon, so out ako jan. Nag-internet na lang ako kina Gladz, todo Facebook ako, online si KG! Edi ch-in-at ko, nagreply naman, dami din namin napag-usapan, pero iisa lang 'yun actually, kinukulit ko sya sa isang bagay, 'yun lang 'yun, eh ako makulit talaga ako, kung sino pa ang may ayaw sya pa ang ayaw ko din tigilan, basta trip ko, walang 'huwag pilitin ang ayaw' para sa'kin. Sana nga lang makuha ko sya! Tnt. Lahat ng bagay ginagawa ko talaga, kahit ang output eh maging tropa na kami? Pero ayos lang din 'yun, at least tropa ko sya. Masaya na ako, sa nagawa ko man sa kanya, actually niloko at nagsinungaling ako sa kanya buong gabi, pero ayos lang 'yun, ganun talaga kapag 'Obsessed' at 'ika nga nya ay 'Desperado', patawad tropa, gusto lang kita makuha. Bawian mo na lang ako sa susunod, pero gusto talaga kita! Eto ka oh, nasa puso ko. Tnt. Magandang Gabi! Matulog na tayo..

Saturday, March 26, 2011

KARAKOL @TRUMPETA FESTIVAL (FIRST SHRINEHOOD ANNIVERSARY)

Kahit mag-aapat na oras pa lang ang tulog ko, pinilit ko nang bumangon. Excited kaya ako sumali sa Karakol, first time ko'ng sasali sa ganung street dancing, kaya dali-dali ako'ng nagbihis. Pagdating ko sa simbahan, napakaganda ng scenario, nagkakasiyahan ang lahat. Nagbubunyi sa pagiging isang taon na mula nang maiproklama ang aming parokya bilang isang Diocesan Shrine dedicated to our patron saint, St. Vincent Ferrer. Sakto, kakalabas pa lang ng Karakol, sumunod na ako sa mga kasamahan kong Lectors, nasa may bandang dulo kami, sa likod namin si Lolo Enteng, ang saya mag-street dancing, kanya kanya kami ng steps, umiindak sa kalsada, nakapang-Filipiniana, barong at sombrero. Ang saya, first time ko talaga 'yun, picture-an sa daan habang sumasayaw, sumisigaw ng papuri kay San Vicente. Pati sina Father kasama, lahat ng mga organisasyong pangsimbahan, mga barangay mini-councils at schools na sakop ng aming parokya ay nakilahok, kaya napakasaya ng lahat. Paglampas sa may amin, nagbasaan ba naman, kaya nagkagulo ang lahat, pero masaya, nagtatakbuhan kami kasi ayaw naming mabasa. Nakakapagtaka lang, 'di naman selebrasyon ni San Juan (Bautista) bakit may basaan? Tnt. Pagbalik sa simbahan, tinugtog na ang Awit ni San Vicente, lahat kami ay nagtaasan ng mga sumbrero at iwinagayway ang kamay bilang papuri at pasasalamat sa kanyang pagpapalang patuloy na ipinagkakaloob sa amin at sa aming barangay. Nagkatipon-tipon na ang lahat sa tapat ng simbahan, lahat ay sumasayaw at umiindak sa kasiyahan, first time lang sa aming parokya ang ganitong Festival, ang 'Trumpeta Festival', sabi nga ni Father, mas lalong sasaya ang selebrasyon at mas dadami ang mga kalahok sa susunod na mga taon pa. Isa-isa na'ng nagpakitang gilas ang mga grupo at organisasyon sa kanilang mga inihandang sayaw, pangalawa kami sa huli kaya nakapag-praktis pa kami. Maayos naman ang sayaw namin, tawa nga ako ng tawa, napakasaya kasi ng presentation namin, to the tune of 'Jesus is Our Lamb'.

Wednesday, March 23, 2011

'CL' FROM 'DL' :>>

Grabe, hanggang sa panaginip, 'di ako makatulog. Haha. Ano daw? 'Di ko alam kung excited ba akong makipagkita sakanya (DL) o kinakabahan ako, sa panaginip ko, nagkikita na daw kami, kaso parang 'di successful kaya kapag naaalimpungatan ako, iniisip ko na panaginip lang 'yun. Pero na'ng magising na talaga ako, pagmulat ng mga mata ko, hinawakan ko na kaagad ang pimple ko, sinasalat ko kung lumiit ba, pero lalo yatang lumaki. Tnt. Tumingin ako sa salamin, pwede pa, pwede pang tapalan ng foundation. Tnt. Kumain na kaagad ako, 2:30 PM ang usapan namin, syempre ayokong ma-late, 1:30 PM umalis na ko ng bahay kasabay ko sina Mama at Papa at Eros, papunta kasi silang Cabuyao eh, sumabay na ako sa kanila, kaya lalo akong napadali, nakarating ako ng McDo ng 2PM, kaya nakapag-ayus-ayos pa ako, syempre todo prepare, magkikita kami eh, magkikita! First time 'yun, hanggang ngayon talaga 'di ko pa din akalain na nasa ganitong estado na kaming dalawa, kasi magkaaway ang tratuhan namin eh, 'di na sya si Hayop para sa'kin, angel na sya. Tnt. Gosh. May nag-text, kapatid ni DL, nasa McDo na daw pala si DL at hinihintay na ako, hala, kinabahan ako. Nasa labas pala sya kaya pala 'di ko sya makita sa loob ng McDo, nakita ko na sya, sa may tapat ng Dessert Center, at kasama pa nya si YvL, ang cute nyang kapatid at friend ko na din, huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas at pumunta sa pwesto nila. Mabilis lang ang naging pagtatagpo namin, tinanong ko sila kung bakit ayaw nilang pumasok ng McDo, papasok pa daw kasi sya sa school, eh anu naman? Hmm. Inabot na nya sa'kin ang Contact Lens na order ko sakanya, inabot ko na din ang pera, nauutal pa nga sya eh, nakakatuwa. Hmm. Haha. Saglit na saglit lang talaga, wala pang isang minuto ang pagkikita namin, pero para sa akin 'yun ang pinakamasayang segundo ng buhay ko. Tnt. Ang pakikipag-usap nya sa'kin, ang mga ngiti nya, 'di ko 'yun makakalimutan. Bago kami maghiwa-hiwalay, naglokohan pa ang dalawa, sabi ba naman ni YvL 'O kiss muna. Bago magpaalam.Tnt' kakatuwa talaga 'yun, tinanong pa ako kung sino mas cute sa kanilang dalawa. Haha. Nakakatuwa silang dalawa, lalo tuloy akong naiinlove ih. Tnt. Pagalis nila, pumasok na ako ng McDo, ang saya-saya ko. Nag-in ako sa work na full of happiness. MDS ako ngayon, kaya kung saan-saan ako kumikilos. Ang daming tao, bakit kaya? Nag-back up ako, fries, sa kitchen, syempre sa McDelivery, tatlong sunud-sunod ang naging customers ko, hanggang sa mag-out ako, naka-6 customers ako, pahabol pa 'yung isa, kahit 'di na'ko naka-uniform ako pa din pinag-take ni Sir Carl. Pagkatapos nun, umuwi na ako. Inaantok na ako eh, gusto pa nga magpahintay ni Ma'am Tere eh, kaso 'di ko na kaya. Tnt. Pagdaan ko sa simbahan, nag-aayos na sila para sa Motorcade. Magwa-one year anniversary na kasi ang Shrine namin, gusto ko sanang manood, kaso maaga pa ako bukas. Hmm.

Sunday, March 20, 2011

'PINAG-STRAIGHT AKO'

Nasa McDo pa din ako, pinag-straight kasi ako eh. Nung una ayokong pumayag, pero no choice eh. First time ko'ng du-duty nang GY o Graveyard shift, sabi nila mas madali daw ang duty ng GY kasi pull-out lang ng pull-out, 'yun nga lang ang ginawa ko, actually. Konti lang ang mga naging customers ko. 'Di ko na din masyadong namalayan ang oras, basta eksaktong 4 AM nilipat ko na ang Menu Board sa mga pang-Breakfast meals. Grabe, sakto pa ang tugtog pang-morning, 'Here Comes the Sun', pasikat na nga ang araw, padami na din ng padami ang tao. Wala pa 'yung opener crew, 'di pa ata ako makakapag-out ng 6 AM, hanggang sa inabot na nga ako ng 7 AM, dun pa lang ako nakapag-out, nagmadali na akong magbihis, gusto ko na'ng umuwi at matulog, may duty pa ako mamayng 4 PM. Nakalimutan ko pang bilangin ang pera ko, kaya kahit hindi na ako naka-uniform binilang ko 'yung pera ko nang buong pagmamadali, pinakamabilis na bilang ko na ata 'yun. Nanakbo na ako, kumuha na lang ako ng isang Hamdesal with Cheese at umuwi na ako. Grabe, tinatamaan na ako ng antok, sa iba ngayon pa lang magsisimula ang araw nila, ako ngayon pa lang magtatapos, at matutulog na. May textmessage pa ako from DL, dumating na daw ang order ko na CL. Natuwa ako, kasi dati, iniisip ko lang na wala na akong pag-asa sa kanya, ngayon friends na kami, magka-text pa. Pagdaan sa simbahan, may rally laban sa RH Bill, pagdating ko sa bahay, kumagat lang ako ng konti sa Hamdesal ko, natulog na kaagad ako. 12:30 na ako ginising ni Mama, 'di ko na tuloy nasimulan ang 'Batingaw ng Katotohanan' pero okay lang. Kumain na ako, naligo at nag-prepare. Parang mahilo-hilo pa ako, apat na oras lang tulog ko eh. Pagdating sa Cabuyao, nag-withdraw ako at namili sa Mercury Drug, sabi ni Sir Carl parang nahanginan daw ang ulo ko. Tnt. Medyo excited akong d-um-uty ngayon kasi MDS (McDelivery Station) ako. Si Ate Sab pa ang PC, kaya ang saya-saya ko kasi tumutulong ako sa Kitchen, gumawa ng Spaghetti, mag-up ng Chicken at Chx Fillet, magtimpla ng gravy at syempre mag-take ng mga nagpapa-deliver na customers, naka-apat na customer ako buong shift ko, all-around din ako kasi nagfa-fries station din ako, back-up, nagba-buss ng tables. At eto pa, nagulat ako sa customer ni Melissa! Si 'M'! Bakit sya andito? Binulungan ko kaagad si Melissa, sabi ko crew din ng McDo 'yung customer nya, nagulat talaga ako, syempre todo pampam ako. Tnt. Kahit sa Lobby papampam din ako. Hanggang sa lumabas na sya, pinag-uusapan pa nga namin eh. Wala din kaming ginawa kundi magtawanan ng magtawanan. Tnt. Pag-out ko, umuwi na din ako kaagad. Kung tutuusin may gagawin pa ako. Natulog na din ako. May pasok pa bukas. Hapi Nyt!

Friday, March 18, 2011

ALL-AROUND

Sa McDo, all-around ang duty. Paano ba naman, 4PM ako nag-in, counter ako hanggang 5PM kasi sa Lobby na ako 5PM, may nag-AWOL kasi, Lobby ako ng 5PM to 9PM, pinabalik na din kaagad ako sa counter kasi dumami ang tao, 9PM to 10PM, out na dapat ako ng 10PM kaso may customer ang McDelivery, wala na ang Rider, so napilitan ako'ng magdeliver, okay lang naman kasi si Kuya Melvin ang nag-drive ng motor, 'yung unang customer sa Niugan lang, sa anak ng dating Vice-Mayor ng Cabuyao. Pangalawa sa loob ng Mariquita Pueblo sa Dita, grabe naligaw pa kami ni Kuya Melvin, may napagtanungan kami isang cute, kakatuwa. Tnt. Bago namin nahanap, inabot na kami ng kalahating oras. Pagdating sa McDo, in-extend na ako hanggang 11PM kasi magte-turn over pa ako. Pagkatapos ko, nag-out na din ako. Pagdating sa terminal may nakasabay pa akong taga-Uwisan, nakakuwentuhan ko pa nga eh. Tnt. Pagdating sa bahay natulog na din kaagad ako. Gud'Nyt!

Monday, March 14, 2011

'ANU BA 'YAN, BA'T MAY NAGBABARAHA? LECHE! :))'

Basta pumasok ako, actually 1:30 PM naman talaga ang klase, ginawa lang 12 PM kaya na-late tuloy ako, pero it doesn't matter. Tnt. Reporting lang sa HRD, as usual sa Function room ulit kasi todo sa presentation ang mga reporters, ako pa ang presentor, 'yung taga-pindot ng mga slides. Minsan lumalabas si Dir. Torres kaya naaantala ang pagre-report, edi ang ginagawa ko naglalaro ako ng Spider Solitairre, adik na ako dun eh. Tnt. Malapit ko nang mabuo, haha, kaso biglang dumating si Director ang sabi ba naman 'Anu ba 'yan, ba't may nagbabara. Leche..' Haha, nakakatawa si Sir Torres. Pagkatapos ng reporting, pinauwi na ang lahat, gawa kasi ng Text Scare na 'yun, pero in fairview, natakot din ako. Tnt. Ang dami pa naming inasikaso, mga xerox na dapat i-compile at pag-aralan. Nakakatuwa sa jeep kasi nakasakay namin 'yung mga EE first year, pati si crush andun din. Syempre todo silay naman ako. Nag-SM kami, dumaan lang, pagsakay namin nakauwi nadin kami kaagad, pag-uwi sa bahay 'di naman talaga totoo 'yung mga textmessages na 'yun sabi sa balita. Lentek. Haha. After dinner nag-internet ako kina Feyang, FB, SSC, tsaka 'yung ano, 'di ko naman din na-download, na-disappoint lang ako, buti pa 'yung kanta ni Rick Price na 'Nothing Can Stop Us Now' na-download ko, ang ganda. Tulog mode. Nyt!

Saturday, March 12, 2011

LAST DAY OF OJT

Last day of OJT, grabe, lahat ng memories ko sa Asia Brewery ni-reminisce ko sa jeep habang papunta na 'ko sa Asia, last day ko na, 'di ko alam kung matutuwa ba ako kasi finally, tapos na ang OJT ko, pwede na ako g-um-raduate, 'di na ako gigising ng maaga o malulungkot? Kasi tapos na din ang pagiging taong opisina ko, ang may sariling table na maraming ginagawa, araw-araw may aplikanteng binibigyan ng exam, inaasikasong mga empleyado sa mga kailangan nila, tapos na lahat 'yun. Syempre madami din akong mami-miss, sina Ate Jea, na lagi kong pinagtatanungan ng mga gagawin ko, katawanan, kabiruan, sina Ma'am Zy-za at Ma'am Mimi na mga boss ko, sina Ma'am Ruth, Ma'am Annie, Ma'am Cristy, Ma'am Adel, mga nakilala ko din na dating mga kakilala ni Papa, sina Ma'am Jayvi, Ma'am Maricel, Ma'am Joan, Ms. Rosey na nakakatawa minsan, pati na rin si Kuya Tony at 'yung mga Company Nurses. Super dami ng 'di ko malilimutan sa pag-alis ko sa Asia Brewery. 'Di ko din naman akalain na dun din ako manggagaling sa loob ng napakaikling panahon 'di tulad ng mga taong itinagal ni Papa sa Asia Brewery.

Friday, March 11, 2011

HULING LUNCHBREAK KO NA SA 'MESS HALL'

Paggising ko, lagi na lang akong naaasar, ang hirap kasing bumangon ng maaga, iniisip ko na lang na konting hingahan na lang talaga malapit na akong matapos. Buti nga hindi ako nale-late eh. Kada umaga na lang lagi wala kaming magawa, kahit may aplikante, tinatamad na akong mag-administer. Para bang graduate na ako dun, napag-sawaan ko na. Pero kung tutuusin, lahat ng kilos ko sa malaking kuwarto na ito ng HR Office, Asia Brewery, ay mga huling kilos ko na, dahil malapit ko nang iwan ang lugar na ito. Ginugol ko ang buong umaga ko sa pag-ubos ng mga dapat gupitin, dapat tapusin para naman kahit papano mabawasan ang mga karagdagang gawain nila pag-alis namin. Lunchbreak, huling lunchbreak ko na sa 'Mess Hall', ang dami kong nakain. After lunch, umidlip kami, huling idlip ko na din 'yun, 1 PM d-in-eliver na sa'min ni Ma'am Zy-za ang Evaluation Forms naming tatlo, pati ang Certificate of Completion namin. 'Di ako masyadong satisfied sa Evaluation sa'kin pero masaya na din ako. Dama ko ang kaunting lungkot na nadarama ni Ate Jea, kasi aalis na kami, mawawalan na kasi sya ng OJT, ng maka-kuwentuhan, tawanan. Pero ganun talaga, sabi nga nya 'wag na daw akong umalis. Tnt. Nalulungkot din naman ako, kasi mami-miss ko din ang Asia, mami-miss ko din sila. Lahat na nga ng pwede kong gawin o tapusin ginagawa ko na as a turnover, 5 PM parang ayaw ko pa tuloy umuwi. Tnt. Last na-out ko na 'yun ng 5 PM, last na uwi ko na sa Asia ng hapon. Kakalungkot. Pag-uwi sa'min, busy sila sa pag-luluto, 21st Anniversary nga pala ngayon nina Mama at Papa, nagluluto sila ng Pancit. Madami nga akong nakain eh, habang nanonood ng masaklap na balita, nagka-tsunami na naman, sa Japan pa nangyari, katapat na bansa ng Pilipinas, papunta nga din ng Pilipinas ang lindol eh, pero 'di naman maaapektuhan ang Laguna.

Wednesday, March 9, 2011

'ASHWED'

'Di ko alam kung makakapagpapahid ako ng abo sa noo ngayon, today is Ash Wednesday, it is also my last Wednesday at Asia Brewery, iniisip ko nga baka ma-traffic ako ngayon kasi gawa ng mga misa sa simbahan namin tsaka sa Pulo, pero hindi naman pala. Pagpasok ko ng Asia, ang aga pa, ang sarap nga ng lakad ko eh. Aba at malapit na ako sa office eh umambon pa, ayoko na sana gamitin ang payong ko eh. Hmp.

Tuesday, March 8, 2011

'ANG SARAP.. KASO LAGI NAKAKABITIN'

Sawa na akong gumising talaga ng maaga, konting tiis na lang talaga, matatapos din ako sa OJT, 3 days to go. Buti nga kahit almost 7:30 AM na ako nakakaalis sa amin 'di pa din ako nale-late eh. Laging saktong 7:50 AM nasa gate na ako ng Asia, 10 minutes to walk pa. Akala ko isa lang ang aplikante, pagpasok ko ng examination room lima pala sila, at may humabol pang isa. Maayos naman ang lahat, naging busy din ako. After lunchbreak ang sarap matulog kaso lagi nakakabitin. Tnt. Medyo wala na ako magawa nung hapon, pabalik-balik lang ako sa Benefits & Welfare Office, wala kasing tao dun. Nag-facilitate din pala ako ng Regularization Exam, 5 employees, tatlong makukulit na lalaki 'yung huli kong binigyan, tanung ng tanong sa akin. Tnt. May pinapagawa din ng konti si Ms. Jea, nae-excite akong umuwi siguro kasi mag-i-internet ako mamaya, medyo nararamdaman ko na din ang mga huling araw ko sa Asia Brewery, madami akong mami-miss, hanggang sa mag-5 PM na, umuwi na kami, akala ko uulan, hindi pala. Pag-uwi ko sa bahay nakatulog na naman ako, paggising ko nag-dinner, nag-internet na ako, ang tagal ko na'ng 'di nag-o-online through PC eh. Nae-excite na naman ako sa status ng Cabuyao Cityhood Bill, nai-refer na ng Committee on Local Government ang bill sa Committee on Rules at may business meeting tungkol don this coming thursday at friday, ang alam ko nasa second reading na ang bill, after nya makapasa sa first reading, nakaka-excite, kasi as a matter of fact, ang Cabuyao ang huling nag-file ng Cityhood Bill sa taong 2010, pero sa lahat ng mga pending Cityhood Bills Cabuyao lang ang umuusad, ang iba pending pa lang sa Committee on Local Government, ang sa Cabuyao nasa Committee on Rules na, sana umusad pa ng umusad ang mga pagdinig, para mapaaga ang paghahain ng bill sa senado (kaso baka matagalan sa senado kasi bakasyon na sa senado sa March 24). Nakaka-excite talaga. Haha. Quarter to eleven umuwi na ako, after ko makipag-usap sa phone with baby [?], ang sarap na'ng matulog. Tnt. Nyt!

Monday, March 7, 2011

'BUSY-BUSY-HAN SA TABLE'

OJT Mode. Ngayon lang kami nag-OJT ng Monday, actually, wala kasing pasok kasi Town Fiesta ng Santo Tomas (Batangas), kaya nag-OJT na lang kami, one week na lang pala matatapos na kami. Medyo nakakalungkot din, pero ganun talaga. May apat na aplikante, mga engineers, kaya naging busy ako buong umaga. Grabe nung lunch, ang daming sinandok ni Raymond (Co-Crew McDo, Friend, Owner of the Company Canteen at ABI) na Kare-Kare, kaya ang dami kong nakain. Nung hapon, busy-busy-han sa table, bumalik 'yung apat na aplikante ko for HR Assistant, final interview na nila, g-in-reet nga ako nung naging friend ko na eh, 'yung taga-Bay. 3 PM, may alay na pancit, kaya todo kain kami. Tnt. Hanggang sa bumilis na ang oras, wala na nga ako magawa eh, kundi mag-tawanan ng mag-tawanan na lang. Tnt. Pagka-out namin, nagpasama si Michelle sa SM Santa Rosa, kaya nag-SM muna kaming dalawa, umuwi na si Ysa. Buti nga 'di kami na-traffic, 5:31 PM nasa SM na kami. Nag-withdraw muna sya, nag-ikot kami sa Department Store, nag-canvass din ako ng CL sa EO, ang daming magagandang kulay, sarap bilhin lahat ih. Tnt. Nagpunta din kami sa National Bookstore, bumili sya ng libro. Bago kami umuwi, kumain daw muna kami, kaya kumain kami sa KFC, nilibre nya 'ko, Wow Burger kinain ko, masarap din naman, 'yung fries nila lasang twister fries ng McDo, grabe ang gravy, ang sarap, sawa ako eh. Haha. Nag-picturan din kami. Umuwi na din kami kaagad kasi madilim na. Pag-uwi ko, nakatulog ako sa sofa namin, paggising ko saka ako kumain ulit, pinanood ko na 'yung 'Big Momma's, Like Father, Like Son'. After nun, natulog na din ako. Nyt!

Sunday, March 6, 2011

'WELCOME BACK TO ME!'

Maaga akong gumising, maaga duty ko sa McDo eh. Actually ngayon lang ulit ako duduty ng maaga, kaya nga nagulat sila lahat na naabutan ko pa ang pagse-serve ng breakfast. Pag-in ko dun ako nakapuwesto sa Primary Cell, kaya medyo nakakakaba kasi baka sa akin pumila ang MS (Mystery Shopper). Tnt. Napakadaming tao, isang oras pa lang ako basa na ako ng pawis, medyo mahina kasi ang Air-con. Ang gulo-gulo nga ng pera sa kaha ko eh, ang dami kasing tao, Linggo kasi. Ayos naman ang naging duty ko, masaya. 'Di ko nga alam na out na pala ako eh, lampas 3 PM na pala, ang sarap ng pag-out ko kasi maaga akong makakauwi, Linggo pa. Nagbigay ako ng bagong T.A. (Time Availability) kasi makakapag-duty na ako ng madami kasi matatapos na ako mag-OJT. Namili din ako sa Mercury Drug, siguro naka-ilang ikot ako, 'di ko kasi makita ang mga bibilhin ko. Tnt. Pero nabili ko din naman lahat bago ako mahilo. Pag-uwi ko, ang aga pa talaga, pero 'di na din ako nakapag-pahinga ng maayos kasi nag-ready na din ako para mag-simba, 7 PM ang serve ko, Lector 1, pagdating namin ni Mama sa simbahan 'di pa tapos ang 5:30 PM Mass, kaya kung sinu-sino pa ang nakita ko. Amp. Nagsimula na ang meeting ng LCM, nagsimula na din ang misa, nanibago ako sa mic, bago pala 'di ko alam, para namang ang tagal ko laging nawala. Tnt. Medyo mabilis lang ang misa, tapos kaagad, kaya mahaba-haba pa ang tatalakayin sa Meeting namin, pinauwi ko na si Mama, akala ko kasi makakapagsabay kami pauwi. 'Welcome back to me', ngayon lang ulit ako naka-attend ng meeting, siguro 4 or 3 consecutive monthly meetings na akong 'di nakaka-attend ng monthly meeting namin. Madaming tinalakay, March 26 Shrinehood Celebration, Fiesta, Visita Iglesia, pati nga RH Bill eh. Sa mga gawain namin, parang gusto kong mag-leave sa McDo ng 1 month sa sobrang dami ng dapat kong attend-an, ka-excite sa Celebration ng 1st Shrinehood Anniversary, kasi magka-karakol kami, madami kaming gawain. Syempre may kainan din kami after ng meeting. Naglakad na lang kami pauwi, kami nina Ninang Sister, Kuya Ronald at Ate Chelle, pag-uwi ko ng bahay nanood ako ng DVD, 'Charlie St. Cloud', ang ganda, maganda 'yung story nakakaiyak. Tnt. Kaso inantok na ako. Hmm. Nyt.

Saturday, March 5, 2011

'KUNWARI NAG-E-ENCODE AKO, PERO NAG-SO-SOLITAIRE TALAGA AKO..'

Masama ang panahon, leche, kalalaba lang ng sapatos ko nanlilimahid na kaagad. Nakalimutan ko pa ang relo ko, sana 'di ako ma-late. Amp. Pagbaba ko ng Asia, lumakas ang ulan, napilitan na akong gamitin ang bago kong payong, leche, ayaw pa bumukas, ipapahiya pa ako. Nung bumukas, maryosep! May sira kaagad, ngayon ko lang ginamit ih. Tnt. Pagdating ko ng office, hinalera ko na din ang payong ko sa mga payong na nasa pantry. Walang magawa, busy kasi sila lahat para sa ma reports nila, kung anu-ano na lang ang binutingting ko. Tnt. Nung nag-meeting na sila, solong-solo na naming tatlo ang buong office, ang saya. Kunwari nag-e-encode ako pero nagso-solitaire talaga ako actually, tapos na naman ang mga gagawin ko eh, sumasagot na lang ako ng mga phone calls, papick-up, pick-up na lang. Tnt. After ng meeting nila, wala na naman ako magawa, ay nagsulat-sulat din pala ako. Naging busy din pala ako, siguro mga 3 minutes lang ako naghng busy. Tnt. Halfday lang ako, 12 PM na pala, 'di ko akalaing uuwi na din ako sa wakas, haha. Nag-withdraw ako sa Allied Bank sa tabi ng Asia Brewery, nasa kanto sina Mama, Papa at Eros, naggo-grocery sila, sasabay na ako pag-uwi sa kanila. Bumili muna ako ng DVD, tsaka concealing cream. Tnt. Pag-uwi sa bahay, lunch, nood ng Eat Bulaga, nakakatawa, nasa San Pedro pala ang 'Juan for all. All for Juan'. Francis M. Day din sa Eat Bulaga ngayon kasi birthday ni Francis Magalona, nagkakantahan sila lahat with Magalona Family, naiiyak nga din ako eh. Nag-blood letting pa ang mga dabarkads. Nakatulog ako, paggising ko. Akala ko 3 PM pa lang, 4 PM na pala, nag-ready na ako pa-McDo, training ko ngayon, good luck na lang sa akin. Tnt. Pagdating ko sa store (McDo), sinalubong kaagad ako ni Ma'am She, 'di daw tuloy ang training namin, ayan, wala tuloy akong station ngayon. Akala ko tuloy magkakaha ako, bigla kasing nag-AWOL si Myk (Closer, Lobby) kaya ako tuloy ang pumalit sa kanya, haist. Akalain mo 'yun, after so many months, nakapag-duty ulit ako sa lobby. Ayos naman, 'di nga ako masyadong nahirapan eh, ang suwerte ko nga daw. Napakalinis kasi ng lobby, konti lang ang tao, wala na nga ako magawa minsan. Tnt. Tanaw na tanaw ang palengke, ginibang palengke, under renovation kasi, kausap ko nga si Manong Guard tungkol dun eh. Pero kitang-kita pa din ang Arch, lumang-luma na, nakalagay eh 'Cabuyao Public Market, 1934', almost 80 years na pala ang palengke na iyon sa Cabuyao. Tinuruan ako ni Carlo na magpull-out ng Lobby, 'yung sa Play Place side, medyo limot ko na eh. Tnt. Ayun, nakapag-out naman ako ng saktong 11 PM, 'di ako masyadong pagod kahit nag-Lobby ako. Opener pa ako bukas, kaya pag-uwi ko natulog na ako kaagad. Nyt.

Friday, March 4, 2011

I HATE YOU DL! SO MUCH..

Grabe, 6:30 AM na ako ginising ni Mama, pero parang bumagal ang oras, kasi 'di ako na-late e hindi ko naman binilisan ang kilos ko. Tnt. Sabay-sabay na na kaming pumunta ng kanto, sakay sa tricycle namin, pupunta kasi si Mama sa Cabuyao. Sa kanto na kami nag-hiwalay kasi Hi-Way na ang sinakyan ko. Sakto lang ang dating ko sa Asia, 'di ako na-late. Same scenario lang din, may mga aplikante, nag-administer, nag-check at nag-assess aq ng exam. May isa nga dun 51 y/o na, pero magaling, well-experienced na, matalino, may professionalism. Bukod doon, gumagawa din ako ng ID, nag-aayos ng mga exam. Naging busy ako buong araw. May nagpakain pa nga ng baked macaroni eh, during break. Pag-uwi ko, masama na naman ang panahon, pero 'di ako inabot ng ulan. After dinner, nag-OM lang ako, I hate you DL! So much! Ka-antok, makatulog na. Hmp.

Thursday, March 3, 2011

CONFIRMED.. GUGUHO ANG MUNDO KO

Tanghali na ako pumasok, nakasakay ko pa nga si Sir Ronnell (McDonald's Laguna Bel-Air) sa jeep eh. Pagdating sa terminal, bumili kami ng payong ni Sajarz, tag-ulan ba? Tnt. Sabay-sabay na kami sumakay ng jeep pati si Gladz. Grabe 'yung nakasakay namin, matandang ewan, may ginagawang milagro sa loob ng jeep! 'Di na nahiya eh. Naku po tatang! Hanggang sa makababa kami hindi kami makahinga ng maluwag, diring-diri kami. Tnt. Pagdating sa school, wala pa si Sir. Kung sinu-sino ang mga nakita kong ayaw ko namang makita. (PP: My Devil Twin) pati 'yung napanaginipan ko kagabi inis na inis ako, inaaway nya na nga ako sa school pati sa panaginip inaaway nya din ako! Huhu. Anyway, nagklase na kami, tapos kumain din sa labas, kung sinu-sino na naman ang nakita. Pagkatapos, nagklase na ulit sa Counseling, may tinuro si Ma'am sa'min eh, 'di nga lang ako masyadong nakinig, 'yung tungkol daw sa Internal Locust of Control. Tnt. Madilim na nga nung natapos ang klase eh, medyo gabi na kami nakauwi. Ang saya nga namin sa jeep eh, kunwari nasa roller coaster kami. Tnt. 'Yung katabi ko naka-shorts lang, feel na feel ko ang pagtabi sa kanila. Are we? Haha. Nag-SM muna kami, miss ko na kasi ang Chicken Chandwich! Haha. Naka-duty si Jessa, at may sinabi sya sa akin na ikinaguho ng mundo ko. Confirmed, hindi daw 'yung ka-crew nya sa McDo-SM ang textmate ko, dahil magkaiba daw 'yung number na binigay ko sakanya dun sa number nung pinaghihinalaan kong textmate ko. Ang saklap talaga, grabe, akala ko sya talaga 'yun, ilang buwan syang nasa isip ko, 'yung itsura na nya ang tumatak sa isip ko sa tuwing ka-text ko 'yung textmate ko. Grabe, nalungkot ako, gumuho talaga ang mundo ko. Papaano na? 'Di ko na alam. Pero 'di pa din ako makapaniwala, alam ko may maitatakbo pang iba ang ikot ng mga pangyayari, anu daw? Tnt. Umuwi na kami, kaasar nga 'yung nakasabay namin sa jeep, nalungkot na naman ako. Sa Puregold kami bumaba, tumingin kaming DVD, tingin lang. Tnt. Dumaan akong Sioland, daan lang, joke! May pinamili ako, nag-text kasi si Mama, bumili daw ako ng ulalam ko. Tnt. La la ulalam. Waw! Ulam. Hehe. After dinner, nag-text na lang ako ng nag-text. I have a new baby, but I don't know if we're serious with each other. Tnt. Basta, nakatulog na ako eh. Ang sarap kasi ng antok ko. Anu daw? Nyt..

Wednesday, March 2, 2011

SHE...

Masama ang panahon ngayon, makulimlim. Pagdating ko ng Asia, nakahalera ang mga Firetrucks sa tabi ng gate ng Asia, tapos may mga nakataling lobo, magpaparada sila sa buong Cabuyao, kaya pala walang parada kahapon kasi ngayon sila magpaparada, t-in-ext ko kaagad si Mama, sabi ko ngayon may magpaparada, para gisingin na din si Eros. Pagdating ko ng office, nag-ayos na ako, tiyak madami na naman akong gagawin, madami kasing aplikante ngayon, pagdating nila, anim (3 for HR Assistant positions, 2 for Q.A. and 1 for Cadet Engr.) sila, 'yung isang nag-a-apply for HRA schoolmate ko sa PUP, 'yung isa din pinsan ni Ate Tina (Classmate ko), ni-refer nya sa'min, actually. Tnt. Habang nag-fi-fill out na sila, may dumating pang isa, babae din, for HR Assistant din. Pagkakolekta ko ng mga Application forms nila, binigyan ko na sila ng exam. Binasa ko 'yung mga application forms at resumés nila. 'Yung na-late taga Bay (Baí/Bae) pala, medyo malayo kaya na-late, maganda sya, cute, bata pa, graduating pa lang din sya, buti pa sya nakakapag-apply na, nakita ko graduate din sya ng Liceo school, from Liceo de Calauan sya ako from Liceo de Mamatid. Parang gusto ko tuloy syang interview-hin. Wala lang. Tnt. Tapos na lahat sila mag-exam, sabi ko kay Ms. Jea (Outgoing HR Asst./Acting Recruitment Staff) pwede na syang mag-interview, since busy pa sya, ako na lang muna ang nag-interview, actually hindi naman talaga interview ang ginawa ko, pinapunta ko lang sa Interview Room 'yung aplikanteng na-late at kinausap ko lang, nag-tanong ako ng mga kung anu-ano, tungkol sa kanya, para nga kaming magkakilala na eh, parang friends kami kung mag-usap, kung tutuusin 'di nga kami magkakilala, mabait kasi sya, eh pa'no pa ako? Super friendly kaya ako. Madami-dami din naman kaming napagkuwentuhan, akala nga ng mga aplikante sa labas in-in-terview ko na sya eh. Tnt. Pagdating ni Ms. Jea, saka sya nag-start ng formal interview. Nag-check na ako ng mga test papers. Ang dami ko nga ginawa buong araw eh, inasikaso ang mga aplikante, nag-xerox ng nag-xerox, nag-alwas ng mga dumi sa mga drawers, in-organize ang mga answer sheets, ang gugulo kasi ng mga 'yun sa drawer. Natapos ko 'yun lahat buong araw, ni hindi nga ako nakapagsulat sa planner ko eh, sa sobrang ka-busy-han ko. Tnt. 5 PM, sakto lang din, nag-out na ang lahat. Pag-uwi, grabe ang lakas ng ulan, hala sumugod na ako, gusto ko na makauwi. Pagdating sa bahay, ang baho, amoy pintura, pininturahan ang dingding ng bahay, light pink ha. After dinner, nagkainan kami ng Japanese Corn, naka-dalawa at kalahati nga ako eh, ang sarap kaya, ang tamis pa. Nag-internet ako kina Fey, 3 hours sakto, ewan ko ba, napaka-bitter ko buong gabi, tama, gabi lang!

Tuesday, March 1, 2011

'TAGPUIN KO DAW SYA SA PUREGOLD'

Birthday ni Ninang Wenna! Teka, bakit parang wala atang ingay ng sirena ng mga bumbero ngayon? 'Di ba every 1st day of March may parade ng mga firetrucks, a warning for us to prevent fire. March is 'Fire Prevention Month', let's prevent fire! Tnt. Tyak na madaming aplikante ngayon, ang dami kong nakitang tao sa gate eh. Sabi ko na, walo lang naman ang aplikante, para sa'kin madami na 'yun, malaking gawain na 'yun buong araw, application forms nila, tatlo o apat na exam ang i-a-administer bawat aplikante, tse-chek-an pa isa-isa, bago pa maipasa sa mag-i-interview sa kanila, interview ang last process. Nung ini-interview na 'yung last applicant, nakahinga din ako ng maluwag. At least natapos ang umaga ko na naging busy ako. After lunch, may pinagawa si Ma'am Annie, gawan ko daw ng ID 'yung mga newly hired contractual employees, siguro nasa 30 sila lahat. Ang dami, dumating din 'yung time na sawang-sawa na ako. Tnt. 'Di ko nga natapos eh, at least may gagawin pa ako bukas, 'di ba? Tnt. Pag-uwi nagmadali na kami, pumunta kami'ng McDo ni Michelle, may aayusin akong schedule ko, nag-withdraw na din ako. Grabe, ngayon lang ata ako nakapag-withdraw ng ganoong kalaking halaga, todo ingat ako. Tnt. Pagdating sa McDo, ayun, si Sir Carl na naman at si Sir Jake ang nakaduty, pinaglololoko na naman ako. Umuwi na din kami, nagtext si Mama, tagpuin ko daw sya sa Puregold, nung magkita kami, nag-grocery muna kami bago kami bumili ng ulam, sabay na kami umuwi kahit parang hindi, sa loob sya ako sa labas nakasakay ng tricycle. Tnt. Pag-uwi kumain na kami, gutom na gutom ako. After dinner, umulan, nag-OM na lang ako, 'di ko talaga mapigilan na i-chat si DL, hehe. Sabik na sabik talaga ako sakanya. Adik. Hanggang sa dalawin na ako ng antok, kapiling sya. Feeler?

Sunday, February 27, 2011

'MAMI-MISS KITA, NAMIN, AT NG MCDO...' :((

Maaga talaga ako gumising, gusto ko mag-almusal para makainom ng gamot, medyo maayos na ang pakiramdam ko, buti naman. Pagkainom ko ng gamot, nagpahinga ako buong umaga, actually nakapanood pa nga ako ng Movie eh, 'yung favorite movie ko, 'Beaches' starring Bette Midler at Barbara Hershey, nakakaiyak talaga 'yun, sobra, lalo na nung namatay na si Hillary Whitney (B. Hershey) with 'Wind Beneath my Wings' as the background music. Nag-lunch na kami, habang nakikinig ng 'Batingaw ng Katotohanan', gustung-gusto ko lagi ang topic, lalo na kapag Cabuyao Cityhood ang pinag-uusapan. Nag-prepare na din ako for work, makakapasok na ako, kaya ko na naman eh. Pag-alis ko ng bahay todo prepare ako. Pagdating ko ng Cabuyao bumili muna ako ng gamot, nakita ko kaagad si Jeme (Co-Crew ko. Ayee. Tnt). Since may crew assembly kami mamaya, ibang managers ang mga naka-duty, actually pati mga naka-duty na crew, borrowed ang iba. Nung nag-in na ako, nakakatuwa, may kasabay akong borrowed crew from McDonald's Laguna-Belair (Santa Rosa City), boy sya, counter din, nakakatuwa kasi may makakasama akong lalaki din sa front counter area. Pati 'yung mga naka-duty sa Lobby from McDonald's Waltermart-Santa Rosa ata sila. Ayun, ayos naman, kahit ibang managers ang naka-duty, ang saya nga namin eh, mga kalog pala sila. Tnt. Sina Sir Ronnel (McDonald's Waltermart ata o Belair din) tsaka si Sir Rikki (McDonald's Biñan), nakakatuwa sila pareho, tawanan kami ng tawanan, eh napakadaming tao. Tnt. Hanggang sa inabot na ako ng gutom, mahilo-hilo na nga ako eh. 8 PM nag-start na ang assembly, siguro 8:30 PM na ako nakapunta sa assembly. Patawa pa nga ako eh, madami naman din akong nalaman, mga mababago at madadagdag sa McDonald's Cabuyao. Ite-train nga daw ako sa Dial-8 eh, magkakaron na kami nun, 'yung sa McDelivery. Good luck na lang sa akin. Tnt. Naka-receive ulit ako ng Sodexo. Yey. Bumili na din ako GC ng McDo para pang gift ko sa mga boss ko sa OJT. Siguro 11 PM na natapos, dumeretso kami sa patay ('yung ex-crewmate namin). Basta nakakaiyak, hindi pa din ako makapaniwala, parang natutulog lang sya, naaawa nga ako sa mga kapatid na naiwan nya. Haiy. Umuwi na din kami kaagad, maaga pa pasok ko bukas. Hmm. 'Goodbye to you, mami-miss kita, namin, at ng McDo...' Nyt..

Saturday, February 26, 2011

I'M SICK AND TIRED (GRADUATION PICTORIAL)

Nasa kalagitnaan na naman ako ng kadiliman, hindi ako mapakali sa kama, nag-aapoy ang pakiramdam ko, nanlalamig ang buo kong katawan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, bakit nararanasan ko na naman 'to? Ayoko na magkasakit, pero lagi na lang dumadapo ang sakit sa'kin. Kung kailan mahalaga ang araw, saka naman ako nagkasakit, pinilit ko ang sarili ko bumangon, kumain, maligo at magbihis, ayokong um-absent! Ngayon ang graduation pictorial namin, matagal akong na-excite mangyari ang araw na 'to. Medyo magaan naman ang pakiramdam ko, kasi kasama ko ang mga kaklase ko, ang Ekstra. Kahit papano hindi halatang may sakit ako. Ang tagal namin naghintay, ang tagal kasi matapos ng IT. Siguro saktong 12 PM, nagsimula na kaming picture-an, syempre nagpauna na ako, pagkatapos ni Joven, ako na ang m-in-ake up-an. Kakatuwa nga eh, feeling ko para akong artista, yellow na polo pinili ko, saglit lang, napicture-an na kaagad ako, ang bilis nga eh. Sunod sa akin si Ysa, ang gagaling nga mag-make up ng mga beki eh, para talagang graduation day na. Excited na akong makita ang graduation picture ko, kaso matatagalan pa. Gusto ko sana hintayin sina Monica ma-make up-an, para makita ko din sila, sabi ni Carlene magpapapicture daw kami kasama si 'Bhebhe' pati mga troa niya. Tnt. Eh kelangan ko na talagang umuwi eh, 'di ko nga alam kung makakapasok ako sa McDo, sina Gretchen kasabay ko, nag-CR muna ako bago umuwi, sa CR, may nasalubong akong dalawang guy, parang nagtawanan sila nung makita nila ako, dunno why? pagpasok ko ng pinto, nagulat ako sa nakasalubong ko, si Bhebhe! Haha. Kakatuwa, nakita ko ulit sya. Kaya pala nagtatawanan ang mga nauna, dahil makakasalubong ako ng tropa nila. Tnt. Na-miss ko din naman sya. Umuwi na kami, sa SM ako sumakay, ako lang mag-isa, mainit, maaraw, naka-jacket ako, kasi malamig ang hangin. Pagdating ko ng bahay, kumain ako, at nagtext na sa mga managers ko, hindi ko talaga kayang pumasok. Natulog na ako at nagpahinga, paggising ko, magpapa-check up daw kami sa Clinic sa Gulod, so larga kami, kasama si Eros, pagdaan sa Gulod, nasa unahan na si Nanay, tyak na nag-aalala na naman. Dumeretso na kami ng Clinic, pero sarado daw. Amp. Hindi din ako nakapagpa-check up. Inisip ko na lang si 'DL', sana makita ko sya, kaso wala eh. Bakit ba sa tuwing may sakit ako lagi na lang sya ang nasa isip ko? Siguro kasi, sa piling nya, doon ko lang mararamdaman ang tunay na saya, walang sakit, puro sarap. Haha. Adik. Pag-uwi sa Gulod, si Nanay, alalang-alala, kung anu-ano pinagsasabi sa akin, baka daw nagpapapagod na naman ako, baka daw nakakagat na naman ako ng lamok, dapat daw mag-vitamins na talaga ako, et.c. Si Nanay talaga. Pag-uwi sa amin, nag-dinner na kami, tapos uminom na ako ng gamot, si Carlene katext ko, super concerned sa akin, medyo maayos na din pakiramdam ko, sana umeepekto na ang gamot. Gusto ko na gumaling bukas. Hmm

Friday, February 25, 2011

ICE CREAM ALSO MAKES ME CRY..

Waaah. Antok pa ako. Habang nanonood ako ng 'Sapul sa 5' ano ba 'yang topic nyo, tungkol sa EDSA, anyway, 'di naman ako masyadong interesado, 'di ko naman kapanahunan 'yan, at kung ako'y tatanungin kung may pagbabago, during Gloria's administration oo, may pagbabago, ewan ko lang ngayon? Tnt. Basta, nangangamba tuloy ako kasi 'di ko alam kung may pasok ba sa opisina ngayon, 'di ba holiday daw? Buti na lang pagbaba ko ng gate ng Asia (Brewery), nakita ko kaagad si Ma'am Annie, edi may pasok nga, nawala ang kaba ko. Tnt. Natuwa na naman ako sa table ko, ang sarap talaga magka-table, nilagay ko mga gamit ko sa kahon, inayos ko din 'yung mga papel, mga local numbers, cellphone ko andun din. Feel na feel ko talaga. Tnt. Naging busy din naman ako maghapon, nag-encode, nag-check ng exam, nag-check ng mga payroll, tinuruan ko din si Ms. Jea mag-interview, haha. After lunch, nakatulog na naman ako. Simula na naman, wala na kaming magawang tatlo, nag-shred na lang kami ng nag-shred maghapon. Nung break kumain kami ng ice cream, ang tamis, naku, sasakit na naman t'yak ang lalamunan ko. 5 PM, dali-dali na ako nagpuntang McDo, andun din si Meann, nagpa-abiso ako na baka 'di ako makapasok bukas. At may nabalitaan ako'ng super saklap na news, si Ma'am Rochelle (RM, McDonald's Cabuyao) pa ang nagsabi sa'kin, 'yung dati daw naming ka-crew, medyo matagal nang nag-resign, namatay na daw, binangungot daw ata, hala, sabi ko kay Ma'am: 'Ma'am naman, 'wag nyo naman ako biruin ng ganyan!' kaya ganun ang initial reaction ko, kasi medyo nahulog ang loob ko sa ka-crew ko na 'yun, tahimik lang kasi sya, mabait, kapag nagma-McDo nga sya with her girlfriend, sa akin sya um-o-order eh. Natutuwa naman ako, friend ko sya sa Facebook. Nabalitaan ko na resigned na pala sya, tapos mababalitaan ko pa na patay na daw, shocking! Very much! Parang 'di ko kaya, nakakagulat. Ang bata pa nya kasi, maybe I'm one year older than him, anyway, may he rest in peace +. Pag-uwi ko, pasakit ng pasakit ang lalamunan ko, My God, huwag naman sana akong magkasakit ulit, 'di pa ako tapos mag-OJT, ga-graduate na ako. Ayoko na magka-sakit. Pagka-dinner nagpahinga na ako. Malungkot ako actually, nawala tuloy ang excitement ko para sa pictorial namin bukas. Hmm.

Thursday, February 24, 2011

'OH OH OH, OH OH OH. OOOH-THAAAN!' TNT

Ayos na sana eh! Bagong pantalon, bagong labang sapatos, bagong linis na relo at ang University Shirt ko, nakalimutan ko nga lang magpabango. Tnt. Sinaid ko ng todo 'yung nasa maliit na bote ko sa bag, spray ako ng spray sa tricycle, kahit paunti-unti na lang ang lumalabas, hanggang sa pagtapat ko sa Greencrest (bagong bukas na subdivision), leche! Bakit 'Banlic, Calamba City, Laguna' ang nakalagay? Hindi man lang nila c-in-onsider na sa Mamatid ang main gate ng subdivision! Kaasar talaga. Anyway, paganda na naman ng paganda ang Barangay Hall namin, ang ganda na naman ng pintura ng buong barangay. Pati simbahan namin ang daming projects, ganun talaga 'pag magfi-fiesta. Nakaka-excite tuloy. Tnt. Ang aga ko nakarating ng school, siguro saktong 8 AM, wala pa ngang tao sa room eh, ako pa lang ang nauna, hanggang sa maging apat na kami, nagsimula nang magklase si Sir Cueto, nakakatuwa. Unti-unti na silang nagdatingan, hanggang sa matapos ang klase. Physics na, kaso pagdating ng instructor namin ang sabi sa Monday na lang daw ang klase, asar naman. Nag-lunch na kami, ang sarap ng batchoy, promise. Si Kuya Jayson ang kulit, kinakanta nya 'yung 'Awesome song' ni Awesome sa Wiling-wilie with the lyrics of 'Oh oh oh, oh oh oh, Ow-thaaan' Hahaha. Nickname ko 'yun ah. Tnt. After namin mag-lunch, wala na din daw klase, hindi na din daw kami imi-meet ni Ma'am. Hala, ang aga ata namin makakauwi, parang ayoko pa umuwi, gusto ko pa magpa-pampam kay Crash-crashan First Jeer, haha, pati sa psychekubo, kahit saan pa. Pero umuwi na din kami. Nag-SM kami kasi wala nang magalaan, nag-McDo na lang kami, tutal nandun naman si 'M', gumamit kami ng cuopon. Three medium fries and regular coke float, yummy! Sa may unahan pa kami umupo, siguro naman napapansin na nya ako. Bigla pang dumating si Jessa (former classmate, friend, crew din ng McDo SM Calamba) edi nakipag-kwentuhan ako sa kanya, madami akong tinanong tungkol kay 'M', just for confirmation lang, unti-unti ko nang matutupad ang mga plano ko. Tnt. Siguro naman napapansin nya kami. Pati ng mga managers on duty, pansin na pansin kami, tawanan pa kami ng tawanan. Bago kami naghiwa-hiwalay, itetext daw ako ni Jessa kung confirmed nga, kung, if. Tnt. Pag-uwi sa bahay, since wala namang ulam, natulog na lang ako, sabi ko gisingin na lang ako pag 'T.O.F.' na. Aba at 'Bantatay' na nakahiga pa din ako. After dinner, nag-internet ako, napakasaya. Kausap ko na naman sya (DL) at kinuha pa ang numbers ko, haha. Ite-text nya daw ako kapag may stock na sya nung order kong CL, sya ang nag-insist nun ha, hindi ako. Tnt. Si Feyang ang baros pa, gawa ng mga batang lalaki, basta, basta ang saya ko. Hmm. Gud'Nyt!

Wednesday, February 23, 2011

I LOVE MY TABLE

'Manong, dale, ayokong ma-late!', nakakahiya. Tnt. Talagang konting isod na lang ng jeep tumigil pa sa vulcanizing shop! Nabuwisit ako ng todo, nanakbo na naman ako papuntang HR Office. 8 minutes tinakbo ko from gate. 8:59 AM ako nakapag-in, pumasok ako ng office na mukhang hindi haggard, pero deep inside hinahapo ako, ayoko lang mahalata nilang nanakbo na naman ako. Tnt. Nung una, akala ko isa lang ang aplikante ko, pero nagsidatingan ang iba, total of three applicants. 'Yung huling dumating from U.P. Los Baños, at the age of 22 licensed engineer na sya, pero wala pang experience, experience saan? Tnt. Nahuli tuloy sya, ang tagal nya kasing magsagot ng essay, pero may sinabi sya, matalino kasi. Hehe. Habang binabantayan ko sila, bonggang-bongga na naman ang table ko (former table ni Khaye), puro paperworks. Busy-ing busy na naman ako. Tnt. Sumasagot ng phonecalls, nakapag-received pa nga ako ng case file eh. Ang taray ng pirma ko. Tnt. Nag-sit in na naman ako habang nag-i-interview si Ma'am Zyza. Ayos naman, mamaya ulit, kay U.P. Boy, haha. Inabot na sya ng lunch, so pinag-lunch ko muna, pati 'yung iba. After lunch, start to work again, interview na ni U.P. Boy, so nag-sit in ulit ako, ahm, asar naman si Ma'am Zy, 'di man lang ako pinakilala oh. Tnt. Nag-start ang interview ng 'Bakit ka late kanina? Tnt' actually, he's from Tiaong (Quezon Prov.) pa pala. Ayun, ayos naman, nung una kinakabahan ang mokong, pero maayos naman. Nabitin nga ako nung matapos na eh. Haha. After nun, may pinag-regularization exam ako. Tapos may pinagawa sa'kin si Ms. Jea at Ma'am Jayvi (bagong Records Officer). Feel na feel ko nga ang table ni Khaye eh! Talagang inayos ko lahat ng kahon, nilagyan ko ng mga gamit, kahit papano natupad ko ang pangarap kong magkaroon ng organized na table. Tnt. Parang gusto ko na tuloy magtrabaho na talaga sa opisina. Bahala na. Nung mag-5pm na, ayaw ko pang umuwi may ginagawa pa kasi ako, pero walang OT kasi dun eh. Kaya umuwi na kami, ang saya nga namin habang nagta-time out eh, tawa kami ng tawa, gawa kasi ni Rosey. Haha. Pag-uwi sa bahay, wala pa atang 6 PM naghapunan na kami, ang aga, 'no? Kaya nga hapunan eh, hapon. Ang dami ko na namang nakain. Haist, ayokong tumaba! Pagkakain, ayan na naman, inaantok na ako. Nakatulog na naman ako ng busog. 'Di ko na alam ang nangyari...

Tuesday, February 22, 2011

LIFE IS A SOLITAIRE...

OJT mode ako. Kami lang dalawa ni Ysa. May tatlong babaeng aplikante, kaya madami akong ginagawa, bukod doon, may in-e-encode pa ako sa 201 file system. Nagtawanan lang din kami ng nagtawanan ni Ms. Jea, Ma'am Zyza. Tnt. After lunchbreak, nakatulog ako, kasakit sa ulo, medyo tinamad na ako, wala na kasing magawa, after break, pasilip-silip pa din ako sa mga nagpuputol ng kahoy sa labas. Haha. Magfa-fogging daw ulit, kaya quarter to four, we should have to pack all our things up. Ka-excite. Habang naghihintay kami mag-quarter, nag-solitaire muna ako sa computer, aba at hinamon pa ako ni Ma'am Zy, laban daw kami ng solitaire bukas, pabilisan. Tnt. Ang bilis na ng oras, nakapag-out at nakauwi na kami. Pag-uwi sa bahay nag-OM ako, after dinner, pinanood ulit namin ang 'Jumanji', 'yung d-in-ownload ko na movie, after a decade and more, mapapanood ko ulit ang Jumanji, bata pa ako nung pinalabas 'yan, medyo limot ko na nga ang story eh, pero maganda. Ang ganda talaga ng story nya, pambata, kakilabot sa huli. Nice. Ang sakit ng ulo ko, tulog mode! Nyt. Amp!

Monday, February 21, 2011

'MATAGAL KONG PINANGARAP 'TO, ANG MAGPAHINGA BUONG ARAW. TNT'

Ewan ko ba, kung bakit antok na antok ako, kung sabagay, galing ako sa work kagabi, tsaka wala akong tulog. 8:30 AM na, hindi pa din ako nabangon, aba kung hindi rin lang ako makaka-attend ng Physics class ay hindi na lang ako papasok. Tnt. Tutal tapos na naman ako mag-report, wala namang quiz, puro discussion at reporting na lang kami ngayon, kaya pinili ko na lang magpahinga buong araw, pinangarap ko kaya 'to! Ang makahinga ng maluwag. Tnt. In-enjoy ko nalang ang panonood ng Eat Bulaga, pati 'yung Globe na SIM ko in-in-sert ko na, para magamit ko na, tamang-tama may mga load ang textmates ko sa Globe. Tnt. Magwi-withdraw daw ako ngayon, kaya nagpunta kami ng Calamba. Tnt. Nag-Liana's din kami, bumili si Mama ng housing ng CP nya, nagpunta din kami sa palaruan sa taas, wala lang, nag-gala lang talaga kaming apat, si Papa, Mama at Eros. Pag-uwi, dumaan kami ni Mama sa bagong bukàs na Puregold sa Banlic, talagang dumaan lang kami, ang dami kasing tao, matatagalan kami kung dun pa kami mamimili. Nag-Sioland na lang kami, tapos ayun umuwi na din. Since maaga pa, I mean, may kaunting araw pa, namasyal ako sa buong Mamatid. Tnt. Lagi ko 'tong ginagawa kapag ganoong oras, lalo na kapag wala naman akong ginagawa. Syempre inikot ko talaga, from sa'min, Barangay Proper, Purok Uno, Goldilocks, Kurimaw, Mabuhay City Phase 6, Phase 5, Phase 3-C, Phase 3-E, Phase 2, Phase 2-E at Corazon pabalik sa'min. Oh diba? Nag-dinner na kami, pagkakain, nag-internet ako, download-download, upload-upload. Tnt. Syempre nakipag-chat na din kay DL (DL na itatawag ko, hindi na Hayop), actually puro private messaging lang kasi 'di naman kami friends sa Facebook. Tnt. Basta, kakatuwa sya, pati kapatid nya (YvL) ibugaw ba naman sa'kin. Tnt. Masaya naman ang gabi ko, may bago pa akong kalendaryo with Governors of Laguna printed on it, courtesy of Ate Cristy. Hehe. Nakapag-download pa ako ng Jumanji. Ang saya. Gud'Nyt!

Sunday, February 20, 2011

'THE CABUYAO MARCH' (OPENING OF PUREGOLD CABUYAO)

Maaga akong nag-prepare at nagsimba, medyo excited ako kasi ngayon lang ulit ako magse-serve, commentator pa. Pagdating namin ni Mama sa simbahan, naghiwalay na kami, ang daming announcements, p-in-ractice ko na, nagpamisa na 'ko, saktuhan lang, dumating na si Father, nagsimula na ang misa, ang ganda ng pagkaka-kanta ni Ate Rotchelle ng salmo, perfect. Natuwa ako sa homily ni Father, kasi madami pa lang mga mangyayaring activities next month, kasi mag-1 year anniversary na ang Shrinehood ng simbahan namin. After communion, nagulat ako, nagpatayo na si Father, 'di na ako nakapag-concluding prayer, napatawa tuloy si Ate Cora (Lector 2) kasi nakaluhod na sila. Nag-announce na ako, medyo nagmamadali si Father kasi tanghali na. After ng misa, umuwi na kami ni Mama. Nakinig na ako ng 'Batingaw ng Katotohan' habang nakahiga, buti nakapag-pahinga pa ako. Ang topic lang ay 'yung tungkol sa Casile Eco-tourism, Agriculture, CCT o 'Conditional Cash Transfer' ng DSWD, Cabuyao Market at Slaughter House, etc. Pati pala 'yung Cabuyao March, ang ganda nga eh. Naglunch na kami, nga pala, buti nabuhay ko na ulit ang CP ko, kala ko nasira na talaga eh. After lunch, nagpahinga ng konti, tapos nag-prepare na din para mag-work. 4 PM ang in ko, inagahan ko ang alis ng bahay, kasi baka ma-traffic ako, opening kasi ngayon ng Puregold Cabuyao sa Banlic, sa may kanto ng Mamatid, ang dami daw tao, nasaksihan ko naman, madami nga, sa unahan pa nga ako sumakay ng jeep, kitang-kita ko. Tnt. Pagdating sa McDo, maaga pa, so nagtext-text muna ako. Pagka-in ko, simula na naman ng kalbaryo. Tnt. Madaming tao ngayon, Linggo eh, ang dami talagang apple pie, sa akin pa pumipila. Haha. Ang saya ng duty ko, kahit lagi ko'ng ina-assume na makikita ko sila, talagang 'sila' ha? 'Yung magkapatid. Tnt. Pero wala eh. Madali na naman ang turnover ko, nagbilang lang naman ako ng libong ketchup packets! Tnt. Nagkuwentuhan pa kami ni Sophie, ang saya talaga maging Closer lagi, kahit malungkot kapag pauwi na, lagi ako nag-iisa, pero ok lang. Smile na lang ako. Tnt. Gud'Nyt..

Saturday, February 19, 2011

SIR NATHAN? HINDI ATA BAGAY. TNT

8 AM na ako nagising, lagi ako naaalimpungatan, ganun pala talaga kapag sa ibang bahay natulog. Tnt. Bumangon na ako, ihing-ihi na kasi ako, sabi ng Nanay ni Sahara mag-almusal na daw kami, nagluto daw sya ng sopas, kumain na kami, 'di na kami natuloy mag-jogging sa UP kasi tanghali na. Pagkakain namin, nahiga ulit sa taas, kuwentuhan at picturan, naligo na ang iba, inabot pa kami ng tanghalian, kumain na naman kami, medyo nahihiya na nga ako eh. Tnt. Tapos, nag-ayos na ako, ang init umuwi, pero it's always good to be back at home. Nag-SM muna kami ni Meann, wala na naman sya! Amp. Pag-uwi ng bahay nag-lunch ulit ako, tnt. Nakapanood pa nga ako ng Eat Bulaga eh. Tapos nag-prepare na din ako, kahit 6 PM pa ang duty ko. 5 PM umalis na ako samin, maaga ako nakarating ng McDo, pag-in ko, kaunti lang ang tao, back-up muna ako, tapos d-um-uty sa DC (Dessert Center) at nag-break na, 'di pa ako pinagpapawisan nag-break na ako kaagad. Tnt. After nun, nagbilang na ako at nagkaha, paudlut-udlot lang ang tao, bakit kaya? Hmm. Inintay ko sya (si Hayop), hayop pa din ba itatawag ko sakanya? 'Di ba bati na kami? Tnt. 'Di naman sya dumating. Bumilis bigla ang oras, kung kelan mag-out na ako dumadami ang tao. Si Sir Carl ang GY Manager, ngayon lang ulit kami nagkita, nung malaman nyang graduating na ako, pinag-ma-manager ba ako, pinag-a-apply nya ako, sabi ko masyado pang maaga. Saglit lang ako nag-turnover, nag-out na din ako. Sa labas may apple pie pa, haha. Pati pagsakay ko sa jeep. Tnt. Pagdating ng Mamatid, puro paminta! Asar. Wala lang, I don't care. 'Di na ako kumain, natulog na ako! Nyt.

Friday, February 18, 2011

FEB FAIR AT UP LOS BAÑOS (W/ EKSTRA)

Pinilit kong mag-OJT, kahit super antok na antok pa ako. Iniisip ko na lang na may gagawin ako sa office, para 'di ako tamarin. Ewan ko ba, bakit parang wala akong kagana-gana mag-almusal kanina, 'di ko alam kung bakit. Kaya gutom na gutom tuloy ako, buti may pang-break ako nung umaga. Wala na pala si Ma'am Shane, so si Michelle ay si Ma'am Zy-za na ang handler. Kaya sya muna ang nag-administer ng exam ngayon. Ako naman encode lang ng encode, sunod lang ng sunod sa ipinag-uutos ni Ms. Jea, sawa nga ako sa break eh. Tnt. Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako sumama sa U.P., iniisip ko naman na masaya 'yun, kaya go-gora ako! Tnt. 5 PM, out na kami, nagmadali na kami pauwi, 5:04 nasa gate na kami, pinasakay kasi kami eh. Tnt. Pagating sa bahay, nag-empake na ako, ayaw pa nga ako payagan eh, sabi ko uuwi din ako kinaumagahan. Todo porma ako, dami ko baon na damit. Tnt. Sa SM kami nagkita-kita, ngayon lang ulit ako pupunta ng Los Baños, particularly sa U.P. at kina Sahara. Crossing/junction pa-UP pa lang, traffic na. Buti na lang at todo silay ako sa nakasakay namin sa jeep, smiling face, ang cute, lalo na 'yung dimples nya, haiy. 9 PM na kami nakarating kina Sahara. Pagkakain, lumakad na kaagad kami sa U.P., tama, lumakad talaga kami, as in naglakad, traffic kasi. Pero okay naman, enjoy, kasi daming tao, mga taga-U.P. halos. Ngayon lang kasi ako naka-attend ng Feb. Fair, para palang fiestahan, may perya pa. Saglit lang kami, kasi kakapagod na, kakagutom pa. Madami din naman ako nakita, mga paminta, apple pie, foreigners, mag-jowawi, BMT, etc. Pag-uwi namin, sa jeep ang cute ng nakasabay namin, hehe. Kuwentuhan, pagbaba sa 711, bumili kami ng alak, tapos sa Mercury Drug din, hanga nga ako eh, talagang walang plastic 'dun, puro paper bag, I salute Los Baños, really! Pag-uwi kina Sahara, nagpalit na kami ng damit, umakyat na sa taas, nagkainan ng cake, inuman, picture picture, ang saya, kuwentuhan, tawanan, takutan, 2 AM na ata kami natulog, sa may labas kami ni Gladz natulog.