Friday, March 11, 2011

HULING LUNCHBREAK KO NA SA 'MESS HALL'

Paggising ko, lagi na lang akong naaasar, ang hirap kasing bumangon ng maaga, iniisip ko na lang na konting hingahan na lang talaga malapit na akong matapos. Buti nga hindi ako nale-late eh. Kada umaga na lang lagi wala kaming magawa, kahit may aplikante, tinatamad na akong mag-administer. Para bang graduate na ako dun, napag-sawaan ko na. Pero kung tutuusin, lahat ng kilos ko sa malaking kuwarto na ito ng HR Office, Asia Brewery, ay mga huling kilos ko na, dahil malapit ko nang iwan ang lugar na ito. Ginugol ko ang buong umaga ko sa pag-ubos ng mga dapat gupitin, dapat tapusin para naman kahit papano mabawasan ang mga karagdagang gawain nila pag-alis namin. Lunchbreak, huling lunchbreak ko na sa 'Mess Hall', ang dami kong nakain. After lunch, umidlip kami, huling idlip ko na din 'yun, 1 PM d-in-eliver na sa'min ni Ma'am Zy-za ang Evaluation Forms naming tatlo, pati ang Certificate of Completion namin. 'Di ako masyadong satisfied sa Evaluation sa'kin pero masaya na din ako. Dama ko ang kaunting lungkot na nadarama ni Ate Jea, kasi aalis na kami, mawawalan na kasi sya ng OJT, ng maka-kuwentuhan, tawanan. Pero ganun talaga, sabi nga nya 'wag na daw akong umalis. Tnt. Nalulungkot din naman ako, kasi mami-miss ko din ang Asia, mami-miss ko din sila. Lahat na nga ng pwede kong gawin o tapusin ginagawa ko na as a turnover, 5 PM parang ayaw ko pa tuloy umuwi. Tnt. Last na-out ko na 'yun ng 5 PM, last na uwi ko na sa Asia ng hapon. Kakalungkot. Pag-uwi sa'min, busy sila sa pag-luluto, 21st Anniversary nga pala ngayon nina Mama at Papa, nagluluto sila ng Pancit. Madami nga akong nakain eh, habang nanonood ng masaklap na balita, nagka-tsunami na naman, sa Japan pa nangyari, katapat na bansa ng Pilipinas, papunta nga din ng Pilipinas ang lindol eh, pero 'di naman maaapektuhan ang Laguna.

No comments:

Post a Comment