Saturday, March 26, 2011
KARAKOL @TRUMPETA FESTIVAL (FIRST SHRINEHOOD ANNIVERSARY)
Kahit mag-aapat na oras pa lang ang tulog ko, pinilit ko nang bumangon. Excited kaya ako sumali sa Karakol, first time ko'ng sasali sa ganung street dancing, kaya dali-dali ako'ng nagbihis. Pagdating ko sa simbahan, napakaganda ng scenario, nagkakasiyahan ang lahat. Nagbubunyi sa pagiging isang taon na mula nang maiproklama ang aming parokya bilang isang Diocesan Shrine dedicated to our patron saint, St. Vincent Ferrer. Sakto, kakalabas pa lang ng Karakol, sumunod na ako sa mga kasamahan kong Lectors, nasa may bandang dulo kami, sa likod namin si Lolo Enteng, ang saya mag-street dancing, kanya kanya kami ng steps, umiindak sa kalsada, nakapang-Filipiniana, barong at sombrero. Ang saya, first time ko talaga 'yun, picture-an sa daan habang sumasayaw, sumisigaw ng papuri kay San Vicente. Pati sina Father kasama, lahat ng mga organisasyong pangsimbahan, mga barangay mini-councils at schools na sakop ng aming parokya ay nakilahok, kaya napakasaya ng lahat. Paglampas sa may amin, nagbasaan ba naman, kaya nagkagulo ang lahat, pero masaya, nagtatakbuhan kami kasi ayaw naming mabasa. Nakakapagtaka lang, 'di naman selebrasyon ni San Juan (Bautista) bakit may basaan? Tnt. Pagbalik sa simbahan, tinugtog na ang Awit ni San Vicente, lahat kami ay nagtaasan ng mga sumbrero at iwinagayway ang kamay bilang papuri at pasasalamat sa kanyang pagpapalang patuloy na ipinagkakaloob sa amin at sa aming barangay. Nagkatipon-tipon na ang lahat sa tapat ng simbahan, lahat ay sumasayaw at umiindak sa kasiyahan, first time lang sa aming parokya ang ganitong Festival, ang 'Trumpeta Festival', sabi nga ni Father, mas lalong sasaya ang selebrasyon at mas dadami ang mga kalahok sa susunod na mga taon pa. Isa-isa na'ng nagpakitang gilas ang mga grupo at organisasyon sa kanilang mga inihandang sayaw, pangalawa kami sa huli kaya nakapag-praktis pa kami. Maayos naman ang sayaw namin, tawa nga ako ng tawa, napakasaya kasi ng presentation namin, to the tune of 'Jesus is Our Lamb'.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment