Sunday, March 20, 2011

'PINAG-STRAIGHT AKO'

Nasa McDo pa din ako, pinag-straight kasi ako eh. Nung una ayokong pumayag, pero no choice eh. First time ko'ng du-duty nang GY o Graveyard shift, sabi nila mas madali daw ang duty ng GY kasi pull-out lang ng pull-out, 'yun nga lang ang ginawa ko, actually. Konti lang ang mga naging customers ko. 'Di ko na din masyadong namalayan ang oras, basta eksaktong 4 AM nilipat ko na ang Menu Board sa mga pang-Breakfast meals. Grabe, sakto pa ang tugtog pang-morning, 'Here Comes the Sun', pasikat na nga ang araw, padami na din ng padami ang tao. Wala pa 'yung opener crew, 'di pa ata ako makakapag-out ng 6 AM, hanggang sa inabot na nga ako ng 7 AM, dun pa lang ako nakapag-out, nagmadali na akong magbihis, gusto ko na'ng umuwi at matulog, may duty pa ako mamayng 4 PM. Nakalimutan ko pang bilangin ang pera ko, kaya kahit hindi na ako naka-uniform binilang ko 'yung pera ko nang buong pagmamadali, pinakamabilis na bilang ko na ata 'yun. Nanakbo na ako, kumuha na lang ako ng isang Hamdesal with Cheese at umuwi na ako. Grabe, tinatamaan na ako ng antok, sa iba ngayon pa lang magsisimula ang araw nila, ako ngayon pa lang magtatapos, at matutulog na. May textmessage pa ako from DL, dumating na daw ang order ko na CL. Natuwa ako, kasi dati, iniisip ko lang na wala na akong pag-asa sa kanya, ngayon friends na kami, magka-text pa. Pagdaan sa simbahan, may rally laban sa RH Bill, pagdating ko sa bahay, kumagat lang ako ng konti sa Hamdesal ko, natulog na kaagad ako. 12:30 na ako ginising ni Mama, 'di ko na tuloy nasimulan ang 'Batingaw ng Katotohanan' pero okay lang. Kumain na ako, naligo at nag-prepare. Parang mahilo-hilo pa ako, apat na oras lang tulog ko eh. Pagdating sa Cabuyao, nag-withdraw ako at namili sa Mercury Drug, sabi ni Sir Carl parang nahanginan daw ang ulo ko. Tnt. Medyo excited akong d-um-uty ngayon kasi MDS (McDelivery Station) ako. Si Ate Sab pa ang PC, kaya ang saya-saya ko kasi tumutulong ako sa Kitchen, gumawa ng Spaghetti, mag-up ng Chicken at Chx Fillet, magtimpla ng gravy at syempre mag-take ng mga nagpapa-deliver na customers, naka-apat na customer ako buong shift ko, all-around din ako kasi nagfa-fries station din ako, back-up, nagba-buss ng tables. At eto pa, nagulat ako sa customer ni Melissa! Si 'M'! Bakit sya andito? Binulungan ko kaagad si Melissa, sabi ko crew din ng McDo 'yung customer nya, nagulat talaga ako, syempre todo pampam ako. Tnt. Kahit sa Lobby papampam din ako. Hanggang sa lumabas na sya, pinag-uusapan pa nga namin eh. Wala din kaming ginawa kundi magtawanan ng magtawanan. Tnt. Pag-out ko, umuwi na din ako kaagad. Kung tutuusin may gagawin pa ako. Natulog na din ako. May pasok pa bukas. Hapi Nyt!

No comments:

Post a Comment