Friday, April 8, 2011

MEET MEET MEET

Ang aga kong gumising, tama nga ang sabi ni Gladz, nakakasakit ng ulo ang pag-inom ng Tanduay Ice, medyo sumakit ang ulo ko. Tnt. 9AM daw ang pagpunta sa school pero 9AM na ako umalis sa bahay, nag-University Shirt na lang ako basta kung makipag-meet man sa'kin si '0' (Ka-Uzzap ko, Txtfriend, Crew ng McDo Bel-air) bahala na maging itsura ko. Habang nasa jeep ako, medyo mahilo-hilo ako, tama ba 'yun ng Tanduay Ice? Lc! Text-text ako sa jeep, walang magawa eh. Papunta sa PUP talagang sawang-sawa na ako sa byahe, inisip ko na lang na malapit na din magtapos ang pagbibyahe ko ng napakahabang oras. May nakatabi pa nga akong cute na girl eh. Tnt. Pagdating sa school nagsisimula na silang maglinis, naglinis din naman ako kahit kaunti, tnt, picture-an na din, chismisan at tawanan. Isa kasi sa mga requirements naming mga graduating ay ang linisin ang mga rooms bago pirmahan ni Sir Cueto ang clearance, ang mga officers lalo ayaw pang pakawalan ni Sir hangga't 'di pa kami nakakagawa ng Financial Statement, so bilang Society Auditor, ako ang may karapatang gumawa ng FS, so gora kaming dalawa ni Jenny (Treasurer) sa Computer Shop para gumawa ng FS, naku po, napakadaming pinagkagastusan, kahit 'di ko masyadong nahawakan ang mga perang 'yun bilang Auditor ng Society, syempre ako ang nakaaalam kung anu-ano ang mga pinaggamitan ng pera ng society namin. Natapos din namin after 1 hour, syempre basta ako ang naggawa bonggang bongga 'yun panigurado. Tnt. Inayos ko na din ang mga dapat ayusin, bayaran at asikasuhin. Habang nagpipicture-an gamit ang napakagandang phone na gamit ni Dhez. Tnt. Medyo excited ako na kinakabahan, kasi nagtext si '0', sa SM Sta. Rosa daw kami magkikita mamaya, sa wakas magkikita na kami, siguro 1 week after naming magkakilala sa Uzzap. Umuwi na kami kaagad, pag-uwi ko sa bahay naligo na ulit ako at pumorma ng bongga (Syempre! Tnt). Ang paalam ko kay Mama may meeting kami sa McDo, hehe. Bahala na kung anong oras ako makakauwi, basta sabi ko baka 12MN na. 5PM na ako nakaalis sa amin, anong oras kaya ako makakarating sa SM? Kanina pa nandoon ang ka-meet ko. Tnt. Pagdating sa kanto nagkita pa kami ni Vhezz kasama nya Mom nya. Na-miss ko ng sobra si Vhezz, ngayon lang ulit kasi kami nagkita. Papuntang SM medyo na-traffic pa ako, tine-text ko sya (si '0') baka kasi mainip na sya doon. Habang papalapit na ako ng papalapit, kinakabahan ako lalo, wala lang, siguro na-e-excite na din ako. Pagdating ko sa SM Sta. Rosa tinawagan ko sya, nasa Tom's World daw sya, sabi ko papunta na ko dun, nag-ayus ayos muna ako sa CR syempre. Tnt. Habang naglalakad ako papuntang Tom's World, aba tignan mo nga naman, nasa unahan ko lang naman si 'DL' kasama ang 'jowawi' nya. Tnt. Alam kong nakita nya (DL) ako, pero nagdere-deretso lang ako sa paglalakad, kunwari 'di ko sila nakita. Pagpasok ko sa Tom's World nakita ko na kaagad sya, naglalaro ng Guitar, ewan ko ba kung anong laro 'yun. 'Di ko muna sya nilapitan. Pinanood ko muna sya habang nag-e-enjoy sa paglalaro. Mas maputi pala sya sa personal, mas malinis syang tignan, mas maliit pala sya sa'kin, akala ko kasi magkasing-katawan lang kami. Pero kung anong itsura nya sa mga pictures nya sa Facebook, ganun din sa personal, mas cute pa. Tnt. Kahit nasa malayo ako, nakita na nya ako, kinawayan pa nga ako eh, sabi ko sige maglaro ka lang dyan, sa labas lang ako.

No comments:

Post a Comment