Friday, April 15, 2011

OH.. GRADUATION! NAKAKA-IYAK!

Ang panaginip ko puro tungkol lahat sa Graduation, pero nung ginigising ako ni Mama, napaisip ako sa sarili ko 'Anung meron ba ngayon?'. Tnt. Ngayon na nga pala ang Graduation namin, grabe, pinakahihintay ko ba ang araw na 'to? Nalungkot ako bigla, feeling ko maiiyak ako, bumalik kasi lahat sa aking alaala ang mga nangyari sa'kin sa loob ng apat na taon na pamamalagi ko sa PUP bilang college student. Nagpapatugtog pa si Jerick ng mga favorite songs nya, naiyak na talaga ako nang tuluyan, habang kumakain ako mangiyak-ngiyak ako, 'di din ako masyadong makakain. Nag-GM ako sa mga kaklase ko, sabi ko walang iiyak mamaya, baka kasi maiyak din ako. Nawalan na talaga ako ng gana sa pagkain, ganun kasi ako kapag malungkot, 'di talaga ako makakain. Habang nasa CR ako, gusto kong i-text ang mga taong nakasamaan ko ng loob, mga taong galit sa'kin kung meron man, ayoko kasing umalis ng PUP o ayokong magkahiwa-hiwalay kami na may taong galit sa'kin, gusto ko maging maayos na ang lahat. Simula nung mahulog ako kay 'HB', hindi na sya nawawala sa isip ko. Lagi ko na lang sya naiisip, mahal ko na talaga sya. Lalo lang tuloy akong nalulungkot. Lagi na lang ako ganito, sa tuwing patapos na ang lahat saka ako nagmamahal at nahuhulog sa isang tao, papano ko na sya makikita? Pinangako ko sa sarili ko, na magpapa-picture kaming dalawa mamaya. Feeling ko male-late na ako, magse-7 AM na kasi nasa bahay pa din kami, ang alam ko kasi 7:30 AM ang martsa, gusto ko makapag-martsa. Pagdating ng sasakyan namin, naka-alis na kaagad kami, madami nga kami eh, ako, si Mama at Papa, Tita Raquel at si Pau, Eros at Lei pati si Tito Poly sya ang driver. GM ako ng GM, ganun din ang mga kaklase ko, 'di ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, feeling ko sasabog na ang mata ko, konti na lang iiyak na ako. Nag-expressway na kami, nakadaan na din ako sa extension lane ng SLEx from Calamba Exit (Turbina) to Sto. Tomas Exit, kadugsong na din ng STAR Tollway. Kaya napadali ang byahe namin, nakarating kaagad kami ng School. Pinapasok ko na si Mama sa Gym, nag-ayos na kaagad ako, at umakyat na sa taas, ready na din sila, picture-picture, nagpa-picture ako sa mga kaklase ko, lalo na sa mga taga-malalayo alam ko 'di ko na ulit sila makikita, mami-miss ko sila. Busy ang lahat, puro pag-aayos ng sarili at picture-taking, palinga-linga din ako, hinahanap ko sya, gusto ko nang magpapicture kay 'HB', pero 'di ko sya makita, baka wala pa sya. Nagmartsa na kami, hanggang sa makapasok sa Gym, as usual, magulo kami, 'yung iba late sa amin, ganun talaga kami at masaya kami, 'yan ang section namin. Pagkamartsa namin, nakita ko kaagad si Mama sa likod, si Feyang wala pa, grabe ang gulo talaga namin, picture-an kami ng picture-an, kami lang talaga mga IOP ang magugulo. Nagsimula na ang program, naging mabilis para sa akin ang lahat, na-i-declare na kaagad kami na 'Graduates', 'di nga kaagad nag-sink in sa akin na Graduate na ako, College or Bachelor's Degree na ako. May nagkagulo pa nga eh, pero naging maayos na din, na-distribute na din ang Diploma, ang bilis talaga, 600+ kami lahat g-um-raduate. Pagka-speech ng Magna Cum Laude, grabe, palungkot na ako ng palungkot, sabi ng mga kaklase ko wala daw iiyak, naglolokohan kami. Habang inaawit na namin sa huling pagkakataon ang PUP Hymn, 'di ko talaga mapigilang umiyak, naiiyak na ako, damang-dama ko ang pagkanta ko, siguro talagang naging dedicated lang ako sa PUP, my Alma Mater. Hanggang sa matapos na ang program, naghagisan na kami ng Cap, tapos na ang graduation, graduate na kami! Grabe, 'di ko na talaga napigilan, bumuhos na ang luha ko, lahat sila nagyayapusan na, ako 'di ako makalapit isa-isa sa kanila kasi habag na habag ako, hanggang sa naglapitan na sila lahat sa akin, isa isa silang lumapit sa akin, nakita ko sila nag-iiyakan na din. Grabe mami-miss ko lahat sila, nagpicture-an ulit kami lahat sa huling pagkakataon. Pati mga kasamaan ko ng loob nilapitan ko, binati ko sila, nag-sorry na din ako kung meron man akong nagawa sa kanila. Si Feyang pinuntahan ko din, ang bestfriend ko, grabe sabay na naman kami nakapag-tapos. We're proud with each other. Niyakag ko na si Carlene, pumunta kami sa Course kung nasaan si 'HB', bakit hindi namin sya mahanap? Nawalan na tuloy ako ng pag-asa na magkaka-picture kaming dalawa. Nung makita namin sya, medyo busy sya, buti na lang malakas ang loob ni Carlene, kinausap na nya kaagad kung pwede magpakuha ng picture, tapos lumapit na ako at tumabi sa kanya, ang bilis nga eh, naka-dalawa kaming picture, pagkatapos, 'di ako natingin sa kanya nahihiya kasi ako eh, sabi ko na lang 'Thank you ah'. Mami-miss ko din sya. Natutuwa ako, kasi natupad ang gusto ko, kahit papaano may remembrance na ako sa kanya. Grabe, ngayon lang ulit ako umibig ng ganito. 'Di ko alam kung matutuwa ang puso ko kasi umiibig akong muli, o malulungkot kasi umiibig ako sa maling tao. Magkakahiwalay na kami, papano pa lalago ang pag-ibig ko sakanya? 'Di ko nga alam kung bakit sya ang tinitibok ng puso ko. Bakit kaya ako na-inlove sa kanya? Sa kulay nya? Mga ngiti? Pero alam ko mawawala din 'to, ayoko din naman na mag-isip sya na gusto ko sya kasi hanggang friends lang ang mai-o-offer nya sa akin, friends sa Facebook, 'yun lang, pero masaya na ako dun kahit papano. Ang gusto ko na lang talaga ngayon, ay lumago pa ang friendship namin kahit sa Facebook lang, maa-appreciate ko din 'yun. After ng picture-an pati Class Picture, nag-proceed na kami sa pagsasauli ng toga, hanggang doon 'di pa din kami natigil sa pagpi-picture-an, lumakas din ang loob ko, nagpa-picture din ako kay 'FG', one of my Crushes. Tnt. Kaso ang pangit ng kuha namin. Lc. Nakita ko din sya dun (HB). Alam ko super happy din sya ngayon, kasama mga kaklase at kaibigan nya, alam ko wala lang ako sa kanya, pero ite-treasure ko ang napakaigsing panahon na minahal ko sya. Umuwi na din kami. Masaya akong nagpaalam sa mga kaklase ko, at sa PUP. Alam ko babalik pa ako, at magkikita-kita pa ulit kami..

No comments:

Post a Comment