Saturday, April 23, 2011

SI KRISTONG MULING NABUHAY

As usual, tanghali na ulit ang gising ko. Pero wala pang ulam, bago pa lang mamimili si Mama ng iluluto niya for Lunch. Text-text lang ako, medyo nagloloko na naman ang cellphone ko, kaasar, 'di tuloy ako makapag-GM ng maayos. Nag-lunch na kami, medyo nagtataka nga lang ako sa ulam namin kasi Nilagang Manok, parang ngayon lang ako nakapag-ulam nun? Tnt. Nag-orange juice pa kami, so refreshing. After lunch, nanood lang ako ng TV, at nakatulog. Paggising ko, nag-aayos na daw ang mga kasamahan ko sa LCM ng karo ni Risen Christ kina Lola Mameng sa may tapat namin, kanina ko pa nga sila hinihintay eh, sabi 3PM daw gagayakan ang karo, pero 5PM na, pagdating ko dun katatapos lang nina mag-miryenda, nagsisimula pa lang din sila sa paglalagay ng bulaklak, tumulong na ako at nagmiryenda na din. Tnt. Pagkatapos namin gayakan, pati inayos na ang pailaw at ang generator, umuwi na kami para mag-ready mamaya sa Easter Vigil. Excited ako sobra, sa mga activities namin. After dinner, may tumawag sa'kin, coursemate ko, textmate ko din sya, wala lang, nangungumusta lang, nagkuwentuhan kami, medyo kinilig naman ako. Tnt. Ang ganda din ng palabas, 'MAESTRA', natapos ko din bago ako nagpunta sa simbahan. Pagdating ko sa Simbahan nandoon na din ang lahat, nag-aayos, nagpa-practice at naghahanda. Pinatay na ang lahat ng ilaw at nagsimula na ang misa sa labas, hanggang sa unti-unting nagliwanag ang mga kandila habang pumapasok sa loob. Nagsimula na din ang mga pagbasa at salmo, inaabangan naming lahat ang gabing ito, dahil pito ang pagbasa, pito din ang salmo, patay ang ilaw, kaya namin inaabangan gawa ng mga pag-awit namin ng 'Ang Salita ng Diyos' tsala ng mga aawit na Salmista. Nagmimistulang 'Battle of the Voices' ang Black Saturday Night para sa amin, dahil lahat kami ay kakanta isa-isa. Pagkatapos lahat ng pagbasa at salmo, binuksan na ang mga ilaw at nag-awitan na ng Papuri sa Diyos, sumisimbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus. Napakasaya ng lahat, ngayon ay pasko, Pasko ng Pagkabuhay. After ng mass, dumeretso na kami sa kinalalagyan ng Risen Christ, naki-hitch pa nga kami sa Patrol Car eh, kaya nauna kaming apat na lalaki na LCM, ang mga babaeng LCM ay kay Maria sasabay. Umuwi muna ako sa amin, ginising ko na din sina Mama. Maya ng konti, lumakad na ang prusisyon, ang daming sumama, grabe, ang daming sumama sa prusisyon, syempre karamihan ay lalaki. Pagdating sa may simbahan, tanaw na namin ang Maria, pagpasok sa loob ng patio ng simbahan, nagsalubong na ang dalawa, ang Kristong muling nabuhay, at ang kanyang Inang si Maria, napakaganda ng tagpong iyon, lalo na nung may bumabang anghel para kunin ang Itim na Belo ni Maria at napalitan ng Puti sapagkat ang kanyang anak na si Hesus ay muli nang nabuhay. Napakagandang tagpo. After nun, nagpunta na kami ni Mama sa nagpapakain ng lugaw, actually, LCM ang nakatoka sa pamimigay ng lugaw para magpakain ng mga taongbayan na dumalo at nakisama sa Salubong. Ako ang tagabigay ng kutsara, ang dami ngang tao eh, nakakatuwa, ang sarap magpakain ng taongbayan, syempre after makakain ng lahat saka naman kami kumain. Ang dami pa ngang natira na lugaw eh, bigay 'yun ng Munisipyo kami lang ang nag-distribute sa mga tao. After makakain ng lahat, after din namin makakain, nagsiuwian na kami isa-isa, naglakad na lang kami ni Mama. Tapos na ang Mahal na Araw, Linggo na ng Muling Pagkabuhay, Happy Easter sa lahat. Tnt

No comments:

Post a Comment