Tuesday, April 5, 2011
VIVA SAN VICENTE! (MAMATID BARRIO FIESTA)
Happy Fiesta Barangay Mamatid! Viva! San Vicente Ferrer Mamatid! Maaga akong gumising, puyat eh, pero 'di kagaya ng mga nakaraang taon na kaya ako napupuyat dahil sa panonood ng mga palabas sa court, ngayon, napupuyat ako sa pakikipagchat , pakikipagtxt at pakikipag-usap sa phone. Na-adik na ulit ako sa mga ganung bagay ngayon, medyo maaga pa nga ang tulog ko kahapon eh, syempre kelangan kong gumising ng maaga ngayon, fiestang-fiesta alangan namang tanghali na ako gumising, bukod doon maaga ang serve ko ngayon sa simbahan, nagpa-schedule talaga ako ng maaga may darating kasi akong bisita sa hapon, tsaka gusto kong mag-serve sa umaga kasi mga Obispo ang magmi-misa. Quarter to 9AM umalis na kami ng bahay ni Mama, 'di ko muna sinuot ang barong (Barong Tagalog at Baro't Saya ang suot ng mga naglilingkod sa Simbahan kapag mahalaga ang selebrasyon at okasyon). Pagdating sa simbahan, 'di pa tapos ang sinundang misa, nagpunta muna kami ni Mama sa may Office nandoon din ang mga susunod na magse-serve mga makakasama ko na sina Kuya Alson (Former President namin), Ate Onor at Ma'am Polly) nagkukuwentuhan sila habang naghihintay matapos ang misa. Maya maya, dumating doon sa puwesto namin ang Obispong magdidiwang ng misa mamaya, si Bishop Francisco C. San Diego (Former Bishop of the Diocese of San Pablo at Bishop ngayon ng Diocese of Pasig) Syempre nagmano kaming lahat, masarap sa feeling na mabendisyunan ng isang Obispo. Pagkatapos ng misa, nagpractice lang kami saglit, nagsimula na din kaagad, maganda ang misa, dahil ngayon ay kapistahan ng mahal naming patron. Solemn, faithful at nakapapanindig-balahibo ang misa, ganoon pala talaga kapag Obispo ang nagmimisa. Syempre nakakakaba din, kailangan maganda ang pagbasa namin. Buti nakaraos kaming lahat, natapos ang misa nang maluwalhati. Umuwi na kaagad kami ni Mama, baka may magdatingan nang mga bisita samin, pero wala naman talaga kaming inaasahang bisita, 'di na din kami masyadong naghahanda. Pagdating sa bahay, wala lang din ako magawa, kakain lang, uupo, lalabas, magte-text, mag-g-GM, kapag may dumating aasikasuhin, syempre mga taga-Gulod lang din ang mga bisita namin, sina Nanay Ely at Tita Roxan 'di mawawala, ang mga bata pati. Si Papa may nararamdaman kaya nagpapahinga lang sya maghapon, fiesta pamandin. Mga around 2PM ata, nag-text na sina Carlene at Sahara, malapit na daw sila, habang ka-text ko sila, papampam lang naman ako ng papampam dahil sa mga 'Apple Pies' na bisita sa kabilang bahay! Tnt. Ang cu-cute eh, grabe, ang gaganda pa ng katawan, naglaway ako! Haha. Parang customer ko pa nga sa McDo 'yung isa eh. Hanggang sa umalis sila wala akong ginawa kundi titigan sila ng titigan. Tnt. Maya maya ng konti dumating na sina Carlene pati si Sahara, talagang inayos ko muna ang bahay, may dala pa ngang pakwan ang dalawa, tinawagan ko na si Meann, pasunod na din ang dalawa ni JM. Hanggang sa makumpleto na ang mga bisita ko, apat lang sila. Tnt. Pinakain ko sila ng todo, pati nga 'yung salad mauubos na nila. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang kumakain sila, tagal na din kasi naming hindi nagkikita, kaya naipon ang mga kwento, tungkol sa pakikipag-meet ni Sahara sa EK, pagsisimula ng career ni Carlene bilang office girl, mga kwento sa school, pati mga kwento ng buhay ko, madami pa. Inabot na sila ng hapon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment