Ang ganda sana ng panaginip ko, kaso nagising na kaagad ako. Nanalo daw kami sa isang promo sa powdered detergent soap ng worth P750,000.00. Biruin mo 'yun. Halos malapit nang mag-1 million. Pero nagising na 'ko eh, kung totoo sana 'yun, 'di sana maghahanda ako ng bonggang bongga sa debut ko.
November 01 ngayon, 'All Saints' Day', pero ngayon lahat nagpupuntahan ang mga tao sa sementeryo. Excited ako d-um-uty sa McDo ngayon, t'yak na madaming tao ngayon. 'Di na 'ko makakapunta ng sementeryo ngayon, may work kasi ako eh, pero nakapunta na naman ako kagabi, sa Cabuyao Municipal Cemetery nga lang, hindi sa Mamatid. Pero okay na 'yun, at least nakapunta ako ng sementeryo. Sumama kasi ako kay Char sa puntod ng kuya niya, bata pa lang daw nung namatay 'yung kuya nya because of colon cancer, nagtataka nga ako eh? Anyway, 22 years old na sana 'yung kuya nya kung buhay pa 'yun ngayon. Nakakatuwa sa sementeryo ng Cabuyao, ang liwanag kahit gabi na, may mga ilaw kasi ang mga puntod, kahit (Oct.) 31 pa lang kagabi, andami nang tao sa sementeryo.
Anyway, habang naliligo ako, parang may nakapuwing sa mata ko, ang kati kati, pagtingin ko sa salamin, sh*t! pulang-pula, parang sore eyes. Naisip ko na baka hindi ako makapasok ngayon, kasi pulang-pula talaga mata ko. Pero mawawala din 'to kaagad, sana nga. Habang papunta sa Cabuyao, feeling ko lahat ng mga nakakatinginan ko umiiwas kaagad ang tingin sa'kin, kaasar kasi 'tong mata ko, ngayon pa namula, baka isipin nila may sore eyes ako. Kung anu-ano talaga ang naiisip ko sa jeep, naaasar na'ko, parang 'di pa maganda ang pakiramdam ko, sumakit ang sikmura ko na para akong kinakabahan. Bago ako bumaba ng jeep tumingin muna ako sa salamin, wow! 'di na namumula ang isang mata ko, buti naman. Sumilip kagad ako sa store, bakit parang konti lang ang tao?
'Hi Nathan! You look so... sick..' bati sa'kin ni Ma'am Lau, bagong MT (Manager Trainee), habang kumukuha ako ng hot water. Natatawa nga ako eh, nagpakuha ako kay Rachel ng hot water, hindi nya pala alam na may hot water dispenser ang coffee maker dun sa front counter, edi ako na din ang kumuha. Kaya nga ako nag-utos kasi hindi pa ako naka-uniform, bawal kasi sa counter ang hindi naka-uniform, edi ako din ang kumuha. Lalo lang sumakit ang sikmura ko, bakit parang napapadalas ata ang pagsakit ng sikmura ko? Feeling ko tuloy 'di ako makakapag-duty. Hot water, kanino ko ba natutunan ang pag-inom ng hot water kapag sumasakit ang tiyan o sikmura?
Habang nag-bibihis ako, nawalan ba naman ng kuryente, sabi nga nila baka nagparamdam lang ang mga kaluluwa. Nyay! Sa LSM room ako nagbihis, 'di maganda para sa'kin ang Nov. 01 ngayon, wala kasing drama, 'di kagaya last year, naka-black t-shirt kami lahat at naka-rubber shoes. Ngayon walang drama, 'di naman daw kasi nagpa-participate ang iba. Nung una, medyo kaunti lang ang tao, pabugso-bugso. Pero nung pagabi na, dumami na ang tao. Sa gitna na naman ako, as usual, pero hindi ako Counter, Back-up lang ako ni Kapatid, masaya din naman kasi madami talagang tao. 'Yun kasi ang gusto ko 'yung madaming tao, para mabilis ang kilos ko, ayos lang din kahit walang ice, basta masaya. Dami ko din nakitang mga ano, alam mo na! Mga kras ko. Tnt. 'Yung iba samin nakapila, ako nag-ordertake, meron nga nagpapalit pa sakin ng float eh, nag-pasensya pa nga sakin, pero sabi ko 'ok lang. smiley'. Basta. Haha. Hindi ko nga namalayan na mag-te-ten o'clock na pala, out na 'ko. May bahagi ng puso ko na ayaw pa mag-out, kasi madami pang tao, madami pa ding opportunities, pinili ko na lang sumama kay Nica sa Booth ng McDo sa sementeryo, alam ko mas madaming opportunities dun! Tnt. Nag-alis na ako ng bullcap, dinala ko lang ang suklay ko at tissue, gora na kami. Nilibot pa nga namin ang buong sementeryo eh, ang saya, todo awra. Tnt. Andami din palang magagandang mosoleo sa sementeryo ng Cabuyao, syempre pag-mamay-ari ng mga mayayaman ng Cabuyao. Andami ko ding nakita, mga kras ko din, sinasalubong ko sabay sabing 'aray ko'. Tnt. May mga bumabati din samin, mga pumapansin, feeling ko nga mga celebrity kami. Tnt. Hanggang sa nag-alsa balutan na din kami at nagsara na ang booth. Kapagod na araw, pero masaya talaga. Nagbihis na'ko, medyo konti na lang din ang customers, kami na lang nina Jasmin at Missy (mga trainees ko) ang magkakasama, buti may kasabay ako pag-uwi. Mag-12 na pala, 'di ko talaga namamalayan ang oras. Parang ayaw pa nga naming umuwi eh, so umikot na naman kami ng Sementeryo, ang saya 'di ba? Inikot ulit namin ang Panchong, at dun ko nalaman na wala na palang Nanay si Jasmin, 1st year highschool pa lang sya nung namatay ang Nanay nya. Una pala talaga ay 'yung kuya nya, grabe nga ang kuwento nya eh, namatay daw ang kuya nya kasi may nagambala itong nuno sa punso habang nangunguha ng gagamba sa puno isang gabi. Na-gambala daw ng husto ang duwende (nabulag at nalumpo) at isinumpang ganun din ang mangyayari dito hanggang sa mamatay. Iyon ay ayon sa albularyo at ayon mismo sa duwende na sumapi mismo sa Tita nila. Ganun nga ang nangyari sa kuya ni Jasmin, na-paralisado at nabulag, hanggang sa namatay. 'Di ako masyadong naniniwala sa mga duwende, sapi, kulam o sumpa, kaya tinanong ko sya kung anu talaga ang ikinamatay ng kuya nya medically, or thru findings ng doctor, pero 'di nya nasagot. Totoo kaya na dahil sa nuno sa punso kaya namatay ang kuya nya? 6 months lang daw after mamatay ang kuya nya ay namatay na din daw ang Nanay nya because of too much depression. Grabe pala, parang ang saklap ng mga pangyayaring 'yun sa buhay ni Jasmin 6 years ago, pero hanga din ako sakanya kasi napagdaanan nya na lahat 'yun. Hmm. 'Di mawala sa isip ko 'yung kinuwento nya..
Naglalakad na kami pasakay ng jeep, 'yung iba pauwi na din. Kasi mag-1 AM na ata, habang naglalakad, may biglang bumunggo sa may bewang ko, pagtingin ko, bangkó pala, bitbit ng isang lalaki, sabi ko 'ay..' sabi nya, 'sorry..'. Sumakay na kami ng jeep, sumakay din ang lalaki bitbit ang bangkó, nagpaalam sya sa mga kasama nyang lalaki, malamang ay 'yun ang mga kasama nya maghapon sa sementeryo at 'yung bangkóng dala nya ang ginamit nilang upuan. Natawa naman ako. Pagbaba ni Jasmin sa Niugan, nakinig ako ng music, 'Someone Like You' ni Adele, favorite ko na talaga 'yun. Sa Banlic bumaba 'yung lalaki, bitbit ang bangko, natawa na naman ako, habang iniisip ang araw na nagdaan. Ang saya, ang saya, 'di ko na naman 'to makakalimutan..
Pag-uwi sa bahay, may sinukmani, sarap. Busog na busog ako.. Nagbasa ng diyaryo, pinanood ulit ang 'Another Cinderella Story', umulan, at natulog.. Mornyt! Haaaiy..
No comments:
Post a Comment