Sunday, January 16, 2011

WORD OF THE DAY: SYIMPRE! (440TH CABUYAO DAY)

Ginising ako ni Mama, parating na daw ang parada ng Sto. Niño, umaga kasi nagpaparada sa barangay namin eh. As usual, Parish Youth Commission na naman ang host, madami ding sumama at nagdala ng mga Sto. Niño nila. Dahil sa puyat ako kagabi, natulog pa ulit ako, ansakit ng ulo ko, kulang pa ako sa tulog, tanghali na ulit ako gumising. Sakto lang sa pag-duty ko sa McDo mamayang 2 PM. Nakinig ako ng Batingaw ng Katotohanan habang kumakain, nag-expect ako na special ang balita ngayon kasi 440th Cabuyao Day ngayon, pero ganun pa din, pinag-usapan lang nila ang mga events na nakaraan at ang mga mangyayari pa mamaya sa plaza. 1:20 PM na, ngayon lang ata ako male-late sa McDo, pinabibili pa ako ng gamot sa Mercury Drug, lalo akong male-late. Pagdating ko sa Sala, sa may bandang pa-Munisipyo, traffic na kaagad, paparating na pala ang parada ng Sto. Niño de Cabuyao, nanood muna ako habang nasa jeep, sa totoo lang ngayon lang ako nakapanood ng parada ng Sto. Niño dito sa Cabuyao, samantalang taon taon may sine-celebrate 'yun dito matagal na panahon na ang nakalipas. Akala ko maigsi lang, pero hindi ko pa din nakikita ang dulo, bumaba na ako at naglakad, binilisan ko na ang lakad, napakadaming tao sa Bayan, ang haba pa pala ng parada hanggang McDo pa, buti naglakad na ako, ang daming grupo na nagparticipate sa parada, akalain mo 'yun from Sala to Brgy. Dos, super haba, andami-daming tao, kung alam ko lang na ganito 'di sana inagahan ko talaga. Dumeretso na ako ng Mercury Drug, mabilis naman akong nakabili, sana nga lang tama nga 'yung gamot na nabili ko? Tnt. Nanakbo na'ko pa-McDo, pagdating ko si Ma'am Tere ang CM, akala ko late na'ko, may 12 minutes pa pala. So nagbihis na ako kaagad, si Meann kasabay kong mag-i-in ng 6 PM. Pagka-Time in namin, nagbilang na ako ng kaha ko, pinakamabilis na bilang ko ngayon sa isang taon na pagka-counter ko, wala pang 5 seconds nabilang ko na kaagad ang laman ng kaha ko. Papano ba naman PhP 3,000.00, lahat five hundred peso bill, 6 pieces. Tnt. Wala kasi kaming barya, papano ako magkakaha nyan? Kelangan mag-ipon pa ko ng coins. Hanggang sa buong duty ko ganun na naman katulad kahapon. Puro tanung ng tanong sa customer kung may barya sila, palitan ng palitan, same scenario yesterday. Pero mas madaming tao ngayon, super, ilang oras atang hindi napuputol ang pila sa'min, sa dulo pa 'ko nyan huh. Walang tigil ang dagsa ng tao, after kasi magparada deretso McDo ang mga tao, kaya pala may mga face paint sila. Tnt. Siguro 8 PM na nung humupa ang tao, dun lang ako nakapag-break with Sir Carl. Grabe kapagod, gutom na gutom ako. Sabay na din kami nag-in ni Sir. Hanggang sa mag-10 PM ganun pa din, madaming tao, walang barya, ay meron na pala, may nagpapapalit na puro limampipisuhin. Tnt. Nag-McDo nga si Leo eh (Schoolmate/Ex-Classmate ko) sa akin pa um-order, pati si Kaye (Co-OJT ko sa Asia Brewery, sa Interbev sya from Sta. Rita, Pampanga). 'Di tuloy ako nakapag-out ng 10 PM, na-extend pa ako hanggang 11:30 PM. Dapat pauwi na'ko nun. Nagtrays na ako, nuzzles, nagbilang. Store Closed. Bakit kaya? Kami na lang ni Sophie ang nasa counter, kaya sayaw kami ng sayaw ng Waka Waka. Adik. 1:00 AM na ata ako nakapag-out. Wala pang masakyan, andami pa kasing tao sa Bayan, katatapos lang kasi ng 'Mutya at Lakan ng Cabuyao' Pageant sa Plaza. Buti nakasakay na kami, nakasabay ko sina Carla at Jenny, samantalang ka-duty ko pa sila kanina. Tignan mo nga naman, nakasakay ko na naman si 'GL---', lagi ko sya nakakasakay pag ganung oras? At hindi lang sya, pati si 'PP', Haha. Twice ko na syang nakakasakay. Haiy. Ang ano nya talaga. Pagdating sa kanto, antagal bago ako nakasakay sa terminal. Magtu-two AM na, pagdating sa bahay kumain pa ako, at nag-CP saglit, natulog na ako. Wala akong balak pumasok bukas. Tnt. Nyt!

No comments:

Post a Comment