10 AM, bumangon na'ko at kumain, kahit medyo masakit pa ang ulo ko, gusto ko maaga makapunta ng Gulod, gusto ko masaksihan ang paglisan ng isang minamahal na kamag-anak mula sa kanyang pamilya at sa amin na mga kamag-anak nya, nararamdaman ko na ang mga huling oras na kapiling pa namin si Lolo Edro. Pagkaligo ko, nag-ayos na kami lahat at pumunta na ng Gulod. Si Lolo, nasa unahan na, aabangan na lamang nya ang paglabas ng kabaong ni Lolo Edro, marahil tanggap na nya na wala na ang kanyang minamahal na kapatid. Nakahanda na din ang lahat, ang kanyang Asawa, mga anak, mga kapatid, apo, apo sa kapatid (isa na ako dun), mga pamangkin at iba pang mga kamag-anak. Nagsimula na ang pagdadasal habang naghihintay na dumating ang Funeraria, around 12:50 PM, dumating na. Nakakalungkot, matapos ang dasal, nagsimula nang ilabas ang mga gamit sa patay. Nag-iiyakan na, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak, pero pag nakikita ko si Ninang, Tita Roxan, umiiyak sila, pati mga anak nyang babae, hindi ko mapigilang umiyak. Bumibigay ang mga mata ko. T_T. Umiinom na lang ako ng tubig para kahit papano mapigilan ang paghabag ko. Sa unahan na kami naghintay, nung lumabas na ang kabaong nya papunta sa karo, nagsigawan na sila at ang lalakas na ng iyakan nila. Wala na. Talagang bumigay na naman ako. Umiyak na din ako ng todo. Wala na'kong magagawa, kelangan ko din naman 'to i-iyak, masama kung pigilan ko. Naglakad na kami, nilisan na nya ang kanyang bahay, ang kanyang tirahan ang Manangkil Compound, ihahatid na namin sya sa kanyang bagong tahanan, ang kanyang hihimlayan sa walang hanggang buhay kapiling ang Diyos. Nilisan na nya ang Gulod, ang kanyang kinalakihan. Madaming naglakad, kami nina Mama, Ninang, Tita Roxan, Tito Andy at Uwey. Si Lola Tenggay na asawa ni Lolo Edro, mga anak at kapatid nya, naglakad din, mga apo nya, kaming mga magpipinsan at iba pang mga pamangkin nya. Sina Papa kasama si Nanay at mga bata, naka-tricycle at umuna na sila sa sementeryo. Mula Gulod hanggang sa Sementeryo ng Mamatid nilakad namin, mainit, masakit sa paa, nakakauhaw, pero hindi ang mga bagay na 'yon ang nangibabaw, kundi ang aming pangungulila at kalungkutan. Pagpasok sa sementeryo, habang papalapit sa Chapel, nakakaiyak na, parang ang bilis ng mga nangyayari, buti may tubig na naman ako, kasi nag-iiyakan na. Kakaawa naman si Lola Tenggay, ang mga anak nila at mga apo. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak habang nakikita ko sila. Ito na ang huli, ang huling sulyap sa kanya, wala na si Lolo Edro. Sa nitso ni Lolo Ano (kapatid nya) ipapasok ang kabaong ni Lolo Edro, sa itaas ng nitso ng Nanay nila na si Lola Aning at isang kapatid na si Lolo Domeng. Apat na ang aming pupuntahan sa lugar na iyon sa sementeryo, nabawasan na naman ng isang Manangkil, silang mga magkakapatid, from 16 to 11, ngayon 8 na lang sila. (Not so sure about the order) Serafin, Jose (Lolo ko, Ama ni Mama), PEDRO (t), Domingo (t), Mariano (t), Antonia, Juliana, Nieves, Emy, Jenny at Ronaldo. Ngayon walo na lang sila, kalahati na ang nabawas. Sabi ko nga, kung buhay pa sana si Lola Aning, ang ina nila, siya ang mangunguna sa pag-iyak, maya't maya iiyak 'yun, ganyan kasi magmahal ang Ina. Nag-uwian na ang lahat, nagkasya kami sa tricycle namin. 'Yung iba sa jeep, van. Sa Mabuhay kami dumaan, sila sa Nia Road. Bumili kami ng tinapay para pag-uwi may memeryendahin kami. Pagdating sa Gulod. Nandun na din ang iba, except sa van. Nagkainan na kami kina Nanay, andami kong nakain na tinapay para mabusog ako kasi may work pa ako mamaya. Nagkainan kami lahat at nag-uwian na din mga 4 PM, kasabay na namin si Ninang. 'Di ko na ulit alam kung kelan ako makakabalik ulit ng Gulod. Sila, magpapahinga na mamaya, babawi ng tulog, samantalang ako may trabaho pang kakaharapin. Kaya ko 'to...
to be continued...
No comments:
Post a Comment