Wednesday, January 5, 2011
IN HIS WHITE BED EVERLASTING
Haist. Ayoko pa'ng bumangon. Bakit ganun ang panaginip ko? Nasa Manila daw kame with my Grandmother Nanay Ely (I used to call both my grandmothers as "Nanay", pero "Lolo" naman ang tawag ko sa Grandpa ko. I don't know why? Tnt) parang umuwi kami sa Pampanga, pero parang sa troli or something like that kami sumakay, at sanay na sanay daw sumakay sa ganun si Nanay. Tnt. Kada umaga na lang ako ganito. Kung puwede lang na tanghali lagi ako gumising, kaso ang aga kasi ng Office Hours. 7 AM na naman ako lumabas ng banyo, ang sarap kasi sayawin sa banyo ng Waka Waka Dance eh. Tnt. Dali-dali na naman ako nagbihis, almost 7:20 AM na'ko nakaalis. Bahala na kung ma-late ako. Pero mabilis ang biyahe, 7:48 AM nakarating na'ko ng Asia Brewery, saktong 7:58 AM nakapag-Time In ako. Medyo na-disappoint ako kasi hindi ako ang pinag-administer ng exam sa mga applicants. Nag-prepare pamandin ako kagabi. So gumawa na lang ako ng ID, may nakilala tuloy ako, R.A.M. ang initials. Tnt. Ginawan ko ulit sya ng ID eh. Kaya nakilala ko tuloy sya. Ö_Ö. After nu'n, pinagpatuloy na namin ang pagso-sort at pagsusulat ng mga old files, mga files pa nu'ng former HR Manager, kaya napakadami. May mga photocopies ng iba't ibang seminars and trainings kaya kahit papano nagbabasa at may natutunan din ako. Ewan ko ba kung bakit may gana ako'ng magsulat ng magsulat ngayon. 10:15, Breaktime ng mga 2nd batch, ayoko sana'ng magbreak, pero napilitan ako. After lunch, parang gusto ko na umuwi, pupunta kasi ako ng McDo para mag-report, at parang gusto ko din yayain sina Mama magpunta sa patay ('yung nakatabi ko sa ospital). Huling lamay na daw kasi mamaya. Parang bumilis ang oras, breaktime na naman, lagi kaming 2nd batch. Buti nakasabay namin si Ma'am Adel (Clerk, HRD-Welfare Section), kasi lagi syang madaming dalang snacks. Kagaya kanina, puro chocolates galing daw sa package ng husband nya abroad. So nakadulot kaming tatlo (Ysa & Mitch), yummy! Sarap talaga ng chok'lets! Kaso sobrang tamis, nabusog ako. Bago mag-out, aba at nasa HR Office ang Company Nurse, ano kayang kelangan nya? Ngayon ko lang ulit sya nakita. Tnt. (~_^). Hanggang sa paglabas namin sya pa din ang view! Hahay. Wala kaming OJT bukas, ansaya. Sa school kami pag Thursday ih. Dali-dali akong naglakad papuntang McDo. Buti na lang nakaduty si Ma'am Tere (Scheduling Manager), kinumusta nya ko, pati ng mga ka-crews ko. Ngayon lang ulit ako nakabalik ng McDo. May pagbabago ba? Hmp. Binigyan ako ng Referral for Annual Medical Exam, para makapagpa-fit-to-work na din ako. Para magkaroon na ulit ako ng Schedule. I've missed McDo so much! Inabot na'ko ng dilim, pagdating ko ng bahay niyaya ko na kaagad sila, after dinner daw kami lalakad, kasi manonood pa daw si Papa ng Basketball. Kaasar, bumili ang kapatid ko ng bagong phone! Inggit ako. Amp. Parang gusto ko din tuloy bumili ng kagaya nun. Bakit ba kasi lahat ng bagay na binibili nya natitipuhan ko? Tnt. 9:30 PM na kami nakaalis, 'kala ko 'di na kami matutuloy. I wore all black, black polo shirt, pants, slippers, pero sinuot ko 'yung wristwatch ko na white, pampasira? Tnt. Pagdating namin sa Baclaran, madami din namang tao, nakita ko ulit sila. Lalo na 'yung asawa nung namatay, grabe, mugtung-mugto ang mata, parang simula nu'ng binurol ang asawa nya everytime naiyak sya, tapos parang namayat din sya. I'm very sad for her. Halos ayaw nya bitawan ang kamay ni Mama habang nagkukumustahan at nag-uusap sila. Ako naman nakatingin sa kabaong at pinagmamasdan sya. Grabe, parang dati lang nasa katabing kama ko sya sa ospital, kasama sa ospital nag-pasko. Tapos ngayon nakahiga na sya at nakahimlay na habang-buhay. Kakalungkot. Kakalungkot talaga. Kinuwento pa nila samin 'yung mga huling araw na nakasama nila sya. 'Nung araw na umuwi sya sa bahay nila sa Cavite, tapos sinumpong bigla, pero ayaw na daw pala nyang bumalik ng ospital, kaya nanghina na sya sa bahay. Gusto nya pala na sa bahay sya mamatay. Ambilis talaga ng buhay, December 08 (Fiesta ng Baclaran) sya unang na-ospital, lumabas, tapos na-ospital ulit nu'ng December 22 (That was the time na na-confine na'ko) kaya nakatabi ko na sya. And then, all of a sudden, after nya makalabas ulit, after a few days, January 01, nagpaalam na sya. Ambilis talaga ng buhay ng tao. I'll just pray for him na lang. I know that he's already in Heaven right now, with God. May he rest in peace forever. Umuwi na kami. Malungkot. Pero ganu'n talaga ang buhay. Nagpaalam na din ako sakanya, one last look at him lying in his white bed everlasting. T_T. Ang aga naman ng pinakamalungkot na araw ng taon ko. "January 05". Ok lang 'yun, dati nga birthday ko pa eh. (Recapitulation: Mga malulungkot na araw ko, 2008: December 05, Birthday ko pa 'yan huh. 2009: January 12 (maaga din pala) when Lola Aning died, 2010: Meron ba? 2011: January 05). Ang haba na nito ah? Basta umuwi na kami, dumaan kina Ninang para mag-garahe ng trike, naglakad papuntang bahay, tapos 'di ko na nagawa rituals ko. Tnt. At aun, tulugan time! Nyt.
Labels:
Asia Brewery,
Baclaran,
Basketball,
Cavite,
God,
Heaven,
HRD-Welfare Section,
Lola Aning,
Mama,
Manila,
McDo,
Nanay Ely,
Ninang,
OJT,
Pampanga,
Recapitulation,
Scheduling Manager,
troli,
Waka Waka
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment