Monday, January 3, 2011
ADOBONG NATIVE PORK. YUMMY!
Kahapon pa lang, balak ko na talagang huwag pumasok. Wala pa sa mood ang katawan ko para pumunta sa school. Buti tanghali na ulit ako nagising (PP: Pinoy Henyo, Nabuhusan ng Yellow Fluid). Hindi na din ako naka-pa-miesta kasi ayaw din naman ako payagan. After lunch, nagkayayaan ang pamilya mag-Liana's. Tamang-tama ang dami kong balak bilhin. Damit, pantalon, shorts, briefs, dvd, sabon, dalawang polbo, concealing cream, toner, facial wash at Off! Lotion. Pagdating namin sa Liana's, tinanong namin kung out na ba sa work si Jerick sa Jollibee, sabi nung Guwardiya hindi pa daw. Nag-PowerPlus muna kami, may natipuhan kaagad akong T-Shirt, kaso pantalon wala akong mapili. Binili ko na kaagad 'yung shirt. Nag-Liana's na kami, kaso naikot ko na lahat wala pa din ako mapiling pantalon. Hanggang sa natapos ang maghapon wala din ako nabili. Dumeretso kami sa SM City Calamba, wala din ako nabili. Nag-take out lang kami sa Jollibee, hanggang ngaun nalilito pa din ako sa mga Value Meals ng Jollibee, 'di ko alam kung papano banggitin sa order taker 'yung order ko. Epekto siguro 'yun ng pagiging Service Crew ko ng McDo. Anyway, umuwi na kami. Buti dumaan ako ng Mercury Drug, kahit papano nakabili ako ng sabon, at iba pang beauty products. Dumaan na din ako ng Barber Shop, sa wakas umigsi na ulit hair ko. Pagdating ng bahay, naasar ako, kasi T-Shirt lang talaga ang nabili ko. Nasayang lang ang maghapon ko. Wala man lang ako nabili sa mga balak ko sanang bilhin. Nagdinner na kami, sarap ng ulam, adobong native pork, karne na naman. Tatlo lang kaming nag-dinner, si Jerick wala pa din. After mag-dinner, naligo ako, nangangati kasi ako gawa ng buhok ko. After nun, tinapos ko na kaagad ang rituals ko, pero 'di pa 'ko natulog, nanood muna ng Willing Willie, habang nag-online thru mobile. Facebook, Wikipedia, Google. Dumating na si Jerick, inantok na din ako. Maaga nga pala ako gigising bukas, kaasar, OJT na naman bukas. Katamad. Paghiga ko, andami kong ipinagdasal, super daming alalahanin, nalulungkot na naman ako, nangangamba, ang hirap kasi pag sarili mo na lang ang kasama mo. Kung anu-ano naiisip ko. Haist. Gusto ko na makatulog. Please! Nyt.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment