Tuesday, January 4, 2011

WHAT'S FOREVER FOR? (KNOCKS ON WOOD)

Waaah inaantok pa'ko! Wala pa talaga sa mood ang utak ko'ng mag-OJT. Amp. Balak ko na talagang mag-text sa boss ko para sabihing 'di muna ako mag-o-OJT, pero nanghihinayang talaga ako sa oras, kaya tumuloy na'ko. Kumain na'ko kaagad, pero ang bagal ko, kung anu-ano pa rin ang nasa isip ko, paglabas ko ng CR, 7AM na! Supposedly paalis na dapat ako ng bahay. Dali-dali akong nagbihis, 7:15 na'ko nakaalis, si Mama na lang ang naiwan sa bahay, natutulog ulit, buti pa sya. Tnt. Sana 'di ako ma-late. Buti wala gaano'ng traffic, kaya sakto lang ang dating ko. Napansin ng mga kasamahan ko sa opisina na namayat daw ako. Talaga? Tnt. Kaya napilitan ako'ng sabihin ang naging sakit ko. Aun. In-e-expect 'kong wala na naman ako'ng gagawin buong maghapon, pero nagulat ako bigla dahil sabi ng handler ko (Recruitment Staff) mag-a-administer na daw ako ng exam. Kinabahan ako bigla, pero matagal ko na namang ni-re-ready 'yung sarili ko sa mga ganu'ng bagay. Dumating na 'yung mga applicants, they were four women, I administered four types of psychological tests to them and interpreted their scores. Buti maayos naman 'yung pag-a-administer ko. Pasalamat ko na lang at may bago akong natutunan sa pag-o-OJT ko. Hindi puro encoding, issuing employee id at 201 filing lang. Nawala tuloy 'yung boredom ko. Sana ganahan na ulit akong mag-OJT. After lunch, wala na naman akong ginagawa, haiy, buti may pinagawa samin si Ma'am Shane (Records Officer), pina-sort nya samin 'yung isang box ng mga files at nag-inventory kami. After ng breaktime, naging mabilis na ang oras kasi may ginagawa kami. Hindi kagaya kanina na gustung-gusto ko na umuwi, miss ko na kaagad si Mama. Tnt. Nag-text kasi sya, wag daw ako magpapa-gutom. Nakz. Kaso nangangati ako, 'dun ata ako kinagat ng lamok eh. Baka ma-dengue na naman ako! Knocks on wood. 5 minutes before 5 PM, nag-ready na kami umuwi. Sa wakas, ang pinakahihintay na oras! Uwian na. Pagdating sa bahay, waw! Ansarap ng ulam, fried chx, haha. Excited na'ko magdinner, while waiting for dinner, Mi Dios! What's that freakin' sound? May firetruck na dumaan sa labas, may sunog? Ang lakas ng siren, so lahat ng tao mapapalabas talaga sa kalsada, paglabas ko, andami nga'ng tao, parang ngayon lang kami nakakita ng bumbero. Bihira lang kasi magkasunog sa Barangay namin, o sa mga kalapit na lugar, last time was 2004? Anyway, kinabahan kami lahat. Maybe sa Aplaya 'yun, o kaya sa Baclaran, sa Gulod? 'Wag naman sana. Nag-garahe na sina Papa ng Tricycle namin, pagbalik nila, sa Buena Rosario (one of numerous subdivisions in our barangay) pala may sunog. Pero hindi daw bahay ang nasunog, it was a kakahuyan or something, baka may naiwang sigà? Anu 'yun wildfire? Buti na lang medyo 'di daw grabe, pero bakit may dumaan pang isang firetruck? Masarap naging dinner namin, andami ko na namang nakain. 'Di na'ko gumala, para 'di mapuyat at mapagod, no stress for tomorrow. Pero napuyat din ako kasi nag-net pa'ko thru mobile. Ang hirap kaya'ng gumawa ng article sa Wikipedia thru mobile! Naglagay kasi ako ng information sa article ng Cabuyao, Laguna about its Cityhood. Successful naman kahit thru mobile lang. Si Jerick kakauwi lang, naghintay ng sweldo. Naglaba pa tuloy si Mama for his uniform. Hanggang sa antukin na'ko, masarap sana magiging tulog ko, kaso maaga naman ako gigising bukas. Amp! Nyt.

No comments:

Post a Comment