Sunday, January 2, 2011

'THE SWEETEST THING'

Last day na ng Christmas Vacation, ayoko pa sanang gumising, gusto kong tanghali na magising kasi last na 'to, pero kelangan eh. Linggo ngaun, may duty pala ako sa Simbahan. Commentator ako, kaya 9:30 AM pa lang umalis na kami ni Mama ng bahay, pagdating namin sa simbahan, welcome back to me. Ngayon lang ulit ako makakapag-serve after ng unos na dumating sa buhay ko, hinanda ko na kaagad ang sarili ko. Buena Mano, nakita ko kaagad ang "Tut" ko. (Tao 'yun huh). Every 10 AM-mass kasi siya sumisimba. Kinumusta ako ng mga makakasama kong Co-Lectors that time, kahit hindi pa 'ko masyadong close sa kanila kasi mga bago pa lang sila, tinanong nila kung okay na daw ba ako, and I answered 'I'm fine now, thanks to Him'. Pati mga secretaries sa Parish Office kinumusta ako, kaso may ibinalita sila sa'kin na ikinalungkot ko, patay na daw 'yung pasyente sa katabi kong kama sa ospital, kapitbahay kasi nung isang secretary, taga-Baclaran, kagabi lang daw namatay. Nalungkot kaagad ako, kasi kahit papano napalapit na ang loob ko sa kanya, ilang araw ko din silang nakasama sa ospital, tapos nabalitaan kong patay na kaagad, nauna pa nga siyang lumabas samin eh, lumabas sya nang maayos sa ospital, akala ko tuluy-tuloy na ang paggaling nya, 'yun pala naghintay lang sya'ng matapos ang Bagong Taon, tapos namatay na rin. Gusto ko sanang sabihin kaagad kay Mama ang nalaman kong balita, kaso malapit nang magsimula ang misa. Pinaayos ko na ang sound system sa Sacristy, tignan mo nga naman, nakita ko pa ang paborito kong sakristan, sya pa nagbukas ng sound system. Naalala ko tuloy last year nung bitter pa 'ko sakanya. Tnt. Si Ryan nagkita na din ulit kami. Kahit papano sumaya ako. Binasa ko na ang mga pamisa, nahiya pa nga akong banggitin ang pangalan ko kasi nagpamisa din kami ng Thanksgiving. Maayos naman ang pagbabasa ko, pananalangin, pagtugon, announcement kahit ngayon lang ulit ako nakapag-commentator. Natapos ang buong misa na nakatulala ako at medyo malungkot, naalala ko kasi 'yung mga pangyayari sa ospital. Kakabigla talaga. After ng mass, binalita ko kaagad kay Mama, at nagulat din sya. Dumeretso ulit kami ng Parish Office para kumpirmahin ulit. Parang 'di kami makapaniwala. Ang buhay nga naman. Humingi kami ng bagong kalendaryo ng Simbahan, ang ganda nga eh. Naglakad na lang kami pauwi, nakainom na ulit ako ng Yakult, every Sunday lang ako nakakabili eh, 'dun sa Nanay ng ex-classmate at friend ko. Pag-uwi nagpaload at nag-register kaagad ako sa Unlimited txt, binalita ko din sa mga kamag-anak namin sa Gulod, pati sa mga tita ko na nagbantay sa'kin dati. Nagulat din sila. Tilapiang prito ang ulam namin ng tanghalian, sa wakas nakatikim ulit ng isda, pero may leftover na karne pa din kaming inulam. Nakinig ulit ako ng Batingaw ng Katotohanan, balitaan sa Radyo tungkol sa mga nagaganap at mga isyu tungkol sa Cabuyao. Natapos ang maghapon ko sa pag-i-internet kina Fey, kahit wala sya, kwentuhan kay Ate Ellen, download ng kanta. Akala ko may meeting ang LCM, next week pa pala. Nag-ready pamandin ako ng i-she-share ko mamaya. After dinner, 'di na'ko gumala, nanood na lang ako ng Rated Chick Flicks sa QTV, 'The Sweetest Thing' ang palabas. Starring Cameron Diaz, Selma Blair at Cristina Applegate. Puro kalokohan lang. Ayos na din rituals ko at ready na'ko matulog, after ng palabas nag-OM lang ako saglit at natulog na. Gud'Nyt!

No comments:

Post a Comment