Saturday, January 1, 2011

HAPPY 1-1-'11?

11AM na ako nagising, sorry Lord, 'di na'ko nakapagsimba. Akala ko ako lang ang magiging tao sa bahay, 'yun pala nasa labas lang si Papa, si Mama kagagaling lang sa simbahan, maagang pumasok sa work ang kapatid ko. Nag-ayos na ang lahat, may Reunion kami sa Gulod. Every year kami nagre-reunite pag 1st day ng taon. Pero wala talaga ako sa mood magpakasaya ngayon. Kaya nga ang tanong ko kagabi bago ako matulog, "Mag-e-enjoy kaya ako?". Ewan ko ba kung bakit nawala lahat ng sigla ko sa katawan. Epekto ba 'to ng sinalin sa'king dugo? 'Di naman siguro. Before lunch nasa Gulod na kami, kainan na naman. Leftovers are really good. Wala na namang space sa tiyan ko, sabi nga ng Lola ko magpataba na ulit ako, pinapakain ako ng pinapakain. Namayat pala talaga ako? Lahat ng makakita sa'kin na mga kamag-anak ko kinumusta ako, kung okay na daw ba ako, at namayat nga daw ako. Nagbuhay lang ako ng TV at nahiga sa sofa, kaso Channel 2 ang palabas, nagloloko pa ang remote, I tried to stay watching Vice Ganda 'okraying' the contestants in the show, but 'di nya (Vice Ganda) talaga makuha 'yung loob ko para tumawa, he's not funny for me, I don't know why? Pinilit kong mailipat ang Channel sa 7, syempre Eat Bulaga ang palabas, kahit anung segment matatawa talaga ako. Nagsimula na ang program sa labas, pasilip-silip lang ako, pero alam ko enjoy na enjoy silang lahat. Rinig na rinig ko mga tawanan nila, games, ruffle draws. Nagstay na lang ako sa sofa at feeling ko may sakit pa din ako. Natapos ang maghapon ko sa ganung sitwasyon, nakailang hakot na ng groceries (ruffle prizes) si Mama, mga pinsan ko, pero ganun pa din ako, naghintay lang magkainan ulit, at matapos ang lahat, nagpaalam na ulit sa kanila, pinabaunan ako ng paalala na magpalakas uli, mag-ingat na sa sakit at alagaan ang sarili. Umuwi na din kami, pagdaan ko sa pinagdausan ng party naglilinis na sila, masaya ang araw ng lahat, masaya din naman ako, 'di lang masyado. Haay, iniisip ko na after nito, back to normal na ang lahat, school, church, work at ojt. Kelangan bitawan ko muna ang isa, para 'di ako overloaded. My Lolo advised me to stop my OJT in the mean time and resume after I fully recovered, pero sayang ang araw, gusto ko na matapos ang OJT. My Father told me to leave for work until March, while I still have my OJT, but I can't decide for a while, sayang kasi ang income. Bahala na.

Gusto ko mag-online, kaya nagpunta ako kina Fey, wala naman ako ginawa, nag-Facebook lang, nakipag-chat sa kung sino, wala lang. Part 'yun ng pag-mo-move on ko. Maaga syang nagsara, nabitin nga ako eh. Pero ayos na din 'yun, at least naabutan ko ang favorite show ko, ang Comedy Bar. Hanggang Master Showman pa. Gusto ko na ding matulog, last na pagpupuyat ko na 'to. Gusto ko gumising ng tanghali bukas. Kaso Linggo bukas.

Gud'Nyt..

No comments:

Post a Comment