Monday, January 31, 2011

'SAY YOU LOVE ME..' (LSS)

'Don't you know that I want to be more than just your friend? Holdin' hands is fine, but I've got better things on my mind.' Ang ganda ng alarm music ko 'no? Tnt. Ewan ko ba kung bakit naging favorite ko ang song na 'yan, 'Say you Love me' by Patti Austin. Sa school ako ngayon, medyo excited akong pumasok kasi may Physics kamh ngayon. Suot ko ang bagong labang white shoes ko. Aba, umuulambon, haha, kung kailan paalis na ako ng bahay saka umambon. Naghintayan kami ni Sahara sa terminal, may 20 mins. din akong naghintay sa kanya, anak ng prutas, ang tagal! Tnt. Sa jeep, kuwentuhan kami, grabe ang panahon, uulan, aaraw, ang lamig lamig. Pagdating sa school, ang saya, wala lang. Tnt. Naningil muna ako para sa university shirt, nagtawanan, kuwentuhan, m-in-eet lang kami saglit ni Sir Tuazon, 'kala ko magkaklase sya, nagdala pamandin ako ng calculator! Tnt. Nag-lunch na kami, tawa kami ng tawa kina Mang Johnny, ganun naman talaga kami araw-araw. Tnt. Bumalik na kami sa room, kantahan ng old songs, hulaan ng title, puro lumang kanta talaga ang laman ng Music Player ng cellphone ko. Pagdating ni Sir, next meeting na daw ang reporting, so nagkuwento lang sya ng nagkuwento, enjoyable naman, syempre ni-congratulate nya kami for our successes and accomplishments in the past activities. Waw. He's so proud of all IOP students. Talaga? Tnt. After ng klase nya, umuwi na kami, natuwa din naman ako sa mga nakakasalamuha ko sa PUP. Wala lang. Paglalakad namin sa sakayan, bumuhos ang lakas ng hangin at manaka-nakang ambon, ano daw? Grabe, nabasa kami, parang magkakasakit tuloy ako. Nagpagdesisyonan namin ni Meann na dumaan ng Terminal, bumili ako ng DVD, syempre ng 'Temptation of Wife' Full Episode. Ka-excite panoorin. Pagdating sa bahay, kumain ako ng tinapay, tapos nagsimula na ang T.O.W., nanood na kami ni Mama. Nakatulog ako, pagkagising ko nag-dinner na kami lahat. Gusto ko sana mag-internet pero tinamad ako. Tnt. Nanood na lang kami ng DVD, 'Ang Tangin Ina' 'yung last episode? In fairness, tawa ako ng tawa, talagang mananalo nga si Ai-Ai de Las Alas ng Best Actress! Tnt. Ako lang ang nakatapos, nagsitulugan na ang lahat. Lagi naman, tnt. While doing my rituals, sinalang ko ang 'T.O.W.' kaso 'di ko pa natapos ang Episode 1, inantok na kasi ako. Tulog na ako. Gud'Nyt!

Sunday, January 30, 2011

UNSCHEDULED DUTY. 'T'NT

Grabe, hindi ko alam kung anung oras 'yun, nagising ako! Ang sama kasi ng panaginip ko (PP:LCM Gulod, Ang nakuryenteng Mamà). May namatay daw malapit dito sa may amin, mamà daw, nakuryente, nasunog, grabe daw ang ikinamatay, fatal daw, ibinalita nga daw sa TV. So, takot na takot ako sa nangyari sa mamà. Nag-kumot na lang ako ng bongga at natulog na ulit. Paggising ko, feeling ko binabangungot ako, kaya bumangon na ako at nag-almusal. Muntik na kaming ma-late sa misa. Lector 3 lang ako, nandun na ang lahat, nag-kuwentuhan nga kami about sa pagkakasakit ko, kasi kanina lang nila ulit ako nakita. Ayun nagstart na ang mass, maayos naman ang pagbabasa ko. Pag-uwi, nag-ayos na ako ng gamit, pagka-kain lumakad na din ako pa-McDo. Pagdating ng San Isidro, my gosh! Nagtext si Meann, wala daw ako schedule ngayon. Naasar ako. Hanggang pagdating ng McDo nakasimangot ako, buti na lang dalawa daw ang nag-AWOL! So pinag-duty ako! Haha. Katuwa, nag-in ako ng 1:30 PM, hanggang 7 PM daw. Ang daming tao kasi Linggo, madaming Apple Pie, bata, nakakasusot 'yung iba, basta. Hehe. Ang sarap mag-out, naramdaman ko din ang feeling na 'yun! Before 8 PM umuwi na ako. Pagdating sa bahay, nagtext-text na ako, nag-dinner, nag-OM. Tapos pagdating ni Papa nag-midnight snack pa kami nina Mama. Habang ka-text ko si 'T' (Matagal ko na ding textmate. Basta). Ayun, tulog na ako! Gud'nyt!

Saturday, January 29, 2011

'AY, OPO TATAY! ETO NA PO, NANGANGATAL PA PO!'

Ang ganda ng panaginip ko (PP:The Beautiful Cabuyao City Proper). Actually madaming nangyari, kasi lagi akong nagigising. 'Di ko alam kung anong oras ako papasok, o papasok pa ba? Nag-unli na ako. Text. Text. Text. Ayun, tinamad na ako. Kaya nagdesisyon na akong huwag manood ng Pageant Night, dumagdag pa ang pagtawag ni Fey, 'di daw sya manonood, sya sige. Tamang tama daw, sabi ni Mama, kasi magpapasama sa'kin ang dalawa, iwi-withdraw na daw ang monthly pension ni Papa, hindi pa kasi marunong ang dalawa. Tnt. After ng Eat Bulaga lumakad na kami, pagka-withdraw sa BPI, deretso Liana's kami, nakita namin si Jerick, break daw nya. Nag-grocery kami, nung tumapat sa booth ng Afficionado napa-wow ako, wala lang, napatingin tuloy ang dalawang 'lalaking' salesperson dun. Tnt. Namili kami ng pagkain, pang-gamit sa bahay, tapos nung magbabayad na, pagtapat ko ulit sa Afficionado, tingin ng tingin sa'kin 'yung dalawang salesperson dun, mga paminta pala! Tnt. Hanggang sa paglabas ko sa exit door nakatingin pa din, nginitian ko na lang. Mga paminta nga naman. Haha. Ay, bumili nga pala ako ng T-shirt, pang-valentine's ko na 'yun, color yellow. Tnt. Pag-uwi namin, tawa kami ng tawa sa tricycle, kasi g-ini-greet namin ng 'Hi' ang bawat asong makita namin, nakakatawa si Eros! Haha. Dinner, syempre masarap ang ulam, nakakatawa si Eros, utusan ba naman si Mama na kumuha ng kutsara, sabi tuloy ni Mama 'Ay, opo tatay, eto na po, nangangatal pa!' Haha. Tawa ako eh. Tnt. After dinner, nanood lang kami ng DVD. Ang dami kong lumang movie na 'di pa napapanood, t-in-ry ko ang 'One Night with the King', wala lang. Maganda naman ang istorya, after nun natulog na ako. Nyt!

Friday, January 28, 2011

'WORDS GET IN THE WAY...'

Nagdesisyon na akong mag-OJT, tutal wala naman akong gagawin dito sa bahay. Bumangon na'ko, kumain, naligo, 7:10 AM na nga ako lumabas ng CR, 'nak ng prutas, late na late na ako, nagawa ko pang manood ng 'Sapul!' sa segment nilang 'Love Hurts'. Tnt. Tapos napag-usapan pa namin ni Mama na mag-ipon na daw ako para sa debut ko, December pa 'yun, sabi ni Mama siguro daw 'Manager' na ako by that time. Haha. Sabi ko gusto ko sa resort ganapin ang debut ko, wala kasing space dito sa'min, may malapit namang resort dito sa'min. Haha. Pagplanuhan na ba kaagad? Tnt. 7:25 AM na ako nakaalis, t-in-ext ko kaagad si Michelle, baka kasi ma-late na talaga ako. Haiy. Nandito pa lang ako sa jeep, maglalakad pa ako. Help me God. Pagdating sa kanto ng Pulo, nabuwisit na naman ako, agang-aga na naman! 'Dun ba naman sisigaw ng 'para!' sa gitna ng intersection? Eh bawal magbababa dun, nakita na ngang may LTMO. Araw-araw na atang nababa dun, hindi pa masaulo ang tamang lugar ng babaan o sakayan. Ang mga tao nga naman, kung saan bawal magbaba, dun bumababa, 'pag naman nahuli ng traffic enforcer ang driver, sino mapu-purwisyo? Kaming mga natira sa jeep! Agang-aga kakabuwisit. Amp. Pagdating sa gate, nagkandalito-lito na ako sa mga guwardiya. Lintsak. Muntik na talaga akong ma-late, lagi na lang ako hinahapo pagkakadating sa office. Tinulungan ko lang si Michelle mag 201 filing, ayun lang, mag-alis ng mga 201 files ng mga kaka-resign lang na empleyado, maghanap ng nawawalang 201 file sa bodega, napakagulo, super dami kasi. Tnt. Nagpalipas na lang kami ng oras. Lunchbreak. Basta. Kumain kami. Tnt. Bago mag-1 PM, pinakita sa'kin ni Michelle mga pictures nila sa Ilocos, nasa Laptop nya, ang ganda nga eh. 1 PM, iniwanan kami ng gagawin ni Ma'am Shane, kasi aalis sya ng 2 PM. Iisa-isahin lang naman namin ang mga 201 files sa loob ng malalaking kahon, e mga ilang kahon din 'yun. Napakadami, kelan kaya namin 'to matatapos? Ang alikabok, lumang-luma na. Nakakatuwa nga lang kasi may ginagawa kami, nakakapagbasa na din kami ng mga 201 files. Nag-break kami, doble nga eh. Tnt. Tapos nag-intay na lang kami mag-5 PM, ansayang umuwi. Haha. Ang ganda ng view lagi sa Clinic, pati Timecard ko nakikisama. Tnt. Pagdating sa bahay, parang 'di maganda ang aura, 'yun ang napansin ko eh. Pero masarap ang kain ko, galing sa kasalan ni Ate Ita. Tnt. Nagpunta ako kina Fey, gusto ko mag-internet eh, pagdating ko sa kanila, Temptation of Wife ang palabas, 'yung Final Episode na, so nanood muna ako, kahit korean, nakakaiyak talaga, lalo na nung namatay na si *blank* at *blank*. Huhu. Ang ganda talaga ng katapusan. Tnt. 9 PM na ata ako nakapag-internet. Si Eloi, niyayaya ako sa Court, kasi pageant night ng Mr. & Ms. Liceo de Mamatid, pinadala ko na lang sakanya ang phone ko, sabi ko picturan nya si "JzLz", 'yung crush kong bata. Haha. Nag-upload ako ng pictures, nag-download ng kanta. Pag-uwi ni Eloi, wala syang napicturan kahit isa, kasi nag-Lock daw ang phone ko, at hindi nya alam ang Security code. Ang malas. Amp. Nag-wikipedia na lang ako. Pagtingin ko ulit sa Facebook, tignan mo nga naman, online sya (JzLz), syempre ch-in-at ko, feeling close, haha, sumagot naman sya, sinabi ko ang balak ko kanina, willing pala sya magpakuha ng picture, 'di nga lang mabuksan ang phone ko kanina, nakakapanghinayang talaga, ang bait nyang bata, kaya crush ko sya eh. Tnt. Naka-3 hours na naman ako, bago ako umuwi nagpasama si Kuya Voxz sakin, ihahatid ang CPU sa kanila, sya kasi ang gumagawa pag may sira sa mga computers ni Fey, ang lamig sa motor grabe. Pag-uwi ko sa'min, mag-1 AM na pala? Si Mama nakaabang sa sofa, pinagalitan ako. Haiy. Last na gala ko na daw 'yun. Hmm. Tulog na lang tau. Tanghali naman ako gigising bukas. Gud'Nyt! Masaya ako!

Thursday, January 27, 2011

CHEERDANCE COMPETITION 2011 (PUP STO. TOMAS)

Pinilit ko talagang gumising, maganda ang event s school ngayon. 9 AM dapat magkikita na kami ni Sahara sa terminal, kaso bumagal na naman ang kilos ko, ang hirap kasi pumili ng isusuot. Haist. 9:15 AM na ako nakaalis, pinauna ko na si Sajarz sa school. Pagdating sa kanto, natatakot ako, suot ko kasi ang shoes ni Jerick, magagalit sa'kin 'yun. Nyay. Ang tagal naman mag-'walk' sa traffic light, gusto ko na makatawid, nung nag-Go na for pedestrians, anak ng prutas! Naandar pa din ang mga truck, motor, 'di tuloy ako makatawid, asar na asar ako, mga motherfu-! Hindi marunong sumunod sa traffic light! Kung CTMO/LTMO ako paghuhuhulihin ko 'yung mga 'yun eh, kaya nga naglagay ng traffic lights! Agang-aga buwisit na buwisit ako. Haist. Pagdating ko sa terminal, buti nakita ko si Gretchen, at least may kasabay ako sa jeep. Nagkuwentuhan kami about sa OJT. Makakalimutan ko na naman magbayad! Naku. Pagdating sa school, aba, tignan mo nga naman, nag-o-opening prayer pa lang, saktong-sakto ang dating ko sa PUP. Kaso, napakadami nang tao sa Gym, super! Talagang blockbuster sa PUP kapag Cheerdance Competition. Dun kami pumuwesto sa may gilid. Nakita ako ni Meann, so tabi kami, kasama nya si JM. Kitang-kita naman namin, unang sumayaw ang BSHRM, sunod BBTE/BSED, parang Gymnastics lang. Tnt. Pang-huli pa ang sa course namin, nakakakaba, baka wala nang manuod. Tnt. Nakita ko na ang mga cheerdancers namin, and I wished them good luck. Kahit sa sarili ko eh, walang laban ang cheerdance namin, sa sayaw pa lang ng BSIE, mukhang sila na ang mananalo. Di ko tuloy maiwasang mag-isip na bakit kaya ang gagaling nila? Lagi na lang sila ang nananalo? Minsan nga naiinggit ako sa kanila kasi lagi silang Champion. Pero tanggap ko na. Tnt. Nagpaka-busy na lang ako, pumunta ako kay Ilona (Cheerdancer, Classmate, Psych Society President) sabi ko sakanya ako nalang ang maniningil ng mga bayad sa University Shirt, since ako naman ang Society Auditor. Hinanap ko ang mga kaklase ko, naningil ako, and at the same time, nanonood na din ng cheering. Actually, maganda ang cheerdance ng BSIE, kaso more on arte lang sila, I mean, puro acting, may halong theatrical ba? Tnt. Pero magaling talaga sila. Haha. Edi sila na. Tnt. Ang BSIT, puro animations, narrations kung anu-ano, parang sa BSA. Parang hindi nga cheerdane ang sa kanila eh. Anyway, gosh, malapit nang sumayaw ang BSIOP! Kinakabahan ako, bakit kaya? Siguro kasi sa magiging performance ng mga sasayaw representing my course. Nung nagsisimula na sila, entrance pa lang, parang wala lang. Pero habang tumatagal, aba, mukhang may laban kami ah. Dasal talaga ako ng dasal, na sana walang magkamali, cheer ako ng cheer sa sarili ko, go! go! IOP! Kaya nyo 'yan. Hindi pa namin nakikita ang costume nila, naka-wardrobe pa lang sila. Syempre surprise 'yun! Nagtago sila sa tela, nagtatanggal na sila ng wardrobe, aba, nag-chi-cheer sila habang naghuhubad sa loob ng tela. Pag-alis ng tela, bumulaga sa buong gym, sa buong PUP ang mga cheerdancers ng IOP, with their very bonggacious and fabulous costume! Grabe, nagulat ako, ang ganda pala ng costume nila, ang igsi talaga ng short, labas ang tyan, ang puputi nila. Lahat gandang-ganda sa mga IOP Girl-cheerdancers. May mga bulungan na 'Ang gaganda talaga ng mga IOP, sabi sa'yo mag-IOP na lang tayo e!', 'Wala talagang pangit sa IOP' at madami pang murmurs! Tnt. Sa umpisa, sigaw ng sigaw sila, nagye-yell ng 'Go Mighty IOP!' basta nagye-yell sila, medyo boring sa simula kasi mahina ang cheer nila o maingay lang talaga sa gym? Nung nagka-tugtog na. Grabe, bigay na bigay lahat sila, hataw na hataw, tuwang-tuwa ako, palakpak ako ng palakpak, napapasigaw ako, habang tumatagal, humahanga ako sa kanila, ang galing pala ng cheerdance na inihanda nila, nagulat ako. Lahat ng IOP nag-chi-cheer, sigaw ng sigaw. Nakakatuwa, alam ko may laban kami. After ng performance nila, pinuntahan ko sila sa backstage, sabi ko 'congrats, ang gagaling ah, go! IOP! may laban tayo!'. Pagpunta ko sa psychkubo, aba, at nakasalubong ko si Bhebhe, nakakahiya, kasama mga tropa nya, tinutukso ako. Hahaiy. Kinilig ako...

to be continued...

THIS TIME FOR I-O-P! (BSIOP, CHEERDANCE CHAMPION!)

Pagdating sa kubo, naningil ako, nagpicturan, nagkuwentuhan, nagkayayaan pa sa Lipa! Gawa kasi ni Monica. Nag-a-awarding na sa Gym. 'Di talaga ako umaasa na may makukuhang place ang course namin, pero may laban kami totoo 'yun, pero magagaling din ang kalaban eh. Habang nag-iisip ako kung sasama sa Lipa, nagsisigawan sa Gym, nakita ko nakataas ang Logo ng BSIOP, aba, bakit kaya? Lahat ng IOP, mga kaklase ko nasa kubo lahat, ang gugulo. Nakapag-desisyon na ako, sasama ako sa Lipa, t-in-urn over ko na kay Ilona ang pera, at ibinalita nya sa'kin na 'Best in Costume' daw sila. Waw. Ang galing naman, actually, hindi na nakakagulat, kasi hindi naman naaalis sa IOP ang titulong 'Best in Costume', every year IOP Cheerdancers ang may 'Best in Costume'. Nagpaalam na ako, sabi ko good luck na lang. Lumabas muna kami para bumili ng maiinom, pasakay na din kami papuntang Lipa, pero 'di ako mapakali, gusto ko malaman kung sino ang mananalo. Sumilip ako saglit sa Gym, aba, at tatlong courses na lang ang natitira sa gitna ng Gym, at ang next award na ay ang 2nd Place. Gosh, 2nd Placer ang BSIT! Gosh again! IOP na lang at IE ang natitira? Nanakbo ako papasok ng gym, talagang nanakbo ako papunta sa puwesto nila, sabi ko, Go IOP! Nung i-a-announce na ang 1st Place, nakakakaba, kasi pag IOP ang binanggit automatic IE ang Champion, pero okay na samin 'yun at least pangalawa ang IOP. Nakakakaba, nambibitin pa ang announcer, '1st place goes to...BS...I.....E! Gosh! Nagtalunan na kaming lahat, napasugod na'ko sa kanila, talon kami ng talon, tuwang-tuwa kaming lahat, sigaw ng sigaw. Itinaas ko ang Logo ng IOP, mataas na mataas, habang tumatalon. Grabe, Best in Costume na ang IOP, Champion pa! Super nakakatuwa. Lahat ng cheerdancers ng ibang course lumapit na sa amin, nkipag-shake hands sa mga cheerdancers ng IOP, showing sportsmanship, xempre congratulatory na din. Pati ang mga IOP sa labas, mga kaklase ko, nagsugudan na, talon ng talon ang lahat, tuwang-tuwa, pati si Sir Cueto (Area Coordinator, Dean, Psychology Department). Lahat ng mga IOP cheerdancers, karamihan 1st year students, kinamayan ko, ni-congratulate ko, pati ang kaklase kong sumayaw, si Krizia, niyapos ko na, lalo na si Ilona, niyapos ko na din, iyak sya ng iyak, sabi ko 'Congrats! Ang galing natin! Congrats!'. Sa totoo lang, napakasaya talaga namin, lalo ng mga 4th year. Bago man lang kami g-um-raduate naranasan namin ang feeling na 'to. Lalo na, na officer din ako, malaking accomplishment para samin ang pagiging Champion namin sa Cheerdance. Hindi pa talaga kami naalis sa gym, nagpapakasaya kami, para sa amin, amin ang araw na 'yun, Go IOP! IOP! IOP! 'Di talaga kami maka-recover. Tnt.

Hanggang sa bus papuntang Lipa, 'yun ang topic. Actually, sa totoo lang, mas maganda ang sa iba, pero hindi mukhang cheerdance ang kanila. Kasi may halo, sa amin lang ang pure na cheering. 'Yun ang ipinanalo namin. At eto pa, bonggang bongga talaga ang costume namin, napapakagaganda pa ng mga kasali, pero wala naman talagang pangit sa IOP nuh. Sa totoo lang! Ang puputi nila, lalo na si Rasel, she's stunning! Nangingibabaw! Sabi nga ni Carlene, kahit nga hindi na sumayaw ang IOP, panalo na! Nag-costume pa! Edi champion talaga! Tnt. Tawa kami ng tawa sa bus. Actually, nililibang ko lang ang sarili ko, ayoko kasing masuka sa bus. Tnt. Pagdating sa SM Lipa, super daming Apple Pie! Haha. Nagha-hunt kami. Sa Globe namin m-in-eet si Monica, andun din si Kim. Sa McDo kami kumain, ang daming order so ako na ang nagsulat sa OT Pad. Masarap naman ang kuwentuhan namin, kainan. Tumagal din kami dun, 'yung crew dun nginingitian pa ako. Nagpunta kami sa mga bilihan ng cellphone, sa National Bookstore, ang gaganda ng mga aklat, ang sarap pagbibilihin eh. Nagtagal kami dun. Nagtagal din kami sa SM, may cute pa nga dun sa Bench eh. Haist. Hehe. 5 PM umuwi na kami, kwentuhan ulit sa jeep, picturan ng arko. Tnt. Sa tanauan nagstop over kami, tapos kami na lang ni Sajarz pa-crossing, inabot na ng gabi, ka-text ko nga si Mama eh, gawa ni Jerick. Basta. Pagbaba sa SM Calamba, na-caught ang attention ko ng barker, so dun na ako sa SM Terminal sumakay sa jeep pa-Mamatid. Dumaan muna ako sa loob ng SM, syempre sa McDo ako nagpunta, at nandoon sya! Sa lobby sya naka-duty, pagpasok ko nagwawalis sya, feeling ko nagkita kami, and I'm assuming na nakita nya ang ID ko na green. Tnt. Nanalamin lang ako dun. Sana napansin nya ako. Pagsakay ko sa jeep, may nakasakay akong taga-Liceo din dati, tropa kami eh? Tnt. Pagdating sa kanto, bumili ako ng Siomai pang-ulam, muntik na ako'ng 'di makapagbayad. Lintsak na. Ano ba nangyayari sa'kin? Pag-uwi, dali-dali akong naghubad ng damit at sapatos sa kabila. Haha. Basta, nag-dinner na ako, nanood ng Willing Willie, birthday nga pala ni Wil, text-text. Ayun lang. Kapagod na araw, pero napakasaya! Super! Ka-excite tuloy pumasok sa Monday, o sa Saturday, sa Pageant Night. Gud'Nyt to ol! Mwuah!

'Tsamina mina, Zangalewa! This Time for I-O-P!'

Tuesday, January 25, 2011

'I MISS YOU, FRIEND' -GM

Dinale na naman ako ng katamaran. Hala, bumangon na'ko, kumain at naligo. Sayang din naman ang araw, wala din naman akong gagawin sa bahay. Buti maaga akong nakarating ng Asia Brewery, wala pang 7:50 AM. So, in-enjoy ko ang mahabang lakarin, as if naman ma-e-enjoy ko noh? 'Pag tinitignan ko ang ibang mga empleyado dito, iniisip ko, 'di pa ba sila nagsasawa sa araw-araw na ganito? Ako nga isang buwan ko pa lang ginagawa 'to, sawang-sawa na. Sila kaya? Haiy. Pagdating ko ng office, andun na ang dalawa. As usual, good luck na lang sa'men. Oh katamaran, layuan mo kami. Tnt. Ngayon lang pala ulit kami mag-o-OJT na kumpleto. Buti sinabi kaagad sa akin na may aplikante daw ako. Waw. Talagang aplikante ko ha? Tnt. Antagal dumating mag-9 AM na wala pa. Pagdating nila, tatlong lalaking aplikante, puro engineers, binigyan ko sila ng application forms, psychological exam, tapos ts-in-ek-an ko na din. Buong umaga ganun ang ginawa ko. Nung lunchbreak, nakasabay pa nga namin ang tatlo sa canteen. Hapon na, kakatamad. Walang magawa, buti kung anu-anong pagbubuting-ting ginawa ko, nakarating na naman kami sa bodega, takot na takot tuloy ako. Before 5 PM, pinalabas na ang lahat ng nasa HR Office, magfa-fogging daw. Sa Clinic lahat kami nag-stay until 5 PM. Pag-uwi, ihing-ihi na ako. Dali-dali akong umuwi. Pagdating ng bahay, ang bango ng ulam. Fried Chicken! Yummy. Ang dami kong nakain. Ahehe. After dinner, 'di ko naman talaga balak mag-internet, pero since may kukunin ako kina Fey, nag-internet na ako. Pagdating ko sa kanila naliligo sya, si Edrick lang ang tao, nag-internet na'ko, nag-download ng mga applications. Dumating din si Ate Ellen, after 2 hours nag-out na ako, waw, kusang-loob. Dapat maaga akong umuwi. Tnt. Pag-uwi, hala, nakatulog na ako, basta ang alam ko, binabasa ko ang mga old messages ko from N-Private. Old Messages from: Aldmin, Ex-boyfriend ng tropa ko si Jelly. Jeff, an old friend? JV, ex-textmate, my friend's ex-classmate. Jhady, a textmate from Uzzap, Andrew, one of my textmates and Dhon, ex-classmate. Since 2008 pa 'yung mga messages nila, super tagal na. Haha. Thanks to N-Private Application, nakapag-reminisce ako about them and our very short text times. Tnt..

Monday, January 24, 2011

FOUNDATION WEEK 2

Waaah. Ayokong mahuli ang araw ko dito sa online diary ko! Tnt. 8:30 AM, larga na ako papuntang school, with my new clothes (pants & shirt), wearing CL, dirty shoes and holding a big cash. Big? Tnt. Dala dala ko na ang mga requirements. Tyak, sure na ga-graduate na ako! Buwahaha. Tnt. Pagdating sa terminal, nakatabi ko ang kaklase ni Fey, si Fatima. Waw, farehong ep ang name nila. Tnt. Kasama ko din sya sa pakikipag-agawan sa jeep pa-Tanauan! Haha. Katabi ko sya sa jeep, syempre ano pa bang magagawa ng madaldal kong dila? Edi wala kaming ginawa sa jeep kundi mag-chokaran, chismisan, kuwentuhan pati tawanan. Parang matagal na nga kaming close friends eh. Pero as-a-matter-of-factly speaking, we're just acquaintances. Ngayon lang kami nag-usap ng ganoon. Puro ngitian o batian lang sa school. Pagdating sa sintang paaralan, ang ingay-ingay ko kaagad, ang daming tao, ay anong meron? Anak ng prutas, may misa pala sa gym, napahalukipkip akong bigla. Tnt. May program pala, 'di'ba't Foundation Week nga? Nakalimutan ko. Tnt. Inayos ko muna ang grades ko, bago ako nag-liwaliw, sa gym, labas at loob ng school, psychkubo, kahit saan. Sa gym, nagpapampam lang naman ako kay 'Whitey HarHar' (Crush ko, IOP First Year. Haha), at sa kung sinu-sino pa. Kasi naman last na 'to, tinotodo ko lang. Tnt. Kahit saan ako magpunta tinotodo ko na talaga, ang alin? Hehe. Syempre, matatapos ba naman ang araw nang hindi kami nagkikita ni 'BheBhe'. Tnt. Haha. Ang cute cute. Tnt. Katamad na nung hapon, wala nang program. Umuwi na kami, kami lang nina Michelle, pauwi syang Cabuyao, tsaka ni Sajarz. Si Ging sumabay sa'min, arkilado nga namin ang jeep eh. Tnt. Kuwentuhan tungkol sa OJT, katatawanan, katamaran at katatakutan sa OJT ang topic namin. Nag-SM kami, sa Dept. Store, National Bookstore, Cyberzone at syempre sa McDo! Napa-dine in tuloy kaming tatlo, naka-duty kasi sya eh. Tnt. Ayun, picturan, kakatuwa. Dami namin naging pictures tatlo. Pag-uwi namin, umuulan. Asar, naputikan lalo shoes ko. Pagdating ng bahay, buti naabutan ko pa ang Temptation of Wife, tuwang-tuwa ako. Tnt. Kakaawa na nga si Heidi eh (The main antagonist, tama ba? Tnt), kasi nagdudusa na sya, naku mas nakakaawa pa sya sa mga susunod na eksena, sa loob-loob ko lang, natapos ko na kasi ang istorya nyan, ang ganda talaga. Pagdating ni Papa, nag-dinner na kami nina Mama, ang sarap ng ulam, tortang talong. Tnt. Pagkakain, mag-a-upload ako ng pictures, kaso maaga pa, nakatulog tuloy ako, 8 PM naalimpungatan ako, brown-out pala, buwiset, kung kelan magnenet ako. Buti before 8:30 PM may kuryente na kaagad, naalimpungatan na naman ako, pagmulat ko maliwanag na. Tnt. Nag-ayos na kaagad ako at nag-bike papunta kina Fey, kuwentuhan muna, tapos pag-upo ko, nag-upload ako ng mga pictures, nag-download ng kanta, videos, et. c. Tnt. Inabot na naman ako ng tatlong oras. Magwa-1 PM na ako nakauwi, t-in-ext na nga ako ni Mama at Papa, pinapauwi na ako. Kasakit tuloy sa ulo. Bago ako natulog, t-in-ext ko muna c 'Lab' ko. Haha. Adik. Nyt nyt!

Sunday, January 23, 2011

"B.U.G.! AS IN 'BURGER'!" (WHAT IS TAXONOMY?)

5 hours pa lang ata ang tulog ko, bumangon na'ko kaagad. 10 AM kasi ang serve ko sa simbahan. 8 AM ako gumising, kumain, nag-breakfast, naligo at nagbihis. 9:30 AM pumunta na kami sa simbahan, kami ni Mama kasama si Eros, ewan kung bakit naisipan ng batang 'to magsimba? Tnt. Pagdating sa simbahan, nagprepare na'ko, commentator ako ngayon. Kasama ko sina Ate Tes, Ate Chelle, Ninang Sister Chris at Kuya Alson. Nagpamisa na ako, late na nga ako'ng nagpamisa, kasi nakapila na sila. Nagsimula na ang misa, ayos naman ang lahat, after the gospel reading, p-in-ractice ko na ang mga announcements. After ng communion, may tumabi sa'kin na dalawang seminarista, may i-a-announce din kasi sila. Kunwari 'di ko sila nakikita. Tnt. Pagdadasal ko ng 'Prayer for the Priest' diniinan ko talaga ang word na 'seminarians' kasi para sa kanila din naman 'yung prayer na 'yun. Tapos nun, binasa ko na ang mga announcements, medyo nate-tense tuloy ako, kasi nasa tabi ko 'yung dalawang seminarista, naapektuhan tuloy pagbabasa ko? Tnt. After nun, binigay ko na dun sa isang seminarista 'yung mic, tapos nag-announce na sya, ako nakaupo lang dun sa likod nya, nakikinig, nakikita ko nga si Fr. Celso parang natatawa habang nakikinig sa seminaristang nagbabasa. Tnt. Pagkatapos ng misa, nag-madali na kami umuwi. Nagsimba nga pamilya ni Gladz eh, nagmano ako sa Mama at Papa nya, sabi ko nga magseseminarista na din ako. Tnt. Bumili kami ng ulam sa may Mabuhay, traffic, ang daming tao, ganyan ang itsura ng Mamatid pag Linggo, para kang nasa Bayan, palengke, terminal o highway. Kakatuwa, sabi nung isang nagtanong na naka-motor, 'Eto na po ba ang Mamatid Church?' siguro naliligaw sya at magni-ninong sa binyag. Naglakad lang kami pauwi, sobrang init grabe. Papasok pa ako mamayang 2 PM, good luck na lang sa'kin, baka madami na namang tao ngayon sa McDo. Ako lang mag-isa ang naglunch si Mama kasi na kina Lola Pidyang, may pa-despedido ang anak, syempre naglalunch ako while list'ning to 'Batingaw ng Katotohanan', ang ganda lagi ng topic tungkol sa Cabuyao, ang pagbuo ng Cabuyao Presscon para sa lalong magandang paghahatid ng mga information sa mga Cabuyeños, ang paglago ng kita ng Cabuyao dahil sa matataas na buwis na ipinagkakaloob ng mga kumpanya, pabrika, namumuhunan at nagnenegosyo sa Cabuyao, status ng Cabuyao Cityhood at marami pang paksa. Quarter to 1 PM, umalis na'ko sa'min, si Papa nalang naiwan dun kakarating lang nya, buti kumakain sya habang nagkakabit ako ng CL. Tnt. Pagdating ko sa McDo, maaga pa, nagpa-xerox muna ako ng Health ID, tapos nagbihis na. Kumpleto pala kaming magkakapatid sa McDo, kasabay ko'ng nag-in si Meann, si Crisann at JM naka-duty din. Kakatuwa. 2 PM, 'di ako nakapag-Time in, wala pa pala akong Time out kahapon! Amp. Bale nakapag-Time in lang ako nung break ko na, 3:45 PM ata, kaasar eh. Ayos naman ang work ko, madaming tao, lalo na nung peak hour, dami din 'Apple Pie'. Haha. Asar, dami kong void, pero buti matataas ang ipinapalit kong meal. Parang maiyak-iyak na nga ako, kasi antagal naghintay nung isang customer. Haiy. Andaming LFO, super. Pero ayos naman. Star, star by Sir Carl. Tnt. 8:25 PM na nga ako nakapag-out eh, dumami kari bigla ang tao, kung kelan mag-a-out na. Amp. Wala nga akong t-in-urn over, PJ lang, si kapatid (Crisann) na ang nagbilang lahat. Enjoy naman ako, kasi andami namin napag-kuwentuhan ni Darlene, psychology major din sya. Kung anu-ano about psych ang napag-usapan namin, pati taxonomy at kung anu-ano pang branches ng science. Pero 'di talaga ako maka-get over dun sa japanese customer, 'B.U.G.', not burger! Tnt. Umuwi lang ako mag-isa, may nakasakay pa nga akong yummy eh. Hanggang ganoon lang naman. Tnt. Pag-uwi ko, kumain na'ko ng dinner? maaga pa pala bukas, ang dami pang babayaran. Amp. Gud'Nyt!

Saturday, January 22, 2011

'LIVE AND LET DIE' -SHREK THE THIRD

Paggising ko, ako lang pala ang tao sa bahay. Tnt. Inisip ko, baka ngayon na nagpapapalit ng philhealth check sina Mama at Papa, si Jerick maaga lagi ang pasok. Expired na kaagad ang unli ko. Amp. 'Di man lang ako hinintay magising. Tnt. Bumangon na'ko, nanood na lang ako ng DVD while waiting for them. 12 PM, gutom na'ko, nagtext si Mama, sa Gulod daw kami magla-lunch dadaanan nila 'ko, so nag-ayos na'ko, hala, 'di pa 'ko nakakapagpolbo at suklay (hindi mawawala sa mga rituals ko. Tnt) dumating na kaagad sila. Hala, ang itsura ko sa loob ng tricycle! Tirik tirik ang buhok ko. Tnt. Katabi ko sa loob si Lolo, kasama nga pala sya, tsaka si Eros, 'di mawawala sa bawat lakad. Tnt. Pagdating sa Gulod, kumain na kami, as usual, Channel 2 ang palabas at si Vice Ganda na naman ang bida, ganun pa din, parang talk show lang ang pinapanood ko, sabagay, 'di mo naman kaagad maiisip na comedy ang palabas kapag nalaman mong 'Showtime' ang title ng show. 'Diba? Tnt. Sa terrace sila kumakain, ako sa loob, sa harap ng TV, buti pala bago na remote control ng TV nila, kaya nilipat ko kaagad sa Eat Bulaga! Tamang-tama, 'Juan for All, All for Juan' na. Kakatuwa. Tnt. Andami ko ding nakain, may RC Cola pa, kahit bawal sa'kin, kasi ba naman na-late ang Pineapple Juice, uminom pa din ako, hala halo halo na ang laman ng tiyan ko. Ansarap pa nga ng ulam na niluluto ni Nanay eh, Patatim, gosh, ang bango, nakasalang pa, basta kapampangan (Nanay Ely) talaga magaling sa cuisine. Tnt. Magtu-two in the afternoon, umuwi na kami. Papasok pa 'ko sa McDo, nanood muna kami ng 'Pinoy Henyo', tapos DVD, gawa kasi ng mga bata, pinanood ulit namin ang 'Shrek the Third'. Tnt. Ang ganda kasi ng portion dun 'yung namatay na si Frog King, nakakatawa, tsaka nung libing nya (Frog King), ang ganda ng song, 'Live and Let Die'. Tnt. Naligo na ako at nagbihis, sinuot ko ang CL ko, bakit ba? Tnt. Tapos 'di pa kami magkaintindihan kung kakaunin ba ako mamaya, kasi tyak na 2 AM na naman ako makakauwi bukas. Tnt. Siguro napansin na nila Mama at Papa na mablu-blue ang eyes ko. Tnt. Sumakay na'ko ng trike, ang yummy pa ng nakatabi ko, haha, 'F' mode na naman. Tnt. Pagdating sa kanto, excited akong makita ang newly-operating traffic lights sa kanto ng Mamatid. Antaray! Kakatuwa ang mga pedestrians, sabay-sabay sa pagtawid pag 'walk' na. Bago ako sumakay ng jeep, pinagmasdan ko muna ang ginagawang Puregold dun malapit sa loading/unloading zone, antaray, may nakalagay na dun na 'PUREGOLD' kaso walang nakalagay kung Puregold Cabuyao, Puregold Banlic o Puregold Mamatid ba? Tnt. Sumakay na'ko ng jeep. Tyak maaga ako ngayon makakarating ng store. At d'yan pala ako nagkakamali! Nasa Sala pa lang ako, may nagtext sa'kin, 'asan na daw ako? 5 PM daw ang in ko. Oh My! Medyo nainis ako, 6 PM kaya ang T.A. (Time Availability) ko pag Saturday, 'di ako takot kahit late na ako, I had a reason. Pagbaba sa tapat ng McDo, nanakbo na ako, si Melissa pala ang nagtext, pinatext ni Meann. Asar ako, lahat ang tanong 'Bakit ka late?!' pinagmamadali pa ako. Ayoko pamandin ng nagmamadali. Amp. 5:20 PM ako nakapag-in, ang daming tao pala, kaya kailangan na nila ang powers ko. Tnt. Ayos naman, carry lang, madami atang barya ngayon? Punung-puno ang kaha ko. Syempre pakitang-gilas ako, I mean, I'm just doing my work. 'Pag walang customer, punas-dito-punas-doon or linis-linis ng mga kambro, that's the standard that I always follow. Tnt. 7 PM pinag-break na ako, ang sarap naman ng kain ko, katabi ko si Joe Riz, gusto nya daw pumasok sa PUP, Hmm. Pagka-in ko ulit, medyo dumami na naman ang tao. Andaming Apple Pie, super. Tnt. Sa'kin pa nga pumila eh. Kaso nagpa-void ako, kasi ba naman, oorder tapos 'di aware sa pera nya. Pero ok lang, basta sya. Tnt. Kakatuwa mag-work talaga. Parang 'di ako nakaramdam ng pagod. Tnt. Lalo na pag may nakikitang espesyal, nag-McDo lang naman ang kapatid ni Hayop. Haha. Wala lang, kaklase pala 'yun ng boyfriend ni Grazel. Tapos 'yung isa pa dun, kaklase naman ni Calvin, umaapaw sa 'AP' ang McDo! Tnt. 11 PM, out na 'ko! Ang dali ng turn-over ko. Nuzzles with clean-up lang. Pagka-out ko, d-in-eliver na sa'kin ni Ma'am She ang Regularization Contract ko, siguro tumagal din ng 1-2 hours. Tnt. Nagkuwentuhan pa kasi kami ni Ma'am, actually 'di naman talaga chokaran. We talked about career, my career to be exact. Balak ko kasing mag-Manager ng McDo soon, but there's still this doubt thing in my self, in-open up ko 'yun kay Ma'am. Madami syang sh-in-are sa'kin, proseso ng pagma-Manager, trainings, et.c. Ang sarap talaga kausap ni Ma'am She, andami kong natututunan. Nagkaroon tuloy ako ng realization. Sabagay, it's still not too late, I still have months to think about it. I have many choices, actually, it's really up to me which choice is to be chosen. Anu daw? Tnt. Akala ko umuwi na ang mga kasabay ko, lagi naman talaga akong umuuwi na mag-isa, pero hinintay ako nina Joy, Calvin, Noel at Jojo eh. So sabay-sabay kami umuwi. Kami nalang ni Calvin ang natira, nagkuwentuhan kami sa terminal, dami ko din nakuwento sa kanya. Ang dami pala naming mutual friends, taga-Baclaran lang naman sya, kapitbahay pa nga nina Jelly eh (tropa ko, super close friend ko). Miss ko na nga sya eh. Anyway, lahat na yata ng kakilala nya at kakilala ko, eh nabungkal na namin, pati kung paano kami nagkakilala nung tao, mga pangyayari, basta. Tnt. Pag-uwi ko sa bahay, nag-sulat lang ako saglit sa planner ko at natulog na. God's day tomorrow. Gud'Nyt! Ü

Friday, January 21, 2011

'I'M FOND OF LIS'NING TO HER STORIES'

Nagkatamaran ang Team Asia kaya hindi kami nag-OJT (Joke!). Actually, pasahan na dapat ngayon ng evaluation form ng mga grades namin para maka-graduate kami, since madami pang kulang, pinakiusapan namin na baka pwede sa Monday na lang kami magpapasa. Kaya, ayun. Tnt. Tanghali na'ko gumising, tinext ko na kaagad ang mga kaklase ko, binigay ko sa kanila mga grades ko. Sila na magpapapirma sa mga 'unhabolable' professors! Tnt. Habang may kinakaon sina Mama at Papa, dumating bigla si Nanay Ely, 'di ko alam kung bakit nagpunta. Tnt. May sinabi lang pala kay Mama, pero balak nya daw kami ibili din ng ulam, eh Tinolang manok ang ulam namin ngayong lunch, yummy! After lunch, excited si Mama, kasi magkakapera sya, dumating na daw ang Philhealth ni Lolo (refund worth PhP _,870.00 or something. Tnt) kami daw ang magpapapalit sa bangko. Nanood muna ako ng Eat Bulaga, after nun nag-ayos na kami, sa Liana's kami nagpunta, kaso 'di kami nakapagpapalit dun, kelangan pa ang prescence ni Lolo. Tnt. Pumunta kami ng Walter Mart, wala din. Nag-SM na lang kami at nag-grocery! Dami din naman namin nabili, si Jerick nagpa-Ice Cream pa, sumuweldo eh. Humingi tuloy ako ng spoons sa McDo, at in fairness, nakita ko sya! (Si 'M', my textmate. Tnt). Sa tricycle balak namin kainin ang Ice Cream baka kasi matunaw na eh, pero pag-uwi na lang pala. Si Eros nakatulog na, pagdating ng bahay kumain na kami ng dinner at ang dessert ay ang Sorbetes! Tnt. Kahit medyo tunaw na. Since 'di ako mag-iinternet, inubos ko ang gabi ko sa pakikipag-kuwentuhan kay Nanay Angge (My Father's Mother). Pag kasi nasa kanila ako, 'di 'yun titigil ng kakukuwento ng mga bagay bagay hangga't naroroon ako. Andami nya kinuwento, ang pag-aaral ni Papa sa Don Bosco, mga kapatid at pamangkin nya sa Batangas, ang Lovelife ni Papa at Tito Mayok at kung anu-ano pa. I'm fond of listening to her stories, actually. Hanggang sa umulan na, nagkukuwento pa din sya. Tnt. Pag-uwi ko ng bahay, parang magkalayo naman, eh katabi lang. Tnt. Nanood kami ni Jerick ng 'Shrek the Third', nakatulog na pala sya, so ako lang ang nakatapos. Ang cute ni Artie, hehe, the new King of Far Far Away. Hellow, late ako sa mga movies noh, 'wag na kau magtaka kung bakit ngayon ko lang 'yan napanood. After ng palabas, s-in-earch ko isa-isa ang mga nag-voice over sa kanila, nakakatuwa. Bago ako natulog, mahilo-hilo ako. Bakit kaya? Anyway, teka. 21 nga pala ngayon 'di ba? Tsk. Ngayon ko lang naalala, it's our 2nd monthsary with (L). Haha. Tnt. Wah, ang dilim dilim. What a scary nyt!

Thursday, January 20, 2011

'SIGE, PASOK LANG NG PASOK! ALAM NAMIN'YAN!'

10 AM na'ko gumisin, 12 PM ko balak pumunta ng school. Nagpunta na sina Mama at Papa sa Liceo para kunin ang Form 137-A ko. Pag-uwi nila, bumangon na ako at kumain. Ansarap naman ng ulam, adobo with pork chop pa. Karne na naman. Tnt. Nagtext-text muna ako, nagtext kasi 'yung matagal ko ng textmate (for two years, 'yung naagwowork sa SM McDo. Tnt), bihira lang kasi siya magtext eh. Hehe. Cguro 11:30 PM na'ko nakaligo. 12:30 na'ko nakaalis ng bahay. Adik. Dumating na kasi ang Yearbook ng batch nina Jerick, after two years, binasa ko muna. Tnt. Naawa nga ako dun sa namatay na taga-Baclaran, hindi na nya naabutan ang yearbook ng anak nya. :((. Buwiset na CL na 'yan, akala ko nasa mata ko na, 'yun pala nasa floor. Haha. Ang hirap kasi magsuot ng patago. 1 PM na, pasakay pa lang ako ng jeep, in fairness, maaraw ngayon, hindi ata umepekto ang sumpa sa sapatos ko. Tnt. Pagdaan ko ng Calamba Doctors' Hospital tinawag ako ni Tita Ellen kasama si Eros, naglalakad sila sabi ko pupunta ako dun mamaya dadalawin ko si Lei paguwi ko galing school. 1:30 PM, pa-PUP pa lang ako, supposedly magsisimula na dapat ang klase. Adik. Pagdating ko ng school wala namang klase, busy ang lahat sa pag-aayos ng evaluation form. Hanggang sa makipag-away na kami sa Registrar's Office, wala kasi kaming gradesheets sa ilang mga subjects namin, kaya hindi kami makaka-graduate. Tnt. Ang sisipag kasi ng mga professor namin mag-submit ng gradesheet eh. Tnt. Andami pa namin kulang na grades. Asar, buong maghapon naming inintindi ang pagkukumpleto ng gradesheets, tapos may inaasikaso pa ako'ng ibang bagay, sizes ng damit, hanggang gym, kahit naglalaro ng basketball ang kaklase ko kinakausap ko, ang hirap kaya. Pati 'yung ipapasa namin sa Counselling nagpaprint pa ako, ang hirap din maging leader noh, kahit pang-dedekwat ng folder nagawa ko na, makapag-submit lang ng project! Tnt. Bago kami umuwi, nagpicture-picture pa ang mga 'graduatables'. Tnt. Nag-usap usap na din at syempre hindi matatapos ang araw hangga't 'di nakakapagpa-pampam. Tnt. Parang ang aaliwalas ata tignan ng mga BPAG 'pag naka-jersey sila. Tnt. Andun din si Bhebhe (Crush ko sa school since first year, tinutukso din ng mga tropa nya sa'kin. Haha) seryosong-seryoso sa panonood ng basketball, umuwi na kami. Sa jeep, tawanan ng tawanan, kuwentuhan. Nag-SM kami saglit, para lang mag-Coke Float at mag-alis ng CL! Tnt. Sa jeep, tawa kami ng tawa, gawa nung barker sabi ba naman 'Oh apat pa, siyaman 'yan! Sige pasok lang ng pasok! Alam namin 'yan!' Nakakatawa. Tnt. 'Di na pala ako makakadaan ng ospital, palabas na din pala si Lei. Pagdating sa bahay, gutom na gutom na ako, hinintay ko lang silang dumating, tapos nag-dinner na kami, dami ko lagi nakakain basta adobo ang ulam. Tnt. 'Di ako nag-internet, wala akong pera. Haha. Nanood lang ako ng TV, nag-FB sa phone, nag-ritual at natulog na. Tnt. Gud'Nyt!

Wednesday, January 19, 2011

1997 CONFIDENTIAL CASE

'Di ba pag 2 AM na January 19 na 'yun? Haha. Since nagising ulit ako at hindi pa makatulog, nag-CP muna ako hanggang 2:30 AM, dun lang ako nakatulog. Tnt. 6:10 AM, ansarap pa sana ng tulog ko kaso kelangan gumising na'ko ng maaga, OJT na naman, mahilu-hilo pa 'ko, sakit kasi ng tiyan ko kahapon pa. Hala 7:10 AM na'ko nakalabas ng CR. Amp. 7:25 AM na'ko nakaalis ng bahay. Haist. Ngayon lang ata ako male-late. Pero pagdating ko ng Asia Brewery, 7:52 AM pa lang, nakapa-in kami ni Rosey (OJT-Interbev, from San Fernando City, Pampanga) 8:58 AM. Tnt. Akala ko nga wala si Michelle eh. Muntik lang pala sya ma-late. Wala daw ipapagawa sa'kin si Ma'am Mimi, so, kay Ms. Jea ako lumapit at nagtanong kung may ipapagawa sya. Buti kahit papano may inuutos sya sa'kin, buong umaga akong nakatunganga at nagsulat na lang ako sa Planner ko, mabuti pa. Balak ko na mag-half day, ang sakit pati ng tiyan ko, may mga reports pa akong aasikasuhin. Pero may inuutos naman sakin si Ms. Jea kaya 'di na 'ko nag-half day, sayang din ang araw. After lunch, puro pagkain at sakit ang pinag-usapan namin ni Michelle. 1 PM, start na ulit ng officeworks, as if marami akong gagawin. Haist. Buti talaga nag-uutos sa'kin si Ms. Jea, may mga pinapagawa sya, habang nag-FB ako, kami lang kasi ang tao sa office ni Ma'am Shane. Nakakatuwa, since wala ako magawa, kung anu-ano pinagtatanong ko kay Ms. Jea, pati pagta-transfer ng call, susme, ngayon ko lang nagawa, ilang buwan na'ko nag-o-OJT. Nag-usap pa kami ni Ms. Jea thru telephone, kakatuwa talaga. 3:15 PM kami nag-break, yehey, kasabay namin si Ma'am Adel at Ms. Jea, dami na namang food na dala ang una. After magbreak, nagbasa na lang ako ng mga kung anu-anong files dun. May nabasa nga ako about dun sa isang worker na pinatay way back 1997, nakakatakot. Pinabasa ko din kay Michelle, takot na takot sya. Nakakatakot kasi, hanggang ngayon pala, after 14 years, wala pa ding suspect, may mga rumors nga daw na nagmumulto dun sa department nya 'yung worker na pinatay. Na-excite tuloy akong umuwi, itatanong ko kay Papa kung anu talagang nangyari dun, I know alam ni Papa 'yun, 21 years syang nagwork sa Asia Brewery, tsaka ka-department pa nya 'yung pinatay. Tnt. Antagal mag-5 PM, lagi pamandin akong naiihi, kaya no choice, kelangan kong mag-CR mag-isa at dumaan sa madilim na pathway papuntang CR. Natatakot tuloy ako gawa nung nabasa ko. Nung magta-Time out na kami, andun na naman sya sa Clinic (Si CN. Tnt) ang ganda na naman ng view, panggabi pala sya. LSS ako sa 'Let's spend more time together' 'di 'ko tuloy maiwasang dugsungan at mag-imbento ng kanta '....you're a Company Nurse, and I am just an OJT, c'mon and tease me (Tnt). Let's spend more time together, though we are just friends, but we can be lovers..C'mon and kiss me..' Hahaha. Adik. Pag-uwi sa bahay, walang tao, sarado at madilim eh, natakot na naman ako. Tnt. Ay, may tao pala, si Jerick, tulog galing work. Pagbukas ko ng TV, tapos na ang Temptation of Wife. Amp. Nagtext na lang ako at nakatulog. Paggising ko, dinnertime! Galing pala silang ospital. After dinner, nagpunta na'ko kina Fey, magda-download ako ng kanta, aasikasuhin ko pati ang report namin. Pagdating ko sa kanila, tapos na silang manood ng T.O.W. at ka-chat nila si Ate Ester (ate ni Fey na nasa Jordan). Hinihintay nya pala akong dumating kasi may package pala sya kararating lang ngayon, may padala sya sa'kin na chocolates, yummy! Nag-internet na'ko, dumating si Ate Ellen (close friend ko, pinsan ni Fey), aba at nagpapahanap ng boyfriend kay Ate Ester, 'di ko tuloy magpigilang sumabat. Tnt. Tawa kami ng tawa. Ang dami kong na-download na games at applications. After 3 hours and 37 minutes, nag-out na'ko. Hehe. Pag-uwi ko, napakadilim na kina Fey, madilim pa sa daan, pagdating ko samin ang dilim dilim din. Grabe, nagmamadali akong makapasok ng bahay. Takot na takot ako. Tnt. Natulog na'ko kaagad. Naayy. Nyt!

Tuesday, January 18, 2011

'I'M A NEW SOUL' (SIKHAYAN FESTIVAL, STA. ROSA CITY)

Ang ganda ng bati sa'kin ng guwardiya ah, 'Good Morning! Sir...Hinagpis!' feeling ko tuloy ang taas taas ko na. Tnt. 'Di naman ako masyadong nagmamadali, pero gusto ko magmadali kunwari. Andami nang aplikanteng nakaupo sa may gate. Pagpasok ko ng office parang 'di na nakakalungkot mag-OJT, weh? Haha. Feeling ko na naman wala akong gagawin buong araw, nagbilin nga ako kay Ms. Jea (HR Assistant) na utusan nya 'ko kung may ipapagawa sya, para naman may magawa ako. Pero sinabihan na ako ni Ma'am Mimi na mag-a-administer daw ako ng ewam ngayon, natuwa naman ako. Tapos gumawa din ako ng ID. Limang lalaki at isang babae ang mga aplikante, as usual, nagkamali na naman sila lahat sa instruction ko, buti at nalaman ko na ang dahilan. Ako na nakakaalam nun. Tnt. Nag-assist din ako ng mga empleyadong nagsusukat ng mga bago nilang uniform. After nila mag-exam nag-check at nag-interpret naman ako. Tinuruan ko din si Michelle. After lunchbreak, sumakit tiyan ko, gawa kasi ng kanin. Amp. Wala na 'ko ginagawa, buti nagtanong ako kay Ms. Jea, pina-laminate nya sa'kin 'yung mga ID ng mga newly hires, tapos nagpa-extract din si Ma'am Mimi ng mga resumés galing sa e-mails. 3 PM, nagbreak kami, ang bait pala talaga ni Ma'am Maricel (Welfare Officer). Tapos nagpapahanap pa si Ma'am Mimi sakin ng Macho Dancer, wala naman ako mahanap. Tnt. After namin magbreak, ansakit ng tiyan ko, gusto ko na umuwi. Haha. Tapos pinakain pa kami ng Pancit Malabon, ang sarap, dami ko nakain, lalong sumakit ang tiyan ko. Tnt. 1 hour na lang, nagsulat nalang ako ng nagsulat ng mga kung anu-ano. Hanggang sa mag-5 PM na, ang saya. Nag-uwian na kami. Hala, tumatawag sya (L). Tnt. Si Michelle mas malapit na sa Asia Brewery, kasi sa San Isidro na sya umuuwi. Pagdating ko sa kanto, lumapit sa'kin si Papa, malapit na pala syang lumakad, sinabi sakin na nasa ospital daw si Lei, kaso 'di kami makakadalaw mamaya kasi biyaheng malapit sya ngayon, gabi na gagarahe. Pagdating sa bahay, gutom na'ko, ansakit din ng tiyan ko. Tnt. Nag-dinner na kami nina Mama at Eros, kami lang tatlo, andami ngang ulam eh, Chicken Carrie, Pancit Canton, Okoy, Itlog (Scrambled) at kanin, por supuesto! Tnt. Andami ko talagang nakain, busog na busog ako. Pagkakain ko, tinamaan na kaagad ako ng antok, buwiset, nakatulog na kaagad ako. Nagising ako 11 PM, may kumot na ako sa sofa at hinampas ni Mama ang siko ko gawa may lamok daw. Paglipat ko sa kwarto grabe anlaki ng tyan ko, ansakit pa, ang hirap naman kasi, nakakatulog ako ng busog. Haiy, maaga pa pala. Tsk. Sana makatulog ulit ako. T_T...

Monday, January 17, 2011

'THE BACK-UP PLAN' (UNFINISHED)

Monday, wala namang text na may papasok eh. Lalo tuloy akong tinamad. Tnt. 11:54 AM na pati ako nagising, late na din ako kung papasok pa'ko, nag-unli na lang ako, buti pa. Nag-GM ako na hindi ako papasok at 'yung tungkol sa report namin sa Thursday. After lunch, prenteng prente ako sa bahay, nood Eat Bulaga, DVD, hanggang sa inantok ako, paggising ko Temptation of Wife na, my favorite, ang ganda talaga nun, about sa nawawalang gold bars ang issue. After dinner, mag-i-internet ako, gusto ko kasing mag-download ng mga kanta, games, applications sa CP ko. May pinapa-download pati si Mama sa'kin. Pagdating kina Fey, ngayon pa lang nila pinapanood ang 'Temptation of Wife' sa Internet. Sila nina Nanay Nelda, Ate Analy, Ate Ely at Feyang. Mga TOW Fanatic din sila, nagkakasundo kaming lahat. Tnt. Pagkaupo ko, nag-download na'ko ng nag-download, andami kong nakuhang games puro palpak pala, late ko na tuloy nalaman na nag-chat pala si Kevin ('Yung friend ko from Naga. Hihi. Tnt), saglit lang tuloy kami nag-chat. 11 PM nakauwi na'ko at natulog, OJT na naman kasi bukas. Kami lang daw dalawa ni Michelle ang papasok, may aasikasuhin daw kasi si Ysa, ok! Haha. Gud'Nyt!

Sunday, January 16, 2011

STO. NIÑO DE CABUYAO FESTIVAL






WORD OF THE DAY: SYIMPRE! (440TH CABUYAO DAY)

Ginising ako ni Mama, parating na daw ang parada ng Sto. Niño, umaga kasi nagpaparada sa barangay namin eh. As usual, Parish Youth Commission na naman ang host, madami ding sumama at nagdala ng mga Sto. Niño nila. Dahil sa puyat ako kagabi, natulog pa ulit ako, ansakit ng ulo ko, kulang pa ako sa tulog, tanghali na ulit ako gumising. Sakto lang sa pag-duty ko sa McDo mamayang 2 PM. Nakinig ako ng Batingaw ng Katotohanan habang kumakain, nag-expect ako na special ang balita ngayon kasi 440th Cabuyao Day ngayon, pero ganun pa din, pinag-usapan lang nila ang mga events na nakaraan at ang mga mangyayari pa mamaya sa plaza. 1:20 PM na, ngayon lang ata ako male-late sa McDo, pinabibili pa ako ng gamot sa Mercury Drug, lalo akong male-late. Pagdating ko sa Sala, sa may bandang pa-Munisipyo, traffic na kaagad, paparating na pala ang parada ng Sto. Niño de Cabuyao, nanood muna ako habang nasa jeep, sa totoo lang ngayon lang ako nakapanood ng parada ng Sto. Niño dito sa Cabuyao, samantalang taon taon may sine-celebrate 'yun dito matagal na panahon na ang nakalipas. Akala ko maigsi lang, pero hindi ko pa din nakikita ang dulo, bumaba na ako at naglakad, binilisan ko na ang lakad, napakadaming tao sa Bayan, ang haba pa pala ng parada hanggang McDo pa, buti naglakad na ako, ang daming grupo na nagparticipate sa parada, akalain mo 'yun from Sala to Brgy. Dos, super haba, andami-daming tao, kung alam ko lang na ganito 'di sana inagahan ko talaga. Dumeretso na ako ng Mercury Drug, mabilis naman akong nakabili, sana nga lang tama nga 'yung gamot na nabili ko? Tnt. Nanakbo na'ko pa-McDo, pagdating ko si Ma'am Tere ang CM, akala ko late na'ko, may 12 minutes pa pala. So nagbihis na ako kaagad, si Meann kasabay kong mag-i-in ng 6 PM. Pagka-Time in namin, nagbilang na ako ng kaha ko, pinakamabilis na bilang ko ngayon sa isang taon na pagka-counter ko, wala pang 5 seconds nabilang ko na kaagad ang laman ng kaha ko. Papano ba naman PhP 3,000.00, lahat five hundred peso bill, 6 pieces. Tnt. Wala kasi kaming barya, papano ako magkakaha nyan? Kelangan mag-ipon pa ko ng coins. Hanggang sa buong duty ko ganun na naman katulad kahapon. Puro tanung ng tanong sa customer kung may barya sila, palitan ng palitan, same scenario yesterday. Pero mas madaming tao ngayon, super, ilang oras atang hindi napuputol ang pila sa'min, sa dulo pa 'ko nyan huh. Walang tigil ang dagsa ng tao, after kasi magparada deretso McDo ang mga tao, kaya pala may mga face paint sila. Tnt. Siguro 8 PM na nung humupa ang tao, dun lang ako nakapag-break with Sir Carl. Grabe kapagod, gutom na gutom ako. Sabay na din kami nag-in ni Sir. Hanggang sa mag-10 PM ganun pa din, madaming tao, walang barya, ay meron na pala, may nagpapapalit na puro limampipisuhin. Tnt. Nag-McDo nga si Leo eh (Schoolmate/Ex-Classmate ko) sa akin pa um-order, pati si Kaye (Co-OJT ko sa Asia Brewery, sa Interbev sya from Sta. Rita, Pampanga). 'Di tuloy ako nakapag-out ng 10 PM, na-extend pa ako hanggang 11:30 PM. Dapat pauwi na'ko nun. Nagtrays na ako, nuzzles, nagbilang. Store Closed. Bakit kaya? Kami na lang ni Sophie ang nasa counter, kaya sayaw kami ng sayaw ng Waka Waka. Adik. 1:00 AM na ata ako nakapag-out. Wala pang masakyan, andami pa kasing tao sa Bayan, katatapos lang kasi ng 'Mutya at Lakan ng Cabuyao' Pageant sa Plaza. Buti nakasakay na kami, nakasabay ko sina Carla at Jenny, samantalang ka-duty ko pa sila kanina. Tignan mo nga naman, nakasakay ko na naman si 'GL---', lagi ko sya nakakasakay pag ganung oras? At hindi lang sya, pati si 'PP', Haha. Twice ko na syang nakakasakay. Haiy. Ang ano nya talaga. Pagdating sa kanto, antagal bago ako nakasakay sa terminal. Magtu-two AM na, pagdating sa bahay kumain pa ako, at nag-CP saglit, natulog na ako. Wala akong balak pumasok bukas. Tnt. Nyt!

Saturday, January 15, 2011

LOLO EDRO'S FAREWELLE

10 AM, bumangon na'ko at kumain, kahit medyo masakit pa ang ulo ko, gusto ko maaga makapunta ng Gulod, gusto ko masaksihan ang paglisan ng isang minamahal na kamag-anak mula sa kanyang pamilya at sa amin na mga kamag-anak nya, nararamdaman ko na ang mga huling oras na kapiling pa namin si Lolo Edro. Pagkaligo ko, nag-ayos na kami lahat at pumunta na ng Gulod. Si Lolo, nasa unahan na, aabangan na lamang nya ang paglabas ng kabaong ni Lolo Edro, marahil tanggap na nya na wala na ang kanyang minamahal na kapatid. Nakahanda na din ang lahat, ang kanyang Asawa, mga anak, mga kapatid, apo, apo sa kapatid (isa na ako dun), mga pamangkin at iba pang mga kamag-anak. Nagsimula na ang pagdadasal habang naghihintay na dumating ang Funeraria, around 12:50 PM, dumating na. Nakakalungkot, matapos ang dasal, nagsimula nang ilabas ang mga gamit sa patay. Nag-iiyakan na, pinipigilan ko ang sarili kong umiyak, pero pag nakikita ko si Ninang, Tita Roxan, umiiyak sila, pati mga anak nyang babae, hindi ko mapigilang umiyak. Bumibigay ang mga mata ko. T_T. Umiinom na lang ako ng tubig para kahit papano mapigilan ang paghabag ko. Sa unahan na kami naghintay, nung lumabas na ang kabaong nya papunta sa karo, nagsigawan na sila at ang lalakas na ng iyakan nila. Wala na. Talagang bumigay na naman ako. Umiyak na din ako ng todo. Wala na'kong magagawa, kelangan ko din naman 'to i-iyak, masama kung pigilan ko. Naglakad na kami, nilisan na nya ang kanyang bahay, ang kanyang tirahan ang Manangkil Compound, ihahatid na namin sya sa kanyang bagong tahanan, ang kanyang hihimlayan sa walang hanggang buhay kapiling ang Diyos. Nilisan na nya ang Gulod, ang kanyang kinalakihan. Madaming naglakad, kami nina Mama, Ninang, Tita Roxan, Tito Andy at Uwey. Si Lola Tenggay na asawa ni Lolo Edro, mga anak at kapatid nya, naglakad din, mga apo nya, kaming mga magpipinsan at iba pang mga pamangkin nya. Sina Papa kasama si Nanay at mga bata, naka-tricycle at umuna na sila sa sementeryo. Mula Gulod hanggang sa Sementeryo ng Mamatid nilakad namin, mainit, masakit sa paa, nakakauhaw, pero hindi ang mga bagay na 'yon ang nangibabaw, kundi ang aming pangungulila at kalungkutan. Pagpasok sa sementeryo, habang papalapit sa Chapel, nakakaiyak na, parang ang bilis ng mga nangyayari, buti may tubig na naman ako, kasi nag-iiyakan na. Kakaawa naman si Lola Tenggay, ang mga anak nila at mga apo. Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak habang nakikita ko sila. Ito na ang huli, ang huling sulyap sa kanya, wala na si Lolo Edro. Sa nitso ni Lolo Ano (kapatid nya) ipapasok ang kabaong ni Lolo Edro, sa itaas ng nitso ng Nanay nila na si Lola Aning at isang kapatid na si Lolo Domeng. Apat na ang aming pupuntahan sa lugar na iyon sa sementeryo, nabawasan na naman ng isang Manangkil, silang mga magkakapatid, from 16 to 11, ngayon 8 na lang sila. (Not so sure about the order) Serafin, Jose (Lolo ko, Ama ni Mama), PEDRO (t), Domingo (t), Mariano (t), Antonia, Juliana, Nieves, Emy, Jenny at Ronaldo. Ngayon walo na lang sila, kalahati na ang nabawas. Sabi ko nga, kung buhay pa sana si Lola Aning, ang ina nila, siya ang mangunguna sa pag-iyak, maya't maya iiyak 'yun, ganyan kasi magmahal ang Ina. Nag-uwian na ang lahat, nagkasya kami sa tricycle namin. 'Yung iba sa jeep, van. Sa Mabuhay kami dumaan, sila sa Nia Road. Bumili kami ng tinapay para pag-uwi may memeryendahin kami. Pagdating sa Gulod. Nandun na din ang iba, except sa van. Nagkainan na kami kina Nanay, andami kong nakain na tinapay para mabusog ako kasi may work pa ako mamaya. Nagkainan kami lahat at nag-uwian na din mga 4 PM, kasabay na namin si Ninang. 'Di ko na ulit alam kung kelan ako makakabalik ulit ng Gulod. Sila, magpapahinga na mamaya, babawi ng tulog, samantalang ako may trabaho pang kakaharapin. Kaya ko 'to...

to be continued...

LOLO EDRO'S FUNERAL










'HINDI KA IGAGALANG DITO'

4:30 PM na. Kelangan 5 PM makaalis na ako ng bahay, 6 PM kasi ako mag-i-in sa work mamaya. Binilisan ko ang kilos ko, ayoko kasing ma-late, hellow? First duty ko ngayong 2011 at saka after 1 month kong hindi pumasok sa work, nag-aalala nga ako baka limot ko na ang pagka-counter. Tnt. Wala pang 5 PM nakaalis na ako ng bahay, wearing my new white shirt. Anung meron? Tnt. Nakarating ako ng maaga sa McDo, nakakatuwa, ngayon ko lang ulit isusuot ang uniform ko. Around 5:40 PM pinag-in na ako ni Ma'am She (Training Manager), akala ko magka-counter na agad ako, 'yun pala pinag-lobby muna ako, ay sa party area pala, kasi katatapos lang ng party. Andumi dumi, andaming kalat, buti medyo ginanahan naman ako magpunas punas ng tables and chairs kahit pagod ako at galing sa pakikipaglibing. Saktong 6 PM kinuha na ako ni Ma'am Armie (Payroll Manager) at pinagbilang na. Wala daw coins kaya kelangan mag-ask for smaller bills sa mga customers. Sa buong duty ko, wala tuloy akong ginawa kundi magtanong ng magtanong sa customer kung may barya sila, lahat kaming mga counter persons walang barya panukli, palitan kami ng palitan, kakatuwa eh. Maayos naman ang pagduduty ko, ganun pa din, 'di ako masyadong nangangapa sa bagong nadagdag na pipinduting meal sa POS (Point of Sales) lalo na sa mga Coupons. Akala ko magiging mabagal ako kasi ngayon nga lang ulit ako pumasok. Hindi naman pala. Madami-dami ding tao, kaya walang humpay ang nakapila sakin, sa gitna pamandin ako. 7:30 PM pinagbreak na ako ni Ma'am Armie, wow, special meal nga pala today, kaya ang break ko ay BigMac with fries (No salt, bawal talaga sa'kin ang fries actually, kasi maalat 'yun, may UTI ako eh. Kaya no salt na lang) drinks (Iced tea, bawal ang soft drinks) and extra rice. Haha. Yummy, kasabay kong nagbreak si Ma'am She, tinanong ko sya tungkol sa process ng pag-a-apply as Manager Trainee, ang dami pala pagdadaanan, parang ayoko na tuloy mag-apply as Manager. Tnt. Ngayon alam ko na ang reason kung bakit hindi pwedeng mag-Manager ang crew sa store kung saan sya galing, tama nga naman si Sir Carl (Payroll/OPS Manager) 'Hindi ka igagalang dito' Haha. Antagal kong inisip 'yun ah. You know why? Isipin nyo din! Tnt. Ansarap ng kain ko, nabusog ako ng todo. Pag-break in ko another 4 hours pa, kasi hanggang 12 AM ako eh. Ganun pa din, madaming tao, walang barya, in-expect ko na magma-McDo si Hayop, kasi lagi sya kumakain sa McDo every saturday dati, pero ngayon madalang na lang. So hindi ko sya nakita ngayon, I don't mind, it's ok. Tnt. Nakapag-out naman ako ng saktong 12 AM, kaso madami pang turn-over, si Ate Marge ang Counter-GY, kaya nakakatuwa, kaming dalawa ang magkasama, nagsasayawan pa nga kami eh, may Waka Waka kasi sa playlist ngayon ng McDo. 1 AM na ata ako nakauwi, pagdating sa kanto ng Mamatid, nagpakaon na ako kina Mama at Papa. Habang naghihintay ako sa kanto may kumausap pa akong taga-Corazon, medyo naawa nga ako sa kanya kasi baka wala syang makasabay pauwi eh mahal mag-special, buti pa ako may sundo. Pagdating nina Mama at Papa bumili kami ng Lugaw, nagugutom ako eh. Pagdating sa bahay, nakasakay na pala 'yung kumausap sa'kin kanina sa terminal, kasi nakita ni Mama na bumaba sa Corazon eh, buti naman. Ansarap ng lugaw, mainit kasi, eh anlamig lamig ng gabi. Nag-CP ako saglit at natulog na, antok na antok na ako, kapagod na araw. Haiy. Nyt.

Friday, January 14, 2011

BUKAS MAGPAPAALAM NA KAMI SA'YO, I'LL TRY NOT TO WEEP...

Naaasar ako, lagi na lang ako nagmamadali sa umaga, bakit ba kasi 7:20 AM na lagi ako nakakaalis ng bahay? Feeling ko tuloy male-late ako sa OJT. Nakasakay ko pa si Kuya Ronald sa tricycle, sa Asia Brewery din pala sya nagwork before, 15 years sya nagwork dun, si Papa naman 21 years, so nagpang-abot bale sila. 7:55 AM, nasa gate pa lang ako! Gate pa lang 'yun ha! Leche, late na talaga ako! Ngayon lang ako nakapag-Time-in na lampas 8 AM na. Gosh. Hinahapo pa'ko. Sa bodega ulit kami ni Ysa, buti natapos na namin. Sa wakas, naupo na lang ako, nagbasa at nagsulat. Inayos na namin ni Michelle 'yung isang kahon. Ansarap nga ng upo ko eh, ang ganda kasi ng swivel chair ko, pang CEO ang dating. Tnt. Hindi na kami ng break, hinintay na lang namin mag-lunch. Dami ko natutunan na mga quotes, sayings pati mga mind twisters na psychological. Lunchbreak, ayos naman. Nabusog sa puchero o nilagang puro buto. Tnt. 12:30 PM nag time-in na kami, ako lagi ang taga-kuha ng time cards namin, advantageous naman daw sa'kin 'yun, kasi maganda naman daw ang view sa loob ng clinic kung saan nakalagay ang mga time cards namin, bakit? Sino ba'ng nasa loob ng clinic? Haha. Pagbalik ko ng mga time cards namin, bumulaga sya ('Yung Nurse dun. Haha) napatingin ako, tapos parang tinanguan at nginitian nya ako? Haha. Feeler na naman ako? Tnt. May 30 minutes pa kami para magpahinga, nag-Facebook na lang ako, aba at andaming online! Mga kaklase ko'ng nasa OJT din, buti pa sila nakakapag-net sa mga computers sa table nila. Amp. Ayun, puro kalokohan lang. 1 PM, start na naman ng ka-boring-an. Tnt. Buti inutusan ako ni Ma'am Mimi na mag-administer ng ewam dun sa isang aplikanteng nahuli. Medyo may edad na lalaki na, pero astig ang pinag-aralan at current work nya ngayon. Sana naintindihan nya instructions ko. Tnt. Wala akong ginawa kundi sumilip ng sumilip sa mga aplikante sa Examination Room. 3 PM, nag-break kami, kagutom eh. After namin mag-break, binalikan ko na si 'Sir' ('yung aplikante. Haha), tapos may binigay ulit akong exam sa kanya. After nun, in-interview na sya at umalis na, good luck to him na lang. Tnt. Halos wala lang ako ginawa bago magtapos ang araw. 5 PM, ang pinakahihintay na oras ng araw. Tnt. Nagpaalam na'ko kay Ma'am Mimi na hindi ako papasok bukas. Pag-uwi, tuksuhan time with the nurse na naman! Si Ms. Jea nangunguna. Tnt. Nagpunta ako'ng McDo, tinignan ko schedule ko. Wala naman palang problema. 6 PM to 12 AM ako bukas, gosh, sana may lakas pa ako nun. Umuwi na'ko, tyak pupunta ulit kami ng patay, huling lamay na kasi ni Lolo Edro, haiy. T_T. Bukas pa pala ako iiyak. Halos mag 9 PM na kami nakapunta, andaming tao, halatang huling lamay na, mga Charismatic nandun ulit, nakita ko na naman ang mga Childhood Friends ko, si Joshua kausap ko. May videoke, nagkantahan sina Ninang at Tita Helen, nag-laro naman ng Tong-its sina Mama at Tita Roxan, dumating ang Kapitan ng Gulod, pinakyaw ang balot pinamigay sa mga tao. 'Di ako mapakali, 'di ko alam kung ano gagawin ko, 'di ko alam kung saan ako mag-i-stay-in, sa kwarto, matutulog ba ako, hala, nag-picture picture o video na lang ako. Tnt. Maagang natulog sina Nanay at Lolo, si Papa nahiga na din sa set. Hupa na ang tao, pumasok nalang ako sa loob at sumilip, napalaro na din ako ng Bingo, siguro 4 years na ang nakararaan simula nung huli akong magbingo dito sa Gulod. Kalaro ko sina Kuya Makmak, Ate Marimar, Ate Mariz, Jireh, Ate Odeth, Ate Miggie, Ate Luisa, Ate Rhose, Ate Ita, Ate Maila, Ate Len-Len, Ate Mylene at Lola Edna at Lola Toneth. 'Yung iba umayaw na. Ansaya talagang mag-Bingo, nakatutuwa, nakalilibang. Kahit feeling ko matatalo na'ko, buti tumatama naman ako, kahit may mga kahati, minsang dalawang hatian o kaya apatan. Kaya ubos din ang puhunan ko. Tnt. Inabot na kami ng 2 AM, dumating ang isang Konsehal dun na Beki o Paminta? Tnt. May mga kasama pang paminta, pagdaan ko sa kanila, 'yung isang matabang beki umaktong hahampasin 'yung isa nyang friend na beki, eh muntik na madali 'yung lower extremities ko. Tnt. Anu ba 'yan. Hellow? Amp. Eh um-o-order sa'kin ang mga 'yun sa McDo eh. 'Di ba nila nakikilala ang isang tulad 'ko? Excuse me? (Ah antaray. Tnt) Parang ayoko pang umuwi, nalulungkot kasi ako. Huling gabi na 'to, wala na, bukas libing na, nakakalungkot talaga, feeling ko maiiyak ako. Andami pang tao sa baklayan, pagsakay ng tricycle napatapat kami sa picture sa labas ni Lolo Edro, nagpaalam muna kami, papano, alam ko naman nag nagsasama na kayo ngayon (Nina Lola Aning, ang iyong Ina, Lolo Felez, ang iyong ama na din, Lolo Domeng at Lolo Ano, mga kapatid mo at Ni GOD). Kaya mapapanatag na kami, bukas, magpapaalam na kami sa'yo, I'll try not to weep. Pero baka bumigay din ako. Pagdating ng bahay, antok na antok na ako. Aagahan namin ang pagbalik dun bukas, balak kong maglakad from Gulod to Mamatid Catholic Cemetery, ihahatid ko si Lolo Edro, maglalakad ako....

Thursday, January 13, 2011

MAMI-MISS KO ANG MGA GABING ITO..PRAMIS! :'((

Umaga na! kung anu-ano naririnig ko, Puregold daw ang ipapalit sa nagsarang Sioland sa Mamatid (Anu daw? Puregold? Tnt). Sabi ko kay Mama 10 AM ako gisingin, natulog pa ulit ako. Bakit naiyak ako? Super habag na habag ako, 'yun pala panaginip lang, pero parang totoo (PP: Nasa SM Calamba kami ni Fey, umiiyak daw ako sa kanya, naglalabas ng sama ng loob). Bumangon na'ko, saktong 10 AM na, pero 12 PM pa naman ako aalis ng bahay, kumain na'ko ng breakfast, actually, brunch na. Tnt. Nanood muna ako ng T.V., pinaasikaso ko kina Mama at Papa ang Form 137 ko sa Liceo (de Mamatid) kasi kelangan na palang ipasa 'yun sa PUP, naligo na'ko, kakaloka ang istorya sa Face-to-Face! Mga Peppermint kayo! Tnt. Pero tinapos ko pa rin. Haha. Naligo na'ko at nagbihis, 12:30 PM na ako nakaalis. May Apple Pie pa akong nakasakay sa jeep, pagdating ko ng terminal, nagkita kami ni Ray-Ann (Boy yan, 3rd cousin ko), pasakay na din sya ng jeep pa-Lyceum. Akalain mo 'yun sa apat na taon ko nang pabalik-balik sa terminal, araw-araw akong dun nasakay papuntang school, ngayon ko lang sya na-encounter sa terminal, as in first time, talaga bang magkaibang magkaiba ang schedule namin? At ngayon lang kami nagkita dun? Anyway, after naming magngitian, umarte ako na may ka-text, kunwari may iniintay ako. Haha. Nakakahiya kasi, baka magkatabi pa kami sa jeep, ayokong ma-required na kausapin sya. Anung pag-uusapan namin? Maaalala ko lang ang childhood days namin. T_T. Tnt. Buti dumating si Sheena (Close Friend ko, Schoolmate ko nung Highschool sa Liceo), nag-usap kami, papasok na din sya sa school nya, sa Lyceum. Hanggang sa sumakay na sya (Ray-Ann), sumakay na din ako, magkaibang jeep 'yun ah. Tnt. Saktong 1 PM umandar na 'yung jeep, sana 'di ako ma-late, 1:30 PM ang klase kay Dir. Torres. Pagdating sa Rotonda ng Sto. Tomas, My God! 'Di pa pala ako nakakapag-bayad, makakalimutin na talaga ako! Simula nung na-ospital ako nakakalimutan ko nang magbayad sa jeep. Haist. Pagdating sa PUP, wala pang klase, naghintay kami sa room, kung anu-ano pinaggagawa namin, tawanan, kwentuhan, kantahan, pa-pampam naman lagi si 'PamBoy' ('Yung 1st Year stud na ECE. Tnt) gawa kasi ng mga boys eh. Haha. Tapos nagpunta na kami sa Psych Kubo, kwentuhan na naman, tawanan, nagpa-nailcut pa'ko kay Carlene. Tnt. Um-akyat na kami sa Octagon, dun kami sumayaw, este nag-exercise pala kami, therapeutic exercise. Nag-klase pa si Dr. Sanchez, nag-cellphone lang ako, kumuha ako ng Games sa CP ni Sheryl. Adik. After ng klase, umuwi na kami kaagad, tawanan lagi kami ng tawanan, 5:30 PM na ata kami nakauwi, sabi ko pamandin kay Mama 5 PM ako uuwi. Nag-kwek kwek kami, juice, pampam, basta, madami. 'Di na tuloy kami nakapag-SM, gabi na kasi, nagpapasama pa si Gladz sa 711 Mamatid, buti nalibang ako sa bagong laro sa CP ko, Casino Manager. Ka-adik! Tnt. Pagdating ng 711, 7:24 PM na pala! 8 PM pupunta nga pala kami ng patay. Umuwi na'ko, iniwan ko na si Gladz at Meann. Pagdating ng bahay, nadali ko pa 'yung aso, ang dilim kasi, at saka nagmamadali na ako. Kumain na ako, binilisan ko na ang pagkain kasi nandun na si Tita Helen, 8 PM na pati, dapat papunta na kami ng Gulod. Nag-shorts lang ako, parang pumorma pa'ko ah. Tnt. Pagdating namin ng Gulod, may gawain daw ang mga Charismatic (Born Again Christians) sa patay, so andami daw tao dun, kina Nanay muna kami nag-stay-in. Sumilip lang ako saglit, nakita ko pa si Jediah pati mga kapatid nya, she's one of my childhood friends during the time when I was torned between two religions. Tnt. Saglit lang kami nagngitian, hinintay namin matapos, hanggang sa dun na kami kumain kina Nanay ng sopas, kami nina Mama, Papa, Nanay, Tita Roxan at mga bata. Nung matapos na ang prayer worship nila, k-um-onti na ang tao, nagpunta na kami, kumain kami ng mga biscuits, cornicks, candies, uminom ng juice. Around 10:24 PM, bumalik na ang lahat sa bahay, sa pangunguna ni Nanay, biniro namin na tinatawag 'daw' sya ni Lolo, tumalima naman si Nanay, so sa paglalakad nya pauwi ng bahay, nagsunuran na kaming lahat. Kala ko uuwi lang saglit sa bahay, 'yun pala uuwi na din kami sa'min, parang ayoko pa umuwi, kasi parang marami pang mangyayari sa gabing ito, may bingo daw ulit, darating daw si Mayor? (Sabi ni Tita Roxan sa madaling araw daw 'yun napunta pag wala nang tao sa patay. Tnt), ngayon pa lang dumadami ang tao sa baklay, haiy, may nakita pa'ko na BMT? Haha, basta, nagbabaklay sya, tapos nung makita nya ako lumabas sya ng kalsada at nagtinginan kami ng nagtinginan (Feeler ako masyado. Tnt). Pauwi na kami sa Mamatid, haiy, mami-miss ko ang mga gabing ito, promise! Si Ninang nasa kanila na, kumakain, pagkagarahe, naglakad na kami, hinatid ko si Tita Helen at bago matulog, hinintay ko pa mag-12 AM, para i-greet si Jenny ng 'Happy Birthday!'. Ansakit sa ulo, antok na antok na kasi ako nun. Buti may nakachat pa akong taga-Caloocan, i don't know? Basta, Nyt nyt na!

Wednesday, January 12, 2011

AMMAH 'T.O.W.' FANATIC (LOLA ANING'S 3RD DEATH ANNIVERSARY)

Bakit ganun? Antok na antok ako. 6:15 AM na'ko bumangon, bago pa'ko makakain at makaligo tyak na male-late na naman ako. 7:20 AM na ako nakaalis, My God, makarating kaya ako ng Asia Brewery ng 8 AM? Nakasabay ko pa sa kanto 'yung isang babaeng Nurse sa SSMC, taga-Mabuhay pala sya. Hehe. Nagmadali na'ko, Gosh, eksaktong 8:52 AM ako nakapasok ng Asia, may 8 minutes pa'kong lakarin ang pagkalayu-layong HRD Office. Buti 8:59 AM nakapag-Time In ako. Tnt. Partida nagfe-Facebook pa'ko nun. Ka-chat ko pa nga 'yung Friend ko na taga-Naga City (friend? Tnt). Nabasa ko na birthday nga pala ngayon ni Judy Ann, 2nd cousin ko sa Gulod, kasabay din ng 3rd Death Anniversary ni Lola Aning, grabe tatlong taon na nya pala kaming inulila. T_T Simula na ang office works, wala na naman akong gagawin, sabi na eh, kakaiyak na OJT talaga. Buti madaming ginagawa si Ysa, tinulungan ko syang maghanap ng mga 201 files ng mga retired, resigned or terminated employees at ilista ang date ng separation from the company. Grabe, andami pala talagang naging empleyado ng Asia Brewery, sa bodega kami buong umaga, kaya nakakapag-Facebook ako thru mobile, syempre kelangan mag-reply ako sa mga posts nya (ni friend daw? Tnt). Hanggang sa magkatamaran na naman, ayun, half day na naman kami. Haha. Ansarap kayang umuwi! Tnt. Lalo na kapag galing sa OJT. Hmm. Kumain muna kami ng lunch sa canteen at nanood sa CP ko ng Comedy Bar, 'di ko na mabilang kung ilang panood ko na 'to. Si Ysa deretso uwi na, pumunta pa kaming San Isidro Heights ni Michelle, may pupuntahan daw sya dun, gusto nya kasing mag-board. First time ko lang makarating sa subdivision na 'yun sa San Isidro, malaki din pala. Kaso wala daw doon ang sadya namin, kaya nanindahan na lang kami, ansarap palang makipag-usap sa mga hindi mo kakilala, mga matatanda pa. Tnt. Umuwi na kami, para makatulog pa'ko pagdating sa bahay. Antok na antok kasi ako. Around 4 PM ginising ako ni Mama, syempre ayokong ma-miss ang episode ngayon ng 'Temptation of Wife' ang favorite Koreanovela ko ng first quarter of 2011 (Recapitulation: Irene, Full House, Stairway to Heaven, Endless Love, House Husband, Dating Now, Chil Princesses, Coffee Prince, Witch Yoo Hee, Wanted Perfect Family, 2005-06: Jewel in the Palace, 2006: Hwang Ji-Ni 2009: Shining Inheritance 2010: High Kick! 2011: Temptation of Wife..et al) Oh di'ba? Kulang pa 'yan, andami ko pang sinubaybayan na koreanovela, ang gusto ko kasi ay Romance-Comedy at saka 'yung Historical, kaya ang pinakapaborito ko sa mga 'yan ay ang 'Jewel in the Palace'. Tnt. Ang ganda ng episode ngaun ng TOW (Temptation of Wife), actually alam ko na ang katapusan, nabasa ko na kasi sa net, kaya alam ko na ang mga mangyayari, balak ko pa ngang bumili pa ng DVD nun eh, para kumpleto na. Adik? Tnt. Pagkatapos, nag-dinner na kami. Pumunta na'ko kaagad kina Fey, antagal ko na kasing hindi nakakapag-computer. Nag-Facebook lang ako, nag-download ng kanta, ng anu (Haha!), nag-Wikipedia, nanood ng mga Sitcom ni Ate Gay, et. c. Naka-3 hours and 45 minutes lang naman ako, grabe sakit ng ulo ko. Pagkauwi sa'min natulog na kaagad ako, ansaya gumising ng tanghali bukas, kasi hapon pa ang pasok. Gud'Nyt!

Tuesday, January 11, 2011

'SEE YOU IN FACEBOOK, APPLE PIE!' (NATHAN'S REGULARIZATION)

Ayoko pang bumangon, antok na antok pa kasi ako. Pero kelangan maaga akong umalis, magpapa-Drug Test kasi ako ngayon, My God, Regular Employee na ako ng McDo, after 1,094 hour-work. Tnt. Pagka-almusal nagmadali na'ko, pero 9 AM na din ata ako nakaalis, ngayon lang pala ulit ako pupunta ng Biñan, last na punta ko dun ay last year, bayan pa nun ang Biñan, ngayon City na sya, ano kayang pagbabago? Let me see. Sa Banlic pa lang traffic na. Amp. Tingin ako ng tingin sa relo ko, kelangan 10 AM makarating na ako ng Areza sa Canlalay. Soundtrip ako sa jeep, pagpasok ng vicinity ng Biñan City, wala namang pagbabago, ganun pa din, except sa mga advertisements na talagang updated, 'Biñan City, Laguna' na ang nakalagay na address. Ang unlad talaga ng Biñan. Before 10 AM nakarating na din ako, welcome back to me! Tnt. Dali-dali akong naglakad, sobrang dami ng tao, inisip ko na lang na hindi naman lahat sila magpapa-Drugtest talaga, 'yung iba nagpapa-medical. Pagkabayad ko ng resibo, nakakalungkot daw ang surname ko, kas 'Hinagpis' daw, sorry, walang impact sa'kin 'yun. Tnt. Pagkabayad ko, nagfill-out na'ko ng form at maluwalhating nakaihi, napuno ko ng 60 mL 'yung bote at sobra pa, kala ko mahihirapan ako sa pag-ihi. While waiting for the result, may nakasabay lang naman ako na 'Apple Pie', ang tangos ng ilong nya, kakatawa sya kasi 'di sya mapaihi, 'di nya mapuno ang bote, naunahan ko pa samantalang isang ihian lang ako. Sa bahay pa lang inom na'ko ng inom ng tubig eh, pati sa Jeep, 'di ako umihi pag-alis ko ng bahay. Hehe. Naghihintay na'ko ng resulta, sya ('yung nakasabay ko'ng Apple Pie) ngayon pa lang nakapuno. Syempre, dumiskarte na naman ako. Haha. Pasimple ko lang naman tinitignan ang form nya for a purpose, ang linaw talaga ng mata ko! Haha. Ang bilis ko'ng natapos, 10:30 AM paalis na'ko ng Areza, see you na lang sa Facebook, Apple Pie! Tnt. Sana 11 AM nasa SSMC na'ko, kukunin ko na ang resulta ng medical ko at magpapa-fit-to-work na rin ako. Buti negative ako sa Drug Test, of course! Why would I worry? 'Di naman ako nag i-illegal drugs nuh! My God! Traffic sa Olivarez, papano na 'yan? Buti nalibang ako, pinanood ko lang naman ang Comedy Bar (na naman?) habang nasa kalagitnaan ng traffic. Tawa ako ng tawa, tinatakpan ko nga ng panyo ang bibig ko. Pagdating ko sa SSMC, Oh My! Punung-puno! Grabe, buti tapos na'ko magpa-Medical, kukuha na lang ako ng resulta. Naabutan ko pa si Meann, si Sweet, Calvin, Rose, Jason at Alex andun din. Normal naman lahat ang resulta ng medical ko. Kaso, kelangan ko din pala pumila sa pagkuha ng Fit-to-Work, oh sya go! Pinila ko na 'yung form ko tatawagin na lang, ihing-ihi ako, sa Target Mall pa'ko umihi, kakahapo. 'Di ko naman sya (Si Hayop) nakita. Pagkatawag sa'kin, pumila na'ko sa Doctor. Habang nakapila, nagkuwentuhan kami ni Meann. Ako pala ang last, kasi magla-lunch na 'yung Doctor. Pagtawag (ulit) sa'kin, in-interview na'ko ng Doctor, sabi kakalungkot daw ang surname ko, déjavou? Kakalungkot ba talaga? Tnt. Sa wakas, pwede na ulit ako magka-schedule! Yehey. Lunchbreak na, wala kaming makainan sa Target kaya nag-Chowking kami, Chow Fan with Halo-Halo kinain ko worth PhP 68.00 lang. After naming kumain bumalik na sila sa SSMC at sumakay na'ko pa-Munisipyo. Pagdating ko dun, aba, may mga naka-post na 'The Application for Citihood of Cabuyao blah blah blah...'. Natuwa naman ako, nagbayad na'ko ng resibo at nagpunta na ng RHU-I Building. Nagkita na ulit kami ni Ma'am Nette (Sanitary Inspectress, Rural Health Unit I, Cabuyao, Laguna) taga-Mamatid din kasi siya, at nakikita nya daw ako magbasa sa Simbahan. She's pregnant pala, ako lang ang tao, habang ginagawa nya Health Card ko nagkukuwentuhan kami. After matapos, nagpasalamat ako at nagpunta na sa McDo, ayun kumustahan na naman, nakausap ko na ulit si Sir Carl, Ma'am Devine. Pinasa ko na ang Annual Medical Exam Result ko, Fit-to-Work Certification, Drug Test Result at New T.A. Form. Sa wakas! Wala na'kong iintindihin, Regular employee na'ko! Magkaka-schedule na ulit ako, ansaya-saya! Para 'kong nabunutan! Tnt. Pagkauwi ko sa'min, 'di ko alam gagawin ko. Mag-i-internet ba? Manonood ng DVD, matutulog o ano? Hala, nanood na lang ako ng 'Temptation of Wife' habang kumakain ng pancit. Ang ganda talaga ng palabas na'to, 'di ko napigilang basahin ang Synopsis, ang ganda kasi, ayan, alam ko na tuloy ang katapusan. Tnt. After dinner, nagpunta ulit kami ng Gulod, sa baklayan, kain ng sopas, higa, nood t.v., gumawa ng Project ni Eduard, browse browse, et.c. May picture na na naka-display sa labas si Lolo Edro. Kakaiyak tuloy. Hmm. Nandun din sina Ninang at Ninong, sabay-sabay kaming umuwi. Ayun lang. Ang pangit ng magiging bukas ko. OJT na naman kasi! Kelangan ko pala talagang umiyak. Tnt. Nyt nyt na!

Monday, January 10, 2011

WHEN IT RAINS, IT REALLY POURS..PRAMIS!

Maaga akong gumising at nag-almusal, kelangan 'di ako ma-late, quiz kasi namin ngayon sa Physics. 'Di ko alam kung mag-uuniform ako, pero socshirt na lang sinuot ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong Scientific Calculator, kasi nasira 'yung ipapahiram sana sa'kin ni Gladz, tapos hindi pa kami nakahiram sa Gulod, wala daw sila Ate Gladys, nagpunta na si Mama kina Lola Pidyang at Oyang sarado pa daw. Nag-text na'ko sa mga kaklase ko na ipang-hiram ako, kaso wala namang nasagot sa kanila. Papano na'ko? Alam ko nga kung papano magko-compute wala namang gagamitin na calcu, edi wala din akong maisasagot? After ko maligo, buti naisip ni Papa na baka meron 'yung isa kong Tito, kasi dealer sila ng mga kung anu-ano eh. Nung nagtanong si Mama, meron daw so nakahiram na'ko and at the same time um-order na din ako para meron na'kong sarili, kung 'di ba naman nawala 'yung Scientific Calculator ko nung High School, original pamandin 'yun. Tapos nakasalubong pa ni Mama 'yung anak ni Lola Oyang, sabi meron din daw sila nun. Aba, dalawa na sana mahihiraman ko ng calcu. 9:15 AM na ako nakaalis sa'min, sabay kami ni Sahara. Nasa Brgy. Santiago pa lang kami, nagtext na sila, magsisimula na daw ang Quiz! Hala, pagdating namin ng PUP nanakbo na kami ni Sahara, grabe, hinapo ako. Pagpasok ko ng room magsisimula pa lang, sakto lang pala. Pagdating ko sa upuan ko, may calcu na sa armchair ko, sabi ni Carlene hiniram nya daw 'yun para sakin, hala, kung tutuusin tatlo na magagamit kong calcu, tignan mo nga naman, samantalang kahapon wala akong mahiraman kahit isa, ngayon naman andami-dami, when it rains, it pours talaga! Tnt. Matching type at Multiple choice ang types ng exam. Super dali kung tutuusin, kaso 'di ko masayadong naaral ang mga terms eh, nagfocus ako sa mga problems, kaya hinulaan ko na lang 'yung 'di ko alam. After ng exam, nag-exchange gifts na kami. Super late na. Tnt. Naglunch na kami, nakita ko na itsura ng planner ko! Nice naman. While waiting for Dir. Torres, pinapanood ko kina Carlene at Sahara ang Videos ni Ate Gay sa Comedy Bar, tawa ng tawa ang dalawa. Wala daw klase, so umuwi na kami. Asar, umuulan lagi sa tuwing suot ko ang white converse shoes ko! Is that a curse? Everytime na lang kasi eh. Tnt. Kuwentuhan sa jeep, tapos nag-SM kami, nakita ko sya (kilala nyo na! 'yung textmate ko! Ü) sa McDo, naka-duty. So niyaya ko sila mag-mcdo, pero pumunta muna kami ng Watsons, bumili ako ng pabango sa Afficionado, syempre 'yung favorite ko (F56). Tapos nun, nagpunta na kami sa McDo, kaso wala na sya! Nilibot ko na lahat ng sulok ng McDo SM Calamba, wala talaga sya, baka break nya, o nag-out na. Amp. 'Di na kami kumain, umuwi na lang kami, kawalang gana na. Tnt. Si Meann dumeretso'ng Cabuyao, ako umuwi na, bumili akong Siomai. Kasi baka wala na naman akong madatnang ulam ni isa pagdating ko ng bahay. Pag-uwi ko, aba at may lugaw daw, bukod dun may hamonado pa at pinangat na ayungin. Tapos may siomai pa 'ko? Anu ba 'yan, andami kong naging ulam. Samantalang pag-umuuwi ako before, wala! Tapos 'di pa'ko nakakabili dati ng siomai, ngayon naman kung kelan bumili ako, saka madami, anu ba talaga? It is really true that when it rains, it really pours! Haha. Andami ko tuloy nakain. Kaso nakatulog ako. Amp. Antok na antok kasi ako, kaya kahit busog ako nakatulog na'ko. Paggising ko, dinnertime na, kakain na naman? Tnt. After nun, nagpunta na ulit kami sa patay sa Gulod, dami kong nakitang Apple Pie, 'yung iba mga kakilala ko na dati, yummy! Hahaha. 10 PM, umuwi na din kami, kasabay namin si Tita Helen. Bumili nga pala kami ng Penoy na Higupen, one of my favorite food, para tuloy akong naglilihi. Tnt. Andami ko pang ginawa bago ako natulog. Hinihintay ko kasi mag-Face-to-Face wala naman pala! Amp. Kasakit ng ulo ang antok. Nyt!

Sunday, January 9, 2011

PP: JONDY (LOLO PEDRO MANANGKIL'S DEATH)

Masamang balita ang gumising sa'kin. Si Mama, kaninang 5 AM pa pala ako ginigising. Pero 7 AM ako nagising, ginigising nya 'ko para sabihing patay na pala si Lolo Pedro (Tiyuhin ni Mama, kapatid ng Lolo ko), 4 AM daw namatay sa Ospital ng Cabuyao kung saan ako na-confine last month lang. Nalungkot ako bigla at naalala ko sya nung mga araw na buhày pa sya. Ansakit ng ulo ko kasi halos wala pa akong tulog, 2 AM na kasi ako nakatulog last night, in-aral ko kasi ang Physics kaya siguro nasakit din ang ulo ko. Tnt. Akala ko 'di na'ko makakatulog ulit, pero nakatulog ulit ako. Napanaginipan ko pa nga si Jondy eh, 'yung favorite kong sakristan. Ö_Ö. Tanghali na'ko nagising, inaral ko ulit ang Physics, kasi pupunta ako kina Gladz mamaya nagpapaturo sya. May birthday-an nga pala sa kapitbahay, 60th birthday ni Lolo Sammy, so nanunulungan si Mama. Andami ngang bisita, hindi ako nagpunta, bale dinadalhan lang ako ni Mama ng pagkain, sosyal nga ako eh. Tnt. Sabay kami kumain ni Papa, may Leche Flan at Gulaman pa. After tumila ng ulan nag-bike na'ko papuntang Mabuhay, tawag na kasi ng tawag si Gladz. Ngayon lang pala ulit ako nakapag-bike sa Mabuhay. Pagdating ko dun nag-start na kami, si Gladz pinapagalitan ng Mama niya kasi mas naiintindihan pa daw niya (Mom ni Gladz) ang tinuturo ko kesa kay Gladz. Tnt. Pinameryenda pa nga ako ng Siomai at Ube, at sa totoo lang, first time kong makatikim ng Dried Mango. Haha. After 1 and a half hour ata, umalis na kami sa kanila, umalis na kasi siya papunta sa Reunion kuno ng Batch namin nung High School, 'di ako sumama kasi pupunta kaming patay mamaya sa Gulod. After dinner, t-in-ext ko kaagad si Ate Tes na hindi ako makaka-attend ng LCM Meeting namin mamaya. Nagbihis na kami, si Jerick kasama pati si Eros. Pagdating sa Gulod nandoon na si Ninang, nagmano kami sa mga matatanda dun, pati sa asawa ng namatay. Ngayon ko lang ulit nakita si Lolo Pedro simula nung nagkasakit sya, ngayon nakahiga na sya sa kabaong nya. T_T. Nagkasama-sama ulit ang pamilya, kumpleto ang lahat, ilang gabi na naman kami magiging ganito. Tumagal din kami ng ilang oras sa terrace nila Nanay, andun si Lolo, Tita Roxan. Namili ng mga pwede pang isuot na damit, cellphone ni Edward at madami pa. Umuwi na din kami around 10 PM. Pagkagarahe kina Ninang, naglakad na kami papunta sa'min. Pagdating sa bahay nag-cellphone lang ako ng konti at nakatulog na. Maaga pa pala pasok bukas. Nyt..

Saturday, January 8, 2011

SM ESCAPADE W/ MAH FAMILY (CABUYAO DAY PARADE)

7:00 AM nagpagising na'ko kay Mama, expected time ko na dadaan sa amin ang Parade, Start na kasi ngayon ng 440th Cabuyao Day Week Long Celebration. Nag-almusal na'ko at dali-daling naligo, baka kasi dumaan na habang naliligo ako, kaya binilisan ko. Tnt. 8 AM na wala pa din, balak kong ngayon na magpa-drugtest at kunin na ang resulta ng Medical Exam, pero baka sarado ngayon ang Drugcheck Philippines sa Biñan, kaya sa Tuesday na lang pala ako magpapa-drugtest. So excited akong naghintay sa parade, nagpost na din ako ng mga shoutouts tungkol dun, at may nag-comment na malapit na daw dumaan samin since nakadaan na 'yung parade sa kanila. 9 AM na nung dumaan, ang saya, s-in-et up ko na 'yung cellphone ni Jerick para kuhanan ng video at hawak ko naman ang cellphone ko para kuhanan ng picture. Aba, nangunguna ang Float ng Brgy. Mamatid! At may '1ST' sign pa, 'yun pala 1st Placer ang Parade Float ng barangay namin, ang galing, kakatuwa naman, nangunguna talaga ang Brgy. Mamatid sa mga barangays ng Cabuyao. Sh-in-owcase ng Float namin ang kaisa-isang Shrine sa Cabuyao na located walang iba kundi sa Mamatid, ang Diocesan Shrine of San Vicente Ferrer. Kasama pa sa float ang replica ng Mahal na Patrong San Vicente Ferrer habang tinutugtog ang kantang 'San Vicente Ferrer'. Bongga di'ba? Tnt. 2nd Placer ang Brgy. Casile, pinuno ng mga halaman, isang maliit na kubo na puno ng nagdadamihang mga prutas ng saging, mangga atbp. ang float nila, sagana sa mga tanim na prutas ang Casile. At 3rd Placer ang Brgy. Bigaa, may isang malaking bangka ang float nila, at may isang mangingisda na may hawak ng mga sariwang isda, since tabing lawa ang Bigaa, sagana sa pangingisda ang mga taga Bigaa. At madami pang mga parade floats showcasing the different barangays of Cabuyao. Medyo maigsi ang parade pero maganda. Excited kong tinignan ang mga pictures at video.

After lunch, nagkayayaan kami mag-SM, walang kasawa-sawa. Tnt. 1:30 PM ata kami nakaalis, ako, si Mama, Papa at Eros, dadaanan namin sa Liana's si Jerick. Nandun din sa Liana's sina Tita Roxan, Edward, Elaiza at Chichay. Pagdating namin dun, nasa Jollibee sila, si Jerick hindi pa out, so hinintay namin sya, bumili ng phone si Tita Roxan at umuwi na din sila. Pagka-out ni Jerick, hindi pala sya sasama samin sa SM, My God, so kami lang ang nag-SM. Pagdating ng SM Calamba, dumeretso na kami sa McDo, gagamitin ko na kasi ang Sodexo ko worth PhP 300.00 lang. So ang in-order ko ay Double Cheeseburger Medium Value Meal, sila ay Burger McDo lang at Hot Fudge Sundae, hina naman nilang kumain. Tnt. Kilala ko nga 'yung Counter Person eh, Coursemate ko, so nag-uusap kami sa counter. Hehe. Nag-picturan habang kumakain, palinga-linga ako, wala talaga siya ('Yung Textmate ko for two years na Crew ng McDo-SM, hindi nya alam na kilala ko na sya at lagi ko sya'ng nakikita. Tnt) malas naman. So namili kami ni Mama, mga unan, pillowcases, hangers, pati sapatos ni Jerick. So umuwi na kami, balak ko nang dumeretso kina Fey para mag-upload ng pictures, kaso napuwing ako ng isang insekto pumasok sa mata ko, asar, pulang-pula ang left eye ko. 'Di muna ako tumuloy, after dinner na lang. After dinner, nagpunta na'ko kina Fey, nag-upload ng Pix, from Xmas Party pa at Villa Arita, Reunion, Parade at SM Escapade. Tnt. Nag-upload din ako sa Youtube ng video, nung New Year at 'yung parade kanina. Dami ko pa ginawa, akin na 'yun. Haha. May nakachat pa'ko sa FB, ang sweet nya. Tnt. 11 PM na ata ako nakauwi. Pagkauwi ko, may spaghetti palang naghihintay sa'kin, yummy. Nag-aral ako sa Physics bago ako natulog, Oh My! Sakit ng ulo ko, super! Nyt!

Friday, January 7, 2011

THAT'S DESTINY, SA AYAW MO'T SA GUSTO (NAGMAHAL AKO NG ISANG HAYOP)

Naiirita ako. Kasi magpapa-medical na naman ako! Bukod sa gigising ng maaga, kelangan pang magbaon ng st**l! Eiw. Tnt. 9 AM na din ako nakaalis. Asar. Bago kasi ako makakuha, antagal ko sa CR. Haha. Bantos. Pagdating ko ng Clinic, akala ko madaming tao, madami nga! Tnt. Andun din si Sarah! Yehey may kasabay ako. Medyo saulo ko pa naman ang proseso, hinapo lang ako sa pagbabasa ng mga Letters, ambilis kasi ni Ate! Tnt. Umakyat na kami, umihi, kinunan ng dugo, 'di ko nga naramdaman eh, nagpa-x-ray, nagpa-dental, tapos bumaba na din kami para sa Physical Exam, iba 'yung doktor na nag-P.E., iba 'yung proseso nya, mas madali kaming natapos. May nakakuwentuhan pa nga kami ni Sarah na mga Crews din ng McDo eh, from WalterMart-Sta. Rosa at Laguna Bel-Air. Bukod pa dun ang napakahabang kuwentuhan namin ni Sarah, kinuwento ko sakanya ang lahat ng nangyari sa'kin nung naospital ako, halos naikuwento ko na lahat. Kasi habang nakapila kami nagkukuwentuhan din kami. Mabilis kaming natapos, naghiwalay na kami kasi magta-Target Mall pa'ko, tumingin ako ng pantalon, may nagustuhan naman ako at binili ko. Tumingin din ako ng DVD. Antagal ko nga eh, inabot na'ko ng 1 PM. Dalawa lang nabili ko, PhP 50.00 na lang pala ang DVD? Tnt. Andami ko pa nga'ng gustong bilhin eh. Kaso umuwi na'ko. May bibilhin pa pala akong Key Chain ni Jerick. Paglabas ko ng Mall, My God! Nagkita kami (Si Hayop, Haha), I'm not sure if he saw me, but I guess oo! Kasi umirap sya at umiwas bigla ng tingin. Ako naman ganun din, umiwas din ako ng tingin pero 'di ako umirap. Tinutupad ko naman ang sinabi ko sa kanya, na kapag dumating ang araw na magtagpo ulit ang mga landas namin (Posibleng posible, sa McDo, Gulod, sa Bayan) 'di ko sya papansinin, parang walang nangyari, parang 'di ko sya kilala, actually totoo naman. Hindi kami magkakilala! Pero natuwa din naman ako, kasi ewan ko ba kung bakit sya ang nasa isip ko nung nasa ospital ako. Iniisip ko din na baka magkita kami, kasi malapit lang dun ang School nya, akalain mo 'yon, nagkita nga kami. Siguro talagang destiny na 'yun. Tnt. Basta, dumaan ako ng McDo, humingi ako ulit ng Referral kay Ma'am Ivy, for Fit-to-Work at Drugtest for Regularization, nakz, ma-re-Regular na'ko. As of today pala 1,094 hours na pala ang naiwo-work ko sa McDo. So pag-uwi ko, sinabi ko kaagad kina Mama at Papa. Nanood ako saglit ng DVD, at nakatulog. Haha. Ansakit ng ulo ko, 'di ako nakapagsimba, first Friday of the Year, nagsimba pamandin si Nanay Ely. After dinner nagpunta ako kina Fey at nag-internet, nag-download ako ng mga kanta. Gabi na'ko nakauwi. My God. May parade nga pala bukas, start na ng Cabuyao Day Celebration, tulog na'ko. Gud'Nyt!

Thursday, January 6, 2011

LIFE IS REALLY UNFAIR!

Paggising ko kanina, nagbago bigla ang isip ko. Papasok na lang pala ako sa school, gusto ko kasi um-attend sa Physics eh. Dapat a-absent ako, sasama kasi ako kay Mama sa pagkuha ng Medical Certificate at makikilibing na din sana. Kaso nagbago talaga isip ko. Dali-dali na lang akong nagbihis, suot ko 'yung damit na niregalo sa'kin ni Ninang Sister last Christmas. Dapat sabay kami ni Sahara, kaso na-late ako. Tnt. Pagdating sa school, nanakbo na'ko papunta sa room, kanina pa kasi nagkaklase ng Physics si Sir. Puro computations nga eh. Naintindihan ko naman, kaso ang gulo. Tnt. Ang sosyal naman namin, sa Jollibee pa kami nag-Lunch. Naubusan na kasi kami ng ulam sa karinderya. Tnt. Asar, sabi ko pamandin magtitipid ako. Hundred plus pa din nagastos ko. Amp. May meeting daw ang mga Society Officers, wala ako sa mood um-attend. Haha. Napagalitan pa ang section namin dahil sa hindi pagsusuot ng uniform. Kung kelan naka-civilian lang ako, saka pa napagalitan, guilty tuloy ako. Amp. Life is unfair, ngayon lang talaga ako hindi nag-uniform/society shirt, ngayon pa kami napagalitan! Haiy.

Pero ansarap din pala magbalik ng school kahit ang nasa isip ko eh ang libing ni Itang, nakilibing kaya si Mama? Hmm. Na-miss ko din naman kahit papano ang PUP Sto. Tomas, pati ang mga studyante nito. Nakz. Feeling ko pinagtitinginan nila ako kanina, tnt, tsaka may naririnig akong kung anu-anong mga murmurs habang dumadaan ako/kami sa mga grupo ng kung sinu-sinong mga studyante. Haha. Feeler ako! Parang ayoko pa tuloy umuwi. Pero mag-e-SM pa kasi kami, ang bilis ata ng byahe ngayon. Nasa SM na kaagad kami, bibili kami ng gift ko para kay Gladz, sya na pinamili ko. Kaso wala 'yung gusto nyang shoes. Kaya binigay ko na lang sa kanya ang pambili. Gusto ko sanang mag-McDo, kasi naka-duty sya! Kaso masyado nang malaki nagastos ko kanina, umuwi na lang kami, nagmamadali na kasing makauwi si Gladz at may pupuntahan pa, ang Ex niya! Andami namin napagkuwentuhan sa jeep. Pagdating ng Mamatid, 'di na'ko nakabili ng DVD. Kasi nga nagmamadali na sya, nakita pa'ko ni Papa sa terminal, tinawag nya 'ko, palakad na din sya. Mag-isa akong nag-dinner kasi kumain na daw si Mama. After ko mag-dinner, nag-online ako, tapos tumawag si Gladz, ang paalam nya daw sa kanila sa amin sya pupunta. Andami namin napag-usapan! Grabe, parang antagal namin hindi nag-usap! Pinag-usapan namin 'yung pagkikita nila ulit ng Ex nya, naririnig ko nga boses eh. Hihi. Tapos pati kung sinu-sino pinag-usapan namin. Tnt. At biglang naputol. Kasi 30 minutes na pala kaming nag-uusap. Nag-text sya, mamaya na lang daw ulit. Text text lang ako sa Smart, Unlimited Text kasi ako eh. Nanood din ng Untold Stories by Face-to-Face. 'Kapag Umibig ang Batang Quiapo', tagal na nire-revista nito, ngayon lang pala ipapalabas. Ang ganda din naman ng istorya, kakaiyak. T_T. Tnt. Ginawa ko na rituals ko, tumawag ulit si Gladz, 10:30 PM na, nandu'n pa sya, ang ni-reason out pa nya sa Mama nya ay ihahatid daw sya ni Papa. Maryosep. Tatawag daw ulit sya. Text text daw kami, kaso wala akong load sa Globe, siguro may ikukuwento 'yun, ka-excite. Tnt. Antok na antok na'ko, gusto ko na matulog. Magpapa-medical pa kasi ako bukas. Katamad. Sarap matulog ngayon, malamig kasi. Nyt!