Monday, December 31, 2012

LAST DAY OF 2012


10:49PM, one hour and eleven minutes before January 1st of 2013. I remember last year, parang ganito din ata ang introduction 'ko? Anyway, this will be my last post this year. Naka-ugalian ko naman talaga every yearend maggawa ng post dito sa online diary ko. Toink. Well, ang kaibahan lang siguro last year, sa Cellphone lang ako nag-ta-type, pero ngayon sa laptop na (nag-level up. TNT). Last year, medyo tahimik lang ang paligid, pero ngayon ang ingay-ingay, nagpapa-tugtog kasi ako ng mga songs from my USB, using our newly owned/purchased Home Theater showcase (Taray), actually kahapon lang namin 'to binili, biglaan nga eh, Flatscreen LED TV with DVD with Amplifier and speakers, marahil hindi naman talaga namin kailangan ng ganyang ka-bonggang TV pero sino ba'ng aayaw ng magandang TV, 'di ba? Atsaka para naman may maipundar ako this Christmas, kung nagka-pera man ako nitong nagdaang pasko, ayoko namang unti-unti lang 'yon maubos sa wala, maigi na 'yung may mai-pundar ako para sa aming tahanan, 'di ba?

Sabi ni Father Jason kanina sa misa, kaya tayo tumatalon tuwing New Year ay hindi dahil upang tumangkad tayo, tumatalon tayo upang sa pag-pasok ng bagong taon, umangat naman tayo, tumatalon tayo hindi upang tumaas ang height natin bagkus tumaas naman ang antas ng buhay natin. Sino ba'ng ayaw sumagana at umunlad ang buhay? 'Di ba wala? Taun-taon, 'yun lang ang lagi kong dasal, ang umunlad at sumagana ang aming buhay, kung hindi man kami yumaman ng biglaan (like winning on a lottery, becoming a millionaire instantly) pero kung unti-unti naman magiging maayos ang buhay namin at araw-araw kami'ng magkakasama, wala na'ng mas liligaya pa sa aming pamilya.

Last year, 20 years old lang ako (Lol), Local Store Marketing sa McDo, Single (not married), sabihin na natin na masaya din naman ako kahit papaano last year, pero mas masaya ako ngayon. Sinalubong ko ang 2012 last year na malungkot, pero kailangan magsaya, puno pa rin ng pag-asa, I remember last year, sabi ko sa sarili ko maraming mangyayari sa akin sa taong 2012, pero ngayon na-rerealize ko na lahat ang mga nangyari ngayong taong 2012 na nagdaan. Anu-ano nga ba?

January 2012, usual lang, nag-iisip ng mga maaaring mangyari sa mga susunod na buwan, February 2012, nag-celebrate ng Valentine's Day na single, dahil walang jowa, pero still nag-celebrate pa din ako with my friends and my loved ONE, naka-duty ako nun sa McDo tapos.. (oh 'wag na'ng balikan pa! TNT), March 2012, wala ako'ng maalala, ay wait! Kunin ko pala 'yung planner ko para maalala ko ang mga nangyari nung March, ayun! Busy ako sa McDo, training newly-hired service crews, party-hosting, nag-aapply pala ako ng bagong work (oh 'di ba, nasa resigning stage na pala ako that time), at higit sa lahat may jowa pala ako (February 23 to March 20, 26 days lang naging kami ni _ _ _, medyo nasaktan ako kasi naloko na naman ako, but I'm not sure kung totoo nga, pero proud ako, kasi sa 26 days na naging kami, siguri 4 or 5 days lang kami hindi nagkita :)) April 2012, 5 years na ako as a Lector, and I'm so proud of it, masaya ang naging Fiesta samin kahit sa pagtapos ng araw ay may patayang naganap (so fatal) busy din ako sa McDo nyan, with my Kiddie Crews, lalo na sa Batch 3 kids, sa kanila ko na-feel ang pagiging teacher ko. May 2012, sa buwan na iyan madaming nagbago sa buhay ko, for about two years and seven months ko sa McDo, I finally filed my resignation letter, may part na masakit sa akin ang umalis na sa McDo, but that's life, lahat naman kami (my friends, crewmates) ay mawawala sa McDo, una-una lang 'yan, we have to grow. May 16 ng mapirmahan ng pangulo ang Cityhood ng Cabuyao, 'yun din ang first day ko sa bago kong pamilya, sa aking bagong trabaho. June 2012, medyo nag-aadjust pa sa bago kong workplace, workmates, pero exciting din. Last three days of June ng first time kong makarating ng Davao for a product presentation (oh 'di ba bongga). July 2012, business meeting, site visiting, meeting clients, attending different events, first time ko ding makarating ng Zambales. August 2012, ang malaking pagbabago sa aking bayan, August 04 ang plebiscite ng Cabuyao, at syempre it was ratified and became officially a City on that day. September 2012, second time ko maging coordinator sa awarding ng mga bahay sa sundalo, busy sa work, at syempre nabuhay lalo ang social life ko, I experienced so many things, promise! October 2012, we welcomed the secong Filipino saint, Saint Pedro Calungsod. November 2012, enjoying my social life with one of my closest friends, Lovelyn, I met so many friends in Clan, attending GEBs, etc. Attending planning sessions (in Subic for three days), madami akong nakilalang tao ng buwang ito, mga naging malapit kaagad sila sa puso ko, kaya I know hindi ko kaagad sila makakalimutan. December 2012, I celebrated my birthday more bonggacious than last year, I can say. Ahm, sa mga huling araw ng taon madaming mga bagay ang hindi ko talaga makakalimutan, promise! Mga bagong pangyayari, kaibigan, crush, etc. May mga na-feel ako these past few days, marami akong biyaya na natanggap, hindi lang regalo, reward, blessings, that is why I will always be thankful to God. I will not mention anything here, alam ko na lahat 'yon. I feel more blessed this year than last year. Thanks be to God forever,

My predictions for the coming year of the Water Snake, magiging masagana daw ang taon kong ito, basta't maging humble lang daw ako, I will do it. Pagdating sa Lovelife, ahm, magiging masaya din daw ako this year, (sa wakas! LOL) basta 'wag daw akong maging arogante, I will do.

So, thank you and good bye 2012, and welcome 2013! Though the coming year is with number “13”, but we should be positive for the whole year and everything will be in good place.

Let us all welcome 2013 with LOVE in our HEARTS, PEACE in our MINDS and GOD in our LIVES..

othanhinagpis2012 is now signing off...

Logging in..

othanhinagpis2013

Jonathan Manangkil Hinagpis
22 years and 27 day-old
5 years and 9 months in service as a Lector in our Parish
7 months and 16 days employed at Ecostrong Builders Corporation
Single but happy and contented
and most of all, 85% virgin, pure, clean and clear. LOL

Sunday, December 9, 2012

MY BIRTHDAY CELEBRATION


Happy Birthday Papa, kagabi pa lang binati ko na si Papa sa Facebook :) Sunday today so I have to attend the Holy Mass, 8 AM talaga ang schedule ko today kasi mag-hahanda kami later. Double celebration ang mangyayari mamaya.

Inagahan ko ang punta sa simbahan, gusto ko kasi magbasa ng Tawag sa Kasal, pagdating ko sa church wala pa si Ate Tes (Commentator), nag-pamisa ako para sa aming dalawa ni Papa (Thanksgiving), binigay sa'kin ng Parish Secretary ang list of Wedding Banns kaya ayun, pagdating ni Ate Tes, inabot ko sakanya 'yung folder at sabi nya, “Ikaw na magbasa ng Tawag sa Kasal. Please?” Kaya ayun ako na din ang nagbasa.

Ibang pari ang nagmisa, si Rev. Father David Reyes, Bishop's Secretary, kaya parang kinabahan kami'ng lahat, syempre kailangan galingan namin ang pagbabasa. Ako ang first reader, maayos naman pero kinabahan talaga ako, una nagsimba si Papa, pinapakinggan nya ang pagbabasa ko, pangalawa ibang pari ang nagmisa. Inawit ko ang “Ang Salita ng Diyos”, at feeling ko palpak ako. Toink. Nilakasan ni Ate Esther (Psalmist) 'yung pag-awit nya ng Salmo, kahit hindi masyado makasabay ang Choir, nakanta nya ng maaayos, si Ate Tes ang tumutugon. Si Ninang Chris ang second reader at si Bro. Joel ang Prayer Leader.

After ng misa, masaya naman ang lahat.

Kaso, pagdating namin sa tapat, may patay daw, si Lola Epa, “Epang” sabi ni Nene, ay Lola Epang pala. Nanay ni Lola Annie, siguro namatay na sa katandaan. Dumating na ang Zhen-Sherwin Funeral Services para kuhanin ang katawan, tumawid ako para tignan. Nakatalukbong na ng kumot si Lola Epang, medyo nalulungkot ako, naaawa ako kay Lola Annie, sya kasi ang nakasama ni Lola Epang hanggang sa huling hininga na nya. 92 years old na pala siya, mahaba ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya, alam ko madami na din syang karanasan sa buhay, alam ko madami syang maikukuwento kahit kanino, sa mga apo nya, kahit sa akin, sayang nga lang at hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapakinggan ko kahit isang kuwento ni Lola Epang.

Madami ng tao sa amin, as usual, may laban na naman si Pacquiao with Marquez, this will be their 4th fight. Samantalang abala naman kami sa pamimili at pagluluto para sa pagpapakain namin mamaya. Luto na ang hamunado, papunta na daw sina Jelly at his Ex, Aldmin. Naluto na din ang Spaghetti with Shanghai. Maingay ang buong paligid dahil sa mga hiyawan ng mga nanonood sa laban ni Pacquiao, hanggang sa matumba si Pacquiao at nawalan ng malay, ang lahat ay nagulat at natakot, na-KO si Pacman. Talo si Pacman sa laban nya with Marquez. Pero okay lang, sa labanan may natatalo at nananalo, alam natin 'yan. Hindi din naman sa lahat ng pagkakataon nananalo si Pacquiao. As it is said, 'It doesn't matter if you win or lose, what important is you fight.'. Manny Pacquiao, though you lost your fight, still, you're the greatest fighter in world's history. Filipinos are very proud of you.

Naluto na ang Carbonara, hindi talaga ako familiar sa pagluluto nun. Dumating na si Caybee, Liezel, nabuo na naman ang tropa. Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan. Nag-uwian na din sila, after 30 minutes ata si Love at Joan naman ang dumating, natuwa ako kasi akala ko hindi sila makakarating, todo picture-an kami. LOLZ. Si Sharvie Vhezz ang last visitor ko sana kaso hindi daw sya makakapunta, kaya 'yung mga handa ay binalot ko na lang at dinala sa Mabuhay para ipakain sa mga tropa ko'ng bata. Nasayahan din naman sila kahit papaano kasi naubos ang dinala ko.

Nalungkot ako, kasi saglit ko lang sila nakasama. May pasok na naman bukas, mami-miss ko na naman ang Laguna. Toink.

Saturday, December 1, 2012

UMIIKOT LANG ANG PERA

Saturday, wala kaming pasok. Kaya eto, itsura ng Living room ni Love ang nabungaran ko. 9AM na pala, tulog pa kaming lahat, si Wilza tulog pa din, nakabulagta sa sahig. Toink. Inaantok pa ako, anung oras na ba ako natulog? 3AM? Walastik 'tong si Love, ansakit tuloy ng katawan ko, pinagkasya ko lang ang katawan ko sa sofa nila. Tulog na ang dalawa nung umuwi ako, at hiyang-hiya naman ako! Hindi man lang ako pinaghanda ng kumot at unan! Buti madaming tuwalya si Love, ginawa kong unan at comforter.

Teka, anu-ano ba ang nangyari kagabi? Ang alam ko lang, nag-inom sila, o kami pala. Kasama ko ang mga bata (Bata ng Phase 2, Mabuhay City), ilang gabi ko na ba nakikita at nakakasama ang mga 'yon? Simula nung  makilala ko kasi sila lagi na akong nandun sa tinatambayan nila kaya ayun, lagi ko sila nakakasama. Food trip, kwentuhan, landian (anu daw?), pati inuman, pero kagabi lang naman 'young inuman, naka-700 pala ako. Anyway, ok lang naman hindi ko naman pera 'yun, saan nga ba 'yun galing?

Nung lumapit sa akin ang mga batang 'to, nag-so-solicit for their uniform for the upcoming Liga, nag-solicit din ako dun sa friend ko sa Binan, kaya ayun, after ako mabigyan ng pera ng friend ko na taga-Binan, ibinigay ko naman sa kanila 'yung pera, umikot lang 'yung pera. Hakhak. Kaso, dahil gusto mag-inom ng mga 'to, ayun nagastos na ang pera, instead na ihulog sa tahian ng damit. Anyway. Nangyari na 'yun, tapos na. Ang mahalaga nakasama ko sila kagabi.

Umuwi na rin ako siguro 11AM, tapos nag-Liana's kami nina Mama, Papa, Eros at Lei, syempre pati ako. Nag-withdraw muna ako sa BPI, nabawasan na naman ang savings ko, we have to buy new clothes, antagal na din naming hindi nakagala'ng mag-family. Tutal nakuha ko na naman ang 13th month pay ko kaya may panggastos kami. We ate merienda at ChowKing, hindi ako nanghinayang sa pera na pinangkain naming kahit 500+ pa, sa iba nga kahit magkano magastos ko okay lang, sa family ko pa kaya? Atsaka food naman 'yun nuh. Namili na din kami ng ingredients ng Carbonara para sa Birthday Celebration naming ni Papa next Sunday.

Ahm, after dinner, gusto ko ulit gumala pero ayoko na muna makipagkita sa mga bata. So, while biking, napaisip ako kung saan ako dadaan na hindi nila ako makikita, tyak na once makit ako ng mga 'yun susunod  na naman 'yung mga 'yun sakin. Pero, "THERE ARE SO MANY OPTIONS, BUT I HAVE TO CHOOSE THE BEST ONE.." AND "THERE ARE SO MANY WAYS, BUT I HAVE TO TAKE THE SAFEST ONE.." anu daw? Andrama ko naman masyado. Pagliko ko sa kanto, oh my, andun sila. Kaya ayun, sila na naman ang nakasama ko buong gabi hanggang mag-umaga. Ok lang, masaya naman ako, kagaya ng sinasabi ni Love, pinipigilan nya ako sumama sa mga 'yun ang sumbat ko sa kanya:

"Oy Love, kapag ikaw ang may lakad, at kapag kung kani-kaninu ka sumasama hindi kita pinipigilan. Masaya ka ba? Masaya ka naman 'di ba? Ako masaya din ako, at 'yun ang mahalaga!"

Oh di ba, antaray ng buhay naming ni Love. Toink

Friday, November 30, 2012

"IT'S THE CONTENT THAT MAKES AN ARTICLE NOTABLE"

Supposed to be, wala kaming pasok, kasi today marks the 149th birthday of one of our national heroes, Andres Bonifacio. Pero Sabado nalang daw kami walang pasok, so, ok, much better. Ilang araw na'ng wala si Sir Edwin (Officemate, IT Expert, katabi ko sa table), kaya ayun, I can say na free ako magbrowse any website without feeling of guilt na instead of workloads ang inaatupag ko, nag-iinternet lang ako, pero anyway, hindi naman ako ganu'n, kapag wala na ako'ng ginagawa saka lang ako nag-iinternet. LOLZ. Nakaka-asar, every time nag-Wi-Wikipedia ako, lagi na lang may gusto mag-delete ng mga articles, templates na kino-contribute ko. Kagaya ng template ng City of Cabuyao, it is a template in Wikipedia with links to all of its barangays. It has been proposed for deletion last week pa, and the discussion wether that template should be kept or deleted is still going on. Here's the conversation or discussion:
 

Template:Cabuyao City

A child template of {{City of Cabuyao}}. I don't see any reason not to merge the two since the info in this template is already found in the other one. Unnecessary and redundant. Xeltran (talk) 11:07, 26 November 2012 (UTC)
Update: This is a re-listing of the template since the previous deletion nomination did not result to a consensus. Xeltran (talk) 08:52, 27 November 2012 (UTC)
  • I agree that it would be more logical to merge this template into {{City of Cabuyao}}, because they relate to the same place. — Martin (MSGJ · talk) 15:52, 26 November 2012 (UTC)
  • This issue has already been discussed before. This template only shows all the barangays unlike the other {{City of Cabuyao}} which is more broad. Othanwiki2009 (T)
Keep. Same with {{Legislative districts of Valenzuela City}} in which all of Valenzuela's barangays are separated from {{Valenzuela City}} template. Othanwiki2009 (T)
  • Merge. There is no reason to add a few more barangay links to {{City of Cabuyao}}, which should be cleaned up as well (too many incidental links). -- P 1 9 9   22:32, 28 November 2012 (UTC)
  • All of Cabuyao's barangays have their own links, compared to Valenzuela's. If the two templates should be merged, {{Valenzuela City}} and {{Legislative districts of Valenzuela City}} should be merged too. Othanwiki2009 (T)
  • Merge Redundant and unnecessary, in fact articles linked to template should be AfDed, as they all fail the notability test. Small villages of a tiny little unknown provincial town. All but one barangay should be deleted, IMO the industrial village of Canlubang is the only notable place worthy of a WP article. --RioHondo (talk) 02:26, 30 November 2012 (UTC)
  • I quote "Small villages of a tiny little unknown provincial town", excuse me, are you pertaining to Cabuyao? FYI, Cabuyao is a First Class Component City, and before it became a city, it was the richest Municipality of the Philippines. If you want to delete all the articles related to Cabuyao for your so many reasons, go on! But don't pertain Cabuyao into a tiny little unknown provincial town. Why don't you try to improve Canlubang's article here in WP if you're saying that it is the ONLY notable place worthy of a WP article?? Are you underestimating Cabuyao's barangays??? Cabuyao is dubbed as an Entrepreneurial and Industrial City because of its industrial barangays that you're pertaining to small villages. Happy merging and deleting articles!! -Othanwiki2009 (T)
No, i am referring to the "city" of Tabuk. In a country where even the smallest towns dominated by farmlands and cows are labelled as "cities" (thanks to its influential congressman and mayor with good connections to the president), the city tagging isn't and shouldn't always be relied upon as indication of progress or even, notability. Heck, even the laidback Sipalay and remote Bayugan or even the NPA-infested Guihulngan are labelled as cities these days. As for the "richest municipality" or LGU (thank goodness we had that deleted), if anyone ever believes that, it only means you have a mayor to thank for, for keeping corruption at a minimum and declaring its income honestly cos more populated towns with closer proximity to the metropolis don't get that like Cainta and San Pedro, Laguna. I bet you Barangay Balibago in Santa Rosa, Laguna is at least 10 times more notable than all of your Cabuyao barangays combined, and yet even that doesn't have its own article. --RioHondo (talk) 05:17, 30 November 2012 (UTC)
"City" tagging is not the main topic for this discussion, you're out of topic. Anyway, we're not discussing for which barangay or village should be notable to have a WP article, you even mentioned Balibago which you said 10 times more notable than all of Cabuyao's barangays, are you trying to say that Balibago (if it has an article) is more notable than the whole Cabuyao article? Why don't you list down all small villages which you think are notable and request to have an article in WP?? You know, it's in the content that makes an article notable! All municipalities in the Philippines have articles in WP, do you think all of their articles have notability? Especially the small ones, remote areas, fourth or fifth class towns?? What's the difference between Mamatid's article (Cabuyao's most populated barangay) and El Salvador, Misamis Oriental's article when it comes to notability?? El Salvador is a city in Misamis Occidental, its population is 47,000+ in which I think is lower than the population of Mamatid, an urban barangay, of 50,000+ people. Mamatid is very progressive, it's income and population is already qualified for a municipality status, it is even more progressive than other municipalities existing. Is it enough already for Mamatid to have an article here? Or it is still lacking for notability? -Othanwiki2009 (T)
AFAIK, this conversation only became off topic when someone started saying Bacuyao is the Entrepreneurial and achuchuchu City, 1st class City-BS that deserves this many templates. That's city tagging for you. All these cities and municipalities are incorporated places and they belong to the third-level administrative country subdivision which are all considered notable by default. Mamati or whatever you call your little village and all the rest of the barangays, however, aren't. Unless they are real prominent and backed up by many solid sources from the internet that would prove their significance (e.g, economic), notability or prominence, then they're valid as separate articles. But Manati, Achuchu-I and Achuchu-II? If you ask me, the only real notable barangays in Laguna would be Canlubang, Balibago, Pansol and maybe Mamplasan. All the rest are forgettable. But who knows? the largest barangay of each city (population-wise) could be an exception?--RioHondo (talk) 14:13, 30 November 2012 (UTC)
────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────────Comment Actually, I don't give a damn to whatever a certain city is called or has "achieved." Don't take a nomination personally and keep your head on what is currently being discussed. See WP:ALLORNOTHING (that means no If you delete this you will have to delete this arguments, please). Xeltran (talk) 14:51, 30 November 2012 (UTC)
Will you please be careful on your spelling of Cabuyao? and Mamatid?? So simple spelling. "Bacuyao", "Mamatid" or "Manati"??? Don't pretend to be idiot, because I know that you just want to insist that your bet "Balibago", "Canlubang" and others are more popular and notable than all barangays of Cabuyao that is why you spelled them right. -Othanwiki2009 (T)
TO BE CONTINUED. LOLZ

Anyway, no biggie. Ilan lang 'yan sa mga contributions ko na in-erase ng ilang mga Wikipedians due to some reasons.

Tuesday, September 11, 2012

A CRAZY LITTLE FEELING CALLED BITTERNESS. TOINK

"These dreams go on when I close my eyes...

Every second of the night I live another life.

These dreams that sleep when it's cold outside...

Every moment I'm awake the further I'm away..

(Further I'm away).."

---malungkot ako, madami akong naiisip. Kung anu-ano. 'Di ako mapakali, kahapon pa. Alam nyo ba kung ano ang nagpapabagabag sa isip ko? --SIYA :)

September 9, 2012, 3:30 PM, andami-dami kasing movie na pwedeng magkaroon ang CP ng Tita ko, bakit 'A Crazy Little Thing Called Love' pa? Dati ko pa naririnig ang movie na 'yan. Sige, pinasa ko sa CP ko, mapanood nga, mukhang maganda. Tumingin ako sa orasan, 4:00 PM na pala, ok lang, 5:00 PM pa naman ako pupunta kina Love. Humiga ako sa sofa at pinanood ko na 'yung movie, korean, pero tagalized na. Unang pinakita 'yung mukha ng lalaking bida, 'Sino 'yun? Ang gwapo ah' -komento ni Mama, nakatingin pala sa CP ko. Naka-headset ako, kunwari 'di ko sya naririnig :) Gwapo talaga 'yung guy, maputi, ang cute ng eyes, nose, lips, teeth, kilay, hair, lahat cute! Medyo payat nga lang. :) Nagkukuwento sya, hanggang sa pinakita na ang nangyari noong simula. Noong mga bata pa sila at nag-aaral.

May apat na batang babae, mga hindi naman sila kagandahan. Puro mga boys ang pinag-uusapan nila. Si Nam, 'yung bidang babae, sya ang may crush kay Shone, 'yung bidang lalaki na guwapo. Lahat ay ginawa ni Nam mapansin lang sya nung guy. Naka-relate tuloy ako, naalala ko nung Highschool student palang ako. Ganyang-ganyan ako, promise. Toink. Madaming mga nakakakilig na scenes. Lalo na kapag napapansin ni Shone 'yung mga ginagawa ni Nam. Masarap talaga sa feeling kapag napapansin tayo ng taong crush natin noh? Isa 'yun sa mga masasarap na feeling sa mundo. Kahit ako, I remember when I was in highschool (or even in College :)), lahat ginagawa ko din mapansin lang ako ng taong crush ko. Hndi lang sumisigaw ang puso ko kapag kausap ko sya, tumatalon din ito ako sa tuwing napapansin nya ako, kakilig talaga.

Mula sa isang simpleng bata, mula sa isang pangit, naging blooming si Nam, gumanda sya at napansin sya ng lahat, sa tulong ng kanyang kalog at kwelang English Teacher na si Teacher Inn naging abala sya sa mga activities sa school like Play, maging isang magaling na Drum Major, sumikat sya dahil na rin sa pagsisikap nya na mapansin sya ng Crush nya--si Shone :) May nagkagusto sa kanya at malas nya dahil bestfriend ni Shone ung nagkagusto sakanya. 'Yung feeling na naging sila ng bestfriend ng crush niya? Waaaaah. Ayoko na'ng ikuwento dito, alam ko naman na alam nyo na 'yang story na 'yan. Ako na naman ang huli? Ang ganda talaga ng story.. parang bitin. pero happy ending naman.. kahit 9years nilang tiniis ang bawat isa. naasar ako.. di ko na makalimutan 'yung story.. Ako kasi 'yung tao na kapag naka-relate emotionally sa mga story or movie, matagal bago ako maka-recover. Hindi talaga ako mkarecover..

5:30 PM na ako nakapunta kina Lovelyn, nandun na din si Joan, kinuwento ko 'yung napanood ko, sabi nya matagal na daw ang movie na 'yun.. at nandito nga daw sa Pilipinas 'yung bidang lalaki--si Mario Maurer! Gosh.. Bakit ngayon ko lang napanood 'yung movie na un? Lagi nalang ako'ng huli. Sabagay, sa channel 2 kasi pinalabas kaya 'di ko talaga mapapanood.

Kahit sa office, 'yung movie pa din ang nasa isip ko. Todo search ako sa net. June 2011 pa pala pinalabas dito sa Pilipinas 'yun.. Grabe lampas 1 year na pala.. at my upcoming movie pala si Mario dito sa Pinas, si Erich ang partner nya. Can't wait for that movie! In-add ko si Mario sa FB, Twitter.. Hala na-adik na ata ako sakanya.. Haist.. 'di na sya nawala sa isip ko :(  Kasi ba naman kahit saang anggulo ang gwapo nya.. 'di nakakasawang pagmasdan ang mukha nya.. agree? toink.. Anyway, Thai actor pala sya, akala ko korean. Gusto ko na tuloy makarating ng Bangkok. Toink

Hanggang ngayon dito sa van pauwi ng Laguna, malulungkot na naman ako.. ang lakas pa ng ulan. Naaalala ko na naman ung movie.. ma-i-inlove na naman ako.. Hmp.. Kelan ko ba huling naramdaman 'to? Hay.. makaka-recover din ako.. Isipin ko nalang kahit nasa Thailand SIYA (or sila), iisa pa din ang ang araw na hinihintay natin sa umaga, at iisa pa din ang buwan na pinagmamasdan natin sa gabi. Smile :)

Friday, June 29, 2012

Grabe, laptop pa lang ang nailalagay ko sa bag ko, wala na kaagad space! Siksikin tuloy ang mga gamit ko sa bag ko. Hindi ko alam ang isusuot ko, sa MCDC-Cabuyao kasi ako mag-rereport ngayon. Tiyak na magugulat si Jelly, hindi nya alam na doon ako mag-i-in this morning. Sarado na daw ang kalsada, dahil nagpe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga sa Baclaran, nako napakasaya tiyak sa Baclaran ngayon, nandoon kasi ang Eat Bulaga para sa segment nila na “Juan For All, All For Juan”. Parang gusto ko nga doon dumaan papunta ng office eh, makasilip lang ako. Sikat na naman ang Cabuyao, sana naman ma-endorse sa TV ang Cityhood ng Cabuyao, toink. Pagdating sa Orchard (MCDC-Cabuyao Office), halos lahat sila nagulat, nagtataka bakit doon daw ako nag-in ngayon, ang tanong pa nga ng iba eh, “Dito ka na ulit?” Sabi ko may imi-meet lang na clients si boss kaya doon ako pinag-in. Si Jelly, wala pa. Naunahan ko pa pumasok eh, kaso nung nagkita na kami, hindi na sya masyadong nagulat kasi nalaman na nya na naanduon ako kasi nakasalubong nya daw si Papa nung hinatid ako kanina.




Tuwang-tuwa na naman daw si Jelly, at Masaya sya ngayon sa office kasi nandito ako. Niyayaya nya nga ako mag-lunch out, kasi pupunta daw kami sa kanila sa Villa Estela para masilip namin ang Eat Bulaga, naku nakaka-excite. Ang Baclaran ang pangatlong barangay sa Cabuyao na sinugod ng “Juan for All, All for Juan” ng Eat Bulaga, una ay ang Brgy. Butong, sunod ay Brgy. Pittland. Bida na naman ang Puregold Mamatid. Nakaksabik, kasi makikita ang Baclaran sa TV. Sana maging maayos ang lahat, at makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan, malaki ang tiyansa nilang manalo. Ayusin lang nila! Toink.

Thursday, June 28, 2012

FIRST TIME @ DAVAO

Excited ako na talagang kinakabahan. Syempre unang beses ko pa lang sasakay ng eroplano. Mahilig akong sumakay ng Space Shuttle ng Enchanted Kingdom pero syempre mababa lang ‘yun, ang eroplano sa ere talaga, iniisip ko pa lang nangangatog na ako. Maaga ako’ng hinatid nina Mama at Papa, ngayon lang ako aalis ng naka-shorts lang, take note. Dala ko ay dalawang bag, isang body bag na puro damit at isang bag na hand carry, laptop at mga papel ang laman. Excited talaga ako, syempre after 21 years ngayon lang ako makakasakay ng eroplano, kinakabahan ako kasi mahilig ako’ng manood ng Final Destination medyo napaparanoid ako. Pero alam kong walang masamang mangyayari, God will protect us.


Ayan na! Pagdating sa NAIA Terminal 3, pumila na kami, kaming tatlo nina Sir Jojo (Engineer) at Sir Robert (Architect). Syempre picture-picture sa bawat sulok ng Airport. Nag-Arrozcaldo muna kami, hanggang sa mandating na namin talaga ang pinaka-gate papuntang eroplano, syempre dumaan ako sa napaka-daming inspeksyon. Hawak ang ticket, pinagmamasdan ang oras ng pag-alis. Nag-bus kami sa loob ng airport papunta dun sa kinaroroonan ng Eroplano, hanggang sa Makita ko na sa harapan ko ang eroplano na sasakyan namin. Umakyat na kami, 2nd time ko maka-akyat at makasakay ng eroplano, pero ngayon lang talaga ako bibiyahe sakay ng isang umaandar na eroplano. Pagka-upo ko, feel na feel ko ang atmosphere sa loob. Sinulit ko ang upo ko, mga kung anu mang mga bagay na pwede kong gawin sa loob ng eroplano. Ilang minute na lang lilipad na kami. Nangangatog na ako, sinusunod ko lang ang mga tip sakin na mag-bubble gum, I know lahat ay magiging ok. Hanggang sa umandar na ang eroplano, feel na feel ko ang pag-angat ng eroplano at paglipad nya sa himpapawid, haha, nakakakaba talaga sa una, pero once na marating na ng eroplano ‘yung level nya sa sky, ayos na nag lahat. Pagbaba naman, nakakatakot din, parang bubulusok pababa ang eroplano. At once na lumapag na ang gulong ng eroplano sa lupa, mawawala na lahat ng kaba kasi nakababa ka ng maayos.

Paglapag sa lupa, Welcome to Davao! At last, nakarating din ako sa Davao, napakasarap sa pakiramdam, masaya.syempre picture picture kahit saang sulok. Nag-breakfast kami sa isang kainan sa tapat ng Davao International Airport (Francisco Bangoy International Airport). Grabe, best btreakfast sa Sky Go Café and Resto, Clubhouse ang ion-order namin, the best talaga ang breakfast na ‘yun, double sandwich sya na ang dressing ay lettuce, ham, egg, tomato na may mayonnaise, with Iced Milk pa. Sarap. Nag-taxi na kami papuntang hotel, D’Leonor Hotel sa Downtown Davao kami nagh-check in, maganda sya, condo-style ang mga riooms. May kitchen, dining area, bedroom, mini-bar, balcony living room with TV. Nag-ayos muna kami ng mga gamit, tapos may m-in-eet na kaming client na friend ni boss. Sya lahat ang nag-ayos ng hotel reservation at booking, dinala nya kami sa isa sa mga projects nya sa SM City Davao, developer kasi sya ng mga restaurants sa city, madami na syang project sa Davao. Sa Peri-peri kami nag-lunch, the best ang charcoal chicken dun, at for additional P49, mayroon ka nang unlimited soup at bottomless drink. Mild and Spicy Chicken with Java rice ang kinain namin, with refreshing Mango Juice. Kwentuhan, after nun nagpunta kami sa planta nya. P-in-repare namin lahat ng mga gagamitin para sa Demo tomorrow. Doon na kami inabot ng dilim. Nakakatuwa sa Davao, TV at Radio Stations ay lahat bisaya ang language, syempre lalo na ang mga tao dun, ‘di ko sila maintindihan lahat, pero na-ge-gets ko naman ‘yung ibang mga sinasabi nila. Bumalik na kami ng hotel, ang after an hour, sinundo ulit kami nung friend ni boss at igagala nya daw kami sa Davao, ipapakita nya daw sa amin ang Nightlife sa city. Pops ang pinuntahan namin, Resto bar sya. Tuna Steak ang dinner namin, super sarap, fresh na fresh ‘yung fish. Tapos nag-inom din nkami ng San Mig light, with soft music at kwentuhan, masaya at masarap. Pulutan name ay ‘yung specialty nila na bacon rolls na may shrimp sa gitna, pineapple sauce ang sawsawan, we also ordered sashimi, first time kong makatikim nun. After, dinala naman kami sa mga beerhouse doon, dikit-dikit lang halos ang mga bar, beerhouse at resto sa davao, Masaya, parang Metro Manila pero walang traffic, ang saya sa davao, buhay na buhay ang Nightlife. Malawak ang mga daan, maging ang pamamahala at services ay world class ang internationally recognized. 10 years na pala ang campaign ng mayor nila, si Sara Z. Duterte, kaya bawal talaga ang sigarilyo sa buong Davao. Hindi kami nagtagal sa beerhouse na pinuntahan namin. Sunod naman ay dinala kami sa isang Garden Spa at Massage, nagpa-massage kami, super sarap sa pakiramdam, first time kong magpa-massage, sarap sa pakiramdam, feeling. Maganda naman ang service nila, masasabi ko din na sulit na sulit ang service sa Amaranthus Garden and Spa sa may Buhangin branch. First time ko ‘yun and I will always remember that! :p

2 AM na kami naka-balik ng hotel. Ang saya ng gabi ko, madami akong nakita sa Davao, napuntahan, napaka-ganda ta napaka-saya sa Davao lalo na pag-gabi. Ang dami kong first time. Haha. I Love Davao!

Tuesday, June 19, 2012

PARA AKONG NAGLILIHI SA KWEK-KWEK, TOINK

Excited na excited ako’ng umuwi kahapon, dala-dala ko kasi ‘yung laptop na ginagamit ko sa office, kaya nga ba sumakit ang braso ko sa bigat ng bitbit ko, hanggang ngayon nasakit pa din. Wala naman ako’ng magawa sa laptop ko, since company property sya, naka-blocked lahat ng games at applications. Tuwang-tuwa pa man din si Mama, akala nya kasi makakapag-Facebook sya, toink.




Nagmamadali ako’ng gumala ngayon. Gusto ko kasing sumilip sa Baclaran, pupunta kasi doon ang Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga, ang alam ko nag-pe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga doon. Sa van pa lang ka-text ko na sina Joan at Lovelyn, namura ko pa nga si Lovelyn, nasakit daw ang ulo nya at ayaw nya daw gumala. Toink. Nasisira na naman ang kadena ng bike ko, bwiset. Pagdating kina Lovelyn, kinaon na namin si Joan, grabe tuwang-tuwa ang mga mata ko! Pagdating kina Joan, nanghiram na sya ng bike at gumala na kami, kakatuwa, para kaming nag-usap-usap, naka-violet kami lahat. Main Road to Bacalaran kami, pagdating namin ng Baclaran, madami ng tao sa daan, pero usual lang ‘yun, wala masyado’ng nag-aayos pa. Pero may gumagala na Van at nag-a-announce tungkol sa pagdating nga ng Eat Bulaga bukas, nakikiusap din na sana maging maayos ang pakikitungo ng mga taga-Baclaran sa Eat Bulaga, maging maayos sana ang pagpila nila sa mga numero at upang makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan ng Eat Bulaga.



Nakarating din kami ng Gulod, sa paradahan. Kaso ayaw nila doon kumain, so bumalik na na kami ng Mabuhay. Bumili kami ng Kwek-Kwek at kumain kami kina Lovelyn. Ang sarap ng Kwek-Kwek kahit bmedyo nabitin kami. Umuwi na kami kaagad, para hindi kami mapagalitan ng aming mga magulang at makagala ulit kami bukas, ‘di ba? Ababait naming mga bata ano? Toink.



Pag-uwi sa bahay, kaantok! Walang magawa sa laptop. Makatulog na! :))

Monday, June 18, 2012

"NASA GITNA KAMI NG P. IN*"

May bago na akong hobby sa umaga pagkagising, iyon ay ang mag-exercise, toink. Bakit ngayon ko lang ginagawa ‘yon sa umaga? Dapat every morning ako nag-e-exercise kasi tumataba na naman ako. Andaming class suspensions ngayon, maulan na naman kasi, puro baha, kaso sa Metro Manila lang, ano bang care ko dun? Kelan ba ma-sususpend ang work ko sa office? Toink. Pusong bato kaagad ang napakinggan ko, tugtog sa tricycle. Talaga palang uso ang kantang ‘yon? Late ko na naman na-discover. Traffic, Lunes kasi ngayon. ‘Yung ibang college schools ngayon lang nag-start ang classes nila. Pagdating sa may riles, dahil traffic, sa gitna ba naman ng riles kami tumigil, ‘di kasi maka-adjust ang tricycle, buti at walang padaan na train, dahil kahit isang hugong lang ng tunog ng tren ang marinig ko, tatalon talaga ako sa tricycle! Napapatawa nga ako, kasi napa-mura tuloy ako, “Nasa gitna kami ng P***ng Ina” Haha! Himala, ako ata ang nauna sa kanto ngayon, naunahan ko si Ghez (HS Classmate, Friend, Now Officemate). Sumakay kaagad kami ng Van, buti hindi ako masyadong nainip sa byahe, dahil may kakuwentuhan ako habang binabagtas ang Expressway papuntang Alabang. At kagaya nga ng sinabi ko, may nasisilayan ang mga mata ko na nakasakay din sa Van, haha, kahit nasa likod sya at hindi ko sya katabi, ayos lang. Masaya pa din. Pagdating sa office, may pinagawa sa akin si Ms. Weng na mga forms para sa Company namin, ang Ecostong, buti may ginawa ako, wala kasi’ng naiwang trabaho sa akin ang boss ko ngayon. Nakita ko ang mga computer ng mga ka-officemates ko dito, nag-kakanyahan ng Screensaver, puro Text lahat, kaya pinalitan ko din ang akin, nilagay ko “don’t cry, La Vita”, kasi LSS pa din ako sa kantang “Don’t Cry” ni Ken Laszlo eto ang lyrics… Open your eyes,that's all he's ever wanted Maybe it's just your love thats gone I can be right when you get the feelings through your heart (into your heart) x 3 What do you think about it? Do you think that is to hide your pride? What do you dream about yourself? Now baby you can tell me,don't be so afraid And Chorus Don't cry,don't cry this is my life Don't cry ,you've not better never lose your mind Now maybe you can feel me,maybe you can see me Don't cry,it's me forever don't forget my eyes Don't cry you have not better never lose your time Now maybe you can feel me maybe you can see me Don't cry Now in your eyes,to the world you've been a strong girl maybe you'll reach for your goal I must belive that you kind of saw to get this far What do you think about it? Do you think that is to hide your pride What do you dream about yourself? Now baby you can tell me,don't be so afraid And Chorus Oh ‘di ba, hehe. Dumating na si Boss, tapos na din ako sa pinagawa ni Ms. Weng na form, pina-check-an ko na sa boss ko, hmm, I expect na matutuwa sya, kasi actually hindi nya naman pinagawa sa akin ‘yun, I voluntarily did that ‘coz I know in the future magagamit namin ‘yun. Tinanggap nya naman, kaso not that too appreciative, ‘yun lang ‘yung na-feel ko, but that’s ok. Medyo tumaas lang siguro ang expectation ko sa level ng appreciation na mare-receive ko. Naisip ko tuloy ‘yung kinuwento sa akin ni jelly, na mag-reresign daw dahil hindi masyadong na-a-appreciate ng boss nya ang mga works nya. Nababalewala ang effort. Na-feel ko din ‘yun ngayon. Hmm. Kesa malungkot ako, inisip ko na lang ‘yung quote na nakadikit sa table ni Ms. Weng about Happiness, “give more.. expect less..” Tama! Toink

Sunday, June 17, 2012

"DON'T CRY, THIS IS MY LIFE"

Linggo na nga lang ang tanging araw na gigising ako ng tanghali, kaso ngayon maaga na naman ako gumising kasi 10 AM ang duty ko sa simbahan. Hindi nakakatamad bumangon kasi alam kong sa Tahanan ng Diyos ako pupunta. Maganda din naman ang gising ko kasi napanaginipan ko 'yung matagl ko ng crush nung College, hay, na-miss ko tuloy sya, kasi sa panaginip ko nag-uusap kami, magkatabi kami, miss ko na talaga sya, parang totoo na magksama kami. Hmm. Ang lalong nagpa-excite pa sa akin ay dahil Commentator ako ngayon. Gustung-gusto ko ang mag-commentator sa misa. Pagdating sa Simbahan, nag-panalangin na ako kay San Vicente at Panalangin sa mga Pari, aba’y sh-in-ortcut ko na, kasi nakukutuban ko na nanduon na si Father, kailangan ko na’ng magpa-misa. Tinapos ko kaagad ang Panalangin, forgive me Lord, nagpamisa na kaagad ako. At kagaya nga ng kutob ko, nakapila na si Father sa likod, bago pa lang ako nagpapamisa, andami pang mga kaluluwa ang pinamisa ko. Nag-start na kaagad, natatawa ako, kasi si Ate Onor (Psalmist) nung nag-start sya kantahin ang psalm which is “Lord, it is good, to give thanks to you”, pero ang pag-kanta nya “Lord, it is good, to give thanks to the Lord”. Redundant ‘yung sentence, akala ko nagkamali lang siya sa una, pero hanggang huli nung ni-repeat nya for the alst time ang psalm, ganun pa din “Lord, it is good, to give thanks to the Lord” so, mali nga talaga ang alam nya’ng verse. Napatawa na lang ako, pero hindi naman halata, kagaya ng pagso-shortcut ko kanina sa Panalangin sa mga Pari, hindi halata ang pagso-shortcut ko, kasi hindi naman alam ng tao ‘yun, kami-kami lang ang nakakaalam. Forgive us, O Lord. Tapos si Ate Beth (Lector 3) naman, after ng Second reading bumaba na si Ma’am Flor (Lector 2), sinenyasan ako ni Ate Beth na ako na daw ang bumasa ng verse ng Alleluia, sumenyas din ako na wala ako’ng misallette, pero ang kanta pala ng choir sa Alleluia ay may verse, kaya no need na basahin ang verse, napatawa na lang kaming dalawa. Haha. While nag-hohomily si Father, napatawa ako du’n sa sinabi nya na, tayo daw mga tao, gusto natin lahat minamadali, instant kumbaga, ang pagtitimpla ng kape, hindi na dati na isa-isa pang lalagyan ng asukal, kape, creamer, ngayon, may 3-in-1 na, isang timplahan na lang. Haha. Napatingin ako sa may luhuran ko, may palakang maliit pala na nakakubli dun, natakot tuloy ako, baka biglang tumalon ay magulat ako baka kung ano pa masabi ko sa mic, nangangamba tuloy ako. Hindi ko alam kung patay o natutulog lang. Buti maayos naman ang lahat, Father’s Day nga pala, kaya binasbasan lahat ni Father ang mga tatay, pina-tayo ang mga ama, tapos sabi ni Father ‘yung mga anak daw at asawa ay halikan ang kanilang ama at asawa. Huwag lang daw hahalik sa asawa ng may asawa, haha. Si Father nag-joke na naman. Nakita ko si Jerome (Officemate ko sa MCDC-Cabuyao) nagsimba ata sya, o mag-aanak sa binyag. Pag-uwi namin, nag-lunch na kami, kasi may program na naman ang mga bata sa Algon, Father’s Day Celebration, invited ang mga bata kasi sasayaw sila. Tinawagan namin si Tita Roxan kasi wala pa sila, ‘yun pala ang alam nila 12 PM pa ang program, pinakausap sa akin si Nanay Ely, ang tanong ko “’Nay punta na kayo dito” ang sagot ba naman ay “Aba papaano ako makakapunta dyan?” ‘yun pala si Lolo ang kausap ko! Tawa kami ng tawa. Nagpunta na kami ng Algon kasama ang mga bata, nagpunta na naman kami dun, para asikasuhin at panuorin ang mga bata, sila lang naman ang may pagkain, toink, kasama namin si Nanay Ely, sya ang nag-bantay kay Elaiza. LSS ako sa “Don’t cry, this is my life” napakinggan ko kanina sa Radio. Madali lang natapos, buti naman, 1:30 PM umuwi na kami. Dumeretso na pati ako sa simbahan, may meeting daw kami with Kuya Alson para sa Souvenir Program, binayaran ko na din si AteTelay. Bale ang napa-toka sa akin ay ang History ng Mamatid at ang Talambuhay ni San Vicente. Medyo madali lang naman, after, nag-miryenda kami, turon na may langka at PJ, ang sarap, toink. Tapos 3PM nagpunta ako kina Feyang para mag-internet, andami kong nakuha (haha), nagFB din ako, nag-upload ng mga pictures last EK adventure. 6PM na ako nakauwi, pagkauwi ko, ang bango ng ulam, fried chicken ni Mama, tapos tumawag si Anthony, nag-usap kami, close na close na talaga kami, at nag-unli pa ako dahil sa kanya. Medyo nagtampo nga lang ako. Nag-text lang ako ng nag-text habang nanonood ng Final Destination 3 in TV5, at nanood din ng bago ko, toink. Kaantok! –Nyt :))

Tuesday, June 5, 2012

PUSONG BATO

Ian Co’s PUSONG BATO Nang ika'y ibigin ko Mundo ko'y biglang nagbago Akala ko ika'y langit Yun pala'y sakit ng ulo Sabi mo sa akin Kailan may di mag babago Naniwala naman sa iyo Ba't ngayo'y iniwan mo. w.lyricsfreak.com/i/ian+co/pusong+bato_20995820.html ] Chorus: Di mo alam dahil sa yo Ako'y hindi makakain Di rin makatulog Buhat ng iyong lokohin Kung ako'y muling iibig Sana'y di maging katulad mo Tulad mo na may pusong bato Kahit san ka man ngayon Dinggin mo itong awitin Baka sakaling ika'y magising Ang matigas mong damdamin Repeat Chorus Di mo alam dahil sa yo Ako'y hindi makakain Di rin makatulog Buhat ng iyong lokohin Kung ako'y muling iibig Sana'y di maging katulad mo Tulad mo na may pusong bato Repeat Chrorus Tulad mo na may pusong bato Twice ko narinig ang kantang 'yan this day dito sa office, anyway, parang ngayon ko lang sya napakinggan? Pero ang ganda nya, ang sarap pakinggan at ang sarap sabayan. Kaya ayan, s-in-earch ko tuloy ang lyrics. Sh-in-are ko na din sa inyo, toink. Ang ganda ng meaning ng song, naka-relate ako. Naranasan ko din naman 'yan before, hindi ako makakain, hindi rin makatulog, nakakatawa na lang kasi kapag naiisip ko na naranasan ko before 'yun, ang reason ay gawa ng pag-ibig o gawa lang ng isang tao? Isang tao na lagi kong iniisip, laging laman ng puso at utak ko, ganun talaga kasi love ko sya e, kaya lang naman ako nalulungkot before kasi kapag hindi ako napapansin ng love ko. Masakit naman talaga 'yun 'di ba? Gigising sa umaga, bago matulog sa gabi maaalala mo sya, pero hindi ka naman pinapahalagahan. Hanggang sa maranasan mo na ang mga bagay na ganyan. Pero ang lahat naman ay naglalaho, maging ang pagmamahal at pag-ibig. Syempre ang masarap ay kapag nakapag-move on na ako sa kanya. Nakakakain na at nakakatulog na ako ng maayos ngayon. With a vengeance na taas-noo kong sasabihin, na kapag nagmahal ako ulit ay 'yung hindi na kagaya nya, na may pusong bato! Haha. Sino ba naman ang magmamahal sa isang taong may pusong bato? Hindi ako tanaga! Kung dati tanga ako, ngayon hindi na. Talagang pinipili ko na ang taong gugustuhin ko. Hehehe..

Monday, June 4, 2012

KA-EXCITE! :DD

First Monday ng June, first day of School ng mga studyante, at syempre sa isang tulad ko, unang araw na naman ng linggo ko para pumasok sa opisina. Oo nga pala, Office boy na ako, toink. Dito pa din ako sa Cabuyao Office ng MCDC, wala pa kasing memo para mag-office na ako sa head office doon sa Alabang. Anyway, medyo nagiging exciting na ang trabaho, nagiging mas enjoy na ako sa work. May ATM na ako, haha, hindi na made-delay ang sweldo ko, ansaya. Na-e-excite din ako kasi may field project na naman kami, presentation na naman sa ibang lugar, kahit walang assurance kung makakasama ba ako, na-e-excite pa din ako. Sundan na lang natin ang mga susunod na kabanata. Toink. May bagong e-mail address na ulit ako, othanhinagpis@yahoo.com, ang magiging official na electonic mailing ko sa ngayon, or in the mean time. Basta ang office a-mail ko ay hindi pa activated, ang jmhinagpis@mcdc.ph. Na-e-excite ako, kasi ako na ang Scheduling Manager ng Church Organization ko, ang LCM. After 5 years kong member ng LCM, ngayon lang ako naging officer, at Scheduler pa ako. Alam ko challenge sa akin 'yun. Magpa-pray na lang ako kay God na tulungan nya ako sa paggagawa ng Schedule ng mga kasamahan ko. Katatapos lang ng Renewal namin kahapon, thankful ako kasi another year of service na naman ang binigay sa akin ni God para mapaglingkuran ko sya. Hanggang dito na lang muna, madami pa ako ikukuwento! Bukas na lang ulit, ha? Toink

Friday, April 6, 2012

FUN WHILE ON SERVICE (Holy Week of 2012)

Sa kalagitnaan ng Banal na Misa, nailaglag ng isang sakristan ang takip ng lagayan ng ostiya at lumikha ng malakas na ingay..

Ate Elvie: “Ay, ano ba 'yan.”

Othan: (nagpipigil ng tawa)

Sa kalagitnaan ng aming sabayang pagbigkas…

Ate Tes: “Ipako sa kruuuuss!!”

Ate Elvie: “uh-uhm.”

Sa loob ng feeding center ng simbahan, habang naghahanda ang lahat sa huling misa…

Lahat: “Oh si Ate Raida ikakasal na!”

Ate Polly: “Sino'ng ikakasal?”

Othan: “Si Ate Raida daw po.”

Ate Polly: “’Ko, nako!”

Ate Polly: “Ate Flor, alam mo ba ang pages?”

Ma’am Flor: “Page 38, na-practice ko na kahapon.”

Ate Polly: “Eh ang Ikalawang Pagbasa?”

Ma'am Flor: “Doon den, magkatabe.”

Othan: (Palihim na tumatawa)

---------

Sa prusisyon (Biyernes Santo)…

Maigsi ang tali ng magkasunod na karo nina San Juan Ebanghelista at Birheng Dolorosa, kami ay nakatanod kay San Juan, kapag nahahatak ang karo ng Birhen, nabubunggo ang mga nasa likuran.

Ate Polly: “Cora, lakdaw lakdaw! Ay, Cynthia.”

Othan: “Santa Maria, Ina ng Diyos.. (tumigil sa pagdadasal at tumawa ng malakas)”

Pabalik…
Mga taga-hatak ng karo ng birhen: “Dahan-dahan at masyadong mabiles!”

Ate Marie: (naghahatak ng nasa unahang karo ng San Juan) “Ho sya! Kayo na dito!”

Napa-bilis na naman ang hatak… Si Ma'am Flor ay nananakbo pahabol sa karo ni San Juan…

Kuya Alson: “Si Ma'am Flor oh, nagja-jogging na!”

Pagpasok sa patio ng simbahan.. Ang mga taumbayan ay pinagkukuha na ang mga bulaklak ng karo ng San Juan..

Kuya Alson: “Naku po! Pati ang ilaw baka kuhanen! Naku po! Naku po!”

Patuloy sa pagkuha ang mga taumbayan.. .

Kuya Alson: “Naku po! Pati ang dahon pinagkukuha na! Naku po oh! Pati ang ilaw kuhanin nyo na! Naku po!”

-----------

Easter Sunday (Last Mass)

Lector 1 (Ate Princes) - Kinanta ang "The Word of the Lord" nang nakapikit.

Salmista (Ate Chelle) - Nagpalit bigla ng boses habang kumakanta ng Salmo.

Lector 2 (Jonathan) - Mali ang binasa, Corinto ang binasa instead of Colosas.

Lector 3 (Ate Telay) - Tinapik bigla ni Fr. Richard, hindi alam na nasa likod na nya pala si Father.

At…

Commentator (Ninang Chris) - Nagpaluhod na, hindi pa tapos ang komunyon. Ready na si Father for the final blessing---Nag-aayos pa ng mic!


Sa isang organisasyon, mapa-maka-Diyos pa iyan at sa loob man ng simbahan, hindi mawawala ang mga pangyayari’ng nakakatawa, pero kapupulutan ng aral at nagbibigay ligaya sa bawat isa sa gitna ng paglilingkod sa Kanya.

Sunday, January 1, 2012

SA KABILA NG LAHAT (WELCOME 2012!)

30 minutes before 2012. I'm reading my last year's post, same time and scenario. Same time? 30 minutes din before 2011, same scenario, dito din nakaupo sa kinauupuan ko, maingay, madaming nagpapaputok sa labas, tulala at malungkot, kung anu-ano na naman ang iniisip ko.

Mga nakalipas na panahon, mga pangyayari sa nakaraan, mga nakilala ko, nagbago sa buhay ko, nawala, umalis, ang naging buhay ko after 365 days. Ngayon, papano ko na naman haharapin ang bagong taon? Ano naman kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw? Sinu-sino kaya ang mga makikilala ko? Anu-ano kaya ang magbabago sa buhay ko? Andaming tanong, papano ko ba nasagot ang mga tanong na 'yan last year?

Last year, kagagaling ko lang sa sakit, kakalabas ko lang sa ospital, nagpasko ako na may dextrose sa pulso at sinasalinan ng dugo. Madali lang, pinangako ko lang last year, na babawi ako at babangong muli sa pangalawang buhay ko. Magpapakasaya at i-e-enjoy ang buhay. Mukhang natupad ko naman 'yun, nakatapos ako ng pag-aaral, g-um-raduate ako na walang bagsak. Masaya ako sa mga naging unang buwan ko, madami ako nakilala. Ang career ko sa McDo ay nagpatuloy lang, mas na-enjoy ko ang pagiging isang service crew sa kabila ng pagiging isang degree holder ko, katangahan ba 'yun? Naramdaman ko ang pagiging isang crew chief, nag-train ako ng crew, natupad ko din ang pangarap ko na mag-suot ng maroon na uniform, bilang isang LSM, mag-host ng party, mag-assist ng madaming customer, kumilos na mukhang kagalang-galang dahil sa kurbata. Sabihin na natin na mas madami akong natutunan sa mga araw at buwan na pag-stay ko sa McDo. Mas madami din ako nakilala, mga customers, bagong crew, at mas lalo akong napalapit sa mga kaibigan ko sa McDo, mas lalong lumalim ang relasyon ko sa kanila. At hindi ko pinagsisisihan 'yun. So, hindi pala 'yun katangahan? Hindi katangahan ang pag-stay ko sa McDonald's Cabuyao, dahil masaya ako sa mga ginagawa at na-e-experience ko. Madami akong natututunan.

Pagdating sa pag-ibig, meron ba ako nun? Pag-ibig sa Diyos, masaya ako dahil lalong tumatagal lalong lumalalim ang pananampalataya ko sa kanya, 5 years of service as an LCM Member, limang taon ng paglilingkod sa kanya sa pagpapahayag ng salita ng Diyos,wnapakasarap pakinggan, proud ako, super.

Pag-ibig sa pamilya, bumubuhos, pag-ibig sa mga kaibigan, umaapaw.

Pero pag-ibig sa isang tao, lubusan, sobra-sobra.

Halos wala nang natitirang pag-ibig sa sarili, dahil nasa kanya na lahat, matutulog sa gabi at gigising sa umaga na sya lang ang nasa isip. Gusto ko lagi sya kasama, kasama pagkain, kasama pag-inom, hanggang pag-uwi. Sa kabila nun, sa kabila ng lahat, wala naman ako nakukuha kundi pasakit, sakit sa puso at damdamin. Ako lang ang nagmamahal, ako lang ang may gusto, pero tuloy pa din ako, naubos na din ang pag-asa ko, umiyak na din ako, sawa na ako. Katangahan ba 'yun? Sa araw-araw na magkasama kami, masaya ako, kung saan man kami magpunta, mag-bar, kumain sa Jollibee, makipag-meet sa plaza, maglakad pauwi, makipag-inuman, masaya ako. Masaya ako na kasama ko sya, masaya din naman sya, masaya kami na magkasama. Katangahan ba 'yun? Mahal ko sya, matagal na, alam nya 'yun, masaya ako kapag nasa tabi ko sya, masaya ako kapag alam kong nandyan lang sya sa paligid-ligid kung sinu-sino ang kausap at iniintindi, masaya ako kapag magkasama kami maglakad pauwi, kahit kung anu-ano ang mga kinukuwento nya sakin. Masaya ako kapag magka-text kami, kahit kung sinu-sino ang mga ka-text nya, masaya ako kapag ikinukuwento ko sya sa iba kahit nasasaktan ako sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya. Sa kabila ng lahat, 'di ako umaasa, basta masaya ako na minamahal ko sya.

Wala akong pinagsisisihan, dahil masaya ako sa mga ginagawa ko. Kahit sa kabila ng lahat, wala din patutunguhan ang mga ginagawa ko.

Ngayong bagong taon, ipagpapatuloy ko lang ang ginagawa ko, basta masaya ako, basta masaya kami. Ngayong bagong taon, sya lang talaga ang nasa isip ko, alam ko matatanggap ko din kung hanggang saan lang aabot ang pagmamahal ko sakanya. Alam ko, sasaya din ako, 'yung tunay na saya. Hindi 'yung saya na may kasamang sakit, kundi 'yung tunay na saya na alam kong may patutunguhan.

In-e-expect ko na madaming mababago sa buhay ko, madami talaga. Alam ko nasa gitna ako ng isang crossing, 'di ko alam kung saang daan ako pupunta, pero alam ko na Diyos ang nakakaalam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, dahil sya ang may plano sa akin, alam ko na maganda 'yun, 'di ko pa nga lang alam.