Happy Birthday Papa, kagabi pa lang
binati ko na si Papa sa Facebook :) Sunday today so I have to attend
the Holy Mass, 8 AM talaga ang schedule ko today kasi mag-hahanda
kami later. Double celebration ang mangyayari mamaya.
Inagahan ko ang punta sa simbahan, gusto ko kasi magbasa ng Tawag sa Kasal, pagdating ko sa church wala pa si Ate Tes (Commentator), nag-pamisa ako para sa aming dalawa ni Papa (Thanksgiving), binigay sa'kin ng Parish Secretary ang list of Wedding Banns kaya ayun, pagdating ni Ate Tes, inabot ko sakanya 'yung folder at sabi nya, “Ikaw na magbasa ng Tawag sa Kasal. Please?” Kaya ayun ako na din ang nagbasa.
Ibang pari ang nagmisa, si Rev. Father David Reyes, Bishop's Secretary, kaya parang kinabahan kami'ng lahat, syempre kailangan galingan namin ang pagbabasa. Ako ang first reader, maayos naman pero kinabahan talaga ako, una nagsimba si Papa, pinapakinggan nya ang pagbabasa ko, pangalawa ibang pari ang nagmisa. Inawit ko ang “Ang Salita ng Diyos”, at feeling ko palpak ako. Toink. Nilakasan ni Ate Esther (Psalmist) 'yung pag-awit nya ng Salmo, kahit hindi masyado makasabay ang Choir, nakanta nya ng maaayos, si Ate Tes ang tumutugon. Si Ninang Chris ang second reader at si Bro. Joel ang Prayer Leader.
After ng misa, masaya naman ang lahat.
Kaso, pagdating namin sa tapat, may patay daw, si Lola Epa, “Epang” sabi ni Nene, ay Lola Epang pala. Nanay ni Lola Annie, siguro namatay na sa katandaan. Dumating na ang Zhen-Sherwin Funeral Services para kuhanin ang katawan, tumawid ako para tignan. Nakatalukbong na ng kumot si Lola Epang, medyo nalulungkot ako, naaawa ako kay Lola Annie, sya kasi ang nakasama ni Lola Epang hanggang sa huling hininga na nya. 92 years old na pala siya, mahaba ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya, alam ko madami na din syang karanasan sa buhay, alam ko madami syang maikukuwento kahit kanino, sa mga apo nya, kahit sa akin, sayang nga lang at hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapakinggan ko kahit isang kuwento ni Lola Epang.
Madami ng tao sa amin, as usual, may laban na naman si Pacquiao with Marquez, this will be their 4th fight. Samantalang abala naman kami sa pamimili at pagluluto para sa pagpapakain namin mamaya. Luto na ang hamunado, papunta na daw sina Jelly at his Ex, Aldmin. Naluto na din ang Spaghetti with Shanghai. Maingay ang buong paligid dahil sa mga hiyawan ng mga nanonood sa laban ni Pacquiao, hanggang sa matumba si Pacquiao at nawalan ng malay, ang lahat ay nagulat at natakot, na-KO si Pacman. Talo si Pacman sa laban nya with Marquez. Pero okay lang, sa labanan may natatalo at nananalo, alam natin 'yan. Hindi din naman sa lahat ng pagkakataon nananalo si Pacquiao. As it is said, 'It doesn't matter if you win or lose, what important is you fight.'. Manny Pacquiao, though you lost your fight, still, you're the greatest fighter in world's history. Filipinos are very proud of you.
Naluto na ang Carbonara, hindi talaga ako familiar sa pagluluto nun. Dumating na si Caybee, Liezel, nabuo na naman ang tropa. Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan. Nag-uwian na din sila, after 30 minutes ata si Love at Joan naman ang dumating, natuwa ako kasi akala ko hindi sila makakarating, todo picture-an kami. LOLZ. Si Sharvie Vhezz ang last visitor ko sana kaso hindi daw sya makakapunta, kaya 'yung mga handa ay binalot ko na lang at dinala sa Mabuhay para ipakain sa mga tropa ko'ng bata. Nasayahan din naman sila kahit papaano kasi naubos ang dinala ko.
Nalungkot ako, kasi saglit ko lang sila nakasama. May pasok na naman bukas, mami-miss ko na naman ang Laguna. Toink.
No comments:
Post a Comment