Saturday, wala kaming pasok. Kaya eto, itsura ng Living room ni Love ang nabungaran ko. 9AM na pala, tulog pa kaming lahat, si Wilza tulog pa din, nakabulagta sa sahig. Toink. Inaantok pa ako, anung oras na ba ako natulog? 3AM? Walastik 'tong si Love, ansakit tuloy ng katawan ko, pinagkasya ko lang ang katawan ko sa sofa nila. Tulog na ang dalawa nung umuwi ako, at hiyang-hiya naman ako! Hindi man lang ako pinaghanda ng kumot at unan! Buti madaming tuwalya si Love, ginawa kong unan at comforter.
Teka, anu-ano ba ang nangyari kagabi? Ang alam ko lang, nag-inom sila, o kami pala. Kasama ko ang mga bata (Bata ng Phase 2, Mabuhay City), ilang gabi ko na ba nakikita at nakakasama ang mga 'yon? Simula nung makilala ko kasi sila lagi na akong nandun sa tinatambayan nila kaya ayun, lagi ko sila nakakasama. Food trip, kwentuhan, landian (anu daw?), pati inuman, pero kagabi lang naman 'young inuman, naka-700 pala ako. Anyway, ok lang naman hindi ko naman pera 'yun, saan nga ba 'yun galing?
Nung lumapit sa akin ang mga batang 'to, nag-so-solicit for their uniform for the upcoming Liga, nag-solicit din ako dun sa friend ko sa Binan, kaya ayun, after ako mabigyan ng pera ng friend ko na taga-Binan, ibinigay ko naman sa kanila 'yung pera, umikot lang 'yung pera. Hakhak. Kaso, dahil gusto mag-inom ng mga 'to, ayun nagastos na ang pera, instead na ihulog sa tahian ng damit. Anyway. Nangyari na 'yun, tapos na. Ang mahalaga nakasama ko sila kagabi.
Umuwi na rin ako siguro 11AM, tapos nag-Liana's kami nina Mama, Papa, Eros at Lei, syempre pati ako. Nag-withdraw muna ako sa BPI, nabawasan na naman ang savings ko, we have to buy new clothes, antagal na din naming hindi nakagala'ng mag-family. Tutal nakuha ko na naman ang 13th month pay ko kaya may panggastos kami. We ate merienda at ChowKing, hindi ako nanghinayang sa pera na pinangkain naming kahit 500+ pa, sa iba nga kahit magkano magastos ko okay lang, sa family ko pa kaya? Atsaka food naman 'yun nuh. Namili na din kami ng ingredients ng Carbonara para sa Birthday Celebration naming ni Papa next Sunday.
Ahm, after dinner, gusto ko ulit gumala pero ayoko na muna makipagkita sa mga bata. So, while biking, napaisip ako kung saan ako dadaan na hindi nila ako makikita, tyak na once makit ako ng mga 'yun susunod na naman 'yung mga 'yun sakin. Pero, "THERE ARE SO MANY OPTIONS, BUT I HAVE TO CHOOSE THE BEST ONE.." AND "THERE ARE SO MANY WAYS, BUT I HAVE TO TAKE THE SAFEST ONE.." anu daw? Andrama ko naman masyado. Pagliko ko sa kanto, oh my, andun sila. Kaya ayun, sila na naman ang nakasama ko buong gabi hanggang mag-umaga. Ok lang, masaya naman ako, kagaya ng sinasabi ni Love, pinipigilan nya ako sumama sa mga 'yun ang sumbat ko sa kanya:
"Oy Love, kapag ikaw ang may lakad, at kapag kung kani-kaninu ka sumasama hindi kita pinipigilan. Masaya ka ba? Masaya ka naman 'di ba? Ako masaya din ako, at 'yun ang mahalaga!"
Oh di ba, antaray ng buhay naming ni Love. Toink
No comments:
Post a Comment