Sunday, April 24, 2011
MAMI-MISS KITA :((
Happy Easter! Medyo malungkot ako'ng bumangon, kasi parang madami akong mami-miss, ito na ang huling araw ng Mahal na Araw, actually 'di na ito iko-consider as Mahal na Araw kasi Pasko na ng Pagkabuhay, magsasaya at magdidiwang na ang lahat. 10AM ang serve ko, medyo inaantok pa ako, pansin ko every Easter Sunday laging 10AM ang duty ko? Tnt. Pagdating namin ni Mama sa Simbahan, naglalabasan pa lang ang mga tao ng sinundang misa. Nagpunta na ako sa gawing Commentator, lumapit sa akin si Ate Rotchelle, Salmist, may hawak na bata, nawawala daw 'yung bata, so kinausap ko muna, sabi niya Mama nya daw ang kasama nya, medyo naawa nga ako sa bata, mahabagin kasi ako sa mga bata eh, Vincent daw ang name nya. Iginala sya ni Ate Elsa, buti na lang at nahanap namin kaagad ang Nanay ng bata, naalala ko tuloy last year, may nawala ding bata, kaso Palm Sunday naman that time. Pagpunta ko sa Office, nakita ko 'yung lalaking lagi ko ring nakikita na nagsisimba every Sunday at 10AM kasama ang GF nya, ano kayang ginagawa nya sa may Parish Office? Baka magpapakasal na? Tnt. Nagpamisa na ako, ang dami ngang nagpamisa eh, thanksgiving, special intentions at mga kaluluwa, 'di ko nga maintindihan ang sulat nung iba, understood na 'yun. Tnt. Ngayon lang ulit ako nag-Commentator, buti naman at maalwan ang pagbabasa ko. Nagsimula na ang misa, sayang 'di ako ang nagbuhat ng Gospel Book, nag-serve pamandin ang Favorite kong Sakristan. Tnt. Lagi yata kami nagkakasabay mag-serve kapag Easter? Hmm. Maayos naman ang misa, pero malungkot talaga ako, siguro sa sobrang dami ng mga activities namin, mga gawain, pagsisimba, pagseserve, pagpa-practice, lahat lahat, mami-miss ko ang mga ganung gawain, kasi back to normal na ang lahat, natapos na naman ang mga Mahal na Araw, pa-apat na taon ko na bale bilang LCM Member, sana 'di ako maging busy next year, at makapag-serve pa muli ako sa Holy Week next year, ayokong makita ang sarili ko na simpleng uma-attend lang ng misa, naisip ko tuloy ang lahat ng mga tao, mga ordinaryong tao, mahalaga sila sapagkat bukod sa Panginoon, pinaglilingkuran din namin sila. Masaya ako at maligaya sa kung ano mang organisasyon meron ako, sabi nga sa akin ni Ate Esther, ka-LCM ko din, 'Good choice' daw ang pagsali ko sa Lectors and Commentators Ministry. Malungkot talaga ako, basta ang alam ko, marami pa kaming mga activities at misa na pagsasaluhan. Pagkatapos ng misa, tingin ako ng tingin sa kanya, kasi alam ko, hindi ko na ulit sya madalas makikita, basta sya, 'yung binanggit ko kanina. Tnt. Naalala ko tuloy last year ata, parehong pareho ang scenario, ngayon, wala lang si Lawrence, ganun pa din ang mga nagaganap ngayon, bitter pa din ako sakanya, akala ko tuloy nakapag-move on na ako sa kanya. Mami-miss din kita, huwag ka sanang malayo sa akin, sana makita at makasabay pa ulit kita sa pagse-serve. After lunch, nag-prepare na ako sa pagpasok sa McDo, sa Gulod ulit ako dumaan, 'di pa naman siguro aandar ang jeep, kaya sa mga amin na ako bumaba, si Ninang, Lolo at Tita Len-Len lang ang nandoon, nag-usap-usap muna habang naghihintay dumaan ang jeep, nung may dadaan nang jeep, tinawag ako ni Ron-Ron, pinsan ko, buti hindi ko na hinabol pa ang jeep, ipinara na nya ako. Pagdating ko ng McDo, buti 'di pa ako late. May mga nag-o-OJE (On-the-Job Evaluation), apat sila, two boys and two girls. Pagdaan ko ba naman sa kanila, pinakilala ako ni Sir Carl sa kanila as 'Junior Manager', sabi ko, 'Huwag kayo maniniwala dyan kay Sir'. Tnt. Nagbihis na ako, MDS ako ngayon, madami akong customer pero tigkokonti lang ang order nila. Nag-McDo pa nga si 'DL' e, kay Meann sya pumila, pero no deal na sakin 'yun. Tnt. Wala lang, pake ko kung nandun sya? (bitter?). May isa nga akong customer 12 years old lang eh, kakatuwa. After ng duty ko, maaga na akong umuwi. Ewan ko ba kung bakit parang ang sarap umuwi sa gabi na mag-isa, ka-excite kasi umuwi ng bahay, kumain, matulog na at magmura. Tnt. Nyt!
Saturday, April 23, 2011
SI KRISTONG MULING NABUHAY
As usual, tanghali na ulit ang gising ko. Pero wala pang ulam, bago pa lang mamimili si Mama ng iluluto niya for Lunch. Text-text lang ako, medyo nagloloko na naman ang cellphone ko, kaasar, 'di tuloy ako makapag-GM ng maayos. Nag-lunch na kami, medyo nagtataka nga lang ako sa ulam namin kasi Nilagang Manok, parang ngayon lang ako nakapag-ulam nun? Tnt. Nag-orange juice pa kami, so refreshing. After lunch, nanood lang ako ng TV, at nakatulog. Paggising ko, nag-aayos na daw ang mga kasamahan ko sa LCM ng karo ni Risen Christ kina Lola Mameng sa may tapat namin, kanina ko pa nga sila hinihintay eh, sabi 3PM daw gagayakan ang karo, pero 5PM na, pagdating ko dun katatapos lang nina mag-miryenda, nagsisimula pa lang din sila sa paglalagay ng bulaklak, tumulong na ako at nagmiryenda na din. Tnt. Pagkatapos namin gayakan, pati inayos na ang pailaw at ang generator, umuwi na kami para mag-ready mamaya sa Easter Vigil. Excited ako sobra, sa mga activities namin. After dinner, may tumawag sa'kin, coursemate ko, textmate ko din sya, wala lang, nangungumusta lang, nagkuwentuhan kami, medyo kinilig naman ako. Tnt. Ang ganda din ng palabas, 'MAESTRA', natapos ko din bago ako nagpunta sa simbahan. Pagdating ko sa Simbahan nandoon na din ang lahat, nag-aayos, nagpa-practice at naghahanda. Pinatay na ang lahat ng ilaw at nagsimula na ang misa sa labas, hanggang sa unti-unting nagliwanag ang mga kandila habang pumapasok sa loob. Nagsimula na din ang mga pagbasa at salmo, inaabangan naming lahat ang gabing ito, dahil pito ang pagbasa, pito din ang salmo, patay ang ilaw, kaya namin inaabangan gawa ng mga pag-awit namin ng 'Ang Salita ng Diyos' tsala ng mga aawit na Salmista. Nagmimistulang 'Battle of the Voices' ang Black Saturday Night para sa amin, dahil lahat kami ay kakanta isa-isa. Pagkatapos lahat ng pagbasa at salmo, binuksan na ang mga ilaw at nag-awitan na ng Papuri sa Diyos, sumisimbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus. Napakasaya ng lahat, ngayon ay pasko, Pasko ng Pagkabuhay. After ng mass, dumeretso na kami sa kinalalagyan ng Risen Christ, naki-hitch pa nga kami sa Patrol Car eh, kaya nauna kaming apat na lalaki na LCM, ang mga babaeng LCM ay kay Maria sasabay. Umuwi muna ako sa amin, ginising ko na din sina Mama. Maya ng konti, lumakad na ang prusisyon, ang daming sumama, grabe, ang daming sumama sa prusisyon, syempre karamihan ay lalaki. Pagdating sa may simbahan, tanaw na namin ang Maria, pagpasok sa loob ng patio ng simbahan, nagsalubong na ang dalawa, ang Kristong muling nabuhay, at ang kanyang Inang si Maria, napakaganda ng tagpong iyon, lalo na nung may bumabang anghel para kunin ang Itim na Belo ni Maria at napalitan ng Puti sapagkat ang kanyang anak na si Hesus ay muli nang nabuhay. Napakagandang tagpo. After nun, nagpunta na kami ni Mama sa nagpapakain ng lugaw, actually, LCM ang nakatoka sa pamimigay ng lugaw para magpakain ng mga taongbayan na dumalo at nakisama sa Salubong. Ako ang tagabigay ng kutsara, ang dami ngang tao eh, nakakatuwa, ang sarap magpakain ng taongbayan, syempre after makakain ng lahat saka naman kami kumain. Ang dami pa ngang natira na lugaw eh, bigay 'yun ng Munisipyo kami lang ang nag-distribute sa mga tao. After makakain ng lahat, after din namin makakain, nagsiuwian na kami isa-isa, naglakad na lang kami ni Mama. Tapos na ang Mahal na Araw, Linggo na ng Muling Pagkabuhay, Happy Easter sa lahat. Tnt
Thursday, April 21, 2011
2ND TIME MISA NG KRISMA WITH LCM (SAN PABLO CITY)
1AM na ako nakauwi from work. So, two hours lang bale ang tulog ko, 4AM kasi bumangon na ako, syempre I'm so excited, after 2 years, ngayon lang ulit ako makakapunta sa San Pablo City, last na punta ko was Maundy Thursday of 2009, with my Co-Lectors, same celebration--Chrism Mass. Magulo ang isip ko, siguro gawa ng mga nakaraan kong naranasan? Tnt, pero hindi iyon, 'di ko kasi alam kung maliligo ako, kasi dalawang oras lang ang tulog ko, tapos baka kung ano pa ang mangyari mamaya, baka sumakit ulo ko, antukin ako, masuka, mahirapan sa pag-ihi? I was so paranoid. Inisip ko na lang na Banal na Misa ang dadaluhan ko, Misa ng Krisma in particular, at sa Cathedral pa ito take note, kaya hindi dapat ako mag-worry. 5AM we're leaving Cabuyao, pasikat pa lang ang araw, bago pa lang nagsisimula ang panibagong buhay para sa mga ordinaryong tao. Tnt. Super bilis ng byahe from Cabuyao-Calamba-Los Baños-Bay-Calauan-San Pablo, while praying the Holy Rosary, grabe palamig ng palamig, I didn't bring jacket 'coz it's summer, sobrang init ng panahon, but during that time napakalamig, paakyat din kasi ang San Pablo. Kagaya ng reaction ko kapag nagagawi ako sa bandang central and eastern parts of Laguna, or wherever part, manghang-mangha pa din ako sa ganda ng aking lalawigan, its green sceneries, clean environment, fresh air, peaceful community, 'Enchanting wonders, Refreshing waters' (Kay Gov. ER pala 'yan. Tnt), nature-friendly society, progressive land, etc. I Heart Laguna! Boundary pa lang 'yan ng Second at Third Districts, papano pa kaya kapag nakarating pa ako ng Fourth District? Pagdating namin sa Cathedral, sobrang dami ng tao, kaya 'di na kami nakaupo, nasa labas lang kami habang nagmimisa. Madami akong nakita, mga iba't ibang organisasyong pangsimbahan mula din sa iba't ibang mga parokya sa Laguna, umattend din sila ng Chrism Mass, marami ding mga taga-San Pablo talaga. Mga seminarista, lahat ng pari sa Laguna at madami pang iba. After ng mass, nagsimula na kami mag-Station of the Cross, every Maundy Thursday talaga ginagawa ang pagbi-Visita Iglesia, and it is one of our organization's activities. 14 Stations, every Church tig-2 Stations each, so bale 7 churches ang pupuntahan namin, and our first 2 stations were done at the Cathedral, as we always do. Our next destination was at the nearby seminary, the St. Peter's Seminary of San Pablo. So, naka-4 stations na kami bago kami nag-lunch. 3rd Church na pinuntahan namin ay ang San Isidro Labrador Parish at Calauan, syempre iiwan ba namin ang Calauan na wala kaming bitbit na Pinya? Lahat kami bumili ng pinya, ang napakasikat na 'Pinya Calauan', ang pinakamatamis na pinya sa buong Pilipinas. Tnt. Para sa aming ika-pito at ika-walong istasyon, tumungo kami sa Simbahan ng Bay (Bay, Baì/Baé, 'Maalamat na Bayan ng Bay'), San Agustin Parish, may patay pa ngang inililibing eh. Pagkatapos, pumasok kami sa UP Los Baños, sa St. Therese Parish, 'yung Parish Priest kasi dun ay taga-Cabuyao, si Fr. Ariel, so nagkwentuhan muna kami sa Lobby ng Parish Convent, madami din palang kakilala si Fr. Ariel sa mga Co-Lectors ko, kalimitan kasi sa mga LCM Members ay mga Teachers, Oratorians, former Choir/Knights of the Altar and others, mga nagmula talaga sa Religious family. Tnt. Medyo tumagal kami dun, sunod naman ay sa Los Baños pa din, sa Immaculate Conception Parish, duon galing ang aming present Parochial Vicar, and ayon sa mga taong simbahan doon, their Parish is also applying for Shrinehood dedicated to their patronness. Last four stations tinapos na namin dun, kasi lampas 12PM na. Sa City Proper na ng Calamba kami dumaan, nag-stop pa nga kami sa isang tindahan ng Halo-Halo eh, nagkainan kami bago umuwi. Ang saya ng lahat, so meaningful ng aking Maundy Thursday with my Co-LCM Members.
Friday, April 15, 2011
OH.. GRADUATION! NAKAKA-IYAK!
Ang panaginip ko puro tungkol lahat sa Graduation, pero nung ginigising ako ni Mama, napaisip ako sa sarili ko 'Anung meron ba ngayon?'. Tnt. Ngayon na nga pala ang Graduation namin, grabe, pinakahihintay ko ba ang araw na 'to? Nalungkot ako bigla, feeling ko maiiyak ako, bumalik kasi lahat sa aking alaala ang mga nangyari sa'kin sa loob ng apat na taon na pamamalagi ko sa PUP bilang college student. Nagpapatugtog pa si Jerick ng mga favorite songs nya, naiyak na talaga ako nang tuluyan, habang kumakain ako mangiyak-ngiyak ako, 'di din ako masyadong makakain. Nag-GM ako sa mga kaklase ko, sabi ko walang iiyak mamaya, baka kasi maiyak din ako. Nawalan na talaga ako ng gana sa pagkain, ganun kasi ako kapag malungkot, 'di talaga ako makakain. Habang nasa CR ako, gusto kong i-text ang mga taong nakasamaan ko ng loob, mga taong galit sa'kin kung meron man, ayoko kasing umalis ng PUP o ayokong magkahiwa-hiwalay kami na may taong galit sa'kin, gusto ko maging maayos na ang lahat. Simula nung mahulog ako kay 'HB', hindi na sya nawawala sa isip ko. Lagi ko na lang sya naiisip, mahal ko na talaga sya. Lalo lang tuloy akong nalulungkot. Lagi na lang ako ganito, sa tuwing patapos na ang lahat saka ako nagmamahal at nahuhulog sa isang tao, papano ko na sya makikita? Pinangako ko sa sarili ko, na magpapa-picture kaming dalawa mamaya. Feeling ko male-late na ako, magse-7 AM na kasi nasa bahay pa din kami, ang alam ko kasi 7:30 AM ang martsa, gusto ko makapag-martsa. Pagdating ng sasakyan namin, naka-alis na kaagad kami, madami nga kami eh, ako, si Mama at Papa, Tita Raquel at si Pau, Eros at Lei pati si Tito Poly sya ang driver. GM ako ng GM, ganun din ang mga kaklase ko, 'di ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko, feeling ko sasabog na ang mata ko, konti na lang iiyak na ako. Nag-expressway na kami, nakadaan na din ako sa extension lane ng SLEx from Calamba Exit (Turbina) to Sto. Tomas Exit, kadugsong na din ng STAR Tollway. Kaya napadali ang byahe namin, nakarating kaagad kami ng School. Pinapasok ko na si Mama sa Gym, nag-ayos na kaagad ako, at umakyat na sa taas, ready na din sila, picture-picture, nagpa-picture ako sa mga kaklase ko, lalo na sa mga taga-malalayo alam ko 'di ko na ulit sila makikita, mami-miss ko sila. Busy ang lahat, puro pag-aayos ng sarili at picture-taking, palinga-linga din ako, hinahanap ko sya, gusto ko nang magpapicture kay 'HB', pero 'di ko sya makita, baka wala pa sya. Nagmartsa na kami, hanggang sa makapasok sa Gym, as usual, magulo kami, 'yung iba late sa amin, ganun talaga kami at masaya kami, 'yan ang section namin. Pagkamartsa namin, nakita ko kaagad si Mama sa likod, si Feyang wala pa, grabe ang gulo talaga namin, picture-an kami ng picture-an, kami lang talaga mga IOP ang magugulo. Nagsimula na ang program, naging mabilis para sa akin ang lahat, na-i-declare na kaagad kami na 'Graduates', 'di nga kaagad nag-sink in sa akin na Graduate na ako, College or Bachelor's Degree na ako. May nagkagulo pa nga eh, pero naging maayos na din, na-distribute na din ang Diploma, ang bilis talaga, 600+ kami lahat g-um-raduate. Pagka-speech ng Magna Cum Laude, grabe, palungkot na ako ng palungkot, sabi ng mga kaklase ko wala daw iiyak, naglolokohan kami. Habang inaawit na namin sa huling pagkakataon ang PUP Hymn, 'di ko talaga mapigilang umiyak, naiiyak na ako, damang-dama ko ang pagkanta ko, siguro talagang naging dedicated lang ako sa PUP, my Alma Mater. Hanggang sa matapos na ang program, naghagisan na kami ng Cap, tapos na ang graduation, graduate na kami! Grabe, 'di ko na talaga napigilan, bumuhos na ang luha ko, lahat sila nagyayapusan na, ako 'di ako makalapit isa-isa sa kanila kasi habag na habag ako, hanggang sa naglapitan na sila lahat sa akin, isa isa silang lumapit sa akin, nakita ko sila nag-iiyakan na din. Grabe mami-miss ko lahat sila, nagpicture-an ulit kami lahat sa huling pagkakataon. Pati mga kasamaan ko ng loob nilapitan ko, binati ko sila, nag-sorry na din ako kung meron man akong nagawa sa kanila. Si Feyang pinuntahan ko din, ang bestfriend ko, grabe sabay na naman kami nakapag-tapos. We're proud with each other. Niyakag ko na si Carlene, pumunta kami sa Course kung nasaan si 'HB', bakit hindi namin sya mahanap? Nawalan na tuloy ako ng pag-asa na magkaka-picture kaming dalawa. Nung makita namin sya, medyo busy sya, buti na lang malakas ang loob ni Carlene, kinausap na nya kaagad kung pwede magpakuha ng picture, tapos lumapit na ako at tumabi sa kanya, ang bilis nga eh, naka-dalawa kaming picture, pagkatapos, 'di ako natingin sa kanya nahihiya kasi ako eh, sabi ko na lang 'Thank you ah'. Mami-miss ko din sya. Natutuwa ako, kasi natupad ang gusto ko, kahit papaano may remembrance na ako sa kanya. Grabe, ngayon lang ulit ako umibig ng ganito. 'Di ko alam kung matutuwa ang puso ko kasi umiibig akong muli, o malulungkot kasi umiibig ako sa maling tao. Magkakahiwalay na kami, papano pa lalago ang pag-ibig ko sakanya? 'Di ko nga alam kung bakit sya ang tinitibok ng puso ko. Bakit kaya ako na-inlove sa kanya? Sa kulay nya? Mga ngiti? Pero alam ko mawawala din 'to, ayoko din naman na mag-isip sya na gusto ko sya kasi hanggang friends lang ang mai-o-offer nya sa akin, friends sa Facebook, 'yun lang, pero masaya na ako dun kahit papano. Ang gusto ko na lang talaga ngayon, ay lumago pa ang friendship namin kahit sa Facebook lang, maa-appreciate ko din 'yun. After ng picture-an pati Class Picture, nag-proceed na kami sa pagsasauli ng toga, hanggang doon 'di pa din kami natigil sa pagpi-picture-an, lumakas din ang loob ko, nagpa-picture din ako kay 'FG', one of my Crushes. Tnt. Kaso ang pangit ng kuha namin. Lc. Nakita ko din sya dun (HB). Alam ko super happy din sya ngayon, kasama mga kaklase at kaibigan nya, alam ko wala lang ako sa kanya, pero ite-treasure ko ang napakaigsing panahon na minahal ko sya. Umuwi na din kami. Masaya akong nagpaalam sa mga kaklase ko, at sa PUP. Alam ko babalik pa ako, at magkikita-kita pa ulit kami..
Friday, April 8, 2011
MEET MEET MEET
Ang aga kong gumising, tama nga ang sabi ni Gladz, nakakasakit ng ulo ang pag-inom ng Tanduay Ice, medyo sumakit ang ulo ko. Tnt. 9AM daw ang pagpunta sa school pero 9AM na ako umalis sa bahay, nag-University Shirt na lang ako basta kung makipag-meet man sa'kin si '0' (Ka-Uzzap ko, Txtfriend, Crew ng McDo Bel-air) bahala na maging itsura ko. Habang nasa jeep ako, medyo mahilo-hilo ako, tama ba 'yun ng Tanduay Ice? Lc! Text-text ako sa jeep, walang magawa eh. Papunta sa PUP talagang sawang-sawa na ako sa byahe, inisip ko na lang na malapit na din magtapos ang pagbibyahe ko ng napakahabang oras. May nakatabi pa nga akong cute na girl eh. Tnt. Pagdating sa school nagsisimula na silang maglinis, naglinis din naman ako kahit kaunti, tnt, picture-an na din, chismisan at tawanan. Isa kasi sa mga requirements naming mga graduating ay ang linisin ang mga rooms bago pirmahan ni Sir Cueto ang clearance, ang mga officers lalo ayaw pang pakawalan ni Sir hangga't 'di pa kami nakakagawa ng Financial Statement, so bilang Society Auditor, ako ang may karapatang gumawa ng FS, so gora kaming dalawa ni Jenny (Treasurer) sa Computer Shop para gumawa ng FS, naku po, napakadaming pinagkagastusan, kahit 'di ko masyadong nahawakan ang mga perang 'yun bilang Auditor ng Society, syempre ako ang nakaaalam kung anu-ano ang mga pinaggamitan ng pera ng society namin. Natapos din namin after 1 hour, syempre basta ako ang naggawa bonggang bongga 'yun panigurado. Tnt. Inayos ko na din ang mga dapat ayusin, bayaran at asikasuhin. Habang nagpipicture-an gamit ang napakagandang phone na gamit ni Dhez. Tnt. Medyo excited ako na kinakabahan, kasi nagtext si '0', sa SM Sta. Rosa daw kami magkikita mamaya, sa wakas magkikita na kami, siguro 1 week after naming magkakilala sa Uzzap. Umuwi na kami kaagad, pag-uwi ko sa bahay naligo na ulit ako at pumorma ng bongga (Syempre! Tnt). Ang paalam ko kay Mama may meeting kami sa McDo, hehe. Bahala na kung anong oras ako makakauwi, basta sabi ko baka 12MN na. 5PM na ako nakaalis sa amin, anong oras kaya ako makakarating sa SM? Kanina pa nandoon ang ka-meet ko. Tnt. Pagdating sa kanto nagkita pa kami ni Vhezz kasama nya Mom nya. Na-miss ko ng sobra si Vhezz, ngayon lang ulit kasi kami nagkita. Papuntang SM medyo na-traffic pa ako, tine-text ko sya (si '0') baka kasi mainip na sya doon. Habang papalapit na ako ng papalapit, kinakabahan ako lalo, wala lang, siguro na-e-excite na din ako. Pagdating ko sa SM Sta. Rosa tinawagan ko sya, nasa Tom's World daw sya, sabi ko papunta na ko dun, nag-ayus ayos muna ako sa CR syempre. Tnt. Habang naglalakad ako papuntang Tom's World, aba tignan mo nga naman, nasa unahan ko lang naman si 'DL' kasama ang 'jowawi' nya. Tnt. Alam kong nakita nya (DL) ako, pero nagdere-deretso lang ako sa paglalakad, kunwari 'di ko sila nakita. Pagpasok ko sa Tom's World nakita ko na kaagad sya, naglalaro ng Guitar, ewan ko ba kung anong laro 'yun. 'Di ko muna sya nilapitan. Pinanood ko muna sya habang nag-e-enjoy sa paglalaro. Mas maputi pala sya sa personal, mas malinis syang tignan, mas maliit pala sya sa'kin, akala ko kasi magkasing-katawan lang kami. Pero kung anong itsura nya sa mga pictures nya sa Facebook, ganun din sa personal, mas cute pa. Tnt. Kahit nasa malayo ako, nakita na nya ako, kinawayan pa nga ako eh, sabi ko sige maglaro ka lang dyan, sa labas lang ako.
Tuesday, April 5, 2011
VIVA SAN VICENTE! (MAMATID BARRIO FIESTA)
Happy Fiesta Barangay Mamatid! Viva! San Vicente Ferrer Mamatid! Maaga akong gumising, puyat eh, pero 'di kagaya ng mga nakaraang taon na kaya ako napupuyat dahil sa panonood ng mga palabas sa court, ngayon, napupuyat ako sa pakikipagchat , pakikipagtxt at pakikipag-usap sa phone. Na-adik na ulit ako sa mga ganung bagay ngayon, medyo maaga pa nga ang tulog ko kahapon eh, syempre kelangan kong gumising ng maaga ngayon, fiestang-fiesta alangan namang tanghali na ako gumising, bukod doon maaga ang serve ko ngayon sa simbahan, nagpa-schedule talaga ako ng maaga may darating kasi akong bisita sa hapon, tsaka gusto kong mag-serve sa umaga kasi mga Obispo ang magmi-misa. Quarter to 9AM umalis na kami ng bahay ni Mama, 'di ko muna sinuot ang barong (Barong Tagalog at Baro't Saya ang suot ng mga naglilingkod sa Simbahan kapag mahalaga ang selebrasyon at okasyon). Pagdating sa simbahan, 'di pa tapos ang sinundang misa, nagpunta muna kami ni Mama sa may Office nandoon din ang mga susunod na magse-serve mga makakasama ko na sina Kuya Alson (Former President namin), Ate Onor at Ma'am Polly) nagkukuwentuhan sila habang naghihintay matapos ang misa. Maya maya, dumating doon sa puwesto namin ang Obispong magdidiwang ng misa mamaya, si Bishop Francisco C. San Diego (Former Bishop of the Diocese of San Pablo at Bishop ngayon ng Diocese of Pasig) Syempre nagmano kaming lahat, masarap sa feeling na mabendisyunan ng isang Obispo. Pagkatapos ng misa, nagpractice lang kami saglit, nagsimula na din kaagad, maganda ang misa, dahil ngayon ay kapistahan ng mahal naming patron. Solemn, faithful at nakapapanindig-balahibo ang misa, ganoon pala talaga kapag Obispo ang nagmimisa. Syempre nakakakaba din, kailangan maganda ang pagbasa namin. Buti nakaraos kaming lahat, natapos ang misa nang maluwalhati. Umuwi na kaagad kami ni Mama, baka may magdatingan nang mga bisita samin, pero wala naman talaga kaming inaasahang bisita, 'di na din kami masyadong naghahanda. Pagdating sa bahay, wala lang din ako magawa, kakain lang, uupo, lalabas, magte-text, mag-g-GM, kapag may dumating aasikasuhin, syempre mga taga-Gulod lang din ang mga bisita namin, sina Nanay Ely at Tita Roxan 'di mawawala, ang mga bata pati. Si Papa may nararamdaman kaya nagpapahinga lang sya maghapon, fiesta pamandin. Mga around 2PM ata, nag-text na sina Carlene at Sahara, malapit na daw sila, habang ka-text ko sila, papampam lang naman ako ng papampam dahil sa mga 'Apple Pies' na bisita sa kabilang bahay! Tnt. Ang cu-cute eh, grabe, ang gaganda pa ng katawan, naglaway ako! Haha. Parang customer ko pa nga sa McDo 'yung isa eh. Hanggang sa umalis sila wala akong ginawa kundi titigan sila ng titigan. Tnt. Maya maya ng konti dumating na sina Carlene pati si Sahara, talagang inayos ko muna ang bahay, may dala pa ngang pakwan ang dalawa, tinawagan ko na si Meann, pasunod na din ang dalawa ni JM. Hanggang sa makumpleto na ang mga bisita ko, apat lang sila. Tnt. Pinakain ko sila ng todo, pati nga 'yung salad mauubos na nila. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan habang kumakain sila, tagal na din kasi naming hindi nagkikita, kaya naipon ang mga kwento, tungkol sa pakikipag-meet ni Sahara sa EK, pagsisimula ng career ni Carlene bilang office girl, mga kwento sa school, pati mga kwento ng buhay ko, madami pa. Inabot na sila ng hapon.
Sunday, April 3, 2011
BITTERNESS FROM UZZAP
Bakit kaya binabalot na naman ng kalungkutan ang buo kong katawan? Palagi na lang ako malungkot ngayon, lagi na lang ako bitter? Gawa na naman siguro ng Uzzap. Kapag lagi ako nag-u-Uzzap madalas ako nagiging malungkot. Madami nga ako nakikilala kaso mga wala naman silang kwenta. Tnt. Makikipagfriends sa una, pero 'di din nagtatagal, may mga tumatagal din pero malalayo naman sila sa'kin. May mga nakaka-chat din ako na malalapit lang, kaso mga maiilap naman, 'di ko na talaga maintindihan. Matagal ko nang nararamdaman na may malaking kulang sa buhay ko, marami akong kaibigan, old and new, mga classmates at schoolmates ko dati, mga classmates at schoolmates ko ngayon, mga tropa ko nung highschool, tropa ko ngayong college, co-crews ko sa McDo, txtfriends, chatfriends, kasamahan sa simbahan at mga iba ko pang kaibigan, madami akong kaibigan, pero isang tao lang ang wala sa akin, bakit feeling ko napakalaking pagkukulang nun sa buhay ko? Iba kasi ang pagmamahal ng mga kaibigan kesa sa pagmamahal ng isang taong tunay na nagbibigay ng pagmamahal. Mas matimbang ba talaga ang pagmamahal ng isang syota kesa sa pagmamahal ng hundreds of friends ko? 'Yun kasi ang nararamdaman ko. Bitter ako, bitter! Lagi na lang ako bitter. Kahit sa mga rooms sa Uzzap, may makilala lang ako na iba, nahuhulog na kaagad ang loob ko, gusto ko bigyan nya lagi ako ng pansin, gusto ko kausapin nya ako lagi, ayokong nakikipaglandian sya sa iba, ayokong ini-snob nya ako, bakit ba ako ganun? Nasasaktan ako kapag nalaman kong may ka-on pala sya sa room, kung tutuusin 'di ko pa nga sya nakikita. Haist. Ayoko ng ganitong pag-iisip. 'Di ako maka-get over kaagad. Nagseselos ako ng wala sa lugar, nagseselos ng walang dahilan. Ayoko na, ayoko nang bumalik dun. Gusto ko na maging busy sa iba. Kung may tutulong lang sana sa akin. Ipakita ko mang malungkot ako, at tutulungan nya daw ako kung may problema ako, leche! E ikaw nga ang dahilan ng kalungkutan ko, pano mo naman ako matutulungan?
Subscribe to:
Posts (Atom)