Friday, February 4, 2011

RIGHT NEXT TO ME..

Naaasar ako. Wala lang. Wala kasing magawa. Haha. Kung kelan nanalangin ako na sana madaming aplikante, wala naman kahit isa! Wala tuloy ako magawa. Pero ok na din. Nasa examination room lang kami ni Michelle, sulat ng sulat ng kung anu-ano while listening to my Musicplayer. Syempre puro lumang kanta, jamming kaming dalawa. Hindi man namin naririnig ang mga kanta sa EZ Rock ngayon, kasi Friday Classic, parang dun na din kami nakikinig, kasi puro classic love songs ang pinapagtugtog ko. Tnt. After lunchbreak same scenario lang. Nagpunta nga dun ang Union President eh, taga-Mamatid, kinausap nga ako, kilala nya pala ako. Tnt. Siguro 20 minutes before 5 PM nagligpit na kami, nagkuwentuhan at nag-usap na lang kaming tatlo kasama si Ysa kung hanggang kailan pa kami mag-o-OJT. Naririnig ko na ang radio, lahat ng pinatugtog ko sa phone ko kanina tinugtog din sa radio, oh diba? Tnt. Pati 'yung favorite song ni Michelle tinugtog, 'Right Next to Me' by Whistle, ang ganda nga nun, mai-download nga. Tnt. 5 PM, ang sarap ng feeling umuwi ng bahay. Pagdating ng bahay, gutom na ako. After dinner nag-internet ako, pero saglit lang, wala pang 10 PM nag-out na ako, nag-download lang naman ako ng kanta, syempre chat-chat na din. Nai-inlove ako, haha, siguro kasi may tao talagang sweet sa akin kaya ganun. Or talagang love month lang ngayon? Tnt. Pagkauwi ko, pinakinggan ko ang 'Right Next to Me', kakalungkot, parang naiyak ako. T_T. Hanggang sa nakatulog na ako....

No comments:

Post a Comment