Tuesday, February 8, 2011
THE INITIAL THRILL
Ano bang nangyari ngayong araw? Tnt. Basta ang alam ko nag-OJT ako. Nanakbo na nga ako kasi male-late na ako. Akala ko talaga wala akong magagawa buong araw. Pero may mga aplikante pala, naligaw silang lahat! Haha. Nag-administer ako ng exam. Mukhang paminta 'yung isa. Tnt. Parang naging busy nga din ako buong umaga eh. Nag-check ng exam, nag-encode na din. Lunchbreak, nakita ko 'yung mga aplikante, 'di ko alam kung ngingitian ko ba o ano. After lunchbreak, 1 PM, pasilip-silip ako sa mga aplikante, aba 'yung paminta at 'yung isang lalaki magkadikit na, parang close na ah? Habang isa-isa silang ini-interview, nagsulat na lang ako ng mga lumang 201 files sa Examination Room, habang patingin-tingin sa kanila, 'yung paminta tinatanong pa sa akin kung pumasa daw ba sya, natatawa tuloy ako. Pagkatapos, umuwi na sila, nagpaalam pa nga sa akin eh. Lumabas na ako dun, natatakot na ako eh. Nag-ubos na lang ako ng oras sa office ni Ma'am Shane, pasagot-sagot ng tawag, lagi nga kaming naglolokohan ni Ms. Jea eh, haha, tapos tinugtog pa 'yung favorite kong kanta, kaso 'di ko alam ang title, kinuha ko lang ang lyrics 'Let's spend more time together, the places we go will always be a misery. Let's stay this way forever, it feels like a dream whenever you discover me'. 5 PM, out na. Ang sarap umuwi. Tnt. Pagdating sa bahay, nag-dinner, tapos nagpunta na ako kina Fey. Ngayon lang ulit ako mag-iinternet eh. Facebook, s-in-earch ko 'yung lyrics, gotcha! Naku ko din ang title, 'The Initial Thrill' by Kenia. Katuwa, pinakinggan at d-in-ownload ko na din, nagbasa din ako ng mga updates, at may nabasa ako, 'Imus and Cabuyao Cityhood Updates', may hiring daw sa Congress bukas, 1:30 PM ang Committee on Local Government about House Bill Nos. 1989 & 3811 - Converting several municipalities into component cities and other part of the country by Rep. Ireneo Maliksi (Cavite) and Rep. Justin Marc Chipeco (Laguna). Gosh! House Bill No. 3811? Eh Cabuyao Cityhood Bill! Hala, bukas na ang hiring, sana makapasa. Natuwa ako at kinabahan na din. Good luck na lang, sana magtuluy-tuloy na. Wala na ako magawa, nag-download na lang ako ng kung anu-ano. Online si 'Yv' (shortcut), kapatid ni DL (Si Hayop), ch-in-at ko sya, sumagot naman, nagtanong ako ng nagtanong, hanggang sa makipag-chat na sya ng tuluyan sa'kin, buti pa sya nakikipagchat sa'kin. Tnt. Ang bait pala nya, dami ko tuloy nalaman tungkol sa kapatid nya (Hayop). Hanggang sa ikinuwento ko na sa kanya nung nagkachat kami ni Hayop, mga pinasasabi sa'kin, tawa sya ng tawa, sabi nya ganun lang daw talaga ang kapatid nya. Hehe. Parang close na nga kami eh, 'Kuya' nga daw ang itatawag nya sakin. Sabi ko friends kami, kasi kaaway ko kapatid nya, galit kasi sakin 'yun. Basta ang dami pa namin pinag-usapan, parang nahulog nga ako sakanya eh. Tnt. Pati mga URLs ng mga profile namin pinaglaruan namin. Haha. Katuwa, feeling ko na-relieved ako, ang sarap ng feeling na maglabas ng sama ng loob sa kapatid ng taong naging dahilan kung bakit sumama ang loob mo. Nagkaroon tuloy ako ng pag-asa, kasi feeling ko lagi syang nasa tabi ko. Tutulungan pa nya ako, masasandalan kung baga. Tnt. Nagpaalam na sya, siguro may 1 hour kami nag-usap. Nag-out na din ako, natulog ako na pinakikinggan ang 'The Initial Thrill', ang sarap sa pakiramdam. Thank you bunso (Yv)! 'We don't wanna lose, the initial thrill...' Goooood'Nyt! I'm happy and relieved, very much!
Labels:
Cabuyao Cityhood Bill,
DL,
Facebook,
Fey,
Kenia,
Ma'am Shane,
Ms. Jea,
OJT,
The Initial Thrill,
YvL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment