Thursday, February 3, 2011

'CHEMISTRY' AS IN 'TSE!'MISTRY :DD

Nakailang alarm ako bago bumangon! Tnt. Puyat na puyat kasi. Hmm. 9:30 AM na din ako nakaalis samin. Leche'ng CL 'yan, bingot na 'yung sa right. Amp. Pero okay lang. Ang ganda naman ng morning ko. Haha. Pagsakay ko pa lang ng tricycle ang ganda na ng view ko! Tnt. Paglalakad sa kanto, pagtawid at pagsakay ng jeep. Maging sa loob ng jeep. Haha. Adik. Pagdating sa school, hala, 'di na ako nakapag-CR, nag-exam na agad. Ganun pa din, medyo madali lang. Tnt. After ng exam, inasikaso na namin nina Ysa at Michelle 'yung ipapasa namin na requirements para sa Practicum. At muntik pa akong makawala ng pera! Nakasingil kasi ako ng kulang 2 thousand pesos, aba't nailapag ko pala sa table sa loob ng SSC Office, nalaman ko'ng nawawala nung nakina Kuya Johnny na kami, takbo kami ni Carlene pabalik ng SSC Office, buti na-recover pa namin. Tnt. Ok lang, nakalandi naman kami ng kung sinu-sino ni Carlene eh. Haha. After ng tawanan ng tawanan at kainan ng lunch, bumalik na kami ng room, may hinanap kami ni Jenny na mga professor/society president, kung sinu-sino pinag-tanungan namin, para kaming bata na nawawala. Susme, mga 4th year na kami. Haha. Nagklase na kay Dir. Torres, nag-report na yung first group, reporting ba 'yun? Tnt. Sabi ni Sir 'CHEMISTRY! as in TSE!mistry. Haha. Nakakatawa talaga 'yun. After ng klase nya, kay Dr. Sanchez naman, puro relaxation lang ang ginawa namin, hypnotism daw 'yun! In fairness na-relaxed naman ako. Tnt. Pagkatapos ng klase nya nagpa-print kami ng report, tawa kami ng tawa nina Monica at Jenny, gawa kase ni Inday, pagkabayad namin eh 'di na kami pinakealaman, kahit nung matapos ang printing kinuha na lang namin basta, kung kami'y magnanakaw, naiuwi na namin lahat ang printer wala syang kaalam-alam! Magte-thank you pa! Haha. After kumain ng kwek-kwek umuwi na kami. Dapat sana sa terminal kami pupunta, eh sa SM na lang pala. Naka-duty sya! Feeling ko nga nakita nya ako (feeler?), nag-McDo kami, pati dun tawanan kami ng tawanan, gawa kasi ng mga uses of words namin (e.g. Tesbun, Jontis, Joga, Boobs, Bagong Jupet, et.c.). Paglabas namin ng McDo, grabe nagkita kami ni Jelly! After almost a year, ngayon lang ulit kami nagkita, promise, kaya talagang nagyapusan kami, haha. Tapos nagpunta kami sa Cyberzone, may bago akong type na cellphone. Haha. Cherrie Mobile, D12. Naku, gusto kong bilhin! Tnt. Ka-excite tuloy magkapera. Inabot na din kami ng ilang oras kalilibot sa Cyberzone, kung sinu-sino na ang mga na-encounter namin, mga salesman ng cellphone, laptop, o kung ano mang gadgets. Pag-uwi sa bahay, natulog na din agad. OJT bukas eh. Gud'Nyt!

No comments:

Post a Comment