Tuesday, February 1, 2011

ALL BY MYSELF..

FEB. 1 Anu bang mga panaginip 'yan! Tnt (PP: The Solicitors). Ang sakit ng ulo ko, lagi na lang akong kulang sa tulog. Eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Una kong na-receive ang textmessage ni Ysa na hindi daw sya makakapag-OJT, so kami lang pala ulit ni Michelle ang mag-o-OJT ngayon. Around 7:15 AM na ako nakaalis ng bahay, medyo hindi ako tinatamad ngayon kasi madami naman kaming gagawin. Bago pa lang ako bababa ng tricycle sa kanto, nag-text si Michelle, hindi daw sya makakapag-OJT! Anak ng prutas, ako lang mag-isa ngayon? Hala, alangan naman na umuwi pa ako. So tumuloy na ako. Kaso ano kayang magiging scenario mamaya? Nagsosolo ako. Tnt. Sabi ko tuloy sa sarili ko, ang laki ng problema ko! Tnt. Pero okay naman pala kahit nag-iisa ako, kasi madami akong ginagawa, si Ma'am Shane ang nag-uutos sa'kin, may pinapa-file sya, medyo nalungkot nga ako na resigned na pala sya. T_T. Pinag-administer ako ni Ma'am Mimi ng exam, may limang aplikante, maayos naman, ang lalayo nila, may taga-Batangas, Liliw, may taga-Marinduque pa. Tnt. Sakto lang kasi natapos na kaagad ni Ma'am ang pag-i-interview. Busy-busyhan nga ako eh. Ang daming paperworks sa table ko. Nakz. Tawa nga kami ni Ma'am Mimi, kasi kung sino pa 'yung ipapa-undergo nya for final interview 'yun pa 'yung may bagsak sa psych exam. Tnt. Lunchbreak, solo lang ako. Pero ayos lang. Nagstart na ulit ang gawain, pinapatuloy ko 'yung napakadami naming tatapusin ni Michelle, solo lang ako sa Training Room, grabe, wala akong ginawa kundi takutin ang sarili ko, kung anu-ano ang naririnig ko, pag may nagbubukas ng pinto nagugulat ako. Haiz. Buti nakatapos ako ng isa't kalahating kahon na puno ng maalikabok, mabaho at lumang-luma na mga separated 201 files. Pero busog na busog naman ako kasi may nagpakain, Pancit Malabon, tinapay at letsong manok, grabe, ang sarap. Tnt. Sakto, pagkapatay ko lahat ng ilaw at air-con. ng training room, konting retouch lang, nag-out na kami. Ang sarap talaga ng feeling 'pag uwian na. Tnt. Nagmadali na akong sumakay ng jeep, inunahan ko na sila, pero parang nagiging close na din ako sa kanila. Tnt. Pagdating sa kanto, nagmadali ako, para makahabol sa mga tatawid. Syempre nanguna ako nung mag-walk sign na bigla, gusto kong ipakita sa lahat na marunong akong sumunod sa Traffic Lights. May isang makulit na jeep na dumeretso ng andar, narinig ko 'yung isang LTMO, pinagalitan 'yung driver. Tama lang 'yun! Naturingang driver 'di marunong sumunod sa traffic lights! Hmp. Pagdating sa bahay, meryenda saglit. Dinnertime, adobong manok, busog na busog ako, nakatulog saglit, paggising ko pumunta kaming Gulod. Dalawa kasi patay dun ngayon, pagdating namin dun sa una, wala daw dun ang Ninong Danny ko, kakauwi lang ulit ng Bulacan, once in a blue moon lang kami magkita ng ninong kong iyon eh. Kapag may okasyon lang sa Gulod saka sya umuuwi, kapag umuwi naman sya ng Gulod from Bulacan, saka ako pumupunta dun sa kanila, kaya nagkikita kami, last na nagkita kami was 2006. Ngayon, 'di kami nagpang-abot, sayang. Saglit lang kami, umuwi na din kami kaagad. Naghanap na din ako ng Apple Pie, meron din naman, kahit papano. Tnt. Pag-uwi sa bahay, rituals mode. And then, tulog mode. Tnt. Gud'Nytie!

No comments:

Post a Comment