Sunday, February 6, 2011

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

Maaga ako gumising at nagsimba. Lector 1 ako, First Reading at kinanta ko pa ang 'The Word of the Lord', maayos naman. Nauna nang umuwi si Mama, magse-serve pa kasi ako sa binyag, bibinyagan din ang anak ni Gigette (President namin nung Highschool). Nakakatawa, nagkita ulit kami ni Estrelita ('Sister' tawag namin), last time na nagkita kami sa simbahan din, at misa din ng binyag! Last year pa ata 'yun. Tnt. Saglit lang ang misa, saktong 12 PM natapos, buti nga nakapag-register pa ako sa unli nun eh. Nag-prepare na din kaagad ako, kumain ng lunch, grabe sarap ng luto ng kaldereta, nag-bihis, while listening syempre to 'Batingaw ng Katotohanan'. Wala pang 1 PM umalis na ako ng bahay, pagdating ko ng McDo, maaga pa. Nag-in ako ng 2 PM, ewan ko ba, unang customer ko pa lang nakalimutan ko na kaagad magsukli, at naulit pa? Haist. Habang tumatagal, padami ng padami ang tao, Linggo kasi. Lalo na nung pa-hapon, ang bilis ko ngang kumilos eh, mapa si Ma'am Devine, Ate Onessa o Ma'am She pa mag-back up sa'kin, kayang-kaya. Tnt. Na-extend na ako hanggang 8 PM. Buti 'di kami tuloy magpunta sa patay sa Gulod (si Lola Tasyon), deretso na sana ako. Pagkabihis ko at paglabas ng McDo, sabi sa'kin ni Jason (Co-Crew ko) nakita nya daw ang crush ko sa Mercury Drug, My God! Si Hayop? Tnt. Nagpunta ako kaagad, pagtingin ko, paliko na sya sa may Terminal papuntang Gulod, sinundan ko sya, nakikita ko syang lumilingon sa may gawi sa'kin pero kunwari 'di ko sya nakikita, kaso pagdating ng terminal, sumakay na sya ng jeep, last na sya, kaya 'di ko na sya nakasakay! Amp. Ang malas, kunwari naglakad na'ko papunta dun sa next jeep. Ang malas talaga, ang lakas ng tibok ng puso ko, akala ko talaga magkakasabay kami sa jeep, kahit sa Gulod na ako dumaan pauwi sa'min gagawin ko, para lang makasabay ko sya. Kaso wala eh. Asar talaga, nalungkot ako bigla. Ang dami ko pang nalaman tungkol sa kanya, kuwento sa'kin ni Jason, lalo akong nalungkot. Pauwi sa jeep, maiyak-iyak ako. Naaalala ko sya, kung papano nya (ni Hayop) ako ni-reject, basta, sya talaga kasi ang tinitibok ng puso ko eh. Kahit may mga tao pang nandyan para sa akin, handa akong mahalin, pero sya talaga, Hayop ka! Tnt. Pag-uwi sa bahay, narinig ko 'yung song na 'Ikaw lang ang Mamahalin', shet! Song ko na sa kanya. Haist. Dinaan ko na lang sa pakikipagtext-text, GM-GM, bago ako natulog, tamang-tama nagtext c 'T' (Textmate ko, matagal na. Tnt), nag-text-text kami, ang hot nga ng mga pinag-uusapan namin eh. Haha. Adik. Basta, ako na nakakaalam nun, N-Private eh. Haha. Sana nga! 'Yun lang masasabi ko sa kanya. Naka-chat ko din pala si Kevin, ka-__ ko. Haha. Malungkot na masaya ako ngayong gabi, pero isa lang talaga ang nasa puso ko. H-A-Y-O-P, 'Puso'y lumaban man walang magagawa, saan ka, kailan ka muling mamamasdan (mahahagkan)? Magkulang man sa'tin itong sandali, alam ko na tayo'y magkikitang muli. Hangga't may umaga pa na haharapin. Ikaw lang ang Mamahalin'. Nyt.

No comments:

Post a Comment