Sunday, February 27, 2011
'MAMI-MISS KITA, NAMIN, AT NG MCDO...' :((
Maaga talaga ako gumising, gusto ko mag-almusal para makainom ng gamot, medyo maayos na ang pakiramdam ko, buti naman. Pagkainom ko ng gamot, nagpahinga ako buong umaga, actually nakapanood pa nga ako ng Movie eh, 'yung favorite movie ko, 'Beaches' starring Bette Midler at Barbara Hershey, nakakaiyak talaga 'yun, sobra, lalo na nung namatay na si Hillary Whitney (B. Hershey) with 'Wind Beneath my Wings' as the background music. Nag-lunch na kami, habang nakikinig ng 'Batingaw ng Katotohanan', gustung-gusto ko lagi ang topic, lalo na kapag Cabuyao Cityhood ang pinag-uusapan. Nag-prepare na din ako for work, makakapasok na ako, kaya ko na naman eh. Pag-alis ko ng bahay todo prepare ako. Pagdating ko ng Cabuyao bumili muna ako ng gamot, nakita ko kaagad si Jeme (Co-Crew ko. Ayee. Tnt). Since may crew assembly kami mamaya, ibang managers ang mga naka-duty, actually pati mga naka-duty na crew, borrowed ang iba. Nung nag-in na ako, nakakatuwa, may kasabay akong borrowed crew from McDonald's Laguna-Belair (Santa Rosa City), boy sya, counter din, nakakatuwa kasi may makakasama akong lalaki din sa front counter area. Pati 'yung mga naka-duty sa Lobby from McDonald's Waltermart-Santa Rosa ata sila. Ayun, ayos naman, kahit ibang managers ang naka-duty, ang saya nga namin eh, mga kalog pala sila. Tnt. Sina Sir Ronnel (McDonald's Waltermart ata o Belair din) tsaka si Sir Rikki (McDonald's Biñan), nakakatuwa sila pareho, tawanan kami ng tawanan, eh napakadaming tao. Tnt. Hanggang sa inabot na ako ng gutom, mahilo-hilo na nga ako eh. 8 PM nag-start na ang assembly, siguro 8:30 PM na ako nakapunta sa assembly. Patawa pa nga ako eh, madami naman din akong nalaman, mga mababago at madadagdag sa McDonald's Cabuyao. Ite-train nga daw ako sa Dial-8 eh, magkakaron na kami nun, 'yung sa McDelivery. Good luck na lang sa akin. Tnt. Naka-receive ulit ako ng Sodexo. Yey. Bumili na din ako GC ng McDo para pang gift ko sa mga boss ko sa OJT. Siguro 11 PM na natapos, dumeretso kami sa patay ('yung ex-crewmate namin). Basta nakakaiyak, hindi pa din ako makapaniwala, parang natutulog lang sya, naaawa nga ako sa mga kapatid na naiwan nya. Haiy. Umuwi na din kami kaagad, maaga pa pasok ko bukas. Hmm. 'Goodbye to you, mami-miss kita, namin, at ng McDo...' Nyt..
Saturday, February 26, 2011
I'M SICK AND TIRED (GRADUATION PICTORIAL)
Nasa kalagitnaan na naman ako ng kadiliman, hindi ako mapakali sa kama, nag-aapoy ang pakiramdam ko, nanlalamig ang buo kong katawan. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko, bakit nararanasan ko na naman 'to? Ayoko na magkasakit, pero lagi na lang dumadapo ang sakit sa'kin. Kung kailan mahalaga ang araw, saka naman ako nagkasakit, pinilit ko ang sarili ko bumangon, kumain, maligo at magbihis, ayokong um-absent! Ngayon ang graduation pictorial namin, matagal akong na-excite mangyari ang araw na 'to. Medyo magaan naman ang pakiramdam ko, kasi kasama ko ang mga kaklase ko, ang Ekstra. Kahit papano hindi halatang may sakit ako. Ang tagal namin naghintay, ang tagal kasi matapos ng IT. Siguro saktong 12 PM, nagsimula na kaming picture-an, syempre nagpauna na ako, pagkatapos ni Joven, ako na ang m-in-ake up-an. Kakatuwa nga eh, feeling ko para akong artista, yellow na polo pinili ko, saglit lang, napicture-an na kaagad ako, ang bilis nga eh. Sunod sa akin si Ysa, ang gagaling nga mag-make up ng mga beki eh, para talagang graduation day na. Excited na akong makita ang graduation picture ko, kaso matatagalan pa. Gusto ko sana hintayin sina Monica ma-make up-an, para makita ko din sila, sabi ni Carlene magpapapicture daw kami kasama si 'Bhebhe' pati mga troa niya. Tnt. Eh kelangan ko na talagang umuwi eh, 'di ko nga alam kung makakapasok ako sa McDo, sina Gretchen kasabay ko, nag-CR muna ako bago umuwi, sa CR, may nasalubong akong dalawang guy, parang nagtawanan sila nung makita nila ako, dunno why? pagpasok ko ng pinto, nagulat ako sa nakasalubong ko, si Bhebhe! Haha. Kakatuwa, nakita ko ulit sya. Kaya pala nagtatawanan ang mga nauna, dahil makakasalubong ako ng tropa nila. Tnt. Na-miss ko din naman sya. Umuwi na kami, sa SM ako sumakay, ako lang mag-isa, mainit, maaraw, naka-jacket ako, kasi malamig ang hangin. Pagdating ko ng bahay, kumain ako, at nagtext na sa mga managers ko, hindi ko talaga kayang pumasok. Natulog na ako at nagpahinga, paggising ko, magpapa-check up daw kami sa Clinic sa Gulod, so larga kami, kasama si Eros, pagdaan sa Gulod, nasa unahan na si Nanay, tyak na nag-aalala na naman. Dumeretso na kami ng Clinic, pero sarado daw. Amp. Hindi din ako nakapagpa-check up. Inisip ko na lang si 'DL', sana makita ko sya, kaso wala eh. Bakit ba sa tuwing may sakit ako lagi na lang sya ang nasa isip ko? Siguro kasi, sa piling nya, doon ko lang mararamdaman ang tunay na saya, walang sakit, puro sarap. Haha. Adik. Pag-uwi sa Gulod, si Nanay, alalang-alala, kung anu-ano pinagsasabi sa akin, baka daw nagpapapagod na naman ako, baka daw nakakagat na naman ako ng lamok, dapat daw mag-vitamins na talaga ako, et.c. Si Nanay talaga. Pag-uwi sa amin, nag-dinner na kami, tapos uminom na ako ng gamot, si Carlene katext ko, super concerned sa akin, medyo maayos na din pakiramdam ko, sana umeepekto na ang gamot. Gusto ko na gumaling bukas. Hmm
Friday, February 25, 2011
ICE CREAM ALSO MAKES ME CRY..
Waaah. Antok pa ako. Habang nanonood ako ng 'Sapul sa 5' ano ba 'yang topic nyo, tungkol sa EDSA, anyway, 'di naman ako masyadong interesado, 'di ko naman kapanahunan 'yan, at kung ako'y tatanungin kung may pagbabago, during Gloria's administration oo, may pagbabago, ewan ko lang ngayon? Tnt. Basta, nangangamba tuloy ako kasi 'di ko alam kung may pasok ba sa opisina ngayon, 'di ba holiday daw? Buti na lang pagbaba ko ng gate ng Asia (Brewery), nakita ko kaagad si Ma'am Annie, edi may pasok nga, nawala ang kaba ko. Tnt. Natuwa na naman ako sa table ko, ang sarap talaga magka-table, nilagay ko mga gamit ko sa kahon, inayos ko din 'yung mga papel, mga local numbers, cellphone ko andun din. Feel na feel ko talaga. Tnt. Naging busy din naman ako maghapon, nag-encode, nag-check ng exam, nag-check ng mga payroll, tinuruan ko din si Ms. Jea mag-interview, haha. After lunch, nakatulog na naman ako. Simula na naman, wala na kaming magawang tatlo, nag-shred na lang kami ng nag-shred maghapon. Nung break kumain kami ng ice cream, ang tamis, naku, sasakit na naman t'yak ang lalamunan ko. 5 PM, dali-dali na ako nagpuntang McDo, andun din si Meann, nagpa-abiso ako na baka 'di ako makapasok bukas. At may nabalitaan ako'ng super saklap na news, si Ma'am Rochelle (RM, McDonald's Cabuyao) pa ang nagsabi sa'kin, 'yung dati daw naming ka-crew, medyo matagal nang nag-resign, namatay na daw, binangungot daw ata, hala, sabi ko kay Ma'am: 'Ma'am naman, 'wag nyo naman ako biruin ng ganyan!' kaya ganun ang initial reaction ko, kasi medyo nahulog ang loob ko sa ka-crew ko na 'yun, tahimik lang kasi sya, mabait, kapag nagma-McDo nga sya with her girlfriend, sa akin sya um-o-order eh. Natutuwa naman ako, friend ko sya sa Facebook. Nabalitaan ko na resigned na pala sya, tapos mababalitaan ko pa na patay na daw, shocking! Very much! Parang 'di ko kaya, nakakagulat. Ang bata pa nya kasi, maybe I'm one year older than him, anyway, may he rest in peace +. Pag-uwi ko, pasakit ng pasakit ang lalamunan ko, My God, huwag naman sana akong magkasakit ulit, 'di pa ako tapos mag-OJT, ga-graduate na ako. Ayoko na magka-sakit. Pagka-dinner nagpahinga na ako. Malungkot ako actually, nawala tuloy ang excitement ko para sa pictorial namin bukas. Hmm.
Labels:
Asia Brewery,
Cabuyao,
EDSA,
Facebook,
Ma'am Annie,
Ma'am Rochelle,
McDo,
McDonald's Cabuyao,
Meann,
Ms. Jea,
OJT,
TV5
Thursday, February 24, 2011
'OH OH OH, OH OH OH. OOOH-THAAAN!' TNT
Ayos na sana eh! Bagong pantalon, bagong labang sapatos, bagong linis na relo at ang University Shirt ko, nakalimutan ko nga lang magpabango. Tnt. Sinaid ko ng todo 'yung nasa maliit na bote ko sa bag, spray ako ng spray sa tricycle, kahit paunti-unti na lang ang lumalabas, hanggang sa pagtapat ko sa Greencrest (bagong bukas na subdivision), leche! Bakit 'Banlic, Calamba City, Laguna' ang nakalagay? Hindi man lang nila c-in-onsider na sa Mamatid ang main gate ng subdivision! Kaasar talaga. Anyway, paganda na naman ng paganda ang Barangay Hall namin, ang ganda na naman ng pintura ng buong barangay. Pati simbahan namin ang daming projects, ganun talaga 'pag magfi-fiesta. Nakaka-excite tuloy. Tnt. Ang aga ko nakarating ng school, siguro saktong 8 AM, wala pa ngang tao sa room eh, ako pa lang ang nauna, hanggang sa maging apat na kami, nagsimula nang magklase si Sir Cueto, nakakatuwa. Unti-unti na silang nagdatingan, hanggang sa matapos ang klase. Physics na, kaso pagdating ng instructor namin ang sabi sa Monday na lang daw ang klase, asar naman. Nag-lunch na kami, ang sarap ng batchoy, promise. Si Kuya Jayson ang kulit, kinakanta nya 'yung 'Awesome song' ni Awesome sa Wiling-wilie with the lyrics of 'Oh oh oh, oh oh oh, Ow-thaaan' Hahaha. Nickname ko 'yun ah. Tnt. After namin mag-lunch, wala na din daw klase, hindi na din daw kami imi-meet ni Ma'am. Hala, ang aga ata namin makakauwi, parang ayoko pa umuwi, gusto ko pa magpa-pampam kay Crash-crashan First Jeer, haha, pati sa psychekubo, kahit saan pa. Pero umuwi na din kami. Nag-SM kami kasi wala nang magalaan, nag-McDo na lang kami, tutal nandun naman si 'M', gumamit kami ng cuopon. Three medium fries and regular coke float, yummy! Sa may unahan pa kami umupo, siguro naman napapansin na nya ako. Bigla pang dumating si Jessa (former classmate, friend, crew din ng McDo SM Calamba) edi nakipag-kwentuhan ako sa kanya, madami akong tinanong tungkol kay 'M', just for confirmation lang, unti-unti ko nang matutupad ang mga plano ko. Tnt. Siguro naman napapansin nya kami. Pati ng mga managers on duty, pansin na pansin kami, tawanan pa kami ng tawanan. Bago kami naghiwa-hiwalay, itetext daw ako ni Jessa kung confirmed nga, kung, if. Tnt. Pag-uwi sa bahay, since wala namang ulam, natulog na lang ako, sabi ko gisingin na lang ako pag 'T.O.F.' na. Aba at 'Bantatay' na nakahiga pa din ako. After dinner, nag-internet ako, napakasaya. Kausap ko na naman sya (DL) at kinuha pa ang numbers ko, haha. Ite-text nya daw ako kapag may stock na sya nung order kong CL, sya ang nag-insist nun ha, hindi ako. Tnt. Si Feyang ang baros pa, gawa ng mga batang lalaki, basta, basta ang saya ko. Hmm. Gud'Nyt!
Labels:
Bantatay,
Coke Float,
DL,
Feyang,
Jessa,
Kuya Jayson,
M,
Mamatid,
McDo,
Sir Cueto,
SM Calamba,
Temptation of Wife
Wednesday, February 23, 2011
I LOVE MY TABLE
'Manong, dale, ayokong ma-late!', nakakahiya. Tnt. Talagang konting isod na lang ng jeep tumigil pa sa vulcanizing shop! Nabuwisit ako ng todo, nanakbo na naman ako papuntang HR Office. 8 minutes tinakbo ko from gate. 8:59 AM ako nakapag-in, pumasok ako ng office na mukhang hindi haggard, pero deep inside hinahapo ako, ayoko lang mahalata nilang nanakbo na naman ako. Tnt. Nung una, akala ko isa lang ang aplikante ko, pero nagsidatingan ang iba, total of three applicants. 'Yung huling dumating from U.P. Los Baños, at the age of 22 licensed engineer na sya, pero wala pang experience, experience saan? Tnt. Nahuli tuloy sya, ang tagal nya kasing magsagot ng essay, pero may sinabi sya, matalino kasi. Hehe. Habang binabantayan ko sila, bonggang-bongga na naman ang table ko (former table ni Khaye), puro paperworks. Busy-ing busy na naman ako. Tnt. Sumasagot ng phonecalls, nakapag-received pa nga ako ng case file eh. Ang taray ng pirma ko. Tnt. Nag-sit in na naman ako habang nag-i-interview si Ma'am Zyza. Ayos naman, mamaya ulit, kay U.P. Boy, haha. Inabot na sya ng lunch, so pinag-lunch ko muna, pati 'yung iba. After lunch, start to work again, interview na ni U.P. Boy, so nag-sit in ulit ako, ahm, asar naman si Ma'am Zy, 'di man lang ako pinakilala oh. Tnt. Nag-start ang interview ng 'Bakit ka late kanina? Tnt' actually, he's from Tiaong (Quezon Prov.) pa pala. Ayun, ayos naman, nung una kinakabahan ang mokong, pero maayos naman. Nabitin nga ako nung matapos na eh. Haha. After nun, may pinag-regularization exam ako. Tapos may pinagawa sa'kin si Ms. Jea at Ma'am Jayvi (bagong Records Officer). Feel na feel ko nga ang table ni Khaye eh! Talagang inayos ko lahat ng kahon, nilagyan ko ng mga gamit, kahit papano natupad ko ang pangarap kong magkaroon ng organized na table. Tnt. Parang gusto ko na tuloy magtrabaho na talaga sa opisina. Bahala na. Nung mag-5pm na, ayaw ko pang umuwi may ginagawa pa kasi ako, pero walang OT kasi dun eh. Kaya umuwi na kami, ang saya nga namin habang nagta-time out eh, tawa kami ng tawa, gawa kasi ni Rosey. Haha. Pag-uwi sa bahay, wala pa atang 6 PM naghapunan na kami, ang aga, 'no? Kaya nga hapunan eh, hapon. Ang dami ko na namang nakain. Haist, ayokong tumaba! Pagkakain, ayan na naman, inaantok na ako. Nakatulog na naman ako ng busog. 'Di ko na alam ang nangyari...
Labels:
Khaye,
Ma'am Jayvi,
Ma'am Zyza,
Ms. Jea,
Rosey,
Tiaong,
U.P. Los Baños
Tuesday, February 22, 2011
LIFE IS A SOLITAIRE...
OJT mode ako. Kami lang dalawa ni Ysa. May tatlong babaeng aplikante, kaya madami akong ginagawa, bukod doon, may in-e-encode pa ako sa 201 file system. Nagtawanan lang din kami ng nagtawanan ni Ms. Jea, Ma'am Zyza. Tnt. After lunchbreak, nakatulog ako, kasakit sa ulo, medyo tinamad na ako, wala na kasing magawa, after break, pasilip-silip pa din ako sa mga nagpuputol ng kahoy sa labas. Haha. Magfa-fogging daw ulit, kaya quarter to four, we should have to pack all our things up. Ka-excite. Habang naghihintay kami mag-quarter, nag-solitaire muna ako sa computer, aba at hinamon pa ako ni Ma'am Zy, laban daw kami ng solitaire bukas, pabilisan. Tnt. Ang bilis na ng oras, nakapag-out at nakauwi na kami. Pag-uwi sa bahay nag-OM ako, after dinner, pinanood ulit namin ang 'Jumanji', 'yung d-in-ownload ko na movie, after a decade and more, mapapanood ko ulit ang Jumanji, bata pa ako nung pinalabas 'yan, medyo limot ko na nga ang story eh, pero maganda. Ang ganda talaga ng story nya, pambata, kakilabot sa huli. Nice. Ang sakit ng ulo ko, tulog mode! Nyt. Amp!
Monday, February 21, 2011
'MATAGAL KONG PINANGARAP 'TO, ANG MAGPAHINGA BUONG ARAW. TNT'
Ewan ko ba, kung bakit antok na antok ako, kung sabagay, galing ako sa work kagabi, tsaka wala akong tulog. 8:30 AM na, hindi pa din ako nabangon, aba kung hindi rin lang ako makaka-attend ng Physics class ay hindi na lang ako papasok. Tnt. Tutal tapos na naman ako mag-report, wala namang quiz, puro discussion at reporting na lang kami ngayon, kaya pinili ko na lang magpahinga buong araw, pinangarap ko kaya 'to! Ang makahinga ng maluwag. Tnt. In-enjoy ko nalang ang panonood ng Eat Bulaga, pati 'yung Globe na SIM ko in-in-sert ko na, para magamit ko na, tamang-tama may mga load ang textmates ko sa Globe. Tnt. Magwi-withdraw daw ako ngayon, kaya nagpunta kami ng Calamba. Tnt. Nag-Liana's din kami, bumili si Mama ng housing ng CP nya, nagpunta din kami sa palaruan sa taas, wala lang, nag-gala lang talaga kaming apat, si Papa, Mama at Eros. Pag-uwi, dumaan kami ni Mama sa bagong bukàs na Puregold sa Banlic, talagang dumaan lang kami, ang dami kasing tao, matatagalan kami kung dun pa kami mamimili. Nag-Sioland na lang kami, tapos ayun umuwi na din. Since maaga pa, I mean, may kaunting araw pa, namasyal ako sa buong Mamatid. Tnt. Lagi ko 'tong ginagawa kapag ganoong oras, lalo na kapag wala naman akong ginagawa. Syempre inikot ko talaga, from sa'min, Barangay Proper, Purok Uno, Goldilocks, Kurimaw, Mabuhay City Phase 6, Phase 5, Phase 3-C, Phase 3-E, Phase 2, Phase 2-E at Corazon pabalik sa'min. Oh diba? Nag-dinner na kami, pagkakain, nag-internet ako, download-download, upload-upload. Tnt. Syempre nakipag-chat na din kay DL (DL na itatawag ko, hindi na Hayop), actually puro private messaging lang kasi 'di naman kami friends sa Facebook. Tnt. Basta, kakatuwa sya, pati kapatid nya (YvL) ibugaw ba naman sa'kin. Tnt. Masaya naman ang gabi ko, may bago pa akong kalendaryo with Governors of Laguna printed on it, courtesy of Ate Cristy. Hehe. Nakapag-download pa ako ng Jumanji. Ang saya. Gud'Nyt!
Sunday, February 20, 2011
'THE CABUYAO MARCH' (OPENING OF PUREGOLD CABUYAO)
Maaga akong nag-prepare at nagsimba, medyo excited ako kasi ngayon lang ulit ako magse-serve, commentator pa. Pagdating namin ni Mama sa simbahan, naghiwalay na kami, ang daming announcements, p-in-ractice ko na, nagpamisa na 'ko, saktuhan lang, dumating na si Father, nagsimula na ang misa, ang ganda ng pagkaka-kanta ni Ate Rotchelle ng salmo, perfect. Natuwa ako sa homily ni Father, kasi madami pa lang mga mangyayaring activities next month, kasi mag-1 year anniversary na ang Shrinehood ng simbahan namin. After communion, nagulat ako, nagpatayo na si Father, 'di na ako nakapag-concluding prayer, napatawa tuloy si Ate Cora (Lector 2) kasi nakaluhod na sila. Nag-announce na ako, medyo nagmamadali si Father kasi tanghali na. After ng misa, umuwi na kami ni Mama. Nakinig na ako ng 'Batingaw ng Katotohan' habang nakahiga, buti nakapag-pahinga pa ako. Ang topic lang ay 'yung tungkol sa Casile Eco-tourism, Agriculture, CCT o 'Conditional Cash Transfer' ng DSWD, Cabuyao Market at Slaughter House, etc. Pati pala 'yung Cabuyao March, ang ganda nga eh. Naglunch na kami, nga pala, buti nabuhay ko na ulit ang CP ko, kala ko nasira na talaga eh. After lunch, nagpahinga ng konti, tapos nag-prepare na din para mag-work. 4 PM ang in ko, inagahan ko ang alis ng bahay, kasi baka ma-traffic ako, opening kasi ngayon ng Puregold Cabuyao sa Banlic, sa may kanto ng Mamatid, ang dami daw tao, nasaksihan ko naman, madami nga, sa unahan pa nga ako sumakay ng jeep, kitang-kita ko. Tnt. Pagdating sa McDo, maaga pa, so nagtext-text muna ako. Pagka-in ko, simula na naman ng kalbaryo. Tnt. Madaming tao ngayon, Linggo eh, ang dami talagang apple pie, sa akin pa pumipila. Haha. Ang saya ng duty ko, kahit lagi ko'ng ina-assume na makikita ko sila, talagang 'sila' ha? 'Yung magkapatid. Tnt. Pero wala eh. Madali na naman ang turnover ko, nagbilang lang naman ako ng libong ketchup packets! Tnt. Nagkuwentuhan pa kami ni Sophie, ang saya talaga maging Closer lagi, kahit malungkot kapag pauwi na, lagi ako nag-iisa, pero ok lang. Smile na lang ako. Tnt. Gud'Nyt..
Saturday, February 19, 2011
SIR NATHAN? HINDI ATA BAGAY. TNT
8 AM na ako nagising, lagi ako naaalimpungatan, ganun pala talaga kapag sa ibang bahay natulog. Tnt. Bumangon na ako, ihing-ihi na kasi ako, sabi ng Nanay ni Sahara mag-almusal na daw kami, nagluto daw sya ng sopas, kumain na kami, 'di na kami natuloy mag-jogging sa UP kasi tanghali na. Pagkakain namin, nahiga ulit sa taas, kuwentuhan at picturan, naligo na ang iba, inabot pa kami ng tanghalian, kumain na naman kami, medyo nahihiya na nga ako eh. Tnt. Tapos, nag-ayos na ako, ang init umuwi, pero it's always good to be back at home. Nag-SM muna kami ni Meann, wala na naman sya! Amp. Pag-uwi ng bahay nag-lunch ulit ako, tnt. Nakapanood pa nga ako ng Eat Bulaga eh. Tapos nag-prepare na din ako, kahit 6 PM pa ang duty ko. 5 PM umalis na ako samin, maaga ako nakarating ng McDo, pag-in ko, kaunti lang ang tao, back-up muna ako, tapos d-um-uty sa DC (Dessert Center) at nag-break na, 'di pa ako pinagpapawisan nag-break na ako kaagad. Tnt. After nun, nagbilang na ako at nagkaha, paudlut-udlot lang ang tao, bakit kaya? Hmm. Inintay ko sya (si Hayop), hayop pa din ba itatawag ko sakanya? 'Di ba bati na kami? Tnt. 'Di naman sya dumating. Bumilis bigla ang oras, kung kelan mag-out na ako dumadami ang tao. Si Sir Carl ang GY Manager, ngayon lang ulit kami nagkita, nung malaman nyang graduating na ako, pinag-ma-manager ba ako, pinag-a-apply nya ako, sabi ko masyado pang maaga. Saglit lang ako nag-turnover, nag-out na din ako. Sa labas may apple pie pa, haha. Pati pagsakay ko sa jeep. Tnt. Pagdating ng Mamatid, puro paminta! Asar. Wala lang, I don't care. 'Di na ako kumain, natulog na ako! Nyt.
Labels:
DC,
Dessert Center,
Eat Bulaga,
Ekstra Ricerz,
GY,
Los Baños,
Mamatid,
Manager Trainee,
McDo,
Meann,
Paminta,
Sahara,
Sir Carl,
SM Calamba
Friday, February 18, 2011
FEB FAIR AT UP LOS BAÑOS (W/ EKSTRA)
Pinilit kong mag-OJT, kahit super antok na antok pa ako. Iniisip ko na lang na may gagawin ako sa office, para 'di ako tamarin. Ewan ko ba, bakit parang wala akong kagana-gana mag-almusal kanina, 'di ko alam kung bakit. Kaya gutom na gutom tuloy ako, buti may pang-break ako nung umaga. Wala na pala si Ma'am Shane, so si Michelle ay si Ma'am Zy-za na ang handler. Kaya sya muna ang nag-administer ng exam ngayon. Ako naman encode lang ng encode, sunod lang ng sunod sa ipinag-uutos ni Ms. Jea, sawa nga ako sa break eh. Tnt. Pinag-iisipan ko kung tutuloy ako sumama sa U.P., iniisip ko naman na masaya 'yun, kaya go-gora ako! Tnt. 5 PM, out na kami, nagmadali na kami pauwi, 5:04 nasa gate na kami, pinasakay kasi kami eh. Tnt. Pagating sa bahay, nag-empake na ako, ayaw pa nga ako payagan eh, sabi ko uuwi din ako kinaumagahan. Todo porma ako, dami ko baon na damit. Tnt. Sa SM kami nagkita-kita, ngayon lang ulit ako pupunta ng Los Baños, particularly sa U.P. at kina Sahara. Crossing/junction pa-UP pa lang, traffic na. Buti na lang at todo silay ako sa nakasakay namin sa jeep, smiling face, ang cute, lalo na 'yung dimples nya, haiy. 9 PM na kami nakarating kina Sahara. Pagkakain, lumakad na kaagad kami sa U.P., tama, lumakad talaga kami, as in naglakad, traffic kasi. Pero okay naman, enjoy, kasi daming tao, mga taga-U.P. halos. Ngayon lang kasi ako naka-attend ng Feb. Fair, para palang fiestahan, may perya pa. Saglit lang kami, kasi kakapagod na, kakagutom pa. Madami din naman ako nakita, mga paminta, apple pie, foreigners, mag-jowawi, BMT, etc. Pag-uwi namin, sa jeep ang cute ng nakasabay namin, hehe. Kuwentuhan, pagbaba sa 711, bumili kami ng alak, tapos sa Mercury Drug din, hanga nga ako eh, talagang walang plastic 'dun, puro paper bag, I salute Los Baños, really! Pag-uwi kina Sahara, nagpalit na kami ng damit, umakyat na sa taas, nagkainan ng cake, inuman, picture picture, ang saya, kuwentuhan, tawanan, takutan, 2 AM na ata kami natulog, sa may labas kami ni Gladz natulog.
Labels:
Apple Pie,
Ekstra Ricerz,
Feb Fair,
Gladz,
Los Baños,
Ma'am Shane,
Ma'am Zyza,
Michelle,
Ms. Jea,
OJT,
Sahara,
SM City Calamba,
UP,
UP Los Baños
Sunday, February 13, 2011
MY DREAM PARTNER, I NEED YOU NA :((
Lector 1 ata ako, ewan limot ko na. Basta ang alam ko lang, malungkot ako. Ewan ko kung bakit, kung tutuusin we're getting closer (with DL), pero may kulang pa din eh. Alam mo 'yun? Ang hirap kasi kapag dumarating ang Valentine's Day ng single ka, you will always feel that you're all alone. Natapos ang duty ko sa McDo na malungkot, 'How would be your Valentine's day?' tanong sa'kin ni Ma'am Devine, 'Hmm. Malungkot Ma'am.' automatic na sagot ko. Tnt. Si Nette kakuwentuhan ko, wala din pala syang ka-valentine's bukas kasi single sya, sabi ko ako din, masarap kayang maging single! Ang dali para sa akin na sabihin 'yun kay Nette, o sa kahit ibang tao. Madaling mag-pretend na masaya ka kahit single, pero may point din na mahirap at malungkot talaga 'pag single ka. Para sa akin madaling mag-pretend na I'm happy being single pero sa totoo lang, nangungulila ako. Matagal na akong nag-iisa. Dalawang dekada na ako sa mundong ito, hanggang ngayon 'di ko pa din nararanasan magkaroon ng special someone na lagi ko makakasama, ka-text lagi, laging nag-de-date, may ka-tawagan ng 'Babe' o 'Mahal', ka-'I-love-you'-han. Matagal na akong naghihintay. Walang namang nagkukusang dumating. Tnt. Lalo tuloy akong nalungkot, kasi may nakasabay ako sa tricycle, familiar sya sa'kin, schoolmate ko nga yata eh. Habang pinagmamasan ko sya, sabi ko sa sarili ko 'Kailan kaya ako makakahanap ng katulad nito?' Matangkad, matangos ang ilong, maputi at mabango! Tnt. Ganitong ganito ang tipo ko eh. Tsk. Pati ang taong nakikita ko sa mga panaginip ko, syang sya! Haiy. 'Di ko tuloy maiwasang tanungin si God, bakit hanggang ngayon wala pa ring dumadating na katulad niya sa buhay ko. Sana makahanap na'ko ng kagaya nya, ganyang itsura talaga, naaamoy ko sya, ang bango, grabe. Naiiyak na din ako. Ang tagal ko na kasing nangungulila sa pagmamahal ng isang tulad niya. Ang suwerte naman ng kasintahan niya. Pagbaba ko, 'di sya nawala sa isipan ko. Valentine's Day na, I hate this day, time, moment, et.c.! I hope to see you in my dreams. Nyt..
Labels:
DL,
Lector 1,
Ma'am Devine,
McDo,
Nette,
Valentine's Day
Saturday, February 12, 2011
3S: SKINNY, SEXY AND SINGLE! TNT
Nag-OJT ako, pangalawang beses ko pa nga lang mag-OJT ng sabado eh. Napuri pa ako, sabi ni Ma'am Mimi ang sexy ko daw. Nakz. She and Ma'am Annie like my pants. Skinny. Tnt. Walang aplikante, may meeting sila, kaya wala akong ginawa kundi sumagot ng sumagot ng tawag. Pero may iba din pala akong ginawa, nag-encode, naggawa ng mga profile cards para sa mga 201 files, nag-administer din pala ako ng exam, regularization exam. 12 PM nag-out na kami ni Michelle, nag-halfday lang kami, nagpunta akong McDo to confirm my schedule, 6 PM pa ang duty ko. Pag-uwi sa bahay nagpahinga ako, nood ng T.V., natulog, paggising ko (PP: Case, Asia Brewery), nag-prepare na ako sa pagpasok. 6 PM nag-in na ako, parang ordinaryong araw lang ng Sabado, madaming tao, as usual, pagka-out, pagod, uuwing mag-isa, oh God! Valentine's Day is coming..
Labels:
201 files,
Asia Brewery,
Ma'am Annie,
Ma'am Mimi,
McDo,
Michelle,
OJT,
Valentine's Day
Friday, February 11, 2011
NOBODY HOME (DL'S BIRTHDAY)
Leche. Nanakbo ako simula sa gate hanggang HR Office ng Asia Brewery. Ang hirap kayang maging late. Tnt. Talagang hapung-hapo ako. 8:07 AM na ako nakapag-Time in. Kumpleto kami, buti may aplikante si Ma'am Zy-za. Una, dalawang babae applying for Secretarial position. Tapos may humabol pang dalawa, na-late sila. Mga engineers from Batangas, mga girls din. Ang dami ngang papers sa table ko eh, actually table ni Khaye 'yun, nag-resign na daw sya, for a valid reason. Feeling ko tuloy ang dami-dami kong ginagawa. Tnt. Nung mag-i-interview na si Ma'am, nag-Mirror ako, nag-take ako ng notes habang nag-i-interview si Ma'am. Ang galing ngang mag-interview ni Ma'am Zy-za eh, buti nakakasunod ako. After ng interview, tinuruan pa nya ako ng mga tips. Iniisip ko tuloy, baka pag-interview-hin din ako, pag-ready na ako, someday, when pigs fly, joke! Syempre Friday Classic ngayon sa EZ Rock, tinawag nga ako ni Ma'am Mimi eh, may itatanong pala'ng title ng kanta, tinutugtog, sabi ko 'Sure! by Debbie Gibson', sagot ni Ma'am, 'Are you Sure?', sabi nga ni Ma'am Maricel, pwede na daw akong sumali sa Wowowee, wala na nun 'di ba? Tnt. Lunchbreak, 'di pa din ako tapos sa mga ch-in-e-check-an ko. Kaya kahit paano may ginagawa din ako nung hapon. Kung ano na lang ang magawa, after break, bumilis na ang oras, 5 PM nag-out na kami. Ang sarap ng feeling. Tnt. Pag-uwi sa bahay ang sarap ng ulam, galing fiestahan, Fiesta sa Uwisan, namiesta nga sila eh. After dinner nag-internet ako (unplanned). Since madaming nakaupo, sa server ako umupo, hindi para mag-internet, kundi gumawa ng site para sa produkto nina Fey, part ng Business Plan nila. Sa Webs.com ako gumawa. 10 PM na ata ako nakapag-internet ng tuga, nag-download ng kanta ni Mama, nag-FB, kung anu-ano pa. Naalala ko, birthday nga pala ngayon ni 'DL' (Hayop), nag-decide akong i-greet sya, wala naman sigurong masama. Tnt. At nakakatuwa, nag-reply sya! Akala ko nga magagalit na naman sya sakin, pero ang reply nya 'Salamat pareng jonathan. Hehe^^'. Gosh, natuwa ako. Haha. Super! I'm so so happy. Hmm. Sana maging friends na kami. Masaya ako'ng umuwi, while listening to 'Nobody Home' by Heart, 'yung kanta na narinig ko kanina sa EZ Rock. 'When you fin'ly come knockin' and there'll nobody home. Nobody home..' at nakatulog na ako, thinking DL....
Labels:
Asia Brewery,
Batangas,
Debbie Gibson,
DL,
EZ Rock,
Fey,
Friday Classic,
Heart,
HR Office,
Ma'am Maricel,
Ma'am Mimi,
Ma'am Zyza,
Mama,
Nobody Home,
Sure,
Uwisan
Wednesday, February 9, 2011
MASIKIP SA DIBDIB. TNT
Napagkasunduan namin (mga ka-grupo ko sa reporting sa HRD) na magkita-kita kina Gladz, para mag-aral ng report namin. So hindi ako nag-OJT ngayon. Tanghali na ako nagising, ang sabi pa may sumugod daw sa'min na mga taga-Uwisan, 'yung bumunggo sa tricycle ni Papa. Basta, tawag pala ng tawag si Gladz, kasi nasa kanila na sina Sahara at Meann. Pagkakain ko ng lunch, with Sinigang na Butu-butong Baboy, naka-dalawang kain ako. Tnt. Pumunta na ako kina Gladz, nag-practice na kami. 'Di ko lang talaga maiwasang mag-internet, nag-OL ako sa Facebook, nanood sa Youtube, naalala ko tuloy 'yung ka-chat ko kagabi. Tnt. Nagmeryenda na din kami. Inabot din kami ng 5 PM, konti lang naman na-aral namin. Nag-bike na kami pauwi, at tinuro ko pa kay Meann ang shortcut pauwi sa kanila, tinuro ko 'yung daan kina Joan. Ang daming mga batang istudyante, pauwi na. Kakatuwa. Tnt. Pag-uwi samin. Nag-aral na ako ng report, kaasar, kasi dalawa ang ire-report namin, napaka-bigat sa dibdib, matapos lang talaga ang araw ng Huwebes, makakahinga na ako ng maluwag.
Tuesday, February 8, 2011
THE INITIAL THRILL
Ano bang nangyari ngayong araw? Tnt. Basta ang alam ko nag-OJT ako. Nanakbo na nga ako kasi male-late na ako. Akala ko talaga wala akong magagawa buong araw. Pero may mga aplikante pala, naligaw silang lahat! Haha. Nag-administer ako ng exam. Mukhang paminta 'yung isa. Tnt. Parang naging busy nga din ako buong umaga eh. Nag-check ng exam, nag-encode na din. Lunchbreak, nakita ko 'yung mga aplikante, 'di ko alam kung ngingitian ko ba o ano. After lunchbreak, 1 PM, pasilip-silip ako sa mga aplikante, aba 'yung paminta at 'yung isang lalaki magkadikit na, parang close na ah? Habang isa-isa silang ini-interview, nagsulat na lang ako ng mga lumang 201 files sa Examination Room, habang patingin-tingin sa kanila, 'yung paminta tinatanong pa sa akin kung pumasa daw ba sya, natatawa tuloy ako. Pagkatapos, umuwi na sila, nagpaalam pa nga sa akin eh. Lumabas na ako dun, natatakot na ako eh. Nag-ubos na lang ako ng oras sa office ni Ma'am Shane, pasagot-sagot ng tawag, lagi nga kaming naglolokohan ni Ms. Jea eh, haha, tapos tinugtog pa 'yung favorite kong kanta, kaso 'di ko alam ang title, kinuha ko lang ang lyrics 'Let's spend more time together, the places we go will always be a misery. Let's stay this way forever, it feels like a dream whenever you discover me'. 5 PM, out na. Ang sarap umuwi. Tnt. Pagdating sa bahay, nag-dinner, tapos nagpunta na ako kina Fey. Ngayon lang ulit ako mag-iinternet eh. Facebook, s-in-earch ko 'yung lyrics, gotcha! Naku ko din ang title, 'The Initial Thrill' by Kenia. Katuwa, pinakinggan at d-in-ownload ko na din, nagbasa din ako ng mga updates, at may nabasa ako, 'Imus and Cabuyao Cityhood Updates', may hiring daw sa Congress bukas, 1:30 PM ang Committee on Local Government about House Bill Nos. 1989 & 3811 - Converting several municipalities into component cities and other part of the country by Rep. Ireneo Maliksi (Cavite) and Rep. Justin Marc Chipeco (Laguna). Gosh! House Bill No. 3811? Eh Cabuyao Cityhood Bill! Hala, bukas na ang hiring, sana makapasa. Natuwa ako at kinabahan na din. Good luck na lang, sana magtuluy-tuloy na. Wala na ako magawa, nag-download na lang ako ng kung anu-ano. Online si 'Yv' (shortcut), kapatid ni DL (Si Hayop), ch-in-at ko sya, sumagot naman, nagtanong ako ng nagtanong, hanggang sa makipag-chat na sya ng tuluyan sa'kin, buti pa sya nakikipagchat sa'kin. Tnt. Ang bait pala nya, dami ko tuloy nalaman tungkol sa kapatid nya (Hayop). Hanggang sa ikinuwento ko na sa kanya nung nagkachat kami ni Hayop, mga pinasasabi sa'kin, tawa sya ng tawa, sabi nya ganun lang daw talaga ang kapatid nya. Hehe. Parang close na nga kami eh, 'Kuya' nga daw ang itatawag nya sakin. Sabi ko friends kami, kasi kaaway ko kapatid nya, galit kasi sakin 'yun. Basta ang dami pa namin pinag-usapan, parang nahulog nga ako sakanya eh. Tnt. Pati mga URLs ng mga profile namin pinaglaruan namin. Haha. Katuwa, feeling ko na-relieved ako, ang sarap ng feeling na maglabas ng sama ng loob sa kapatid ng taong naging dahilan kung bakit sumama ang loob mo. Nagkaroon tuloy ako ng pag-asa, kasi feeling ko lagi syang nasa tabi ko. Tutulungan pa nya ako, masasandalan kung baga. Tnt. Nagpaalam na sya, siguro may 1 hour kami nag-usap. Nag-out na din ako, natulog ako na pinakikinggan ang 'The Initial Thrill', ang sarap sa pakiramdam. Thank you bunso (Yv)! 'We don't wanna lose, the initial thrill...' Goooood'Nyt! I'm happy and relieved, very much!
Labels:
Cabuyao Cityhood Bill,
DL,
Facebook,
Fey,
Kenia,
Ma'am Shane,
Ms. Jea,
OJT,
The Initial Thrill,
YvL
Monday, February 7, 2011
PP: MY HARRY
Grabe, ang sarap ng feeling ko, sana 'di na lang ako nagising, ang ganda ng panaginip ko, super, first time ko lang naramdaman ang ganoong feeling, ang feeling na matagal ko nang inaasam na maramdaman, ang feeling na gustong-gusto ko nang maranasan. Sa panaginip ko lang naramdaman, kaso nabitin pa ako. (PP: My Harry) kinuwento ko kay Sahara sa jeep, kulang daw ako sa Love, 'yan ang ibig sabihin ng panaginip ko. Pagdating sa school, ang sarap talaga mag-Physics. Lalo na pag may calculator. Tnt. After physics, nag-lunch na kami. Inasikaso muna namin ang report namin ni Jenny, bago kami pumasok sa klase ng HRD. Reporting, habang nagkaklase si Sir inasikaso ko ang paniningil sa damit. Oh diba. Tapos nagkuwento sya tungkol sa kanya, nung College life nya, tawa kami ng tawa. Haha. After ng klase, nagpa-xerox kami, nagpa-check kay Ma'am Sanchez, nag-aral ng report. 6 PM pasado na ata kami nakauwi, deretso SM kami. Actually, 'di pa din ako sure kung bibilhin ko na 'yung D12, pagdating sa SM Cyberzone, naghanap-hanap pa ako, pero 'yun pa din ang nagustuhan ko, kaya binili ko na. Cherry Mobile D12, welcome to my world! Tnt. Kumain kami ng fried noodles, tapos um-order kami ng Coke Float, kay 'M' pa nga kami um-order eh, natingin-tingin sya sa'kin, feeling ko nga nakikilala na nya ako eh. Feeler? Tnt. T-in-ake out na namin. Parang may naramdaman akong kakaiba para sa kanya. Haiy. Ayaw pa nya kasing magpakita. Basta. Dun na din kami sumakay, nakasakay pa nga namin 'yung kaklase dati ni Jerick. Aba at 'yung mga katabi nyang strangers eh kinakausap sya, close? Pangiti-ngiti naman sya, palibhasa cute? Hihi. Syempre kinalikot ko na 'yung phone. Pagdating sa terminal, si Jerick nakasabay ko na sa tricycle pauwi. Ang tanong kaagad eh, kung bumili na ako ng cellphone, sabi ko pamasahe muna natin, dumukot ng beinte. Tnt. 'Di din ako nakatiis, pinakita ko na sakanya. Pag-uwi sa bahay, buti nandun pa sina Mama, pupunta kasi kami sa Gulod, huling lamay na ni Lola Tasyon. Pagkakain ng hapunan, nalaman na nina Mama na bumili na ako ng phone, pang-12 na cellphone namin. Haha. Nagbihis na kaagad kami at nagpunta na ng Gulod, naambon pa nga eh. Konti lang ang tao, hanggang sa umulan na ng malakas, nababasa na nga ako dun sa puwesto ko. Pagkasilip ko umuwi na din kami, nag-usap usap muna sila nina Mama at Nanay, Tita Roxan. Inaantok na nga ako that time. Pagkauwi, naglakad na kina Ninang. After my rituals, natulog na ako. Gud'Nyt!
Labels:
Cherry Mobile,
Coke Float,
D12,
Gulod,
HRD,
Jenny,
Jerick,
Lola Tasyon,
M,
Ma'am Sanchez,
Mama,
Nanay Ely,
Ninang,
Papa,
Physics,
Sahara,
SM Cyberzone,
Tita Roxan
Sunday, February 6, 2011
IKAW LANG ANG MAMAHALIN
Maaga ako gumising at nagsimba. Lector 1 ako, First Reading at kinanta ko pa ang 'The Word of the Lord', maayos naman. Nauna nang umuwi si Mama, magse-serve pa kasi ako sa binyag, bibinyagan din ang anak ni Gigette (President namin nung Highschool). Nakakatawa, nagkita ulit kami ni Estrelita ('Sister' tawag namin), last time na nagkita kami sa simbahan din, at misa din ng binyag! Last year pa ata 'yun. Tnt. Saglit lang ang misa, saktong 12 PM natapos, buti nga nakapag-register pa ako sa unli nun eh. Nag-prepare na din kaagad ako, kumain ng lunch, grabe sarap ng luto ng kaldereta, nag-bihis, while listening syempre to 'Batingaw ng Katotohanan'. Wala pang 1 PM umalis na ako ng bahay, pagdating ko ng McDo, maaga pa. Nag-in ako ng 2 PM, ewan ko ba, unang customer ko pa lang nakalimutan ko na kaagad magsukli, at naulit pa? Haist. Habang tumatagal, padami ng padami ang tao, Linggo kasi. Lalo na nung pa-hapon, ang bilis ko ngang kumilos eh, mapa si Ma'am Devine, Ate Onessa o Ma'am She pa mag-back up sa'kin, kayang-kaya. Tnt. Na-extend na ako hanggang 8 PM. Buti 'di kami tuloy magpunta sa patay sa Gulod (si Lola Tasyon), deretso na sana ako. Pagkabihis ko at paglabas ng McDo, sabi sa'kin ni Jason (Co-Crew ko) nakita nya daw ang crush ko sa Mercury Drug, My God! Si Hayop? Tnt. Nagpunta ako kaagad, pagtingin ko, paliko na sya sa may Terminal papuntang Gulod, sinundan ko sya, nakikita ko syang lumilingon sa may gawi sa'kin pero kunwari 'di ko sya nakikita, kaso pagdating ng terminal, sumakay na sya ng jeep, last na sya, kaya 'di ko na sya nakasakay! Amp. Ang malas, kunwari naglakad na'ko papunta dun sa next jeep. Ang malas talaga, ang lakas ng tibok ng puso ko, akala ko talaga magkakasabay kami sa jeep, kahit sa Gulod na ako dumaan pauwi sa'min gagawin ko, para lang makasabay ko sya. Kaso wala eh. Asar talaga, nalungkot ako bigla. Ang dami ko pang nalaman tungkol sa kanya, kuwento sa'kin ni Jason, lalo akong nalungkot. Pauwi sa jeep, maiyak-iyak ako. Naaalala ko sya, kung papano nya (ni Hayop) ako ni-reject, basta, sya talaga kasi ang tinitibok ng puso ko eh. Kahit may mga tao pang nandyan para sa akin, handa akong mahalin, pero sya talaga, Hayop ka! Tnt. Pag-uwi sa bahay, narinig ko 'yung song na 'Ikaw lang ang Mamahalin', shet! Song ko na sa kanya. Haist. Dinaan ko na lang sa pakikipagtext-text, GM-GM, bago ako natulog, tamang-tama nagtext c 'T' (Textmate ko, matagal na. Tnt), nag-text-text kami, ang hot nga ng mga pinag-uusapan namin eh. Haha. Adik. Basta, ako na nakakaalam nun, N-Private eh. Haha. Sana nga! 'Yun lang masasabi ko sa kanya. Naka-chat ko din pala si Kevin, ka-__ ko. Haha. Malungkot na masaya ako ngayong gabi, pero isa lang talaga ang nasa puso ko. H-A-Y-O-P, 'Puso'y lumaban man walang magagawa, saan ka, kailan ka muling mamamasdan (mahahagkan)? Magkulang man sa'tin itong sandali, alam ko na tayo'y magkikitang muli. Hangga't may umaga pa na haharapin. Ikaw lang ang Mamahalin'. Nyt.
Labels:
Batingaw ng Katotohanan,
DL,
Gigette,
Gulod,
Hayop,
Lector 1,
Lola Tasyon,
Ma'am Devine,
Ma'am She,
Mama,
McDo,
N-Private,
Sistrelita,
T
Saturday, February 5, 2011
TITA ELLEN'S BIRTHDAY
Agang-aga na-buwisit lang ako dun sa ka-chat ko sa Uzzap, sabihin ba naman na City na daw ang Lingayen (Pangasinan). Uunahan pa ang Cabuyao? Tnt. Birthday nga pala ni Tita Ellen, sa facebook ko pa nalaman. Haha. Nag-fb at uzzap lang ako maghapon, nood pati ng Eat Bulaga at DVD, habang naghihintay ng oras ng pasok. Balak kong maaga magpunta ng McDo, 6 PM ang duty ko. 4:30 PM pa lang umalis na ako ng bahay, sa pinto pa lang ng McDo nagulat ako, ibang managers ang nakaduty, pero okay lang, mababait naman pala sila. Ayos lang ang pag-duty ko, una medyo kinakabahan, pero masaya. Pasayaw-sayaw pa nga kami eh, si Ma'am Rhoda nangunguna. Tnt. 6 PM to 10 PM lang pala ako, napadaan lang pala ako. Haha. Maaga akong nakauwi, kakatuwa kasi katext ko mga textmates ko. Masaya akong nakatulog....
Labels:
Cabuyao,
DVD,
Eat Bulaga,
Lingayen,
McDo,
Tita Ellen,
Uzzap
Friday, February 4, 2011
RIGHT NEXT TO ME..
Naaasar ako. Wala lang. Wala kasing magawa. Haha. Kung kelan nanalangin ako na sana madaming aplikante, wala naman kahit isa! Wala tuloy ako magawa. Pero ok na din. Nasa examination room lang kami ni Michelle, sulat ng sulat ng kung anu-ano while listening to my Musicplayer. Syempre puro lumang kanta, jamming kaming dalawa. Hindi man namin naririnig ang mga kanta sa EZ Rock ngayon, kasi Friday Classic, parang dun na din kami nakikinig, kasi puro classic love songs ang pinapagtugtog ko. Tnt. After lunchbreak same scenario lang. Nagpunta nga dun ang Union President eh, taga-Mamatid, kinausap nga ako, kilala nya pala ako. Tnt. Siguro 20 minutes before 5 PM nagligpit na kami, nagkuwentuhan at nag-usap na lang kaming tatlo kasama si Ysa kung hanggang kailan pa kami mag-o-OJT. Naririnig ko na ang radio, lahat ng pinatugtog ko sa phone ko kanina tinugtog din sa radio, oh diba? Tnt. Pati 'yung favorite song ni Michelle tinugtog, 'Right Next to Me' by Whistle, ang ganda nga nun, mai-download nga. Tnt. 5 PM, ang sarap ng feeling umuwi ng bahay. Pagdating ng bahay, gutom na ako. After dinner nag-internet ako, pero saglit lang, wala pang 10 PM nag-out na ako, nag-download lang naman ako ng kanta, syempre chat-chat na din. Nai-inlove ako, haha, siguro kasi may tao talagang sweet sa akin kaya ganun. Or talagang love month lang ngayon? Tnt. Pagkauwi ko, pinakinggan ko ang 'Right Next to Me', kakalungkot, parang naiyak ako. T_T. Hanggang sa nakatulog na ako....
Labels:
EZ Rock,
Fey,
Friday Classic,
Mamatid,
Michelle,
OJT,
Right Next to Me,
Union President,
Whistle,
Ysa
Thursday, February 3, 2011
'CHEMISTRY' AS IN 'TSE!'MISTRY :DD
Nakailang alarm ako bago bumangon! Tnt. Puyat na puyat kasi. Hmm. 9:30 AM na din ako nakaalis samin. Leche'ng CL 'yan, bingot na 'yung sa right. Amp. Pero okay lang. Ang ganda naman ng morning ko. Haha. Pagsakay ko pa lang ng tricycle ang ganda na ng view ko! Tnt. Paglalakad sa kanto, pagtawid at pagsakay ng jeep. Maging sa loob ng jeep. Haha. Adik. Pagdating sa school, hala, 'di na ako nakapag-CR, nag-exam na agad. Ganun pa din, medyo madali lang. Tnt. After ng exam, inasikaso na namin nina Ysa at Michelle 'yung ipapasa namin na requirements para sa Practicum. At muntik pa akong makawala ng pera! Nakasingil kasi ako ng kulang 2 thousand pesos, aba't nailapag ko pala sa table sa loob ng SSC Office, nalaman ko'ng nawawala nung nakina Kuya Johnny na kami, takbo kami ni Carlene pabalik ng SSC Office, buti na-recover pa namin. Tnt. Ok lang, nakalandi naman kami ng kung sinu-sino ni Carlene eh. Haha. After ng tawanan ng tawanan at kainan ng lunch, bumalik na kami ng room, may hinanap kami ni Jenny na mga professor/society president, kung sinu-sino pinag-tanungan namin, para kaming bata na nawawala. Susme, mga 4th year na kami. Haha. Nagklase na kay Dir. Torres, nag-report na yung first group, reporting ba 'yun? Tnt. Sabi ni Sir 'CHEMISTRY! as in TSE!mistry. Haha. Nakakatawa talaga 'yun. After ng klase nya, kay Dr. Sanchez naman, puro relaxation lang ang ginawa namin, hypnotism daw 'yun! In fairness na-relaxed naman ako. Tnt. Pagkatapos ng klase nya nagpa-print kami ng report, tawa kami ng tawa nina Monica at Jenny, gawa kase ni Inday, pagkabayad namin eh 'di na kami pinakealaman, kahit nung matapos ang printing kinuha na lang namin basta, kung kami'y magnanakaw, naiuwi na namin lahat ang printer wala syang kaalam-alam! Magte-thank you pa! Haha. After kumain ng kwek-kwek umuwi na kami. Dapat sana sa terminal kami pupunta, eh sa SM na lang pala. Naka-duty sya! Feeling ko nga nakita nya ako (feeler?), nag-McDo kami, pati dun tawanan kami ng tawanan, gawa kasi ng mga uses of words namin (e.g. Tesbun, Jontis, Joga, Boobs, Bagong Jupet, et.c.). Paglabas namin ng McDo, grabe nagkita kami ni Jelly! After almost a year, ngayon lang ulit kami nagkita, promise, kaya talagang nagyapusan kami, haha. Tapos nagpunta kami sa Cyberzone, may bago akong type na cellphone. Haha. Cherrie Mobile, D12. Naku, gusto kong bilhin! Tnt. Ka-excite tuloy magkapera. Inabot na din kami ng ilang oras kalilibot sa Cyberzone, kung sinu-sino na ang mga na-encounter namin, mga salesman ng cellphone, laptop, o kung ano mang gadgets. Pag-uwi sa bahay, natulog na din agad. OJT bukas eh. Gud'Nyt!
Labels:
Carlene,
Chemistry,
Cherrie Mobile,
D12,
Dir. Torres,
Jelly,
Jenny,
Ma'am Sanchez,
McDo,
Monica,
SM Cyberzone
Wednesday, February 2, 2011
CRY FOR HELP T_T
Nag-OJT ako ngayon, kumpleto kami. Kaso napagkasunduan na mag-Halfday na lang kasi may exam bukas. Ayoko sanang mag-halfday, pero sige na nga. Madaming aplikante, nag-administer ako ng exam, ngayon ko lang na-realize ang feeling ng kinatatakutan ko sa ganitong posisyon. Ako na nakakaalam nun, mahirap matanggap ang bagsak sa exam, 'di lahat ng natatanggap sa interview lang pumapasa. Haiy, sana matanggap sya, ang bait nya kasi. Move on. Okay? Tnt. We're getting closer na talaga. Lunchbreak, sa bahay ako kumain, tapos nakatulog na naman. Amp. Ang laki na ng tiyan ko, paggising ko, nag-aral na ako sa Physics, using my new Scientific Calculator, ngayon lang dumating ang order. Tnt. After dinner, nagpunta na ako kina Feyang, nagulat ako, umuwi na pala from Davao ang inaanak ko, si Shermilyn pati si Ate She. Syempre pati si Ate Ester, kumustahan. Habang nag-iinternet ako katabi ko sya, wala kaming ginawa kundi magkuwentuhan, pati tungkol sa kasal nya, 'yung lugar nya sa Jordan, et. c. Nagdownload ulit ako, pati pictures ni 'JzLz' kinuha ko, haha. Naka-4 hours ako! Maryosep. 1 AM na ako nakauwi. Malungkot ako ngayon, promise, bakit hanggang ngayon naaawa pa din ako sa kanya? Move on, move on! Nyt.
Tuesday, February 1, 2011
ALL BY MYSELF..
FEB. 1 Anu bang mga panaginip 'yan! Tnt (PP: The Solicitors). Ang sakit ng ulo ko, lagi na lang akong kulang sa tulog. Eto na nga ba ang kinatatakutan ko. Una kong na-receive ang textmessage ni Ysa na hindi daw sya makakapag-OJT, so kami lang pala ulit ni Michelle ang mag-o-OJT ngayon. Around 7:15 AM na ako nakaalis ng bahay, medyo hindi ako tinatamad ngayon kasi madami naman kaming gagawin. Bago pa lang ako bababa ng tricycle sa kanto, nag-text si Michelle, hindi daw sya makakapag-OJT! Anak ng prutas, ako lang mag-isa ngayon? Hala, alangan naman na umuwi pa ako. So tumuloy na ako. Kaso ano kayang magiging scenario mamaya? Nagsosolo ako. Tnt. Sabi ko tuloy sa sarili ko, ang laki ng problema ko! Tnt. Pero okay naman pala kahit nag-iisa ako, kasi madami akong ginagawa, si Ma'am Shane ang nag-uutos sa'kin, may pinapa-file sya, medyo nalungkot nga ako na resigned na pala sya. T_T. Pinag-administer ako ni Ma'am Mimi ng exam, may limang aplikante, maayos naman, ang lalayo nila, may taga-Batangas, Liliw, may taga-Marinduque pa. Tnt. Sakto lang kasi natapos na kaagad ni Ma'am ang pag-i-interview. Busy-busyhan nga ako eh. Ang daming paperworks sa table ko. Nakz. Tawa nga kami ni Ma'am Mimi, kasi kung sino pa 'yung ipapa-undergo nya for final interview 'yun pa 'yung may bagsak sa psych exam. Tnt. Lunchbreak, solo lang ako. Pero ayos lang. Nagstart na ulit ang gawain, pinapatuloy ko 'yung napakadami naming tatapusin ni Michelle, solo lang ako sa Training Room, grabe, wala akong ginawa kundi takutin ang sarili ko, kung anu-ano ang naririnig ko, pag may nagbubukas ng pinto nagugulat ako. Haiz. Buti nakatapos ako ng isa't kalahating kahon na puno ng maalikabok, mabaho at lumang-luma na mga separated 201 files. Pero busog na busog naman ako kasi may nagpakain, Pancit Malabon, tinapay at letsong manok, grabe, ang sarap. Tnt. Sakto, pagkapatay ko lahat ng ilaw at air-con. ng training room, konting retouch lang, nag-out na kami. Ang sarap talaga ng feeling 'pag uwian na. Tnt. Nagmadali na akong sumakay ng jeep, inunahan ko na sila, pero parang nagiging close na din ako sa kanila. Tnt. Pagdating sa kanto, nagmadali ako, para makahabol sa mga tatawid. Syempre nanguna ako nung mag-walk sign na bigla, gusto kong ipakita sa lahat na marunong akong sumunod sa Traffic Lights. May isang makulit na jeep na dumeretso ng andar, narinig ko 'yung isang LTMO, pinagalitan 'yung driver. Tama lang 'yun! Naturingang driver 'di marunong sumunod sa traffic lights! Hmp. Pagdating sa bahay, meryenda saglit. Dinnertime, adobong manok, busog na busog ako, nakatulog saglit, paggising ko pumunta kaming Gulod. Dalawa kasi patay dun ngayon, pagdating namin dun sa una, wala daw dun ang Ninong Danny ko, kakauwi lang ulit ng Bulacan, once in a blue moon lang kami magkita ng ninong kong iyon eh. Kapag may okasyon lang sa Gulod saka sya umuuwi, kapag umuwi naman sya ng Gulod from Bulacan, saka ako pumupunta dun sa kanila, kaya nagkikita kami, last na nagkita kami was 2006. Ngayon, 'di kami nagpang-abot, sayang. Saglit lang kami, umuwi na din kami kaagad. Naghanap na din ako ng Apple Pie, meron din naman, kahit papano. Tnt. Pag-uwi sa bahay, rituals mode. And then, tulog mode. Tnt. Gud'Nytie!
Labels:
201 files,
Apple Pie,
Batangas,
Gulod,
LTMO,
Ma'am Mimi,
Ma'am Shane,
Michelle,
Ninong Danny,
OJT,
Pancit Malabon
Subscribe to:
Posts (Atom)