Friday, June 29, 2012

Grabe, laptop pa lang ang nailalagay ko sa bag ko, wala na kaagad space! Siksikin tuloy ang mga gamit ko sa bag ko. Hindi ko alam ang isusuot ko, sa MCDC-Cabuyao kasi ako mag-rereport ngayon. Tiyak na magugulat si Jelly, hindi nya alam na doon ako mag-i-in this morning. Sarado na daw ang kalsada, dahil nagpe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga sa Baclaran, nako napakasaya tiyak sa Baclaran ngayon, nandoon kasi ang Eat Bulaga para sa segment nila na “Juan For All, All For Juan”. Parang gusto ko nga doon dumaan papunta ng office eh, makasilip lang ako. Sikat na naman ang Cabuyao, sana naman ma-endorse sa TV ang Cityhood ng Cabuyao, toink. Pagdating sa Orchard (MCDC-Cabuyao Office), halos lahat sila nagulat, nagtataka bakit doon daw ako nag-in ngayon, ang tanong pa nga ng iba eh, “Dito ka na ulit?” Sabi ko may imi-meet lang na clients si boss kaya doon ako pinag-in. Si Jelly, wala pa. Naunahan ko pa pumasok eh, kaso nung nagkita na kami, hindi na sya masyadong nagulat kasi nalaman na nya na naanduon ako kasi nakasalubong nya daw si Papa nung hinatid ako kanina.




Tuwang-tuwa na naman daw si Jelly, at Masaya sya ngayon sa office kasi nandito ako. Niyayaya nya nga ako mag-lunch out, kasi pupunta daw kami sa kanila sa Villa Estela para masilip namin ang Eat Bulaga, naku nakaka-excite. Ang Baclaran ang pangatlong barangay sa Cabuyao na sinugod ng “Juan for All, All for Juan” ng Eat Bulaga, una ay ang Brgy. Butong, sunod ay Brgy. Pittland. Bida na naman ang Puregold Mamatid. Nakaksabik, kasi makikita ang Baclaran sa TV. Sana maging maayos ang lahat, at makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan, malaki ang tiyansa nilang manalo. Ayusin lang nila! Toink.

Thursday, June 28, 2012

FIRST TIME @ DAVAO

Excited ako na talagang kinakabahan. Syempre unang beses ko pa lang sasakay ng eroplano. Mahilig akong sumakay ng Space Shuttle ng Enchanted Kingdom pero syempre mababa lang ‘yun, ang eroplano sa ere talaga, iniisip ko pa lang nangangatog na ako. Maaga ako’ng hinatid nina Mama at Papa, ngayon lang ako aalis ng naka-shorts lang, take note. Dala ko ay dalawang bag, isang body bag na puro damit at isang bag na hand carry, laptop at mga papel ang laman. Excited talaga ako, syempre after 21 years ngayon lang ako makakasakay ng eroplano, kinakabahan ako kasi mahilig ako’ng manood ng Final Destination medyo napaparanoid ako. Pero alam kong walang masamang mangyayari, God will protect us.


Ayan na! Pagdating sa NAIA Terminal 3, pumila na kami, kaming tatlo nina Sir Jojo (Engineer) at Sir Robert (Architect). Syempre picture-picture sa bawat sulok ng Airport. Nag-Arrozcaldo muna kami, hanggang sa mandating na namin talaga ang pinaka-gate papuntang eroplano, syempre dumaan ako sa napaka-daming inspeksyon. Hawak ang ticket, pinagmamasdan ang oras ng pag-alis. Nag-bus kami sa loob ng airport papunta dun sa kinaroroonan ng Eroplano, hanggang sa Makita ko na sa harapan ko ang eroplano na sasakyan namin. Umakyat na kami, 2nd time ko maka-akyat at makasakay ng eroplano, pero ngayon lang talaga ako bibiyahe sakay ng isang umaandar na eroplano. Pagka-upo ko, feel na feel ko ang atmosphere sa loob. Sinulit ko ang upo ko, mga kung anu mang mga bagay na pwede kong gawin sa loob ng eroplano. Ilang minute na lang lilipad na kami. Nangangatog na ako, sinusunod ko lang ang mga tip sakin na mag-bubble gum, I know lahat ay magiging ok. Hanggang sa umandar na ang eroplano, feel na feel ko ang pag-angat ng eroplano at paglipad nya sa himpapawid, haha, nakakakaba talaga sa una, pero once na marating na ng eroplano ‘yung level nya sa sky, ayos na nag lahat. Pagbaba naman, nakakatakot din, parang bubulusok pababa ang eroplano. At once na lumapag na ang gulong ng eroplano sa lupa, mawawala na lahat ng kaba kasi nakababa ka ng maayos.

Paglapag sa lupa, Welcome to Davao! At last, nakarating din ako sa Davao, napakasarap sa pakiramdam, masaya.syempre picture picture kahit saang sulok. Nag-breakfast kami sa isang kainan sa tapat ng Davao International Airport (Francisco Bangoy International Airport). Grabe, best btreakfast sa Sky Go Café and Resto, Clubhouse ang ion-order namin, the best talaga ang breakfast na ‘yun, double sandwich sya na ang dressing ay lettuce, ham, egg, tomato na may mayonnaise, with Iced Milk pa. Sarap. Nag-taxi na kami papuntang hotel, D’Leonor Hotel sa Downtown Davao kami nagh-check in, maganda sya, condo-style ang mga riooms. May kitchen, dining area, bedroom, mini-bar, balcony living room with TV. Nag-ayos muna kami ng mga gamit, tapos may m-in-eet na kaming client na friend ni boss. Sya lahat ang nag-ayos ng hotel reservation at booking, dinala nya kami sa isa sa mga projects nya sa SM City Davao, developer kasi sya ng mga restaurants sa city, madami na syang project sa Davao. Sa Peri-peri kami nag-lunch, the best ang charcoal chicken dun, at for additional P49, mayroon ka nang unlimited soup at bottomless drink. Mild and Spicy Chicken with Java rice ang kinain namin, with refreshing Mango Juice. Kwentuhan, after nun nagpunta kami sa planta nya. P-in-repare namin lahat ng mga gagamitin para sa Demo tomorrow. Doon na kami inabot ng dilim. Nakakatuwa sa Davao, TV at Radio Stations ay lahat bisaya ang language, syempre lalo na ang mga tao dun, ‘di ko sila maintindihan lahat, pero na-ge-gets ko naman ‘yung ibang mga sinasabi nila. Bumalik na kami ng hotel, ang after an hour, sinundo ulit kami nung friend ni boss at igagala nya daw kami sa Davao, ipapakita nya daw sa amin ang Nightlife sa city. Pops ang pinuntahan namin, Resto bar sya. Tuna Steak ang dinner namin, super sarap, fresh na fresh ‘yung fish. Tapos nag-inom din nkami ng San Mig light, with soft music at kwentuhan, masaya at masarap. Pulutan name ay ‘yung specialty nila na bacon rolls na may shrimp sa gitna, pineapple sauce ang sawsawan, we also ordered sashimi, first time kong makatikim nun. After, dinala naman kami sa mga beerhouse doon, dikit-dikit lang halos ang mga bar, beerhouse at resto sa davao, Masaya, parang Metro Manila pero walang traffic, ang saya sa davao, buhay na buhay ang Nightlife. Malawak ang mga daan, maging ang pamamahala at services ay world class ang internationally recognized. 10 years na pala ang campaign ng mayor nila, si Sara Z. Duterte, kaya bawal talaga ang sigarilyo sa buong Davao. Hindi kami nagtagal sa beerhouse na pinuntahan namin. Sunod naman ay dinala kami sa isang Garden Spa at Massage, nagpa-massage kami, super sarap sa pakiramdam, first time kong magpa-massage, sarap sa pakiramdam, feeling. Maganda naman ang service nila, masasabi ko din na sulit na sulit ang service sa Amaranthus Garden and Spa sa may Buhangin branch. First time ko ‘yun and I will always remember that! :p

2 AM na kami naka-balik ng hotel. Ang saya ng gabi ko, madami akong nakita sa Davao, napuntahan, napaka-ganda ta napaka-saya sa Davao lalo na pag-gabi. Ang dami kong first time. Haha. I Love Davao!

Tuesday, June 19, 2012

PARA AKONG NAGLILIHI SA KWEK-KWEK, TOINK

Excited na excited ako’ng umuwi kahapon, dala-dala ko kasi ‘yung laptop na ginagamit ko sa office, kaya nga ba sumakit ang braso ko sa bigat ng bitbit ko, hanggang ngayon nasakit pa din. Wala naman ako’ng magawa sa laptop ko, since company property sya, naka-blocked lahat ng games at applications. Tuwang-tuwa pa man din si Mama, akala nya kasi makakapag-Facebook sya, toink.




Nagmamadali ako’ng gumala ngayon. Gusto ko kasing sumilip sa Baclaran, pupunta kasi doon ang Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga, ang alam ko nag-pe-prepare na ang mga staff ng Eat Bulaga doon. Sa van pa lang ka-text ko na sina Joan at Lovelyn, namura ko pa nga si Lovelyn, nasakit daw ang ulo nya at ayaw nya daw gumala. Toink. Nasisira na naman ang kadena ng bike ko, bwiset. Pagdating kina Lovelyn, kinaon na namin si Joan, grabe tuwang-tuwa ang mga mata ko! Pagdating kina Joan, nanghiram na sya ng bike at gumala na kami, kakatuwa, para kaming nag-usap-usap, naka-violet kami lahat. Main Road to Bacalaran kami, pagdating namin ng Baclaran, madami ng tao sa daan, pero usual lang ‘yun, wala masyado’ng nag-aayos pa. Pero may gumagala na Van at nag-a-announce tungkol sa pagdating nga ng Eat Bulaga bukas, nakikiusap din na sana maging maayos ang pakikitungo ng mga taga-Baclaran sa Eat Bulaga, maging maayos sana ang pagpila nila sa mga numero at upang makapasok ang Baclaran sa Barangay Bayanihan ng Eat Bulaga.



Nakarating din kami ng Gulod, sa paradahan. Kaso ayaw nila doon kumain, so bumalik na na kami ng Mabuhay. Bumili kami ng Kwek-Kwek at kumain kami kina Lovelyn. Ang sarap ng Kwek-Kwek kahit bmedyo nabitin kami. Umuwi na kami kaagad, para hindi kami mapagalitan ng aming mga magulang at makagala ulit kami bukas, ‘di ba? Ababait naming mga bata ano? Toink.



Pag-uwi sa bahay, kaantok! Walang magawa sa laptop. Makatulog na! :))

Monday, June 18, 2012

"NASA GITNA KAMI NG P. IN*"

May bago na akong hobby sa umaga pagkagising, iyon ay ang mag-exercise, toink. Bakit ngayon ko lang ginagawa ‘yon sa umaga? Dapat every morning ako nag-e-exercise kasi tumataba na naman ako. Andaming class suspensions ngayon, maulan na naman kasi, puro baha, kaso sa Metro Manila lang, ano bang care ko dun? Kelan ba ma-sususpend ang work ko sa office? Toink. Pusong bato kaagad ang napakinggan ko, tugtog sa tricycle. Talaga palang uso ang kantang ‘yon? Late ko na naman na-discover. Traffic, Lunes kasi ngayon. ‘Yung ibang college schools ngayon lang nag-start ang classes nila. Pagdating sa may riles, dahil traffic, sa gitna ba naman ng riles kami tumigil, ‘di kasi maka-adjust ang tricycle, buti at walang padaan na train, dahil kahit isang hugong lang ng tunog ng tren ang marinig ko, tatalon talaga ako sa tricycle! Napapatawa nga ako, kasi napa-mura tuloy ako, “Nasa gitna kami ng P***ng Ina” Haha! Himala, ako ata ang nauna sa kanto ngayon, naunahan ko si Ghez (HS Classmate, Friend, Now Officemate). Sumakay kaagad kami ng Van, buti hindi ako masyadong nainip sa byahe, dahil may kakuwentuhan ako habang binabagtas ang Expressway papuntang Alabang. At kagaya nga ng sinabi ko, may nasisilayan ang mga mata ko na nakasakay din sa Van, haha, kahit nasa likod sya at hindi ko sya katabi, ayos lang. Masaya pa din. Pagdating sa office, may pinagawa sa akin si Ms. Weng na mga forms para sa Company namin, ang Ecostong, buti may ginawa ako, wala kasi’ng naiwang trabaho sa akin ang boss ko ngayon. Nakita ko ang mga computer ng mga ka-officemates ko dito, nag-kakanyahan ng Screensaver, puro Text lahat, kaya pinalitan ko din ang akin, nilagay ko “don’t cry, La Vita”, kasi LSS pa din ako sa kantang “Don’t Cry” ni Ken Laszlo eto ang lyrics… Open your eyes,that's all he's ever wanted Maybe it's just your love thats gone I can be right when you get the feelings through your heart (into your heart) x 3 What do you think about it? Do you think that is to hide your pride? What do you dream about yourself? Now baby you can tell me,don't be so afraid And Chorus Don't cry,don't cry this is my life Don't cry ,you've not better never lose your mind Now maybe you can feel me,maybe you can see me Don't cry,it's me forever don't forget my eyes Don't cry you have not better never lose your time Now maybe you can feel me maybe you can see me Don't cry Now in your eyes,to the world you've been a strong girl maybe you'll reach for your goal I must belive that you kind of saw to get this far What do you think about it? Do you think that is to hide your pride What do you dream about yourself? Now baby you can tell me,don't be so afraid And Chorus Oh ‘di ba, hehe. Dumating na si Boss, tapos na din ako sa pinagawa ni Ms. Weng na form, pina-check-an ko na sa boss ko, hmm, I expect na matutuwa sya, kasi actually hindi nya naman pinagawa sa akin ‘yun, I voluntarily did that ‘coz I know in the future magagamit namin ‘yun. Tinanggap nya naman, kaso not that too appreciative, ‘yun lang ‘yung na-feel ko, but that’s ok. Medyo tumaas lang siguro ang expectation ko sa level ng appreciation na mare-receive ko. Naisip ko tuloy ‘yung kinuwento sa akin ni jelly, na mag-reresign daw dahil hindi masyadong na-a-appreciate ng boss nya ang mga works nya. Nababalewala ang effort. Na-feel ko din ‘yun ngayon. Hmm. Kesa malungkot ako, inisip ko na lang ‘yung quote na nakadikit sa table ni Ms. Weng about Happiness, “give more.. expect less..” Tama! Toink

Sunday, June 17, 2012

"DON'T CRY, THIS IS MY LIFE"

Linggo na nga lang ang tanging araw na gigising ako ng tanghali, kaso ngayon maaga na naman ako gumising kasi 10 AM ang duty ko sa simbahan. Hindi nakakatamad bumangon kasi alam kong sa Tahanan ng Diyos ako pupunta. Maganda din naman ang gising ko kasi napanaginipan ko 'yung matagl ko ng crush nung College, hay, na-miss ko tuloy sya, kasi sa panaginip ko nag-uusap kami, magkatabi kami, miss ko na talaga sya, parang totoo na magksama kami. Hmm. Ang lalong nagpa-excite pa sa akin ay dahil Commentator ako ngayon. Gustung-gusto ko ang mag-commentator sa misa. Pagdating sa Simbahan, nag-panalangin na ako kay San Vicente at Panalangin sa mga Pari, aba’y sh-in-ortcut ko na, kasi nakukutuban ko na nanduon na si Father, kailangan ko na’ng magpa-misa. Tinapos ko kaagad ang Panalangin, forgive me Lord, nagpamisa na kaagad ako. At kagaya nga ng kutob ko, nakapila na si Father sa likod, bago pa lang ako nagpapamisa, andami pang mga kaluluwa ang pinamisa ko. Nag-start na kaagad, natatawa ako, kasi si Ate Onor (Psalmist) nung nag-start sya kantahin ang psalm which is “Lord, it is good, to give thanks to you”, pero ang pag-kanta nya “Lord, it is good, to give thanks to the Lord”. Redundant ‘yung sentence, akala ko nagkamali lang siya sa una, pero hanggang huli nung ni-repeat nya for the alst time ang psalm, ganun pa din “Lord, it is good, to give thanks to the Lord” so, mali nga talaga ang alam nya’ng verse. Napatawa na lang ako, pero hindi naman halata, kagaya ng pagso-shortcut ko kanina sa Panalangin sa mga Pari, hindi halata ang pagso-shortcut ko, kasi hindi naman alam ng tao ‘yun, kami-kami lang ang nakakaalam. Forgive us, O Lord. Tapos si Ate Beth (Lector 3) naman, after ng Second reading bumaba na si Ma’am Flor (Lector 2), sinenyasan ako ni Ate Beth na ako na daw ang bumasa ng verse ng Alleluia, sumenyas din ako na wala ako’ng misallette, pero ang kanta pala ng choir sa Alleluia ay may verse, kaya no need na basahin ang verse, napatawa na lang kaming dalawa. Haha. While nag-hohomily si Father, napatawa ako du’n sa sinabi nya na, tayo daw mga tao, gusto natin lahat minamadali, instant kumbaga, ang pagtitimpla ng kape, hindi na dati na isa-isa pang lalagyan ng asukal, kape, creamer, ngayon, may 3-in-1 na, isang timplahan na lang. Haha. Napatingin ako sa may luhuran ko, may palakang maliit pala na nakakubli dun, natakot tuloy ako, baka biglang tumalon ay magulat ako baka kung ano pa masabi ko sa mic, nangangamba tuloy ako. Hindi ko alam kung patay o natutulog lang. Buti maayos naman ang lahat, Father’s Day nga pala, kaya binasbasan lahat ni Father ang mga tatay, pina-tayo ang mga ama, tapos sabi ni Father ‘yung mga anak daw at asawa ay halikan ang kanilang ama at asawa. Huwag lang daw hahalik sa asawa ng may asawa, haha. Si Father nag-joke na naman. Nakita ko si Jerome (Officemate ko sa MCDC-Cabuyao) nagsimba ata sya, o mag-aanak sa binyag. Pag-uwi namin, nag-lunch na kami, kasi may program na naman ang mga bata sa Algon, Father’s Day Celebration, invited ang mga bata kasi sasayaw sila. Tinawagan namin si Tita Roxan kasi wala pa sila, ‘yun pala ang alam nila 12 PM pa ang program, pinakausap sa akin si Nanay Ely, ang tanong ko “’Nay punta na kayo dito” ang sagot ba naman ay “Aba papaano ako makakapunta dyan?” ‘yun pala si Lolo ang kausap ko! Tawa kami ng tawa. Nagpunta na kami ng Algon kasama ang mga bata, nagpunta na naman kami dun, para asikasuhin at panuorin ang mga bata, sila lang naman ang may pagkain, toink, kasama namin si Nanay Ely, sya ang nag-bantay kay Elaiza. LSS ako sa “Don’t cry, this is my life” napakinggan ko kanina sa Radio. Madali lang natapos, buti naman, 1:30 PM umuwi na kami. Dumeretso na pati ako sa simbahan, may meeting daw kami with Kuya Alson para sa Souvenir Program, binayaran ko na din si AteTelay. Bale ang napa-toka sa akin ay ang History ng Mamatid at ang Talambuhay ni San Vicente. Medyo madali lang naman, after, nag-miryenda kami, turon na may langka at PJ, ang sarap, toink. Tapos 3PM nagpunta ako kina Feyang para mag-internet, andami kong nakuha (haha), nagFB din ako, nag-upload ng mga pictures last EK adventure. 6PM na ako nakauwi, pagkauwi ko, ang bango ng ulam, fried chicken ni Mama, tapos tumawag si Anthony, nag-usap kami, close na close na talaga kami, at nag-unli pa ako dahil sa kanya. Medyo nagtampo nga lang ako. Nag-text lang ako ng nag-text habang nanonood ng Final Destination 3 in TV5, at nanood din ng bago ko, toink. Kaantok! –Nyt :))

Tuesday, June 5, 2012

PUSONG BATO

Ian Co’s PUSONG BATO Nang ika'y ibigin ko Mundo ko'y biglang nagbago Akala ko ika'y langit Yun pala'y sakit ng ulo Sabi mo sa akin Kailan may di mag babago Naniwala naman sa iyo Ba't ngayo'y iniwan mo. w.lyricsfreak.com/i/ian+co/pusong+bato_20995820.html ] Chorus: Di mo alam dahil sa yo Ako'y hindi makakain Di rin makatulog Buhat ng iyong lokohin Kung ako'y muling iibig Sana'y di maging katulad mo Tulad mo na may pusong bato Kahit san ka man ngayon Dinggin mo itong awitin Baka sakaling ika'y magising Ang matigas mong damdamin Repeat Chorus Di mo alam dahil sa yo Ako'y hindi makakain Di rin makatulog Buhat ng iyong lokohin Kung ako'y muling iibig Sana'y di maging katulad mo Tulad mo na may pusong bato Repeat Chrorus Tulad mo na may pusong bato Twice ko narinig ang kantang 'yan this day dito sa office, anyway, parang ngayon ko lang sya napakinggan? Pero ang ganda nya, ang sarap pakinggan at ang sarap sabayan. Kaya ayan, s-in-earch ko tuloy ang lyrics. Sh-in-are ko na din sa inyo, toink. Ang ganda ng meaning ng song, naka-relate ako. Naranasan ko din naman 'yan before, hindi ako makakain, hindi rin makatulog, nakakatawa na lang kasi kapag naiisip ko na naranasan ko before 'yun, ang reason ay gawa ng pag-ibig o gawa lang ng isang tao? Isang tao na lagi kong iniisip, laging laman ng puso at utak ko, ganun talaga kasi love ko sya e, kaya lang naman ako nalulungkot before kasi kapag hindi ako napapansin ng love ko. Masakit naman talaga 'yun 'di ba? Gigising sa umaga, bago matulog sa gabi maaalala mo sya, pero hindi ka naman pinapahalagahan. Hanggang sa maranasan mo na ang mga bagay na ganyan. Pero ang lahat naman ay naglalaho, maging ang pagmamahal at pag-ibig. Syempre ang masarap ay kapag nakapag-move on na ako sa kanya. Nakakakain na at nakakatulog na ako ng maayos ngayon. With a vengeance na taas-noo kong sasabihin, na kapag nagmahal ako ulit ay 'yung hindi na kagaya nya, na may pusong bato! Haha. Sino ba naman ang magmamahal sa isang taong may pusong bato? Hindi ako tanaga! Kung dati tanga ako, ngayon hindi na. Talagang pinipili ko na ang taong gugustuhin ko. Hehehe..

Monday, June 4, 2012

KA-EXCITE! :DD

First Monday ng June, first day of School ng mga studyante, at syempre sa isang tulad ko, unang araw na naman ng linggo ko para pumasok sa opisina. Oo nga pala, Office boy na ako, toink. Dito pa din ako sa Cabuyao Office ng MCDC, wala pa kasing memo para mag-office na ako sa head office doon sa Alabang. Anyway, medyo nagiging exciting na ang trabaho, nagiging mas enjoy na ako sa work. May ATM na ako, haha, hindi na made-delay ang sweldo ko, ansaya. Na-e-excite din ako kasi may field project na naman kami, presentation na naman sa ibang lugar, kahit walang assurance kung makakasama ba ako, na-e-excite pa din ako. Sundan na lang natin ang mga susunod na kabanata. Toink. May bagong e-mail address na ulit ako, othanhinagpis@yahoo.com, ang magiging official na electonic mailing ko sa ngayon, or in the mean time. Basta ang office a-mail ko ay hindi pa activated, ang jmhinagpis@mcdc.ph. Na-e-excite ako, kasi ako na ang Scheduling Manager ng Church Organization ko, ang LCM. After 5 years kong member ng LCM, ngayon lang ako naging officer, at Scheduler pa ako. Alam ko challenge sa akin 'yun. Magpa-pray na lang ako kay God na tulungan nya ako sa paggagawa ng Schedule ng mga kasamahan ko. Katatapos lang ng Renewal namin kahapon, thankful ako kasi another year of service na naman ang binigay sa akin ni God para mapaglingkuran ko sya. Hanggang dito na lang muna, madami pa ako ikukuwento! Bukas na lang ulit, ha? Toink