Thursday, July 11, 2013

I would like to declare this day, eleventh (11th) day of July, as "My Personal Day of Mourning for a Baby Child".

Monday, June 24, 2013

"LORD, SALAMAT"

“Sa Pag-ibig ng mahihirap mo mararamdan ang tunay na pagmamahal”. Marahil tunay nga sa linyang binitiwan ni Richard Gomez kay Kris Aquino sa pelikulang “Ang Siga at ang Sosyal” noong 1992 (I’m not sure) na sa pag-ibig ng mahihirap mararamdaman ang tunay na pagmamahal. Sapagkat sa mga taong may simpleng pamumuhay, walang mahirap, walang mayaman, pantay-pantay ang lahat pagdating sa pag-ibig kaya ang pagmahahal nila ay puro, totoo at tunay.

Sana nga, tunay na nararamdaman ni Kris Aquino ang tunay na pagmamahal sa mga mahihirap. Sana nga, may tunay na pagmamahal na nararamdaman ang mga mayayamang pulitiko mula sa kanilang mga maralitang kababayan. At sana nga, maramdaman ng isang anak-mayaman ang tunay na pag-ibig ng isang dukha.

Kahapon ko pa nararamdaman ang tunay na kaligayahan, kahapon ay araw ng Linggo, June 23, 2013. Kaligayahan sa piling ng aking pamilya na may tunay na pagmamahal sa isa’t isa. Ang araw na yaon ay ika-isang taong kaarawan ng aking pinsan na may payak lamang na pamumuhay. Kaya’t ang naging salu-salo ng pamilya kahapon ay simple lamang, ordinaryong birthday party, hindi katulad ng mga birthday party ng mayayaman na minsan nang na-attend-an ko. Habang kami’y nagsasalu-salo, tinitignan ko ang bawat isa at ang sabi ko sa aking sarili, “Hindi man naging engrande ang birthday party, pero ang mahalaga ay naidaos ito na masaya at sama-sama ang buong pamilya, walang katumbas ang araw na ito.”

“Lord, patawad” pamagat ng bagong sumisikat na awitin ngayon ni Basilyo, nabanggit ni Father sa homily nya kahapon. Pero para sa akin, “Lord, SALAMAT”, salamat sa dalawang misa na kung saan binigyan mo ako ng pagkakataon na makapaglingkod sa’yo. Iba talaga ang pakiramdam kapag nasa loob ako ng tahanan ng Panginoon, magaan ang pakiramdam ko, walang problema na gumugulo sa isipan ko, bagkus punum-puno ng pag-asa at pag-ibig ang nararamdaman ko para sa Diyos at sa mga kasama ko. Tunay na kaligayahan ang nararamdaman ko sa tuwing tutungo ako sa Simbahan para magsimba, manalangin at maglingkod sa Kanya. Nawawala ang problema ko, kaya Lord, salamat.

Salamat sa lahat, salamat sa PAMILYA ko na bumubuhos ang pagmamahal sa akin. Salamat sa aking simpleng TRABAHO, na kahit hindi man ako kumikita ng limpak-limpak, at least ang sweldo ko ay nagmula sa pagsisikap at paghihirap ko. Lord salamat sa aking mga KAIBIGAN, na kahit hindi man kami magdiwang bukas (June 25, 2013) ng aming ika-10 anibersaryo bilang magto-tropa, lubos ang kaligayahan at pasasalamat namin sa sampung taon naming pagsasama sa pag-aaral, hanggang makapagtapos at magkatrabaho, kahit magkaroon ng sariling pamilya, hindi kami magkakalimutan at patuloy na magiging isang grupo ng magkakaibigan sa tunay na mundo hanggang ngayon. Lord, salamat sa aking ORGANISASYON, mga kasama ko sa simbahan, sa anim na taon at patuloy ko’ng paglilingkod Sa’Yo, na tumutulong sa akin para lalong mapalapit Sa’Yo. Lord, salamat sa mga INSPIRASYON ko sa buhay, kilala mo sila Lord, dahil lagi ko silang ipinapanalangin Sa’Yo, salamat dahil para sa kanila kaya ako nabubuhay ngayon, dahil sa aking mga inspirasyon nagpupursigi ako sa buhay, sila ang mga tuntungan ko para pitasin ang bunga sa puno ng kaginhawahan at kasaganahan ng buhay. Lord, salamat.

"Honestly, I believe in you
Do you trust in me?
Patiently, I will stand by you
I will stand beside you faithfully

And through the years
I will be a Friend
For always and forever."

Lyrics mula sa kantang “Honestly” by Stryper (1987), na ilang araw ko nang pauli-ulit na pinapakinggan hanggang sa mga oras na ito. Kanina habang naglalakad ako papunta sa office, sa bahagi ng Filinvest kung saan ako palang ang naglalakad (kasi maaga pa), sumigaw ako, “LOOOORD! SALAMAAAAT!” ang sarap sa pakiramdam, kahapon ko pa gusto isigaw ‘yan. Wala na sa’kin kung may makarinig man na ibang tao ng sigaw ko, kahit mapagkamalan pa ako na nasisiraan ng ulo, basta lubos ang pasasalamat ko sa Kanya. Ang sarap simulan ng araw na nagpapasalamat sa Kanya, gagaan ang pakiramdam at gaganahan magtrabaho. Na-e-excite ako, dahil sa mga susunod na araw, hindi lang ang office na ito ang papasukan ko dahil next month (July), mag-aaral ulit ako. Babalik ulit ako ng school, dahil binigyan ako ni Lord ng pagkakataon na makapag-aral ulit, kaya Lord, Thank You talaga. Paulit-ulit na pasasalamat, kagaya ng pasasalamat ni Alessandra de Rossi kagabi for winning “Best Supporting Actress” sa 36th Gawad Urian, “Salamat, Thank you, thank you talaga”, paulit-ulit na pasasalamat.

"Call on me and I'll be there for you
I'm a friend who always will be true.
And I love you can't you see, that I love you honestly.
I will never betray your trust in me.
And I love you can't you see, that I can say 'I love you' honestly."

-"Honestly" by Stryper (1987)

Sunday, May 5, 2013

WALA LANG :S (BUSIEST SUNDAY SO FAR)


May 05, 2013, Sixth Sunday of Easter - Kahit hatinggabi na ako nakauwi kagabi dahil nanood pa ako ng Caucus ni Mayora Nila sa Mabuhay City Clubhouse, maaga pa din ako gumising dahil sa aking tungkulin sa simbahan ngayong araw ng Linggo. Nagbibihis pa lang ako, nag-text na si Ate Julie kung nasaan na ako, sabi ko “Papunta na po..”

Bitbit si Laptop, nagtungo na ako ng simbahan, akala ko naka-set up na ang Voter’s Assistance Desk, hindi pa pala. Maya-maya ay dumating na si Brother Seminarista at nag-set up na kami. Dumagsa na din ang mga tao sa aming mesa para itanong ang kanilang mga precinct numbers para sa darating na Automated Election. Mas mabilis kung laptop ang gagamitin, dahil Cltr + F na lang ang gagawin, lumalabas na ang pangalan ng botante kasama ang other details. Sa tuwing matatapos ang misa saka lang dumadami ang tao sa Voter’s Assistance Desk.

Siguro before 10AM, dumating si “JD”, pumuwesto sya sa likod ko. Nakita nya ang laptop na gamit ko, nang makita nya na Windows8 ang gamit ko, sabi nya “Wow, ikaw na Windows8.” Smile. Sabi ko, “Syempre..” smile with kilig. Toink. Maya-maya, si “NJ” naman ang dumating, pero wala lang. Dumaan lang sya sa harapan ko, ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw at lingo hindi ko na sya pinapansin? Siguro para makalimutan ko na sya L

Before matapos an gaming shift sa umagang ito, nakita ni Brother na mas mabilis pala mag-search if sa COMELEC website magse-search, so ni-search nya ang name nya at mabilis naman lumabas ang Precinct Number nya at Voting area, taga-Nanhaya, Victoria, Laguna pala sya J

Umuwi na kami, nakita ko ang mga sacristan na papuntang Mabuhay, so sumunod ako kunwari at pupunta ng Puregold. Nang makita ko si NJ na nakasakay ng tricycle at umandar na, wala lang. Feeling ko lang napansin nya ako.

After lunch, namahinga ako at nakatulog ng ilang oras. Buti kahit dalawang oras nakapagpahinga ako, kasi mas magiging busy ako sa hapon. Naligo ulit ako, this afternoon pagbalik ko ng simbahan naka-uniform na ako, kasi may serve ako ng 5:30PM Mass. 4PM, nagset up na ulit ang Voter’s Assistance Desk, medyo madaming tao sa hapon dahil mas madami ang nagsisimba. Ngayon ang Paalay ng LCM, kaya after ng 4PM mass nag-alay na kami, busy talaga kami ngayon, halos hindi na naming mabuksan ni Ate Tricia ang candles, kaming dalawa ang nagbuhat. After nun, nakita ko si NJ nakasilip sa bintana, wala lang J.

After ng paalay, nag-serve na ako as Commentator. Maayos naman ang misa, maliwanag, medyo nagmamadali ako ng kaunti, nag-serve din si NJ, pero wala lang J.

After ng mass, naupo ako saglit sa Voter’s Assistance Desk, at umakyat na din kaagad sa 3rd Floor Convent para sa aming LCM Monthly meeting. Inasikaso ko ulit ang schedule, year of service nila, size ng T-shirt and other matters. Sabi ko nga, “Sumasakit na ang ulo ko.” Nasasabi ko lang ito kapag ako’y pagod na pagod na. Kumain kami ng pancit at cassava. After ng meeting namin, akala ko makakauwi na ako, may PPCRV meeting pa pala.

During the PPCRV meeting, t-in-ext ko si Mama kung may balita about sa sunog sa Purok 1, kasi may nakikita akong nagliliyab sa langit, pero wala lang pala ‘yun. In-announce na ang aming assignments sa darating na halalan. Poll watcher ako sa Cluster numbers 85 and 86 sa Mamatid Elementary School. Hinati kami sa tatlo, sa Mamatid, yung iba ay sa Baclaran at Gulod Elementary Schools. Parang mas gusto ko sana sa Headquarters kasama ang mga seminarista. Toink

Maraming umalma sa mga assignments nila, lalo na ‘yung napa-assign sa Baclaran (Ate Nora) at sa Gulod (Ate Nida) pati si Brother Lino na in-assigned as PPCRV Coordinator ng Gulod ay umalma at gustong makipagpalit. Nag-raise ako ng hand at tinanong ko kung ano ba ang task at mga Gawain ng isang coordinator. Ang coordinator ang hahawak ng mga PPCRV Volunteers sa isang Voting area, sya ang makikipag-coordinate sa Headquarters sa mga nangyayari during election, mag-momonitor din bawat precincts, mamamahala sa pagkain, etc. etc. Sa tingin ko naman ay kaya ko mag-Coordinator since ayaw talaga ni Bro. Lino tanggapin ang pagiging coordinator sa Gulod Elementary School. So sa pangungumbinsi nila, since taga-Gulod naman ako, at sanay ako sa lugar, madaming kakilala, sige, ako na ang naging PPCRV Coordinator ng Gulod Elementary School. “Ano ba ‘tong pinasok ko?” Tanong ko sa sarili ko, pero eto na eh, kakayanin ko, sa tulong ni God, for the sake of volunteerism, for the sake of the nation thru free and clean election.

This was the busiest Sunday so far, for this year. But I thank the LORD, kasi kahit anumang pagod ‘yan, masarap pa din sa pakiramdam dahil wala naman ako’ng pinaglilingkuran kundi sya J

Saturday, March 30, 2013

"ANG SALITA NG DIYOS" (NJ: MY NEW INSPIRATION)


Black Saturday – Wala akong magawa sa bahay, nanood lang ako ng TV, after lunch natulog ako, paggising ko ay dumeretso na ako kina Lola Mameng para ayusan ang karo ng “Risen Christ”, taun-taon ay LCM ang naka-assign para mag-ayos nito, sa Bahay at garahe nina Lola Mameng ang venue, kaya may pa-meryenda din sya taun-taon. Smile

Ang bilis ng oras, 9PM nag-ready na ako papuntang simbahan. Nandun na din lahat sila, nag-picture-an pa kami para masaya at remembrance na din.

Pinatay na ang lahat ng ilaw at nagsilabas na ang lahat para simulan ng ang pagdiriwang. Nakita ko na si “JD” sa quarter nila, nagmamadaling nagbibihis dahil na-late ata sya, pagdaan nya sa harap ko sabi ko “Andami mong pictures sa'kin” sabay smile, ang sabi nya naman “Tag-Tag din.” ngumiti na lang ako, 'yun ang pag-uusap ulit namin after so many years? Toink.

Si “NJ” nakita ko na din, nalulungkot ako, kasi hindi ko sya maka-usap, ano naman ang sasabihin ko saknya? Hindi ko kasi alam kung papaano ko sya ma-a-approach, baka hindi nya ako pansinin.

Nagpasukan na kami lahat sa loob, nag-start na ang inaabangan naming lahat, ang “Battle of the Voices” according to Kuya Alson (former President). Kasi lahat ng pitong Readers ay aawitin ang “Ang Salita ng Diyos” at aawit din syempre ang pitong Salmista, kaya nagingh battle of the voices, at syempre may ma-a-out, 'yun ay kung sinong lector/psalmist ang papalpak. Toink. Patay lahat ng ilaw, si Ate Telay ang first Reader, habang may sakristan na nakatabi sakanya at may hawak na flashlight. Pagkatapos nya, “Mali ang binasa ko.” 'yun kaagad ang bungad nya. Si Ate Onor ang first Psalmist, after ng First Stanza, bumaba na sya, bakit hindi nya tinapos? Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang dahilan. Ako ang pangatlong bumasa, mas okay sana kung si “JD” o “NJ” ang maghahawak ng flashlight na magbibigay liwanag sa Lectionary na babasahin ko, para mas maging maganda at maayos sana ang pagbasa ko at ang pag-awit ko ng “Ang Salita ng Diyos” pero anyway, okay naman ang lahat.

Na-feel ko ang kagandahan ng misa ng Easter Vigil, lalo na nung magbukas lahat ng ilaw at lumitaw na ang Hesukristong muling nabuhay. Happy Easter! Ang panalangin ko nalang ay ang lagi kong Panalangin sa Panginoon, alam na nya 'yun, at syempre para karagdagan sa panalangin ko, gusto ko ng marami pang Inspirasyon, na tutulong sa aking magsumikap sa buhay, pinapanalangin ko ito habang nakatingtin sa kanilang dalawa. Toink

After ng mass, Salubong na, sa may amin kaming mga boys kasi nandoon ang karo ng Risen Christ, at tignan mo nga naman, naandoon din ang mga inspirasyon ko, may nagtulak pa nga sa akin kay “NJ” eh, hindi ko alam kung sinasadya o ano?

Pagdating sa simbahan, napakagandang tagpo ang magsalubong ang mag-ina, ang Mahal na birheng Maria at ang Hesus na muling nabuhay.

Nagpakain na naman kami ng lugaw, inanyayahan namin ang lahat ng tao na kumain ng lugaw. LCM ang taun-taong naka-assign magpakain ng lugaw. Dumagsa lahat ng tao kaya join force kami lahat para mag-distrubute ng lugaw, ako ang taga-bigay ng Cup at Spoon. Humupa bigla ang tao, ng biglang nakita ko sa harap ko si “NJ” nakapila at kukuha ng lugaw, tumingin ako sakanya at tumingin din naman sya, siguro three seconds kami nagkatinginan sa mata at nagkangitian, iyon ang pinaka-nakakakilig na tatlong segundo sa buhay ko, promise! Grabe, nginitian nya ako, teka, alam nya na kaya na crush ko sya? Hmm.

Tinulungan ko magtago ng easter eggs sina Kuya Joel at Kuya Ronald, habang nagtatago kami ng mga itlog sa suluk-sulok, nakita ko ulit sya (“NJ”) pakalat-kalat, pagdaan nya sa harap ko, sabi ko “Gusto mo ng itlog?” ngumiti lang sya. Pagdaan ko naman kay “JD” aalukin ko sana sya ng itlog kaso nahiya ako. Sa may hagdan nakita ko ulit sila na nakaupo, habang may tinago akong itlog sa may tabi ng hagdan, nakita nila ako, tapos sabi ko kay “NJ” “oh sa'yo na lang” tapos umalis na ako. Pagbalik ko sa pwesto nila, nakita namin ni Ate Tes na pinag-aagawan nila ang mga itlog na tinago namin, sinaway sila ni Ate Tes, samantalang ako naman ay nasa likod at sinesenyasan ko sila, nag-ngitian nalang kami ni “NJ” at nag-ngitian nalang din kami ni Ate Tes. Tanong sa'kin ni “NJ”, “Kuya, anong oras ang egg-hunting?” Sabi ko “6AM at 4 PM”, at pinag-agawan na naman nila lahat ng mga itlog na nakita nila, sinaway naman sila ni “NJ”, sabi ko sakanya, “Si 'NJ' ang kulit....”, ngumiti lang sya at umalis na ako.

Haaaay, hindi naman pala sya akala ng iniisip ko na hindi nya ako papansinin, mukhang mabait naman syang bata. Sana magpatuloy ang ganoong encounter namin at maging close kami :))

Pagsakay namin ni Mama ng trike, nakita ko si “JD” pauwi na din, sabi ko “Ingat-Ingat din”, sabi naman nya “Uwi-Uwi din”. Natawa nalang ako.

Ansaya ng mga huling araw na nagdaan, nakaka-miss.. Ma-mi-miss ko talaga 'to :))

Friday, March 29, 2013

MABUHAY ANG HARI NG MGA JUDIO! (JON O'THANDY'S 4TH ANNIVERSARY)


Good Friday – Sa Gulod kami nag-lunch, nakaugalian na naming buong pamilya (Manangkil, mother side) ang magtanghalian ng sabay-sabay ang buong pamilya. Kumpleto naman ang magkakapatid, may ilang mga pinsan ko nga lang ang wala. Balatong at Pritong Galunggong ang ulam, bagamat bawal ang karne ngayon, with Fresh Watermelon, Singkamas with Alamang at Halo-Halo ang aming pinag-salu-saluhan, nakakalaki ng tiyan. Ang sabi nga ni Nanay, kahit anuman ang nakahaing pagkain, kaunti man o sobrang dami, basta't kumpleto ang lahat ay tunay na masaya.

Umuwi na din ako kaagad at nag-prepare para sa misa ng 3 PM, pagdating ko sa simbahan, kumpleto na kami, nag-pray over para maging successful ang gagawin naming Speech Choir tungkol sa Passion and Death of Our Lord. Hindi mawala ang kaba sa amin, pero alam namin na kaya namin ito magampanan lahat. Sa una ay parang napapailing at ngisi si Sister Susan, ang aming mentor, pero sa bandang huli ay bumabawi naman kami, gumaganda ang aming pagsasalaysay. Medyo pumalpak nga lang kami sa “Mabuhay ang Hari ng mga Judio!” pero maayos naman, pagdating sa “Ipako sa Krus!” nakakapanindig balahibo sa totoo lang. Natapos din, hindi ako masyadong bumilib sa aming sabayang pagbigkas, pero madami naman ang nag-komento na maayos naman, may ilan din daw ang naiyak.

Pagpapahalik na sa krus, ilang taon ko na ba ulit ito ginagawa? Ang magbiro na instead na sa krus humalik ay kung pwede sa sakristan na may hawak ng krus humalik? Toink. Malaking krus ang pinahahalik ngayon, at syempre hindi mawawala si (“JD”) sa mga may hawak ng krus. Naalala ko tuloy before nung bago ko palang sya naging crush, 2009 pa 'yun, Biyerne Santo din, kaya every Biyernes Santo at nagpapahalik ng krus ay naaalala ko ang pagka-crush ko sakanya, bata pa sya noon, at ngayon after 4 years ganoon pa din sya, walang pinagbago, crush ko pa din sya. Toink. At eto pa, may nadagdag? Actually, noon ko pa sya nakikita everytime na nagseserve ako, si “NJ” crush ko na din sya, and gagawin ko ulit Biyernes Santo ang date ng pagka-crush ko sakanya. Oh di ba. Toink, haay, bakit ba ako ganito?? Nalulungkot tuloy ako habang palihim ko sya, I mean, silang pinagmamasdan, kasi mamimiss ko ito, next year na ulit ito mangyayari.

After ng pagpapahalik sa krus, ay sinundan na ng prusisyon, sama-sama ulit kami, sa gitna ng karo ng Maria Magdalena at Birheng Dolorosa kami nakatanod, ambilis ng naging Prusisyon, ewan ko ba, ang bibilis maglakad ng mga tao. Maging sa pabalik, natatawa nalang ako dahil nananakbo kaming mga nasa dulo ng prusisyon, kasi naiiwan na kami, tawa ako ng tawa, kapag nakikita kong nananakbo ang mga tao sa harap ng karo ni Birhen Dolorosa ay pinapatakbo ko din ang mga tao sa uanahan at nagtatakbuhan kami lahat, naging jogging na tuloy ang prusisyon. Ito ang prusisyon na hindi ko naramdaman ang sakit ng paa ko at pagkainip, kasi maagang natapos.

Nakaka-miss tuloy, mami-miss ko ang mga gawaing ganito.

Thursday, March 28, 2013

"SHING-A-LING A-LING DING DONG"


Maundy Thursday – Nagulat ang lahat ng biglang bumulaga ako sa pinto ng van, “Ayan si Jonathan!” wika nila.

Muntik na akong maiwan, paalis na pala sila. We're on our way to San Pablo City! Yearly, um-a-attend kami ng Holy Chrism Mass sa San Pablo Cathedral with my co-LCM members, this year sixteen (16) lang kami na um-attend, Ate Tes, Ate Telay, Ate Cynthia, Ate Princes, Ate Nhormz, AteTricia, Ate Kat, Ate Irene, Kuya Mario, Ate Ana with her daughter, Ate Nerie with her sister, Ate Josie and the driver. Pasado 4AM na kami umalis ng Mamatid, sa Santo Tomas-Alaminos kami dumaan. Nag-drivethru pa nga kami sa Jollibee Turbina, nagutom kasi sila, breakfast daw.

Siguro quarter to six na kami nakarating ng Cathedral, as usual wala na kami maupuan kaya nakatayo na lang kami, nag-start na ang Holy Chrism Mass, nakita ko na ulit ang mga dating pari na nakilala ko at naglingkod sa Simbahan ng Mamatid, sina Father Tootsie, Father Rene, Father Cletus, Jason, Richard, Celso, ang mga kasalukuyan naming pari na sina Father Roy at Father Nani, at syempre ang namimiss na namin na former Parish Priest/Rector na si Father Seldon! - na hindi namin nalapitan at nakumusta dahil na-stock up kami sa halamanan. Toink.

Nakakalungkot lang, kasi one of the reasons kung bakit ako nag-attend ng Chrism Mass sa San Pablo ay kasi bibili ako ng Guide/Prayer Book for the Holy Week, kaso wala ako nakita sa Holy Face (Bookstore). Nakita din pala namin si Brother Jayson (na-assigned din sa Mamatid).

Our first stop for our Visita Iglesia was in St. John the Baptist Church, Liliw, Laguna. Walang kasing ganda at kasing luma pa din ng simbahan ng Liliw. Binisita na din namin si Sister Rory, taga-Mamatid, ang secretary ni Father Tootsie na naka-assign ngayon sa simbahang ito.

Syempre, kulang ang pagdayo sa Liliw kung hindi titingin at bibili ng mga Tsinelas, ang number one product na ipinagmamalaki ng Liliw, the “Tsinelas/Footwear Capital of the Philippines”.

St. Bartholomew the Apostle Parish, Nagcarlan, Laguna, second church. Nagcarlan, ang sinilangan ni Father Seldon. Namili na din kami ng mga pasalubong doon, Shing-aling ang sikat na produkto ng Nagcarlan, pati na ang espasol. Next is the Immaculate Conception Parish, Concepcion, San Pablo City is for our Ninth and Tenth Station. Next ay sa San Pablo Seminary, kung saan nag-aaral ang mga mag-paparing mga taga-Laguna.

Eleventh and Twelfth Station ay sa Holy Trinity Parish, Pansol, Calamba City, ang parokyang pinagmulan ng aming bagong Kura Paroko ngayon. Namili na din kami doon ng Buko Pie at Fresh Carabao Milk.

At syempre ang mga panghuling Station ay sa Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer, Mamatid, Cabuyao City, ang pinakamamahal naming Simbahan.

At eight o'clock in the evening, bumalik kami ng simbahan for our vigil and practice na din for tomorrow.